Lumaktaw sa pangunahing content

...kisame...

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
note: ang kwentong "lilok: ang pagpapatuloy" ay muling magbubukas sa sabado...kung nabitin kayo...ako din...

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

...matagal na din ang panahon ang nakalilipas na hindi ko ito ginagawa...naging masyado kasi akong abala sa pagtingin sa kawalan...sa paglalaro ng imahinasyon na tanging ako lamang ang nalilibang...tila iyon na yata ang aking nakasanayan...

...mula sa trabaho, pagsakay sa pampublikong sasakyan... hanggang sa aking pag-uwi sa bahay, hindi pa din lumalapag ang aking isipan....lumilipad iyon sa kalawakan, mabilis...hindi iyon kayang hagilapin ng balintataw... walang limitasyon...wala...

...nakakapagod ang buong maghapon...naging daan iyon upang ako'y mapabuntong hininga..."haaay, buhay nga naman"...inilapat ko ang aking pagal na likuran sa paborito kong upuan...binuksan ang bentilador na kanina pa nakatunghay sa aking pagbabalik...masarap ang hangin kahit dama pa din ang singaw ng init ng araw ng maghapon...tumingala ako habang nagpapalamig ng pakiramdam...tinitigan ang kisame...bumuo ng mga imahe...siningkit ko ang aking mata... dito ko nakita kung paano talunin ng maliit na nilalang na iyon ang higanteng ilaw...matindi ang kanilang naging labanan...magkakaiba ng lakas...magkakaiba ng kapanyarihan... nagagawa nilang kontrolin ang mga bagay na nasa paligid nila...ang isa ay may kapangyarihan ng liwanag...ang maliit na nilalang naman ay may kapangyarihan ng hangin... tinalo ng hangin ang liwanag sa di ko malamang dahilan....

..."bhoyet, kumain ka muna...", sabi ng nanay ko....doon ko lang napansin na pinatay pala nya ang ilaw...nangingiti akong dumiretso sa kusina...kumain ng mabilis at nagpalit na ng damit...dumiretso ako sa kwarto...at nagtangka na ipagpatuloy ang pagtitig sa kisame...ang muling pagalawin ang aking imahinasyon....ngunit pagod ang aking mata...nadala ito ng hangin mula sa bentilador....pumikit ako... ngunit namamasyal pa din ang aking imahinasyon... at yun na nga, para akong hinehele sa duyan...masarap ang pakiramdam...malakas ang hangin na parang nasa dalampasigan...

nakatulog ako...

Mga Komento

  1. ..idol G, naku pagod lang yan..kaya kung ano ano at naglalakbay ang diwa mo ng gising..pahinga..best thing to do..wala lang..hahaha..
    ..minsan masarap matulala sa kawalan..i mean madalas masarap matulala sa kawalan.. parang ikaw lang ang may mundo...haaay..

    TumugonBurahin
  2. nakakatuwa rin minsan na hinahayaan natin na tangayin tayo ng ating sariling kamalayan sa isang lugar/mundo na malayang naglalakbay yung diwa natin...

    TumugonBurahin
  3. hi parekoy nakidaan at nakibasa add na kta sa blogness kow..

    TumugonBurahin
  4. Nagpapasalamat nga ako sa regalong 'imahinasyon' ng Diyos. Nagpapasalamat ako dahil kahit nasa gitna ako ng napakalungkot o napakasakit na mga pangyayari sa buhay, nakakaya kong maka-survive sa pamamagitan ng mga magagandang bagay na aking pupwedeng isipin!

    Kung ano man 'yong inihahambing mo sa mga munting bagay na angkin ay kapangyarihan ng hangin na siyang nanalo sa laban, hindi ko pa ito nakukuha sa ngayon. Masyado rin kasi akong naguguluhan sa aking buhay sa kasalukuyan. Ang mahalaga nalaman kong sa lahat ng laban ay may nananalo, at sa ngayon kailangang ako ang panalo.



