Lumaktaw sa pangunahing content

...bidaman...

...bago ko simulan ang entry na ito...akin munang pasasalamatan si Vanvan ng Vanvanny bilang sponsor ng post na ito...dahil sa ideyang ito...si SuperGulaman ay medyo magmamayabang ng dalawapu't limang bagay ukol sa kanya...at dahil dito panandalian muna syang magiging si "Bidaman", ang mayabang na GulaMan!...

...ang pagpapakilala:...

1. siga ako...kahit pulis, sundalo, NPA, Magdalo o abu sayaf pa yan, inde ko yan uurungan...wala akong kinakatakutan.... maliban kay Grasya...ahahaha!

2. isa akong rehistradong guro... pero hindi ako nagtuturo..
...hindi ako agad nag-exam sa PRC pagkagraduate ko...pulubi wala akong pera pang-exam...nagpalipas muna ako ng isang taon hanggang maka-ipon..walang review, matagal na nabakante...pero nakapasa ako... swerte lang siguro o dahil nagsimba ako sa Quiapo bago mag-exam...

3. isa akong writer-researcher/statistician/math consultant/thesis consultant/math tutor/blogger/animewebsite owner....

4. isa akong chess grand master (self proclaimed...ahehehe)..

5. naniwala ako na ang lahat ng tanong sa mundo ay may kasagutan... pero maaring mali o tama lang ito....
noong nag-aaral pa ako, mahilig akong sumagot sa mahihirap na tanong...kahit mali ayuz lang...may katapat naman na grade ang "effort"...

6. masama akong teacher
...nagpraktis teaching ako sa PUP...mga accounting student ang unang course na hinawakan ko.... square root lang ng bilang nila ang pumasa...kung 49 sila....7 lang ang pumasa... kaya karamihan nag-shift na ng course... ewan ko lang kung pinakulam nila ako...

....hindi ako gumagawa ng lesson plan, masarap magturo ng impromptu...chalk at eraser lang solve na ako...

...tamad din akong magcheck ng test paper, lalo na kung alam kong nagkopyahan lang, tatapon ko iyon sa basurahan...pero pare-pareho sila ng grade...2.75 at least hindi 3.0...

...lahat ng mga estudyante ko sa algebra na ang course ay BPE ay pumasa, madami kasing chicks na boplaks...sayang naman kung ibabagsak ko pa....(*biased*)

...natuwa ang critique teacher ko ng makita nya akong magturo, sobrang lively daw...hindi nya alam sya ang topic namin...ahahaha!

7. at dahil miyembro ako ng PUP Integrated Math Quizzers sumali ako sa isang quiz bee sa UP Diliman noong college ako, elimination pa lang...eliminated na... takte! tagalog ang math tapos correct minus wrong pa...

..sumali din ako sa isang quiz bee sa loob ng PUP, kasama ang isang klasmeyt ko kampi kami...pero hindi math-related ang quiz, pychology ata yun...4th place kami out of 15 competitors...ahahaha!

8. tamad akong magsulat noong estudyante ako...si Gelene ng Honie's Confession na kaklase ko simula 1st college kami at ka-officemate ko hanggang ngayon ang siyang tagasulat ko sa notebook...siya din ang taga-gawa ng reviewer sa mga minor subject... ako ang bahala sa mga math assignments...

9. allergic ako sa grammar...Tagalog man o English...pulpol ako dyan..

10. Isa akong congressional district scholar...hinangad ko din na pumasok sa Asian Ladies Scholarship...pero bumagsak ako sa psychology exam... :D

11. mahilig ako sa TV...pero mga cartoons at anime ang favorite ko...simula kay Bugs Bunny, woody wood pecker, road runner, tazmania hanggang sa mga japanese anime... zenki, b't x, samurai x, naruto, bleach, evangelion, saber marrionette, lupin, vash at madami pang iba...hindi ko din pinaligtas ang bioman, ultraman, maskman, voltes V, daimos, shaider, power ranger at si Mask Rider Black...madami pa eh, hindi ko na ma-enumerate...

