Lumaktaw sa pangunahing content

...lilok: ang pagpapatuloy [1]...

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Paunawa [R18]: Ang susunod na bahagi ay ang pagpapatuloy ng mga pangyayari sa buhay ni Marie at Lita. Ang akdang ito, ang "...lilok..." at ang "..lilok: ikalawang yugto..." ay pawang mga kathang isip lamang ng may-akda. Anu mang bahagi na may pagkakahawig sa tunay na buhay at iba pang kwento ay hindi sinasadya. Pinapaalalahanan ang lahat na mayroong ilang bahagi sa akdang ito na lubhang maselan sa mga batang mambabasa. Patnubay ng magulang ay kailangan. =supergulaman=
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Lita, totoo bang uuwi ka na ng Pilipinas?", tanong sa akin ni Annie ... "kailangan eh, wala na din kasi akong balita kay Ate Marie...matagal-tagal na din na hindi ko sya makontak....anu na kya ang nanyari sa kanya?", ..."kelan ba ang alis mo?", tanong ulit sa akin ni Annie...."sa makalawa siguro...", sagot ko....

"...hindi ko alam ang aking nadarama ngayon, kung tuwa ito o kaba sa aking muling pag-uwi sa Pilipinas... anu na kaya ang kalagayan ng ate ngayon?...sana maayos naman sya at walang problema kay kuya Ron... ang totoo nyan ayaw ko na din sanang bumalik ng Pilipinas, sa dami ng pait ng aming naranasan sa Paete... kung hindi lang kay ate... at kay Lance...si kuya Lance... kamusta na kaya siya?..." ... mahaba-haba din ang byahe at sapat na ang alaalang iyon at ang lamig ng eroplanong sinasakyan upang makatulog... mahaba ang byahe tila ba binabawasan ng mga sandaling iyon ang aking pananabik sa pag-uwi... at sa wakas nasa Pilipinas na ako... hindi tulad ng ibang mga nagbabalikbayan, walang susundo sa akin... at ang aking destinasyon ay ang address ni ate Marie...

sa baggage area ng NAIA...

habang kinukuha ko ang aking bagahe, may isang lalaking may hawak na 2-taong gulang na bata na kanina pa nakatunghay...pamilyar ako sa lalaking iyon...at hinihintay lang na ako'y lumingon... at sa pag-angat ng aking ulo...nabigla ako..."Kuya Lance!"., napasigaw ako.."san ka galing? kamusta ka na?", sunod sunod na tanong ni Lance...., "ito, pupunta ako kila ate eh", maikli kong sabi... "katulad ng dati, hindi ka pa din nakikinig sa mga tanong ko, ang layo ng sagot mo, hahaha"...namula ang aking mukha sa sinabi nya... mamaya-maya lang may dumatng na isang babae.."nagkakilala naman na kayong dalawa di ba?", tanong ni Kuya Lance kay babae..."oo naman, kamusta ka Litz?"... pinilit kong alalahanin ang mukha ng babaeng iyon..."Ate Lizeth?"..."oo, ako nga..."... "wow, ang ganda mo sobra, hindi kita namukhaan..."...ito nga pala ang baby namin ni Kuya Lance mo, si Riza...", pagpapakilala ni Lizeth... "say hi to Tita Lita, Riz..."..."hi tita Litz, you're so beautiful too like my mom", pabulol-bulol na sabi ni Riza... "o, paano Lita mauna na kami, medyo malayo pa din kasi ang byahe namin papuntang Antipolo", putol ni Kuya Lance sa usapan... "ay sige kuya, ate ingat kayo ha?"..."ikaw din ingat ka, kamusta mo na lang din kami sa ate Marie mo"...sabi ni Lizeth...

...sa kanilang pagtalikod, gusto kong umiyak...hindi ko alam kung inggit ba ito kay ate Lizeth o tuwa sa aming muling pagkikita ni Kuya Lance... at sa mga sandaling iyon bumalik ang mga alaala ng nakalipas na panahon...

Si Kuya Lance, kaklase sya ni ate Marie noong highschool...siya din ang tumulong sa amin na makaalis sa Paete at magkaroon ng matutuluyan sa maynila dahil sa ginawang pagpatay ni ate sa aming Amain...malaki talaga ang utang na loob namin sa kanya sa kabila ng mga pinagdaanan namin noon... noon pa man sobrang minahal ko siya...si Kuya Lance... hindi ko maunawaan ang nadarama ko ngayon..."dapat ako ang nasa kalagayan ni Ate Lizeth...dapat akin ang pagmamahal na iyon...bakit ganito? bakit ako nag-iisa?..."...kasabay n'yon, ang pagpatak ng mga luha...

