Miyerkules, Disyembre 28, 2011

Warming Up!

Matagal-tagal na din ang panahon ng huli kong kalikutin ang pahinang ito...Kaya warm up muna...sa 2012 na ang muling pagratsada ng kapa ng superhero ng masa. Ang totoo nyan ang daming kong kwentong gustong ibahagi sa inyo...Mga kwentong ngayon ko lang naranasan, mga kwentong bago sa aking nakasanayan...ahhh, apat na buwan na pla ako dito....ang layo na at ibang-iba...Pero bago ang lahat Happy New Year muna...:)

Naaalala mo pa ba?

~~~~~~~~~~0000000000000~~~~~~~~~~~~~

"Ito ang mga huling taon ng dekada '80 at ang mga unang taon ng dekada '90. Ito ang panahong uso pa ang makiuso. Kung ginagaya mo ang style ng mga artista, hindi ka tatawaging jologs. Ito ang panahong tapos na ang martial law, pero malayo pa ang new millennium. Hindi pa high-tech pero di naman old fashioned. Saktong-sakto lang!

Ito ang panahon natin. Pero pano mo malalaman kung kabilang ka sa henerasyong ito? Narito ang listahan na makapagpapatunay if you're one of us. R U?

1. Paborito mong panoorin ang Shaider, Bio-man, Maskman, Mask Rider Black, Machine Man at kung ano-anong TV sitcom ng Japan na isinalin sa Tagalog. Break muna sa mga laro kapag alas singko na ng hapon
tuwing Sabado dahil panahon na para sa superhero marathon.

2. Alam mo ang jingle ng Nano-Nano. (isang kending lasang champoy).

3. Nanood ka ng Takeshi's Castle at naniwala kang si Anjo Yllana talaga si Takeshi at si Smokey Manaloto ang kanyang alalay. (Pinagiisipan mo - pano sila lumalaban sa final challenge na parang nakasakay sila sa isang bumpcar at nagbabarilan sila gamit ang water gun gayong sa Japan ginagawa yun eh taga Pilipinas sila?)

4. Alam mo ang pa-contest ng Kool 106 na uulit-ulitin mong bigkasin ang "Kool 106, Kool 106" hanggang maubusan ka ng hininga.

5. Naglaro ka ng Shake-Shake Shampoo, Monkey-Monkey-Annabelle, prikidam 123, Langit-Lupa-Impyerno, Syato, Luksong-Tinik, Luksong-Baka, 10-20 at kung ano-ano pang larong nakakapagod.

6. Pumunta ang mga tag! a- MILO sa skul niyo at namigay sila ng samples na nakalagay sa plastic cup na kasing laki nung sa maliit na ice cream. (at nagtaka ka, bakit hindi ganito ang lasa ng MILO kapag tinitimpla ko sa bahay namin?)

7. May malaking away ang mga METAL (mga punks na naka itim) at mga HIPHOP (mga taong naka maluwang na puruntong na kahit Makita na ang dalawang bundok.) Nag-aabangan sa mall na may dalang baseball bat at kung anu-ano pang mga sandata. Sikat ang kasabihang "PUNKS NOT DEAD!" pero kung gusto mong mag play safe, pwede mong tawagin ang sarili mong HIPTAL.

8. Alam mo ang universal uwian song na "Uwian na!" na kinakanta sa tono na parang doon sa kinakasal.

9. Nagpauto ka sa Batibot pero hindi sa ATBP.

10. Nakipag-away ka para makapaglaro ng brick game. (hi-tech na yun noon)

11. Ang "text" noon ay mga 1"x1.5" na karton na may mga drawing ng pelikulang pinoy. (at may dialog pa!)

12. Dalawa lang ang todong sumikat na wrestler, si Hulk Hogan at si Ultimate Warrior. Naniwala ka rin na namatay si Ultimate Warrior nang buhatin niya si Andre d' Giant dahil pumutok ang mga ugat niya sa muscle.

