[oooopppsss...wag mo po munang pindutin ang back button o ang eks button...basa po muna tayo...wag pong mag-alala ang susunod na aking ibabahagi ay hindi nakakapagpadugo ng ilong...enjoy.. ^_^]
....sa basketball court....
[Xiantao: yet,di ba may alam ka sa thesis?.. tulungan mo naman ako....
Ako: Oo ba...walang problema...anu ba title ng thesis mo?
Xiantao: Wala pa nga eh, ei yung sa iyo ano ba ang title ng thesis mo?
Ako: ei hindi yun makakatulong sa pag-iisip ng title mo kung sasabihin ko man yung title ng thesis ko...
Xiantao: ano ba kasi yun?
Ako: (*peste ito at talagang pinilit ako*) ang kulit... "Characterization of Non-associative Finite Invertible Loops of Order 7 with 5 and 7 Self-inverse Elements"
Xiantao: ha? (*tulala na parang nabigla*)... ano ba ang course mo?
Ako: BS Mathematics...
Xiantao: Wow! kaya naman pala eh... eh di ang galing mo pala sa numbers?
Ako: bobo ako sa numbers, mahina ako sa arithmetic...
Xiantao:?????
(*napakunot noo na lang sya at napakamot sa ulo...nag-iisip na baka ginu-gudtym ko lng sya)]
...pero sa totoo lang, mahina talaga ako sa numero... kung magaling ako sa numero, hindi BSMath ang kursong kukunin ko, siguro mag-aacounting na lang ako... minsan naiinis na din ako sa mga tao, lagi na lang nila ako pinagkakamalang weirdo...inaakala na close kami ng mga numbers na yan...inaakala na sa isang tingin ko lang kaya ko ng mag-compute na parang scientific calculator... pero hindi...tao kaya ako... tulad nyo mahina din sa numero...
..noong 1st year high school ako, tinanong ako ng math teacher namin..."what is number?", sabi niya... "mam, wala po", sabi ko... "anong wala, ang number ay wala?"...galit na siya nun...inde ko din talaga alam ang sasabihin ko pero para sa akin "wala" lang ang isang numero...dahil nga sa hindi ko nasagot ang tanong nya...lagi na lang niya akong pinapatayo sa klase, pinaglihian pa yata ako....at pagkatapos nun, ang final grade ko sa kanya ay tumataginting na 78...takte na yan!..ito ang nag-iisang line of 7 na grade ko noon high school at elementary...
..bakit nga ba ako mahina sa numero?...hindi kasi kami close, hindi din ako familiar... sa totoo lang, nakapagtapos ako ng high school na hindi kabisado ang multiplication table...at ngayon graduate na ako sa kolehiyo, hirap pa din ako sa tables of 6, 7 at 8... pero masasabi ko din na marunong ako Math...weird no?
...ang math ay hindi lahat tungkol sa numero at gamit nito...maraming pang mga ibang disiplina na nakapaloob dito...ang iba sa atin ay ayaw talaga ng math..."takte! bakit pa nauso ang math?, kung bibili ka ba sa tindahan sasabihin mo ba na..pabili nga ng logarithm of xy na bigas, samahan mo na din ng derivative of y raise to five na kilo ng baboy, ...tapos sasagot ang tindera ng....o ito ang sukli, di-nefferentiate ko na yan at ini-lowest term"...kung ganito ang mundo sigurado ayaw na nating mabuhay...pero mahalaga talaga ang math...dito kasi tayo lahat nagmula...pinaliwanag ko na ito sa aking nakaraang entry na tao tao saan ka gawa?...pinaliwanag na hindi totoo ang theory ni Charles Darwin na ang tao ay hindi nagmula sa unggoy o garapata...
...katulad ng mga sikat na sina Thales, Pythagoras, Euclid, Newton at Einsten...naniniwala din ako na lahat ng bagay buong Universe ay maaring ipaliwanag sa pamamagitan ng Matematika...
...balik tayo sa usapang numero...dito kasi ako mahina... balik din tayo sa tanong dati ng teacher ko..."What is number?"... ginagamit ito sa pagtaya sa lotto...at pagtama ang napili mo..yayaman ka... pero bakit hindi ko sya makabisado...mahirap hindi ba?...tapos meron pang iba't ibang operations...naging komplikado na... para kasi sa akin ang numero ay parang tao, isang ideya, may sariling pangalan, may sariling pakakakilanlan... kung ang tao nga ay may iba't ibang pangalan, may iba't ibang itsura na tulad ng numero, makakabisado mo kaya silang lahat?
