Disclaimer: Ang susunod na inyong matutunghayan ay base sa kathang isip ng may-akda. Ano mang bahagi na may pagkakahawig sa tunay na buhay at iba pang kwento ay hindi sinasadya. Ang kwentong ito ay handog sa mga kababaihang naging biktima ng karahasan.
Ako si Marie... tubong Paete, Laguna. oo nga pla, ito naman ang kapatid ko, si Lita.. Dalawa lang kaming magkapatid kung kaya labis ko syang minamahal at khit kailan hinding-hindi ko sya pababayaan.
Natatandaan ko pa noong mga nasa ika-anim na gulang pa lang ako at si Lita naman ay apat na taon na din noon, palagi kaming pinapasyal ni Itay at Inay sa dagat. Doon masaya kaming nag-pipicnic. Gustong-gusto ko ang dagat..malamig ang hangin, mainit ang tubig, sing-init ng pagmamahal ng aking pamilya..Simple lang ang buhay namin noon, pero khit papano masaya naman kmi. Khit wla kaming gaanong laruan noon, nakakasya na kming maglaro ng mga papel na ginupit-gupit. Si Itay simpleng trabahador lang ng isang sikat na iskultor na si Mang Kadyo...Si Itay ang naghahatid ng mga nalililok na pigura sa mga simbahan at iba pang kliyente....At si Inay naman, siya ang nag-aalaga sa amin... Isang simpleng maybahay ang Inay. Simple lang din ang buhay namin noon at salat sa ibang bagay, pero kahit salat kami sa ilang bagay punong-puno naman kami ng pagmamahal sa isa't isa.... Pinag-aral din kmi ni Inay at Itay nun. Ito kasi ang gusto ni Itay, ang makapagtapos kming dalawang magkapatid. Ang saya nga noong una akong pumasok sa paaralan...maraming kaibigan, maraming kalaro... Ito ung mga panahong ayaw ko na sanang matapos...pero...
...nasa ikalawang taon na ako ng hayskul nun noong nagsimulang mawasak ang masaya naming pamilya... humahangos ang Inay noon sa aming paaralan nang sunduin nya ako... Naaksidente daw ang Itay...kritikal... bumanga daw ang sinasakyan ng itay sa isang truck noong nag-deliver sila na naging dahilan ng pagkahulog sa bangin... halos manlumo ako nung oras na iyon... sa ospital, sa simbahan tuloy ang dalangin namin ni Inay na sana mailigtas ang Itay....pero hindi pa lumipas ang maghapon....tuluyan ng nagpaalam ang Itay... nawala na sya... nawala na din ang aming mga pangarap...
...ilang araw ng burol ni Itay, ilang araw din ng hinagpis nmin ni Inay...wla din kaming pera noon...tanging si Itay lng naman kasi ang naghahanap buhay sa amin... Buti na lng may mga kapitbahay kaming handang tumulong... Ang mga pamilya nmn nila Itay at Inay, masyadong malayo sa amin at wala kaming balita sa kanila... Malungkot at mahirap ang mga pangyayaring iyon ngunit nairaos pa din namin ang libing ni Itay...
...matapos ang libing ni Itay, namumugto pa din ang mata ni Inay...may mga pagkakataon n tulala sa kawalan... sa may balkonahe, lumapit ako kay Inay, niyakap ko sya ng mahigpit at sinabing kaya natin ito... ngumiti ang Inay, ngiting hindi puno ng kagalakan..kundi ngiting puno ng hinagpis at pag-asa... "Anak, wag kayong mag-alala..magtratrabaho ako pra sa atin...pra sa inyo"... "nangako ako sa inyong Itay na hinding-hindi ko kayo pababayaan".... makailang saglit pa ng aming pag-uusap na iyon...may kumatok sa pinto..."Tok tok".... dagli kong binuksan iyon, at si Mang Kadyo, may mga dalang pagkain at iba pang gamit... "Alam kong maliit na bagay yan, sa pagkawala ng Itay mo, pero alm kong makakatulong yan", wika ni Mang Kadyo... dagdag pa nya, "Minda alam kong kailangan mo ng trabaho ngayon, kung gusto mo, dun ka na lng sa akin magtrabaho"....malungkot ang mga mata ni Inay ngunit bahagya syang tumango... "Ako'y aalis na, Minda maaari ka ng magsimula sa Lunes kung kaya mo na...oo nga pla, kunin mo muna ito ,panggastos nyo....wag kang mag-alala hindi yan utang, bigay ko yan pra sa inyo"... at yun na nga umalis na si Mang Kadyo....