...matapos ang mga pangyayari sa Paete, naging magkapitbahay kami dito sa Maynila nila Kuya Lance...second year college na ako nun ng maging kaibigan at maging close kami ..nasa ika-apat na taon na din sya noon sa kolehiyo...lagi akong tumatambay sa kanila dahil wala naman tao sa bahay at ako lang ang mag-isa doon...pumapasok kasi si ate sa trabaho... simple lang ang buhay nila Kuya Lance, pero medyo mahirap...nag-aaral kasi sya at nagtratrabaho ng sabay... kaya sobrang bilib ako sa taong iyon...walang bisyo...hindi marunong manigarilyo o uminom ng alak...nakakatuwa nga eh, pati manligaw ng babae hindi sya marunong... tanging pamilya lamang ang kanyang prayoridad ng mga panahong iyon...

...marso ng taong 2003, naka-graduate na din si Kuya Lance at iyon din ang buwan ng kanyang kaarawan... gusto ko nga syang bigyan ng malaking selebrasyon pero wala din akong pera noong mga panahong iyon... Gabi ng kanyang kaaarawan...inimbita ako ni Kuya Lance na sa kanila na mag-hapunan...magpapansit daw sya kahit papano... at dahil wala namang bisita at tanging mga kapatid nya lamang at ako ang nandoon, inaya ko sya na uminom.."hindi nga ako umiinom di ba?", tutol nya... "minsan lang naman eh, tsaka ako na lang ang bibili, may sobrang pera naman na binigay si ate Marie eh", pamimilit ko... at dahil sa sobrang kulit ko...napapayag ko din sya... masarap kainuman si Kuya Lance..madami syang kwento, makulit din sya... talagang na-iinlove na ako ng sobra sa mga sandaling iyon... halos hating-gabi na...nalasing na din ako sa dami ng nainom ko at aksidente kong natabig ang baso...mabilis kong hinabol iyon upang hindi mabagsag, ngunit mas mabilis ang kamay ni Kuya Lance, nasalo nya iyon.... ngunit sa pagkakataon iyon...halos magkalapit na din ang aming mga mukha...nagkatitigan... matagal.... hindi na ako nakatiis...hinagkan ko ang kanyang malalambot na labi... gumanti din sya...mahigpit na siil... kakaiba ang damdamin... ngunit bigla syang bumitaw at nagsabi ng "sorry" ... makailang saglit pa, nagliligpit na sya ng aming pinag-inuman..."sandali lang Lita illigpit ko lang ang mga ito, ihahatid kita sa inyo...mahirap na baka mapagtripan ka dyan sa kanto"...

...makailang saglit pa, nasa loob na kami ng bahay, inakay nya ako papasok sa kwarto... hindi ko maunawaan ang aking sarili ng mga sandaling iyon...tila hinahanap ko ang halik na kanina'y biglang naputol...hinatak ko sya, at muling hinalikan...

....itutuloy...

Susunod na Kwento Lilok: Ang Pagpapatuloy [2]


Mga Komento

  1. Waaaaaaaah!
    Bata pa 'ko! Rated 18 ba 'toh? lolness nyahahaha!

    Nobela ba ito?
    Nabitin ako ah..

    TumugonBurahin
  2. whoa! meron pala ganito dito ah. di pa ata ako napapadpad dito nung first part ng kwento. mabasa nga some time.
    hmm.. ano kaya susunod na mangyayari.. hehe.lol.

    TumugonBurahin
  3. Takteng yan! ganun pala ha!!?

    marunong ka na rin mambitin ngayon...lolz...

    siguradong maganda ang susunod na parte neto...

    wew!...lolz..

    TumugonBurahin
  4. tsk..tsk...bitin naman..sa kwarto pa huminto ang kwento..ano ba yan?

    aabangan ko yan....lolz..

    TumugonBurahin
  5. taena naman! nasa kwarto na eh! pinutol mo pa! lol. . aabangan co to. . nanabik din aco sa halik ni lance eh. . lol. . ang landi nya! kuya parin tawag nya! dapat pareng lance o papa lance na lang. . hahaha. .

    TumugonBurahin
  6. @hOniE-GeLenE
    ahehehe...ako din nabitin eh...tinamad kasi yung daliri ko...ahahaha...