12. naglalaro din ako ng online games...MU philippines ang kinaadikan ko...dalawang character ko dito ay 300+ ang level.. isang blade knight (blade31) at darklord (shinobi)...naglaro din ako sa isang private server, MU Rhidge...madami akong characters dito pero isang blade knight ang pinakamalakas..blade31 din ang pangalan level 400 at 100+ ang reset...bukod sa mga iyan, naglaro din ako ng Cabal, Gunz, Prinstontale, Rakion, Gunbound, GoPets...pero hindi ng Ragnarok, Flyff at Tantra...

13. hindi ako marunong gumamit ng computer hanggang makagraduate ako ng College...booting lang ang alam ko... isa lang ang computer subject namin nun college...introduction to info tech pa...tapos pang wordstar pa ang tinuturo...2003 na ang taong yun..

14. marunong akong gumamit ng SPSS...kung anu man yon...wag nyo ng isipin..

15. antukin ako...9:00 pm pa lng matutulog na ako...pero maaga ako magising 4:00am gising na ako..

16. mabait akong kapatid... ako nagpapaaral sa isa kong kapatid na nasa college...

17. hindi ako mahilig sa mamahaling damit... sa Bench solve na ako... halos lahat ng gamit ko galing Bench...

18. walang koneksyon ang nickname na bhoyet sa totoo kong pangalan...

19. 26 years old na ako...taga-Quezon City, nasa Metro Manila pero hindi pa ako nakakapunta ng Manila Zoo...

20. mas gusto ko tumambay sa bahay kaysa gumala...

21. kaya kong makipagtitigan sa pader ng isang oras....syempre may kurapan...

22. nabwibwisit ako sa mga nanigarilyo sa tabi ko...lugi kasi ako...sila naliligayahan ako mamatay sa usok nila...hindi ako nanigarilyo...

23. hindi ako umiinom ng alak...pagkain pwede pa...

24. nagsisimba ako tuwing linggo mag-isa... yun ang bilin ng Grasya...

25. pagsinabi ko...ginagawa ko... :)

ayan po ang dalawanpu't limang bagay na tungkol sa ating bida...kung trip mong gumaya...kuha lang mga katropa...

pero sana wala na pong math problem ha?...kalimutan na po muna natin sya... :)




Mga Komento

  1. superjelly- guro ka pla! hehehehe... na mahilig sa anime... tc

    TumugonBurahin
  2. ang daming word na MATH! sumasakit ang bangs ko..

    - mabait pala.. pwede din ba kitang kapatidin? gusto ko ulet mag-aral eh ahihihihi
    - ako rin di pa nakakapunta sa manila zoo... taga cavite ako eh..
    - ayw kitang maging teacher.. madalas akong mangopya eh hahaha
    - san naman nanggaling ang boyet?
    - Si Grasya ang BATAS! nyahahahaha

    TumugonBurahin
  3. @Dangel
    nyaks...superjelly...aheks...pd n din kaysa Super Seaweed...ahehehe... guro nga inde nmn pinapraktis...ahehehe.. :)

    @~yAnaH~
    nyaks...oks lng yan wla nmn computations...aheks...

    ahehehe...ako din gusto ko mag-aral...MS kaso kualng pera...ahahaha...

    ok lng mangopya sa klase..ahehehe..wag lng papahuli..
    yan din ang tanong ko sa nanay ko, inde daw din nila alam...

    uu nga...inde pwede pumalag, pag utos ng Grasya un ang masusunod.. :D

    TumugonBurahin
  4. Gulaman! Agree ako sa #5!

    Kamusta kay Grasya :D

    TumugonBurahin
  5. ang lakas talaga ng powers ni Grasya, mas malakas pa kay SuperG. sige sige. mula ngayon xia na si WonderG. ahehe.

    nosebleed nanaman ako sa trabaho mo. ahahay.

    tama nga sabi nila. yung mga taga-manila di nakakapunta sa manila zoo, pero kami na hindi, oo na. ang weird naman ata. ahaha.

    xiempre, agree ako sa 22 at 23. government warning: smoking and drinking are bad for your health.

    wehee. masaya magbasa facts ng iba. naaliw ako. ahehe.