13. Nagsayaw ka ng running man at kung anu-anong dance steps na nakapagpamukha sa'yong tanga sa saliw na kantang Ice Ice Baby, Wiggle It, Pray, at Can't Touch This.

14. Hindi ka gaanong mahilig sa That's Entertainment at pinapanood mo lang ito tuwing Sabado kung saan nagpapagandahan ng production numbers ang Monday hanggang Friday group. (at badtrip ka sa Wednesday group dahil pinakabaduy lagi ang performance nila!)

15. Napaligaya ka ng maraming pinoy bands tulad ng Yano, Rivermaya, Grin Department, Tropical Depression, The Teeth, The Youth, After Image, Orient Pearl, The Dawn, Alamid, Wolfgang, at ang sikat na sikat na Eraserheads. (at aminin mong nakinig ka ng Siakol!)

16. Kilala mo ang Smokey Mountain, (first and second generation)

17. Hindi pa uso noon ang sapatos na may gulong. Noon, astig ka kapag umiilaw ang swelas ng sapatos mo tuwing ia-apak mo ito. Tinawag rin itong "Mighty Kid"

18. Kung lalaki ka, sikat na sikat sa'yo ang mga larong text, jolens, dampa (mga unang anyo ng pustahan), saranggola at ang dakilang manika niyo ay si GI-JOE with alipores.

19. Kung babae ka naman, ang mga laro mo with you're girlfriends ay luto-lutuan, bahay-bahayan, doktor-doktoran, at kung anu-ano pang pagkukunwari. ang dakilang manika mo ay si Barbie. (Sikat ka kung meron kang bahay, kotse at kabaong ni Barbie.)

20. Naniwala kang original ang isang cap kapag may walong tahi sa visor nito.

21. Swerte ka kapag panghapon ka dahil masusubaybayan mo ang mga kapanapanabik na kaganapan sa mga paborito mong cartoon shows tuwing umaga tulad ng Cedie, Sarah, at Dog of Flanders a.k.a. Nelo. (Hindi ka ba nagtataka na sa lahat ng mga bida sa cartoons na ito, si Nelo lang ang di yumaman at namatay pa ng maaga)

22. Alam mo ang ibig sabihin ng "TIME FIRST!"

Bakit kaya ganon? Kahit sang lupalop ka ng Pilipinas naroon, eh nakaka-relate ka sa mga pinagsasasabi ko. Siguro'y dahil wala pang cable at kakaunti lang ang pagpipiliang channels kaya parepareho tayo ng pinapanood. Maaaring wala pang playstation kaya kung anu-ano na lang ang naiimbentong laro na pwedeng gawin sa kalsada o sa isang bakanteng lote. Pero kung ano man ang dahilan sa pagkaparepareho natin ng karanasan, masaya na rin akong naging bata ako sa panahong ito. Masarap alalahanin at balik-balikan. Di ba?"

Sabado, Nobyembre 26, 2011

Mmm Sarap



Mmm Sarap by Kamikazee

Di ko mapigilang ngumiti
Pag ika'y nakikita
Para kang isang regalong
Nagbibigay saya
Nagtataka kung anong
Hiwagang mayron ka
Sana ang nadarama
Ay di na lumipas pa.

Para bang namamasyal sa ulap
Tuwing kasama ka
Pati mga problema ko'y
Biglang limot ko na
Ang oras ay biglang natrapik
Biglang humihinto
Sulit ang bawat minutong
Ika'y naririto.

*Kay sarap isipin na naryan ka
Pag ako'y nalulumbay
Basta't kasama ka lahat ng bagay
Ay puno ng kulay
Naririnig ang daloy ng tubig
At ihip ng hangin
Sa piling mo'y naglalakbay ako
At nananaginip.

Ano bang meron ka
At ako'y naakit mo?
Mapungay ang mata
Kapag ika'y kasama ko
Basta't kapiling ka
Ako ay ayos na
At sa bawat gitgit iyong makikita
Na mahal kita.