...mabilis lumipas ang panahon, halos dalawang taon na din ang nakaraan ng iniwan kami ni Itay..nasa ika-apat n taon na ako kolehiyo ngaun at si Lita second year high school na... pero kung dati rati masaya akong umuuwi sa bahay, ngaun labis akong nag-alala kay Inay...lagi ko na lng sayang nadadatnang puno ng pasa ang mukha at umiiyak... ang dahilan...Si Mang Kadyo....
...niligawan ni Mang Kadyo si Inay noong nagtratrabaho pa ito sa kanya...at yun na nga dahil n din cguro sa matinding kahirapan namin at alok na pagpapakasal ni Mang Kadyo...pumayag na din sya... noong una, wla naman kaming problema kay Mang Kadyo, mabait sya tulad ng Itay...binibilhan nga nya kmi noon ng mga manika at magagandang damit... pero khit anu pa man hindi pa din ako sang-ayon bilang kapalit nya sa aking Ama... pero pumayag na din ako sa kanilang pagpapakasal sa pakiusap ng Inay at pra sa kinabukasan namin ni Lita....
...masakit para sa akin n nakikitang nasasaktan ang Inay...pero isang araw, pag-uwi ko sa bahay...hindi ko nakita ang Inay...bagkus nandoon si Mang Kadyo...tinanong ko sya, "nasaan po ang Inay?"..."ang nanay mo?... pumunta lng sa bayan, may biniling gamit pra d2 sa mga kahoy"...pagkatapos ng sandaling iyon, dumiretso na ako sa kwarto pra magbihis...
...mag-aalasais na din ng hapon noon pero hindi pa din bumabalik ang Inay..nag-aalala na ako., lumalakas n din ang buhos ng ulan.. at maya-maya pa dumating n din si Lita...tinanong ako ni Lita, pero sinabi ko na nsa bayan...Noong puntong iyon, mula sa silong ng bahay, nagulat n lng kmi ng sumabat ang aming amain sa aming usapan..."mukhang may bagyo yata ngaun, malamang bukas pa makakauwi pa ang nanay nyo"... "Halika nga dito Lita at tulungan mo akong isilong itong mga kahoy"... mga alas-7 n noon matapos ang pagliligpit nila..at ako nmn tapos na din magluto, at handa na kming kumain...
...habang kumakain..."pagkatapos mong kumain Lita, bumili ka ng Gas sa kabilang baranggay, at sigurado, mawawalan ng ilaw mmya", tumutol ako.."bkit hindi na lng kayo ang bumili, masyado ng gabi iyon at malayo ang kabilang baranggay"....dalawang oras kasi halos ang patungo sa kabilang baranggay at wala na ding sasakyan pang ganoong oras, kung kaya obligado tlaga na maglakad.....ngunit ang sabi nya, "may hinhabol ang order ngaun, at sinu nmn ang gagawa nun?"... "ako na lng ang bibili", tutol ko.. "hindi pwede, may papatulong ako sau mmya"...ilang saglit pa umalis n din si Lita...tinawag n din ako ni Mang Kadyo sa silong pra magpatulong.... kinukuha ko na ang mga gamit sa paglililok ng isinara ng aking Amain ang tarangkahan ng silong... inisip ko na baka lumalakas lng ang hangin kya nya isinara... nagulat na lng ako ng bigla nya akong sunggaban... pilit akong nanlaban ngunit wala akong nagawa... nagmakaawa ako sa kanya, ngunit isa syang bingi na hayok na hayok sa laman... panagpasasaan nya na ang aking murang katawan....tanging ang mga santong nililok ang piping saksi sa kahayupan ng akin amain...
...matapos ang pangyayaring iyon...wla pa din ang inay...ilang araw at linggo ang lumipas ngunit wla pa din sya...isang gabi ng malakas ang ulan, alam ko na aking sasapitin...katulad ng kinagawian..paaalisin nyang muli ang aking kapatid pra bumili ng Gas sa kabilang baranggay..pero ngaun hindi na ako tumutol...ayokong sapitin ni Lita ang kanyang kahayupan...