    TumugonBurahin
  6. Prof na supergulaman pa.

    Sana ikaw nalang naging teacher namin noon, eh pambihira nangongopya na nga lang ipapa-spell pa! naktokwa.

    Uy, tama yan, walang bisyo. Good boy.

    Kung siga ka eh pan pa si Grasya?
    Grab ko nga 'to one time... Paalala mo na lang..;D

    TumugonBurahin
  7. Talo nito ang nasa Blogger profile mo 'Yet. o",) Talagang unti-unti mong ipinapakilala ang sarili mo, ah.

    [Tama na muna 'to. Palaging mahaba ang comment ko rito, eh. (,"o Hahaha!]

    TumugonBurahin
  8. asteeeg ang SuperHero ng bayan ahhhh...
    taena, ang lupit mo palang teacher.. siguro kung naging istuyante mo ako pinakulam talaga kita.hehehe

    TumugonBurahin
  9. Super ka talaga superG!

    Mga katulad mong prof ang hindi ko ina absenan...

    Ayoko kasi ng 3. Hehehe! =)

    Walang alak, yosi, tambay lang sa bahay...Napaisip lang ako, paano ka kaya mag party?

    Ingats!

    TumugonBurahin
  10. Idol G! Iba ka talaga lahat ata di mo uurungan! Maliban kay Grasya... Hahaha..Patay tayo dyan..
    ..Yan si idol G!! Wohoo..

    TumugonBurahin
  11. Eh kung Grasya ba naman talaga eh, nakaluhod pa akong susunod lolzzz...

    TumugonBurahin
  12. @Elyong
    ahehehe...inde naman...mabait yun sa mabait... pero syempre lagi ako nya ako pinoprotektahan (*parang baliktad)...ahhehehe..

    @Kristina, Kris, Tina, Tinay, Nang2
    uyyy kamusta...ahehehe...basta may effort may katapat na reward.. :)

    @jhosel
    ahehehe...uu nga nu...pwede character yun... parang gusto ko gumawa ng kwento jan ah... "The Adventures and Misadventures of SuperG and WonderG".. ahehehe...

    ahehehe...mahirap kasi pagnakasanayan na yun... kawawa ang kalusugan.. :)

    @Dylan Dimaubusan
    nyaks...masaya akong magturo sa masaya, meron kang matutuhan kahit onti pero may mga bad habits talaga ako...ahehehe...

    aheks... mahina ako sa alak, amoy pa lang hilo na ako, yosi naman, inde din ako sanay sa amoy...

    ahehehe...mabait ang grasya...sobra...:)

    @RJ
    ahehehe..uu nga blanko lang ang information ko jan...aheks... kasi sila eh...nag-tag...ahehehe...

    oks lng ang mga comment na mahaba...gusto ko un...aheks.. ;)

    @BOGCESS
    ako din may alam jan...cge dalawin ka namin minsan...

    @kosa
    ahehehe...depende kasi yun sa course...related sa math ang course mataas ang expectations ko...kaya medyo mahirap...pero kung kung hindi related sa math ayan mejo mabait ako jan...pero mas mataas ang chance mo na papasa ka kung mas marami kang classmate na chix.. .:D

    @ORACLE
    uu pumasok ka lang sa kalse ko, papasa ka na...ahahaha...

    ahehehe...tama ka dyan...kaya nga bihira ako umaatend sa mga parties...pagkakain, sibat na agad.. :)

    @hidden
    uu pag yun ang nagalit..tiklop na ang SuperGulaman...ahahaha...pero mabait yun...:)

    @Lord CM
    ahehehe...syempre, takot ku lang dun... :D

    --------------------------------
    takte! nasira PC ko sa bahay...sa ofiz ako naun..paayos ko yun mamaya...salamat sa pagbista...dalawin ko kayo mamya pag ayos na ang PC ko...sa mga mag-kocomment, cge lang po, basahin ko yan mamaya...salamat...
    -----------------------------------

    TumugonBurahin
  13. ang dami nating similarities super g!!!!


    mwaahhhuuugggggzzzzz.....


    hahahaha....


    later na ako comment ng super bongga..kinda busy eh...