 Kanta-kanta muna.... ^_^... woaahhh!

Biyernes, Nobyembre 18, 2011

A Message from Mark Zuckerberg (Facebook CEO) to Philippine users of Facebook

"If this continues and more spams keep being posted, we will have no choice but to ban Philippine users from using Facebook. We at Facebook will not tolerate outlandish behavior and indecency."

----------
Mark Zuckerberg – CEO of Facebook released an online statement regarding the spreading porn pics and spams. Released November 16, 2011 9PM Pacific Time Zone.

The porn attacks originated in the Philippines and are being published by Filipinos all over Facebook, our experts here at Facebook are doing everything they can to stop it from spreading any further (outside the Philippines) and to eliminate the porn and spam threat completely which have been causing other Facebook users ‘a hard time’. Filipinos should also be vigilant and report any spam links and pornographic materials. 41% of Facebook members around the world are aged 12-17 years old, we cannot be exposed to this kinds of things through Facebook. If this continues and more spams keep being posted, we will have no choice but to ban Philippine users from using Facebook. We at Facebook will not tolerate outlandish behavior and indecency.

Please be reminded that this has to stop, Filipinos!

I have noticed that most people in Facebook are posting pornography photos, sharing them which is bullcrap. If Apnea is a sincerely law-abiding citizen (despite being an alt-porn model), why can’t Filipinos do the same? C’mon, we’re always the target when it comes to sex. Foreigners go to the Philippines not only to tour around, but also because of sex.

This didn’t happen before. Unfortunately, since these porn thing went viral and shit, I think there’s something that we really have to do. Don’t just sit there and drool over these porn photos, you think it’s funny? Sharing pornographic material is really a sign of disrespect towards other people. Everything that is related to violence and porn, they’re just sick.

Pornography is not for general viewing

Basically, pornography is one of the social issues in the Philippines. If FHM is pornographic, Playboy’s worse. MAXIM isn’t bad, but it’s still for the matured people. Hentai, however, is alright since Japanese culture thinks that hentai is for entertainment. Why, do you think being a gravure idol is indecent? Malicious? Porn? If Japanese pop culture thinks that this is normal, what about the others? Of course, it’s malice. Malice, like everyone’s showing their kids pornography, which is again, indecent.

I really don’t know what to say, but let’s just hope that there are a handful who will report these photos…

Here’s another… warning

Pornbook. The CEO of Facebook warn us about this pornographic issues. By us means, We the Philippines, their data has been check and all the pornographic issues are being publish by us.. Filipinos.. If we continue this stupid behavior, Facebook will ban Philippines.

Facebook currently has 4 VIRUSES:

1. If you get a notice of a PHOTO TAG. Do not open it.

2. If you get a notification that a friend reported you for offensive behavior etc. Do not open it.

3. Is a Video saying 99% of People can not watch this for more the 15 Sec. Do not open it is also a virus.

4. All Messages from your friends via chat saying click this link. Do not open! These are BAD ones and will crash your computer.

Share and warn friend.

WARNING.PLEASE LISTEN UP! HACKERS ARE BUSY ON FACEBOOK AGAIN! They post some insulting messages on the wall of your friends with your regards, without you knowing about it. If you receive one of those messages in my name, it wasn’t me posting them. Put this on your wall and warn your friends. Also, DONT open the video about a guy with a BIG ZIT. It is a virus.


Huwebes, Oktubre 20, 2011

Super Gulaman sa Bayan ng mga Arabo (Part 1)

Lulan ng pampublikong sasakyan, kipit ang kapirasong karton na kung tawagin ng karamihan ay "Nol Card" na nagsisilbing pasaporte mo sa paggala sa kalunsuran ng Dubai, hindi ko pa din maiwasang ikumpara at hanap-hanapin ang bayang pinagmulan.