    @Dylan Dimaubusan
    uu mejo rated 18 ito...aheks...kahit yung mga nakaraang part mejo rated 18.. :)

    @jhosel
    exciting ang next part...ako din na-excite...ahahaha..

    uu try mo yung mga first part...kaso wag sana magbagao tingin mo sa mundo...ahahaha...

    @PaJAY
    ahehehe...kwartong scene na eh... :)

    @poging (ilo)CANO
    wahehehe...ako din nabintin...yung daliri ko kasi tamad ng mag-type...ahahaha...

    @paperdoll
    pero madalas ganun di ba? kuya kuya ang tawag pero yun pala sila...ahahaha...

    TumugonBurahin
  7. Aba!!!Meron palang ganito dito?...kaso bitin din, paramdam ka pre pag may kasunod na lolzz

    TumugonBurahin
  8. Talagang maraming nangyayari sa inuman. Hehe.

    Wahhhhh! Asan ang kasunod?

    TumugonBurahin
  9. @Lord CM
    uu paparamdam ko...ahehehe...excited na din ako sa susunod na part....ahahaha!

    @Mike Avenue
    welkam bak...aheks...si stacey avenue namasyal din d2... :D

    ang kasunod ay malapit na...ayaw pa gumana ng daliri ko...ahahah...:D

    TumugonBurahin
  10. Huwaaaw! Tamang tama. Maka bili muna ng popcorn... hehehe!

    Abangan ko ito! Lupit superG! =)

    TumugonBurahin
  11. haha. bakit? anong meron dun at magbabago ang tingin ko sa mundo? ahehe. sige sige. mabasa nga yun minsan. wehee.

    TumugonBurahin
  12. nakakabitin ah! :) heheheh pero ayos na rin :) ...


    " Ang Mahiwagang Gulaman "

    ayos na topik siguro ito!!!

    TumugonBurahin
  13. @ORACLE
    ahehehe... sige sige..babalitaan kita sa mga susunod na eksena.. :D

    @jhosel
    uu... ahehehe..ako din nabigla bakit ganun yung tinakbo ng story...ahahaha... :D

    @csseyah
    ahehehe...maganda yan...pang-harry potter ang dating...ahahaha..:D

    TumugonBurahin
  14. so, eto na talaga ang part two..

    eh, hindi ko pa nababasa ung part 1..hehehe..

    dalawang araw ang valentines date ko super g!!!..

    hehehe..

    la lang..just so you know..

    hehehe..

    so, maglalaan talaga ako ng isang araw para sa nobela mong ito..

    wohooo..

    TumugonBurahin
  15. wow. nabasa ko na yung first two.
    wala akong masabi..

    speechless and shocked ng ilang minuto..



    ahahay. it could be from your kathang isip.. pero it could also happen in real life. ganun ang typical life story na napapanood ko sa mga documentaries..

    pero. grabe superG. ang galing ng pagkakagawa mo.. tho mejo R-18, striking ang story..

    tsk. bow down para sayo superG!

    TumugonBurahin
  16. errata: ai hindi pala mejo. pang r-18 pala talaga. haha.lol.

    TumugonBurahin
  17. Happy hearts pocketbook? lols! ahehehe ang ganda, asan na iyong kasunod? ngayon ko lang nabasa si part one at si part two...

    Parang nakikinita ko na ang susunod na eksena...bed scene? lols!

    Dropping by to do what i do best. Magpacute. Lols!

    TumugonBurahin
  18. @vanvan
    uu...kung baga book 2 na yan ng lilok... yung lilok at yung lilok:ikalawang yugto si Marie pa ang nagkwekwento ngayon si Lita naman na ang bida.. :)

    ahehehe...grabe ka naman...ala nmn yan isang araw...1 hr ok na yun pra maka-get over ka sa mbabasa mo..ahahaha.. :)

    @jhosel
    aheks...pang R18 nga yan...ahahaha... kanun kakomplikado ang buhay... :D

    @Marlon
    ahahaha...helen keller yan...juks...

    ahehehe...mejo madugo lng yun mga unang part...ito kaya?.. :D

    TumugonBurahin
  19. Ang dami ko pa palang kailangang balikan at basahin. Whew!

    Medyo nalito ako kasi sa unang talata 2nd person si Lita. Then sa mga susunod na talata naging first person. Tama ba? Whew! Ginulo mo ng kaunti ang aking isipan Supergulaman. Huwag naman ganyan.

    At please, please... pakihiwalay naman ng talata ang every quotation/sinabi ng bawat tauhan para hindi kami malito. Thank you.