    *vanvan

    TumugonBurahin
  14. ser, ako rin i don't smoke kaya kapag may nakatabi akong naninigarilyo sa jeep, gusto kong sipain para malaglag na!

    gudboy ka pala supergulaman! idol na kita.

    TumugonBurahin
  15. isa akong writer-researcher/statistician/math consultant/thesis consultant/math tutor/blogger/animewebsite owner....

    ---> Idol kita!!!

    TumugonBurahin
  16. ..KAPAG SINASABI KO, GINAGAWA KO..

    OWWWSSSSS....

    PERO INUUNA PA RIN ANG MISCHIEVOUS PRINCESS..

    HMMPFFF...


    BLEEEHHH

    TumugonBurahin
  17. @eli
    aheks..minsan kailangan din daw ng mabuting tao sa mundo...

    ...ok lng din naman ang mag-yosi pero wag naman akong pausukan na parang manok na pansabong...:D

    @MarcoPaolo
    need ko yan eh...kailangan para mabuhay..aheks..:)

    @vanvan
    weeee...makulit un palabas na un eh...lalo na si jing-er/little lobster...bwahehehe... kulit...

    pero ginawa ko naman diba..:D

    TumugonBurahin
  18. sana naging teacher kita nun...masipag akong mag aral pag masama ang teacher.hehe

    TumugonBurahin
  19. ndi ka umiinom ng alak...pagkain pde pa?EMG ibg mong sabihin umiinom ka ng pagkain?anu sabi ng esphagus mo seo?ahehe piz!

    buti ka pa nakagawa na ako gang neon nagsusulat pa...

    TumugonBurahin
  20. @ABREL
    ahehehe... uu nga..kaso mas marami akong kwento kaysa yung subject na mismo ang ituturo...ahehehe... :)

    @azul
    weeeee...aheks... sabi sau eh mahina ako sa grammar...ahahaha...

    basta yun na yun nagets mo naman eh...ahahaha... cge gawa ka na...:P

    TumugonBurahin
  21. naman! lalong nadaragdagan ang paghanga ko syo ah [haba-ilong]... hehe!

    pero tlaga lang ha? magaling na sa algebra, prof pa. at eto pa, talentado din! san ka pa grasya?! ahehe! never ko pang na-try mag-chess mag-isa.... chinese garter pede pa :)

    taga-peyups din ako. di kya naging prof kita sa algebra dati? hmm, malamang hindi... nice nito. try ko one time... baka sakaling may magbasa. hahaha!

    TumugonBurahin
  22. ahehe. sige. gawa ka ng kwento nio ni wonderG. aabangan ko yun. ahehe..

    gusto mo ang mischievous princess?? ahehe. malapit ko na yung matapos. chap 27/33 na ako. ahehe. ang cute ni jing-er. wahaha!

    TumugonBurahin
  23. pasingit po?

    SPSS? - Statistical Package for the Social Science
    waaa ako rin laking metro manila pero di pa rin nakakapuntang manila zoo. hehe

    TumugonBurahin
  24. daan ;p

    ay, statistician ka, pa-validate naman ng questionnaire. pwede nakapikit ka nalang, pirma lang kelangan. haha

    TumugonBurahin
  25. wow! gulaman ngayon co lang nalaman na isa ka palang guro. . akala co isa ka lang henyo sa math at isang genius na walang mapaglagyan ng talino. . lol. .

    ayos ung #1. . sige pumunta ka sa kuta ng mga abu sayaf. . lol

    hindi na co hihirit ng mahaba. . dami ng hirit dito:P

    TumugonBurahin
  26. ang sweet ng mga tao ngayon ah. anu bang meron ngayon? hayz

    teka, umuwi na ba si Grasya mo?..

    wuuuuuuuuuy... (hihihi)

    TumugonBurahin
  27. ------------------------------
    weeeepeeee...sa wakas maayos na din ang aking computer...whew!.. Happy Valentines to all!
    ------------------------------------
    @enjoy
    ahehehe..uu nga malamang...pero nakapasa ka naman eh... :)

    @jhosel
    uu cge pagmay naisip na ako... maganda yung palabas na yun...eheks...