23 August 2011, 11:30pm

Ito ang araw at oras ng simulang lumapag mula sa himpapawid ang sinakyang salipawpaw (airplane) sa kalupaan ng mga Arabo. Ito din ang pagkakataon na simula akong humanga at sabihin sa sarili na "sana ganito din sa Pilipinas". Pero ano nga ba ang maganda sa Dubai? Mga gusali? Trabaho? Disiplina ng mga tao? Takot at paggalang sa mga alagad ng batas? Murang gasolina? High-tech na mga kagamitan at inprastraktura? At madami pang iba na wala sa Pinas.

Nakakamangha (Nakamamangha??). Ito ang Dubai para sa akin sa unang linggo ng aking pananatili dito. Maganda ang kalunsuran maliban sa mga di kaaya-ayang amoy na kayang sumira ng iyong paniniwala ukol sa pagligo na tila ba nangungumbinsi na may kakulangan sa tubig sa lugar na ito.  Pero hindi, malakas ang daloy ng tubig sa bansang ito. May sariling paraan ang mga arabo sa pag-ipon ng daang libong metriko ng tubig na umaagas sa mga bahay sa kalunsuran.  Sa paanong paraan? Yun ang hindi ko alam. Sa katunayan, kapansin- pansin ang tila ba pagiging kulay luntian ng disyerto dahil sa punong alanganing Niyog o Kawayan (Dates daw yun sabi sa chismiz.).  Bukod pa dun, nagkalat din ang bermuda grass na pinapanatiling basa upang yumabong sa kabila ng matinding sikat ng araw.  Ang sabi sa chismiz, mula daw sa dumi ng tao ang tubig na pinadidilig dito. Minsan nga gusto kong tikman ang lasa ng tubig upang mapatunayan ang mga haka-haka.

Kung gusali naman ang usapan, mahihiya ang mga nagtataasang kahon na animo'y mga nakatayong kabaong ng Makati kumpara sa mga gusali sa Dubai. Sa Dubai, hindi uso ang puro kahon na tema, kailangan may art at dapat kalidad ang gusali.  Bakit? Aba, eh sa ibabaw kaya yan ng buhangin itatayo.  Hindi din uso ang pagtitipid ng materyales, pakapalan nga ng dingding ang labanan dito, syempre at dahil disyerto dito maraming supply ng buhangin na pwedeng ihalo sa semento.  Sa gabi, kapansin pansin ang liwanag na mula sa nagtataasang gusali ng dubai, iba-iba na umaayon sa disenyo ng inprastraktura, may bilog, patulis, parisukat, may hugis pyramid, may gusaling animo'y may malaking golf ball sa tuktok (etisalat),  at madami pang iba na sasabihing mong "ang yaman talaga nila".

Trabaho.  Karamihan ng mga kababayang natin na tumutungo dito, isa lamang ang pakay-- trabaho. Ako? Hindi ito ang pakay ko noong nasa Pinas pa ako kung bakit ako pupunta dito.  May maganda akong trabaho noon sa Pinas na ang tanging ginagawa ko lang ang matulog sa bahay at tumitig sa harap ng monitor ng computer hanggang sa umusbong ang ideya sa aking kukote.  Online Writer-Researcher yan ang trabahong iniwan ko para sa kaligayahan ng puso ko.  Oo, pag-ibig ang pakay ko dito na unti-unting nadadagan ng ilang aspeto tulad ng para sa kinabukasan at para sa kasalukyan.  Ang totoo nyan, ipinusta ko na lahat ang 8 taong buhay ko sa Pinas para makapiling lang ang aking Grasya at ang grasyang magmumula sa kanyang sinapupunan. Puspos sa paghahanap ng trabaho, ilang araw na lang paso na Visa ko. Pumunta ako sa mall, "Can I drop my CV here?", ganyan ang linya ko sa mga tindahan. Pag-uwi naman sa bahay, forward CV, gulfnews, duzzible, JAFZA etc etc. Hintay ng tawag para sa interview.  