...ang numero ay isang ideya na inirerepresenta ng mga numerals....hindi ito nakikita tulad ng mga ideyang laman ng iyong utak...katulad ng mga letra na bumubuo ng mga salita na nagbibigay kahulugan...pero hindi tulad ng mga titik sa alpabetong pilipino na 28 lang sila, 26 sa English, sabihin na nating 30 ang letra sa German, at 20 sa irish... mas malawak pa din ang sakop ng mga numero, wala itong katapusan, infinite tulad ng kalawakan...wala din itong simula o wakas.... matanong nga kita? alam mo ba ang value ng pinakamataas na number?... wala akong maisip dahil sa twing may maiisip ako, magdadag lang ako ng 1 ay mas mataas na ito... at bukod pa sa mga iyan, katulad nating mga tao na maraming uri ng mundo ...ganun din ang numero, meron itong real at imaginary world at iba pang mundo... at ngayon masisisi nyo ba ako kung bakit sinasabi kong mahina ako sa numero?
isa pong riddle para sa lahat na related sa numero at araw ng puso:
"I am first before fifty Romans, nothing left except five Romans, inverse three and you will be the last."
(hint 1: ang Romans po na tinutukoy ko dyan ay roman numerals e.g. I, II, III, IV, V, X, L, C, D)
(hint 2: ang riddle na yan ay effective gawin para sa mga nanliligaw at swak din pra sa may mga date ngayong araw ng mga puso..)
wala namang personalan lolzz..hina rin ako sa numero kaya hintay na lang ako ng sagot ng iba :D
TumugonBurahinAko hindi ko gusto ang Math pero kahit saan man ako kailangan ko pa rin ito. Araw-araw bawat segundo ay may Mathematics pero depende naman ito sa tama at naayong paggamit. Gusto ko sanang mag-react du'n sa logarithm at xy sa pagbili ng bigas at karne ng baboy pero huwag na muna. Kasi baka isipin kumukontra ako. Sa bagay kokontra man ako o hindi si Supergulaman pa rin ang mananatiling bida rito!
TumugonBurahinNagpapakita ng katalinuhan ng isang superhero ng masa ang lathalaing ito! Saludo ako sa iyo, Supergulaman! o",)
Mahal ko ang math. Ewan ko ba... Cguro dahil it makes ceratin things more tangible in a way, however big or small it is...
TumugonBurahinEh kung kunin natin ang opposite?
What if walang numbers?... Mas mahirap ata yun....
I agree with your message.... (Riddle).. =)
@Lord CM
TumugonBurahinahehehe..uu nga...sana may sumagot... :)
@RJ
aheks...ayuz lng mag-react dun sa sa logarithm at xy sa pagbili ng bigas at karne ng baboy... inde ako kokontra..promis...aheks..
wenks salamat...hindi po ako ganun katalino...minsan kasi kahit ako nalulula na din sa tingin ng tao sa akin...simpleng tao lang po ako...
@ORACLE
very good...gusto ko din ng math, pero mahina lang ako sa numero...
pero sana hindi porke math major, hustler na sa number...
tama din na mahirap nga pagwalang numbers... bahagi kasi iyon ng mga ideya.. :)
idol g! naku?! math.... waaaahhh. gusto kong mabaliw...... kaya naman naging idol kita kasi ang galing mo sa math... kahit na walang hilig ang numero sakin... go lang idol g!
TumugonBurahinasteeeeeg!
TumugonBurahinako mahina din sa numero..
pero kahit papaano nman kilala ko nman si juan..too..tree at madami pa..
nagka-interes tuloy ako sa numero...
isa kang pa-humble na sobrang talino pareko..ayaw mo lang umamin..
sabi nga dun sa kasabihan:
Ang ilog na tahimik; mamalim kapag sinisid
nacucurious ako dun sa riddle
TumugonBurahinhay. di talaga kami close ng numbers. buti na lang kahit papano, napasahan ko naman ang math subjects ko.
TumugonBurahinpero yea. importante talaga ang math. di ko din madescribe ang mundo kung walang math. kaya kahit mahirap, natutunan din.
tsk! scholarly ang post na ito ah. bow down ako sayo superG!
aww. yung riddle.. ibang riddle nalang o. yung walang numbers. mas okey ako dun e. ahaha.
