Yup! medyo malaki na sya ngayon. Ang bilis talaga ng panahon. Minsan pasaway na din...alam na kung kanino nagmana. Ahehehe. Pero ano pa nga ba? parte yan ng pagkabata eh. Maglaro. Madapa. Matuto. Mangulit. Tumawa. Umiyak. Kumain. Kumain. Kumain. Ah parehas pala kami ng hobby. Kumain. Maging malusog lang at masaya, yan ang hiling namin ni WonderG para sa kanya. Pero alam nyo ba kung ano ang paborito ng anak ni SuperGulaman? Ano pa nga ba? ....Jelly "Minsan lang tayo magiging bata, labing dalawang taon lang yun at dapat sulitin ang pagkakataon. Huwag din ito ipagkakait kanino man dahil ang pangit naman na kung kelan pa tayo tumanda tsaka pa tayo mag-iisip bata." ---SuperG
~Utak gulaman man kung ituring, Superhero naman ang dating!...Super Gulaman!~