..bago umalis si Lita, kinausap ko muna sya habang abala si Mang Kadyo sa pag-aayos ng gamit sa silong..."wag kang bumili ng Gas, dumiretso ka sa parke, hintayin mo ako dun mmya"..hindi ko n sya hinyaang magtanong at agad ko n syang pinaalis.... alas-8 na nun ng pinababa ako ng aking amain...muli isinara nya ng pintuan..."Mabuti nmn at hindi na matigas ang ulo mo ngaun", sabi nya... "nasaan na po ang Inay, bkit hindi pa sya bumabalik".... "ang Inay mo?...hindi na babalik un, nandoon na sya ilog, kinakain n sya ngaun ng kung anu-anung mga hayop"....halos, madurog ang puso ko ng mga sandaling iyon...patakbo na ako patungo sa pinto ng bigla nya akong haltakin...umiiyak ako, magsusumbong na ako sa kinauukulan... "hinahanap mo ba ang nanay mo?..ito sya...binuksan nya nga drum na dating pinaglalagyan ng mga natasang kahoy..., nakakasulasok ang amoy, pero sinilip ko pa din...nandun ang Inay, wala ng buhay... ang aking lakas tila hinigop ng lupa..nanlumo ako sa natunghayan..hinayaan ko ang amain na muli nya akong pagsasaan...
...umiiyak ako sa sulok matapos ang dusang iyon, pero hindi na ito dahil sa takot..umiiyak ako dahil sa gagawin ako... makailang sandali pa hawak ko na ang piko, dumertso ako sa kwartong kyang pahingahan...hindi na akong nagdalwang isip pa... ipinalo ko iyong sa knyang ulo....sa kanyang katawan...maraming beses...nagmakaawa sya...walng akong nadinig...hangang tuluyan n nga sayng hindi gumalaw....
...nagpalit ako ng damit....bitbit ang payong..pumunta ako sa parke, nandun c Lita...niyakap ko sya, mahigpit na mahigpit...pumunta kmi sa simbahan...sa simbahan na kung saan nandun ang mga santong nililok ng aking Amain...

Susunod na Kwento Lilok: Ikalawang Yugto
karimarimarim...kahindik..nakakapangilabot..hindi ko kinaya..
TumugonBurahinsabi ko na nga ba, disclaimer pa lang, ayw ko ng basahin eh..
haizzz...bhoyet...anu ba ang ginagawa mo at naiisp mo ang mga bagay na ito..
kakaloka...
infairness, nangyayari talaga yan sa tunay na buhay...
pero hindi ako galit kay marie, wagi sya...waging wagi sya sa ginawa nya sa amin nya...sa akin, kulang pa yun..
(nadala na naman sa kwentong kathang isip)LOL
Word of the Day: "tarangkahan" ngayon ko lang narinig itong word na ito!
TumugonBurahinNapaka "profound" ha kasi direct to the point. Interesting din kasi kwento ng buhay ng babae mula sa pananaw ng isang lalake! D kaya babae ung isa mong personality, ung kausap mo lagi?
puedeng pang SOCO whaahaha.. ang tibay ng istorya..pra lang tanga..lols hehe.. in fairness mahusay..!!
TumugonBurahinActually di ko xa Binasa...ang haba eh..base ko nlng ang comment ko sa reactions nila:))
TumugonBurahinSabi ni ate arah...Kakapangilabot daw...ayan...kinilabutan ako:))
Sabi ni em...tarangkahan...word of the day yan.."profound" (di ko rin alam meaning..hahah) daw...
Sabi ni ate lheng..Parang tanga lang daw..pede pang SOCO..
MAso okey sakin yung parang tanga lang:))
Peace !!!
waahhh...
TumugonBurahingraveh...
wala akong masabi...
speechless...
katahimikan...
buntong hininga...
SHEEETTTT!!!!
ANG HIRAP TANGGAPIN NA NAGAGANAP YAN SA TUNAY NA BUHAY...
nakakaiyak naman...
peste si Mang Kadyo..
sasama ko yan sa black listed na yan sa Gabriella...
*sniff sniff sniff*