Sa dami ng nabigyan ng CV, may mga 2-3 tatawag para sa interview. Halos lahat ng iyon pre-presyuhan ka na base sa kakayahan mo. Nasa iyo na kung tatanggapin mo o hindi.  Ito ang maganda sa Dubai, hindi gaano kahalaga na malaman kung ano ang tinapos mo at saang paaralan ka nagmula. Hindi uso ang tanong na "ano ang tinapos mo?", ang labanan dito ay "ano ang alam mo?" Back to zero, ito ako ng simulan kong pagulungin ang akin buhay sa mundo ng mga arabo.  Hindi naglaon, nakahanap din ako ng trabaho bilang sekretarya sa isang probinsya sa UAE-- sa Sharjah.  Sinubukan ko ng ilang araw, kayang-kaya naman pala. Madali lang maging alipin ng General Manager, Deputy Manager at Project Manager. Simple lang naman ang gagawin mo, kung ano ang kailangan nila bigay lang.  Pero makalipas ang 13 days umayaw na ako.  Bakit? Isipin mo na lang na kailangan mong mag-ala-GM dahil kailangan.  Ang masaklap dun, 100% mas malaki ang sahod nya kumpara sa iyo. Wala pa dun ang mayayabang na "Pana", na akala mo "Perfect English" ang salita at alam na alam ang trabaho nila, yun pala puro palusot lang sa maghapon lumipas lang ang oras (walang discrimination yan, napansin ko lang). Ugali nilang magmagaling, umako na alam ang lahat, laitin ka sa harapan ng mga big bosses pero sa akin din pala lahat ipapasa dahil tanging ako lamang ang nakakaalam. Pero hindi yun ang dahilan kung bakit ako umalis, dahil sa ngayon mas kailangan ako ng Grasya ko sa Dubai, hindi sa malayong probinsya ng Sharjah.

Sa ngayon, tambay na naman ako sa bahay, walang trabaho, naghihintay ng kapalaran sa isang magandang kumpanya sa Dubai.  On Employment Visa processing na daw, kailangan mag-exit sa Dubai, hindi daw pwede sa Kish, sa Pilipinas daw.  Ang sa akin lang, kahit naman saan basta makapiling lang ang aking Grasya at ang aming supling sa kanyang sinapupunan.

(itutuloy...)

(Note: Ang sulating ito ay ayon lamang sa opinyon at sariling karanasan ng may-akda.  Hindi ito naglalayon na manira o mang-alipusta ng sinuman o ng mga bansa. Siniguro din ng may akda na walang nasangkot na "ilang na mga hayop" (endangered species) sa paglikha ng sulating ito. Salamat po sa pag-unawa.)



Huwebes, Agosto 25, 2011

surprise...

current local time...6:05PM... bulaga!

alam ko gabi na.. pero bakit ganun, nagsisimula pa lng gumising ang mga tao patungo sa kanilang mga trabaho... mukmok muna ako ulet sa kwarto...wala pa ang grasya..hintay pa ng alas-dyes para sa pagdating nya...alas-dyes dyan pa lng kami gagala...kakaiba talaga...hindi ko na din matantsa kung anong oras ang almusal, tanghalian at hapunan...ang sabi lang nya..basta magutom ka, kain lang daw...sa pagligo naman, kung dati rati nagpapa-init ka ng tubig panlaban sa lamig ng panahon...ngayon, maghihitay kang lumamig ang tubig dahil sa labis na init ng paligid...hindi din uso ang puyatan dahil normal lang daw ang gising sa gabi at tulog sa umaga...ang orasan ay ginagamit sa pagtatakda ng iyong pasok sa trabaho hindi para malaman kung umaga na o gabi pa... hindi na din totoo ang kasabihang "the early bird catches the early worms"...kasi nga "the intelligent bird catches the worm at the right time"...