    ------
    Maraming salamat sa mga salitang iyong iniwan doon sa 'Manukan'. Talagang may angking kapangyarihan ang mga salita mo Supergulaman! o",)

    TumugonBurahin
  5. sa tingin ko mas malawak ang nararating ng ating imahinasyon kapag pagod ang ating katawan at isip. hindi mo kasi kontrolado yun eh. ang sinasabi lang ng utak mo ay gusto mo ng magpahinga at ipahinga ang iyong katawan. di mo namamalayan ang unti-unting paglalakbay ng iyong subconcious mind sa pinaka-malalim na parte ng iyong pagkatao.

    sa tingin ko, pagod lang iyan superg... itulog mo na muna. :)

    TumugonBurahin
  6. buti naman at nakatulog ka o d kaya imahinansyon mo lang yan na tulog k na...hahaha..

    TumugonBurahin
  7. @hidden
    ahhehe...cguro nga pagod lang...aheks... :)

    @~yAnaH~
    uu nga...at dun sa mundong iyon...ikaw ang bida...:)

    @Amorgatory
    ay uu na add na din kita...salamat... :)

    @RJ
    yeah...dapat nga ganyan optimistic tayo... kailan naman kaya ako mananalo sa lotto... takte 300Million na, wala pa nanalo...ahahaha...

    @enjoy
    ahehehe....haba na nga ng tinulog ko...ahahaha...nalagpasan ko ang mischievous princess.....ahahaha...mejo naligaw yata ang aking imahinasyon....:D

    @poging (ilo)CANO
    wenks...i-imagine na tulog ako?... ahehehe...hindi na naman ako nag tutulog-tulugan...ahahaha...pero masarap gawin yan...ahahaha

    TumugonBurahin
  8. Ang sarap mabuhay sa imahinasyon,
    Magagawa rin ang paglilimayon,
    At sa pagbabalik sa realisasyon,
    Malalaman mo na, totoong nilalayon!

    TumugonBurahin
  9. @Mike
    masarap maglakbay sa mundo ng imahinasyon,
    ngunit huwag magpapakulong sa huwad na pagkakataon,
    dahil kung magkagayon at hindi ka matunton,
    tuturukan ka ng pangpakalma sa seldang kahon.

    TumugonBurahin
  10. Kung ang panahon ay di nakiayon,
    Dasal ang panlaban sa pagkakataon,
    Kung sa libingan ako ay humantong,
    Ipagdasal na lamang ang aking kahapon!

    TumugonBurahin
  11. @Mike
    Amen.

    aheks...galing...salamat sa pagbisita... :)

    TumugonBurahin
  12. @Mike
    ang galing..nabuo na sya...ahehehe...

    IMAHINASYON

    Ang sarap mabuhay sa imahinasyon,
    Magagawa rin ang paglilimayon,
    At sa pagbabalik sa realisasyon,
    Malalaman mo na, totoong nilalayon!

    Masarap maglakbay sa mundo ng imahinasyon,
    Ngunit huwag magpapakulong sa huwad na pagkakataon,
    Dahil kung magkagayon at hindi ka matunton,
    Tuturukan ka ng pangpakalma sa seldang kahon.

    Kung ang panahon ay di nakiayon,
    Dasal ang panlaban sa pagkakataon,
    Kung sa libingan ako ay humantong,
    Ipagdasal na lamang ang aking kahapon!

    TumugonBurahin
  13. Hehehe! Ayos! Akalain mong makabuo tayo ng tula sa komentaryo lang.

    MAgaling kang superhero!

    TumugonBurahin
  14. Sana imahinasyon na lang lahat...at least dito kaya mong kontrolin lahat, lahat lahat...

    TumugonBurahin
  15. isa ngang gift sa atin ang Imahinasyon..
    imahinasyon kung san walang imposible, walang rules, kahit ano pwede.. wag lang pakasobra. baka mental na takbo mo nyan. lol.

    ahahay. magaling superG. humahanga ako sa galing mo sa pagsulat. napakacreative. isang malaking APIR para sayo.