    ANG GANDA ng kwento mo. Kahit masakit ang mata ko, binasa ko talaga. Kapag may extrang time basahin ko ang mga prequel nito.

    Sa napakagandang lalawigan ng Rizal pa ang location ng kwentong ito. U Nag-aaral ka bang film-making o novel writing, bro?

    TumugonBurahin
  20. @RJ
    ay uu nga...inde ko din napansin...ayan inayos ko na...aheks...

    gusto ko nga sana paghiwalayin yung mga quotations kaso magmumukha syang mahaba...pero cge...sa susunod.. :)

    nyaks...film-making or novel writing...wala akong background kahit nga sa journalism ala ako nun... basta kung anu lng ang mailagay ko yun lang...aheks...ito nga eh...nangangapa lang din ako... :)

    TumugonBurahin
  21. I would like to exchange links with your site www.blogger.com
    Is this possible?

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...ibigay ang hilig...

isang mapagpalayang araw sa inyong lahat...nandito na naman po ang inyong superhero na si SuperGulaman na walang inatupag kundi mambulabog sa inyong natutulog na mundo... bulaga! nitong mga nakalipas na araw, medyo naging isnabero ako sa mga tags at awards na pinukol sa akin...pasensya na po medyo naging busy kasi ang inyong poging Superhero (ahem!) at nagkakaroon din kasi ako ng maliliit na problema kaya medyo na de-depress din ako, lalo na sa pagkawala ng aking medyas at tsinelas (hindi ako maka-move on... ahahaha!...)... pero syempre kunyari lang na nadedepress ako o bisi-bisihan dahil alam nyo naman gusto ko lang bigyan ng dahilan ang aking katamaran... ahahaha... at para hindi na magtampo ang aking magaganda at poging katropa...ito na po at ginawa ko na... ibigay ang hilig... bilang panimula, pasasalamatan ko na si Stacey ng Stacey Avenue para sa "The Perpetual Smiling Blogger Award" na ito...hindi ko lang din alam kung magkakapatid sila ni Mike at Mon, mga Avenue kasi...

...babae...

....ang sulating ito ay hinahandog sa lahat ng kababaihan.... (boys behave muna, sila ang bida ngayon...aheks!) Babae, babae kamusta ka na? kamusta na ang buhay mo sa mundo?... kamusta na ang kalagayan mo?... alam mo sobrang hinangaan kita sa lahat ng pagkakataon... ang dami mo ng ginawa para sa sangkatauhan sa kabila ng iyong mga kahinaang taglay... bagkus na sumuko, ito ka at pinagpapatuloy ang laban... kamusta na nga pala ang iyong pinakamamahal na si lalaki? alam kong sobrang saya mo noon ng makilala mo sya... halos sya na nga ang naging mundo... ibinigay mo ang lahat ng naisin nya pati nga kaluluwa mo halos pag-aari na nya... kung sabagay umiibig ka kaya lahat ng sa iyo ay ibinahagi mo sa kanya at halos wala na ngang matira eh...hindi naman kita pwedeng sisihin dahil kitang-kita ko sa iyong mata ang lubusang kasiyahan at masaya akong nakikita ka din na masaya...pero ano na nga ba ang nangyari?...matapos ang ilang taon ng pagsasama, ito ka kapiling na lamang ang iyong anak at iniwa...

..numero...

[oooopppsss...wag mo po munang pindutin ang back button o ang eks button...basa po muna tayo...wag pong mag-alala ang susunod na aking ibabahagi ay hindi nakakapagpadugo ng ilong...enjoy.. ^_^] ....sa basketball court.... [ Xiantao: yet,di ba may alam ka sa thesis?.. tulungan mo naman ako.... Ako: Oo ba...walang problema...anu ba title ng thesis mo? Xiantao: Wala pa nga eh, ei yung sa iyo ano ba ang title ng thesis mo? Ako: ei hindi yun makakatulong sa pag-iisip ng title mo kung sasabihin ko man yung title ng thesis ko... Xiantao: ano ba kasi yun ? Ako: (*peste ito at talagang pinilit ako*) ang kulit... "Characterization of Non-associative Finite Invertible Loops of Order 7 with 5 and 7 Self-inverse Elements" Xiantao: ha? (*tulala na parang nabigla*)... ano ba ang course mo? Ako: BS Mathematics... Xiantao: Wow! kaya naman pala eh... eh di ang galing mo pala sa numbers? Ako: bobo ako sa numbers, mahina ako sa arithmetic... Xiantao:????? (*napakunot noo na lang sya at napakamo...