TumugonBurahinat talagang inisip ko yung sagot sa riddle huh...hehe baka pag cnabi ko sa siopauQ yung riddle ee mabaliw un.hehe
TumugonBurahinako okei lang sa math though iniisip ko pa din kung panu naging numbers ang mga letters...hehe saka wag lang may fractions saka yung log,sin,co sin na ganyan naku...yung geometry class ko dati tinutulugan ko lang.hakhak...
ngaps, halavzhue(riddle)
di pa talaga sinabi ni azul na ILOVEU anu?
TumugonBurahinmgkasama kming sinagutan yan.at nagpasama talaga ako sa credit.hehe. la lang
ayaw lang niyang sbihin ksi bka malaman ng bf nia na nag iloveu sia sa iba
add po kita sa blogroll ko
nag-skimming lang ako superG pero nung mabasa ko agad yung mga terms na "bs math, finite chuvaness, logarithm of batman, etc..." di ko na tinuloy. dumudugo na utak ko eh, muntik ng mauwi sa hemorrhage. hahaha!
TumugonBurahin@hidden
TumugonBurahinwenks....malay mo close kayo ng mga numbers na yan...:)
@kosa
ahehehe..pareho tayo...pero kilala mo din ba si for, payb at sex este six pla..aheks...
wenks...pa-humble...nyaks...totoo un...pero salamat... :)
@tsariba
ahehehe...maganda ang sagot dyan... :)
@jhosel
ahehehe...salamat..scholarly pa ang gusto..eheks..share lng aku ng nalalaman ku... :)
@azul
ahehehe...oks lng yun...pero wag sna ma-intimidate...babae ka pa naman... :)
galing mu tama ang sagot...uyy, ayaw abusuhin ang salitang na "I LOVE U"... :)...pero tama yan... ;)
@ABREL
aheks...cge kasama ka sa credit...aheks....cge add mu ako...salamat add din kita...
@enjoy
nyaks....wag kang mag-alala inde namn ito nose bleed... :)...
ito na po ang sagot sa riddle:
I am first = I
before fifty Romans, = L
nothing left= 0
except five Romans, = V
inverse three = E
and you will be the last = U
@
haha. ako ayako tlga ng mAth! simula grade school! hanggang nagyun! i despise math! haha.
TumugonBurahinang galing nasagot nya oh!haha.
sabi ko na I LOVE YOU yan e.
TumugonBurahinsure ako dun sa I LOVE (syempre alam ko din na kasunod niyan malamang YOU, hehe, kaya lang parang math din yan, hindi ko mapalabas, trial en error, hehe) kaya lang yung U hindi ko alam pano naging ganon. ;p ;p ;p
@jeszieBoy
TumugonBurahinahehehe...pero matutunan din natin yan mahalin...eheks.. :)
@tsariba
eheks....uu pero u talaga yun...kasi sabi "at U ang nasa huli"...di ba sa last nga naman ang U sa "I LOVE U"... :D ...pero kung YOU or U man yan..accepted na...nakuha mo din...eheks...:D
sabi ko na e. you/U talaga. akala ko kasi komplikada gaya ng math. ;p
TumugonBurahinsabi ko na eh!!! lolzz
TumugonBurahinsayang naman. ang supergulaman ng mundo eh mahina s math?
TumugonBurahinnaks. ang mahina dun ung prof mo. haha. mali computed s grade mo kung aq teacher mo bka 98 k p sa akin.
pambihira kaya sagot mo! wala!! wow.. what a genius idea. hehe
super g! bs accountancy ako pero boobita ako sa math..
TumugonBurahineh plas,maynus,debayd,tayms lang nman yan eh..
BS math ka pala parekoy..siguro dati ayaw mo sa numero pero ngayon halatang magaling ka na jan...astig ka parekoy!..
TumugonBurahinpaki solve naman neto...
Sa bus:
5 pesos-pamasahe ng matatanda
1 peso-sa binata
singko sentimo-sa mga bata
ang buong kita na ng Konduktor ng bus sa araw na yon ay 100 pesos at ang sumakay naman n pasahero ay 100 din..
sa mga sumakay na pasahero,Ilan ang matanda?Binata?at bata?
nyahahahaha...aantayin ko sagot mo Dude...lolz...
napadaan po...