    @chrix
    nakuha mo...ahahaha..aheks...pareho tayo..apir!.. :)

    @tsariba
    syempre inde pd..kailangan pa ng validity at reliability test nyan...eheks... :)

    @paperdoll
    nyaks guro lang ako sa pangalan at lisensya pero inde ako talaga nagtuturo...aheks,mahirap magturo..nakakapagod.. :)

    @kuting
    hello kuting...aw! aw! aw!...ahahaha!

    @Dylan Dimaubusan
    wenks inde pa nga eh...haaysss.. :)

    TumugonBurahin
  28. hindi kaya magkalaban tayo sa math contest na binanggit mo? ha ha ha.. sa pagkakatanda ko, sumali rin ako sa math contest, d ko lang matandaan kung UP or UST un, right minus wrong din, wahahaha.. pero ndi naman kami na-eliminate kaagad :P

    TumugonBurahin
  29. @minnie_madz
    aheks...inde ko alam.....pero sa UP yun, wla kami nasalihan sa UST...dalawa lng yun inter-school math contest na nasalihan ko...yun isa sa Mapua...kaso alternate lng naman ako dun sa Mapua... masyadong madaming super saiyans dun eh... :D..aheks.. :)

    TumugonBurahin
  30. @kalyo galera
    wenks...what wizard? walang wizard...aheks.. :D

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu

..regalo...

Paalala: ooooppssss...bago po tayo magbasa, paki-play muna ang youtube video sa gilid, para may background tayong musika... ...kanina pa ako nakaharap sa monitor ng computer ko...nag-iisip kung ano ang maaari kong maibahagi sa inyo...gusto kong sanang ikwento ang pakikipaglaban ng mga espesyal na numero na nasa utak ko, ito ang mga numerong itinago sa kaaramihan ng tao, mga numerong pinalayas sa mundo at siniksik sa maliliit na espasyo...ngunit tila ba hindi ito angkop sa panahon na ngayon, hindi matalo ng utak ang bugso ng damdamin ko...tila ba umaayon ito sa araw ng mga puso...hindi ko alam baka sa ibang araw ko na lang sila maipagsigawan...ang sabi ng puso ko...ito ang i-blog mo... ang themesong nang buhay mo...ha? themesong...wala ako nun...kahit kami ni Grasya walang themesong eh... hindi ito bola...hindi stir...limang taon na kami pero themesong wala kami...mahilig ako sa musika...rnb, pop, love songs, blue songs, alternative, rap, rock, emo, country songs, noise ...o kahit ano..

Bawal Basahin ang Nakasulat Dito

"Bugtong-bugtong. Hindi tao, hindi hayop, wala ka nito, wala din ako, wala ang bawat Pilipino, ano ito?" Sagot: Disiplina Ano nga ba ang disiplina? O mas maganda tanungin natin ang mga Pilipino.  Pero kahit anong hagilap nito, hindi ito makikita dahil wala ito sa bokabularyo ng Pilipino.  Aminin man natin o hindi, isa tayo sa madaming lahi sa buong mundo na wala nito. Kung sa ranking na 1-10 at 10 ang pinakamataas, malamang sa malamang ay 10.5 tayo sa kawalan ng disiplina.  Hindi ko naman sinasabi na lahat ng Pilipino ay ganito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi.  Maraming problema sa Pilipinas tulad ng basura sa estero, ilog at dagat, traffic sa lansanggan, mga taong walang trabaho, mabagal na proseso sa mga opisina pampubliko man o pribado, droga, korapsyon, prostitusyon, tsimosa sa kalye o social media, teenage pregnancy, squatter sa mga kalunsuran, sugal, babaero na hindi naman gwapo, mga siga sa kalye, rapist, lasenggero, holdaper, mamatay t