    TumugonBurahin
  16. GCING GICING!!! LOL..ganda naman nang pagkasulat mow gulamans, idol na kita hahakha, ganyan lang talaga minsan naktingins sa kesame buti kapa nkatulog akow hndi na ata mkakatulog forever.lol..parang wlang kwetna tong comment kow, sensya na kkagicn lang ,nakidaan ulets ditow,salamat idol sa pag add.

    TumugonBurahin
  17. wag ka magpaniwala jan kay amor, sabi di makatulog tapos kakagising lang lolzz...

    TumugonBurahin
  18. Tulad ng paniniwala n karamihan... kasama na ako dun!
    Yun lang ang tanging bagay na kayang kaya mong gawin ng walang kabayaran..

    sabi nga ng Vicky Morales;
    LIBRE ang MANGARAP..
    hehehe... in a way that you should sometimes---leave yourself to experience extraordinay moments beyond reach.

    TumugonBurahin
  19. Lupit ni idol SuperG!

    Nasa kawalan ang ginhawa
    Nasa ginhawa ang kapayapaan
    Nasa kapayapaan ang kawalan.

    Kung tutuusin, ang mga hinaharap natin araw araw na mga suliranin kasama ang mortal na katawan ang siyang nagkukulong mismo sa ating diwa...

    Haaaay... sarap matulog! =)

    TumugonBurahin
  20. grabe! bilib ako sa talent niyo ni mike! mga future makata ng pinas...wohoo! akalain mo, talentado pala kayo :)

    TumugonBurahin
  21. ayan..me hard copy na ako nitong tula mong imahinasyon...

    sus, bhoyet madali..andami dami mo nang utang sakin..kinocompile ko na itong mga gawa mo...

    daig ko pa si grasya..awoooo...

    buti eh me mabuting naidulot ang iyong pagtulog..gumagana ang iyong poetic nerves..ahehehe

    me tampo si jing-er sau...inindian mo xa kahapon..

    lagot ka!!!!


    ***vanvan

    TumugonBurahin
  22. @Mike Avenue
    galing mo eh...ayos...:)

    @jeszieBoy
    ahehehe...buhay nga yan...:D

    @jhosel
    aheks epekto yan ng sobrang pagod sa work...apir.. :)

    @Amorgatory
    ahehehe....minsan ok din ang walng tulog...kaysa naman walng gising...ahahaha...

    @Lord CM
    uu sa ganung lugar...tayo ang bida..:)

    @kosaPogi
    sarap mangarap...libre kasi eh...masarap din mag-imagine ng kahit anung bagay...walang limitasyon...wala... :)

    @ORACLE
    tama...kaya nga minsan binabaliktad ko...iniisip na ang mga pangyayari sa mundong ito ay pawang imahinasyon lamang.. :D

    @enjoy
    ahehehe...si mike kasi...ang galing, napareply ako sa hirit nya...akalain mo yun..nabuo sya...ahahaha... :)

    @vanvan
    at tlagang may hard copy...ahehehe...credit yan kay Mike Avenue..galing... :)..salamat sa pag-compile...

    aheks...si grasya...kinompile naman na nya ako sa puso nya...nakacompile din sya sa puso ko...hardbound ata ang cover...aheks...

    ahehehe..napanood ko naman si Jing-er dito sa ofiz adik yung isa kong ka-ofizmate dito... :D

    TumugonBurahin
  23. Nangyayari iyong mga ganito kapag ang araw natin routine na lang, hindi na natin napapansin iyong mga bagay dahil paulit-ulit lang. Pero maganda rin sa ganoon lalo't may tinatangka kang makalimutan, magigising ka na lang tapos na lahat. Ano ba tinutukoy ko? lols!

    Mr. Perspektib, dumalaw kay SUPER G.