sa totoo lang..inaasahan ko na ito, alam na ito ng utak ko... pero ang katawan...nag-aadjust pa...makukuha din yan...:)

Miyerkules, Agosto 17, 2011

Dupe: Tara Lakad Tayo

Ito ang pinoy, lakad dito, lakad doon.  Lakad ng lakad kasama ang pinakamamahal nyang tsinelas. Kaya nga,
"Mang Kulas, Pabili ngang tsinelasMang kulas, 
Pudpod na't gasgas,
Baka mapigtas tong luma kong tsinelas
Tong luma kong tsinelas" -Yano

Hirap ka na ba sa kaaayos ng madaling mapigtas na tsinelas? Takot ka na bang madulas dahil sa iyong lumang tsinelas? Sawa ka na ba sa mahal-pero-hindi-katibayan na tsinelas? Pwes, narito na ang tsinelas na papatok sa iyong panlasa...Ang Dupe. Gawang Brazil pero pinoy ang timpla.  Imported pero hindi mahal. Maganda at matibay na swak pa sa iyong porma.

Kailan nga ba tayo unang gumamit ng tsinelas? Ummmh...siguro hindi pa tayo natututong magbilang at magbasa, alam na natin kung paano ang paggamit ng tsinelas.  Sanggol pa lang tayo noon, tsinelas na ang nakamulatan ng bawat isa.  Minsan pa nga hirap na hirap sa pagkabit si nanay sa garter ng iyong tsinelas upang pang-proteksyon sa iyong lalakaran. Palibahasa batang makulit, tanggal pa din. Tsinelas din ang dumisiplina sa kakulitan mo at alam mo na din ang mangyayari kapag sumigaw na ang nanay mo ng "Dapa!". Bukod sa sinturon, ayan malutong na palo ng tsinelas ang siguradong hahalik sa pwet mo (kaya maglagay ng karton lagi!). Sa laro naman noon, tumbang-preso, siguradong bidang-bida ang bago mong tsinelas. Kaya nga lang kapag sa habulan na at ang tsinelas ay napigtas siguradong alambre na ang kasunod nyan. Alam mo ba yun? Kung hindi pa, hayaan mo sa susunod, kapag nagpatayo ako ng paaralan maglalagay ako ng kursong magtuturo kung paano maglagay ng alambre sa napigtas na tsinelas. "Bachelor of Science in Slipper Repair Major in Wiretapping." Ahehehe! 

Ang totoo nyan, mas bisyo ko ang gumamit ng tsinelas kasya ng sapatos. Bakit? Kuportable kasi.  Kahit nga sa basketball noon, tsinelas ang gamit ko kahit pa sabihin na pagkatapos ng laro siguradong may pilay o di kaya naman sugatan ang mala-porselana kong mga paa (maniwala ka na lang!).  Sa opisina, mas swabe pa din ang dating sa akin ng tsinelas kahit na magmukha akong mabobote sa porma ko. "Office boy naka-tsinelas?!", yan ang madalas na sabi ng mga kapatid ko. Ang sabi ko naman, "Hindi nakikita sa porma ang laman ng bulsa!". Oha!

Fan ako ng mga tsinelas, lahat yata nasubukan ko na.  Lahat yata ng klase ng swelas dumaan na sa aking mala-porselanang paa (paulit-ulit, maniwala ka kasi!).  May magaan, may hayop sa bigat, may madaling masira, may tumatagal, minsan pa nga may nabili akong tsinelas na may warranty.  Kapag umangat daw ang swelas ibalik ko lang daw sa kanila.  Pero inperyrnes matibay talaga kahit na medyo may kabigatan. Pinangharabas ko na iyon lahat sa baha, pinam-basketball, pinampasok sa opisina pero sobrang tibay talaga.  Yun nga lang natapunan ng baga ng sigarilyo ng kapitbahay. Ayun nalusaw. Sayang.

Kaya nga tamang-tama itong regalo ng Dupe. Salamat po sa inyo. Salamat sa bonggang bag at t-shirt. At syempre salamat sa swabeng Dupe Slippers. Sa tindig at porma ng bago kong tsinelas, mukhang may aasahan talaga akong tibay. Kung disenyo naman ang pag-uusapan, aba pwede! Pwedeng-pwede. At kapag ito iyong isinuot....aba sobrang kumportable! At hindi lang yun, meron itong Gel XHP na parang airsole na nagpapasarap ng pakiramdam sa iyong paghakbang. (wow! tunog endorser na ako..ahahaha!) Ano? Gusto mo din nito? Aba walang problema syempre ibabahagi ko sa inyo ang biyaya. Basahin pong maiigi ang mechanics sa baba.