TumugonBurahinbiology major po ako..
jahaha
nosebleed ako sa number
@tsariba
TumugonBurahinaheks...pinahirapan mo pa kasi.. ;)
@Lord CM
ahehehe...uu nga sabi mo nga...ahahaha!
@kikilabotz
aheks..inde naman ako mahina sa MATH...sa NUMBER lang ako mahina...
@vanvan
weee...ikaw pla ang malufeet eh.. :)
@PAJAY
ahhh..sa basic algebra po ito...hindi ko na po i-explain kung pano ko nakuha...
pero kung sa simpleng sagot...sasabihin ko na walang sumakay na matanda, walang sumakay na bata...pero 100 ang sumakay na binata...kaya 100 pesos din ang kita...pero kung sa algebra po...
10 matanda = 50 pesos
10 binata = 10 pesos
80 bata = 40 pesos
10 matanda, 10 binata, at 80 bata... :)
@Yffar (^^,)
nyaks...inde nmn po..salamat po sa pagbisita...:)
so, kailangan talaga na magkita-kita sa iisang page ang mga mahihina sa math? pwede na tayong magtayo ng club.. ahihihihihihi i nominate myself as the muse nyahahahaha kapal...
TumugonBurahiniba ka talga SG!
ahihihihi
@~yAnaH~
TumugonBurahini second emotion este the motion...ahehehe... :D
singko sentimo parekoy hindi 50 cents ang sa bata...hehehehe..
TumugonBurahinayos na sana e...ulitin mo, ulit...exciting to...lolz..
ah basta ayaw ko na sa math...dahil sa math na yan. hindi ako naging horror student nung hi skul ako...ito lang kasi ang 7 na grade ko...takteng algebrang yan...
TumugonBurahinpero importante parin ang math sa buhay natin..kung walang math walan kwenta..hahaha
Ikaw lang ang kilala kong tao sa balat ng lupa na BSMath ang course pero mahina sa arithmetic, contradicting ang dating. Talagang mapapakunot din ang ulo ko.
TumugonBurahinPanu ba nangyari yun?
I never enjoyed numbers since birth. Ever.
Balik ako ha, di ko pa nabasa lahat eh..
ang galing! alam mo ba na nabigyan mo aco bigla ng interes sa math? hahaha. . naaliw aco sa mga paliwanag mo at naaliw talaga aco. . hahaha. .
TumugonBurahinhindi co maintindihan ung pinahuhulaan mo sa baba. . bahala na silang sumagot:P
napagaling ng pagkakakilala mo sa mga numero. . napakagaling din ng topic na to para sa mga gaya cong wala ng pag asa pag nakarinig na ng math. . astig!
@poging (ilo)CANO
TumugonBurahinahehehe...tama..pero oks lng...masaya pa nmn ang buhay khgit hindi tayo ganun kgaling sa math.. :)
@Dylan Dimaubusan
aheks...ako din na wirdohan...ahahaha...cge balik-balik lng.. ;)
@paperdoll
yeah..salamat khit papano na-inspire po kaw...go go go...
@PAJAY
haaaysss....pinahirapan mo naman ako ohhh...special case problem mo...hindi kasi sya pwedeng sagutin using ung simpleng linear systems...ayaw din sya khit sa gauss-jordan elimination...lumalabas kasi ay arbirary solution ibig sabihin sobrang dami ng solution pero hindi whole number...kaso sa case nga natin ay mga tao ito...hindi naman natin sila pwedeng gawin 1.5 na bata...2.6 na matanda, etc... pero magkagayon man...nagawan sya ng paraan using yung tinatawag nating row echelon form... sa matrix analsis yun...ito yung kinalabasan:
80 bata = 4 pesos
1 binata = 1 peso
19 matanda = 95 pesos
80 na bata, 1 binata, 19 na matanda.... whheeew...
sana wala na ulit ha? ...ang hirap balikan kasi eh, hinde ko na din alam yung iba...
na-chambahan ko lang ito...pero salamat salamat... :)
superG, major nosebleed ako sa sagot mo kay pajay! ahaha! ADIK! superhero na ADIK!!! ahaha!
TumugonBurahinwow. BS Math. idol! :D hehehe. ewan ko ba, simula nung nagHS ako, wala na akong interest sa Math. :| lalo na nung nagka-3.0 ako sa Algebra! hahaha.