    TumugonBurahin
  24. @Marlon
    oo nga inde ko din matukoy ang gusto mo...ahahaha...parang imahinasyon lng..:D

    TumugonBurahin
  25. Naku pwede ka gumawa ng libro at ibenta kasi mahusay ka magsulat! At nga pala tama ka Ikay ang pag pronounce sa Ykaie. Kasi pinaarte lang namin yung spelling ng nickname nya. heheh! have a great week!

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...ibigay ang hilig...

isang mapagpalayang araw sa inyong lahat...nandito na naman po ang inyong superhero na si SuperGulaman na walang inatupag kundi mambulabog sa inyong natutulog na mundo... bulaga! nitong mga nakalipas na araw, medyo naging isnabero ako sa mga tags at awards na pinukol sa akin...pasensya na po medyo naging busy kasi ang inyong poging Superhero (ahem!) at nagkakaroon din kasi ako ng maliliit na problema kaya medyo na de-depress din ako, lalo na sa pagkawala ng aking medyas at tsinelas (hindi ako maka-move on... ahahaha!...)... pero syempre kunyari lang na nadedepress ako o bisi-bisihan dahil alam nyo naman gusto ko lang bigyan ng dahilan ang aking katamaran... ahahaha... at para hindi na magtampo ang aking magaganda at poging katropa...ito na po at ginawa ko na... ibigay ang hilig... bilang panimula, pasasalamatan ko na si Stacey ng Stacey Avenue para sa "The Perpetual Smiling Blogger Award" na ito...hindi ko lang din alam kung magkakapatid sila ni Mike at Mon, mga Avenue kasi...

...halimaw...

[R18] ang inyo pong mababasa ay bahagi lamang ng imahinasyon ng may-akda... humihingi po ako ng pang-unawa sa anumang eksena sa kwento na sa inyong tingin ay hindi kaaya-aya.... salamat po.. . mula sa madilim na bahaging iyon... doon mo matatagpuan ang mga tulad namin... mga nilalang na naghihintay ng pagkakataon... pagkakataon upang lapain ang mga biktimang katulad din namin... mga halimaw.... ...malalim na ang gabi at mula sa aking kinauupuan... naaaninag ko kung paanong magsunggaban ang dalawang halimaw na iyon sa masukal na bahagi ng parkeng ito.... ang isa sa kanila'y katulad ko... isang bampira... bampira na naglilipana kapag lumalim na ang kadiliman.... bampira na sumisila sa laman... bambirang sumisipsip ng dugo... dugo ng buhay... sa kabilang banda ang isa pang-halimaw ay kabilang sa mga lobo... mga lobo na handang lumuray ng laman upang matugunan ang kanilang matinding pagkagutom at pagkauhaw.... ...hindi na bago sa akin ang ganitong pagkakataon... isa na lamang itong nat...

...Time Travel...

Time travel, posible nga ba? Taong 1895 ng isulat ni H.G. Wells sa kanyang nobela ang pagkakalikha ng isang makinang may kakayahang makapaglakbay sa nakalipas at hinaharap na panahon. At ang nobelang ito din ang naging dahilan sa pagbuo ng mga pelikulang "The Time Machine" noong 1960 at 2002. At dahil na din sa mga ideyang ito, maraming eksperimento at siyentipkong pag-aanalisa ang ginawa upang maipaliwanag ang posibleng pagkakalikha ng "Time Machine" .  Iba-iba din ang naging reaksyon ng mga relihiyon ukol dito at ilan sa kanila ang nagsasabing posibleng mangyari ito batay na din sa turo at kwento ng mga relihiyon. Siguro pamilyar na din kayo sa teorya ni Albert Einstein ukol sa "speed of light" o ang "Theory of Relativity" . at ang kinalaman nito sa time travel.  Sinabing ang tumbasang (equation) E  =  mc 2 na mas kilala din sa taguri na "mass-energy equivalence" na sinasabing ang bilang ng enerhiya (energy) ng isang bagay ay maa...