TumugonBurahinbinalak ko pa ngang magComm Arts para lang konti ang Math subjects. :P
pinsan ko rin, BS Math grad. :) sa Ateneo sya nagtuturo ngayon. ^^,
galing galing....hehehe
TumugonBurahinaq nga po d q lam qng pano q nakagraduate ng financial and management accounting...hehehe mahina din po aq sa computation..salamat na lang sa scientific calculator..wahehe
have a niceday..
Ex - link??
tnx po
http://simplefula09.wordpress.com
tama ka... komplikado ang mundo ng Mathematics kaya siguro complicated ang buhay ko dahil sa kasalukuyan, nabubuhay ako sa mundo ng mga numero.
TumugonBurahinpikit na nagca-calculator, tulog na nagcocompute at nagbabalanse habang nananaginip. at pagkagising, piprint na ang Financial Statement.. dahil nagtatrabaho ang utak habang nagpapahinga ang katawan!
mahal ko ang numero kahit masabi pang weirdo!
@jhosel
TumugonBurahinwenks..nachambahan ku lng...pinahirapan ba ako... :)
@karmi
wow ateneo...un ang malufeet...weepeeee...salamt sa pagbisita.. :)
@simplefula
ahehehe...go go go lng... lahat naman may sagot eh...un nga lang inde sure kung tama o mali...aheks... na-add n kita..thanks.. :)
@A-Z-E-L
wow! accountant ito... galing... aheks... salmat sa pagbista..na-add n din kita.. ;)
I hate math.. since I was born.. pero di natin maipagkakaila na kailangan ang math sa buhay.. pero putek! ayoko talaga ng math..
TumugonBurahinnaks ibang klase ka super gulaman. isa ka ngang super hero pagdating sa kwentuhan!
TumugonBurahininvite nga pala kita sa blog ko (hehe) http://blographics.wordpress.com
tnx
TAKTI! sana pala binasa ko post mo bago ang task kong thesis, para nman d ganito, tunga2 epek! ala ka nman warning man lang! hehehe! ayus ka boss, henyo!
TumugonBurahinAYUS DUDE!..
TumugonBurahinmalufeet ka pa sa Malagkeet!..
Tagay tayo jan sa Tama mong Sagot..
maramee pa akong tanong parekoy...sa next post mo na lang...lolz...
wow, ang lipet mu naman super G! mula ngaun, idol na kita.. galing mu naman.. hehehe, kip it up!
TumugonBurahinCharacterization of Non-Associative Finite Inverted... something something....
TumugonBurahinWHAT IS THAT!???
@jeniffer
TumugonBurahinweeee....malay mo ni 1 year old ka love mo pla ng math...eheks...nid ntin yan...matutunan din yan.. :)
@eli
eheks...salamat... gandang ng mga drawing mu.. :)
@Emz
ahehehe...uu nga... pang-warm-up ba ito...ahahaha..inde naman....si Pajay ginawang nosebleed ohhh... :)
@Yffar (^^,)
thank you, i'll join soon... :)
@PaJAY
waaaa....wag mo akong pahirapan...huhuhu.....
pero salamat nakakalimot na din ako minsan... :)
@a i s a :)
waaaaa...pero salamat...nachambahan ko lang...
@Dylan Dimaubusan
ei may mga character po kasi yung number...tulad ng sa tao...so yun ang thesis...i-analyze ang character/behavior ng number, tulad ng identity property, associativity, reflexive...at maraming pang iba... hirap explain...eheks... :)
Kilala ko mga mathematicians na nabanggit mo, pero si Einstein lang ang gusto kong makausap...
TumugonBurahinBilib din ako kay Newton, balita ko nung araw na nag-cut sya ng klase dun nya nadiscover ang law of gravity, dahil sa nahulog na apple sa bakuran nila!!!
The riddle?! HAH!
Not interested, baka maubos dugo ko, lolz
@Dylan Dimaubusan
TumugonBurahinsi Einstein minsan malabo din yun kausap...ahahahg...si Newton naman siya ang may kasalanan kung pakit nag-krakrash ang mga eroplano...nadiscover daw nya ang gravity kaya andami tuloy nahuhulog...ahahaha...
yung riddle nasagot na nila AZUL... :)
Kahit anong sabihin mo, wala pa rin akong interes at balak sa numero. AKO AY SOBRANG BOBO pagdating diyan. lols!
TumugonBurahin@Marlon
TumugonBurahinahehehe...cge na nga...yaan na natin yan...ahahaha.. :D