For more info visit: http://www.facebook.com/dupePH


Tara lakad tayo!



Biyernes, Agosto 12, 2011

Facebook (Pesbuk)

5:00am...maingay na naman ang alarm clock ko. Kinapa, ang kinaroonan, in-off ang alarm switch, kinuha, tinignan ng matang hirap sa pagdilat. Nakipagtitigan sa orasan. Pupungas-pungas. Tinangkang ibato dahil nagulantang sa kasarapan ng tulog.  Pero wag na lang, mahirap maglinis ng nakakalat na bubog. Kinuha ko ang selpon (cellphone, mobile phone, handphone???), nagsimulang tumipa. Message Sent! 

Tumayo na din ako, umunat ng bahagya. Nagdasal ng pasasalamat at nagsimula ng iligpit ang pinaghigaan. Pagkayari ng ilang saglit, hinanap ang saksakan ng battery backup. Pindot dito, pindot doon. On, on, on! Pinagpahinga ko na din ang bentilador na nagpasarap sa aking pagtulog.  Diretso sa kusina. Kumuha ng baso, nilagyan ng isang kutsaritang kape at asukal, at madaming coffeemate. Nagpakulo ng tubig.  Hintay ng ilang saglit. Binuhos ang kumukulong tubig sa baso. Wag kayong maniwala sa kasabihang nawawala ang aroma ng kape kapag binuhusan ito ng kumukulong tubig. Kaya nga kape dapat mainit.  Matagal akong magkape kaya dapat tumagal din ang init nito.  Oops, o ito may cinnamon pa.  Hindi yan yung commercial na "Gawin mong timpla nya". Talagang may cinnamon powder ako. Ganyan kaming mga peti-burgis, may kaunting kayabangan minsan sinungaling din katulad nating lahat na may facebook.

Pandalas ang pasok ko ulit sa kwarto. Sinipat kung nakabukas na ang computer. Bitbit ang isang tasang kape, umupo ako sa tapat ng monitor. Patong ang kamay sa mouse. Firefox, click. Sa keyboard naman, tipa-tipa-tipa. Facebook.com, enter! Tipa ulit, email, password, enter!

Isa sa pinakadakilang likha ni panginoong Mark Zuckerberg ang facebook.  Sa katunayan, kaunting panahon  na lang ay mapapantayan na nito o mahihigitan pa ang mga nangungunang relihiyon sa buong mundo kung bilang ng miyembro ang pag-uusapan. Base na din sa istatistika ngayong 2011, umaatikabong pitong daan at limampung milyon (750 million) ang bilang ng kanilang mga aktibong miyembro. Mga aktibo lang yun, paano pa ang bilang na mga hindi aktibo? Ang malupit nyan kailan lang ba nabuo ang facebook kumpara sa mga reliyon na daan o libong taon na ang nakalilipas buhat ng ito ay nalikha? Kaya nga hindi na din nakakapagtaka na kung isang araw ay maging religion na ang facebook. Sa panahong yun magkakaroon na ng rebulto si panginoong Mark Zuckerberg.  Magkakaroon na ng pagsamba tuwing alas-sais ng gabi kaya dapat ang lahat ay online.  Prayer request online.  Donations via paypal.  Magkakaroon na din ng worship song na ang title ay "You like it, I like it". Like like like!

Kung hindi ako nagkakamali, taong dalawang libo't apat (2004) nang simulang gawin ni panginoong Mark Zuckerberg ang facebook. Noong mga panahong iyon, isa lamang siyang magbobote sa Amerika. At dahil sa kanyang sipag at tyaga nakupulot siya ng magic bote. Kiniskis niya iyon hanggang sa lumabas ang genie.  Binigyan siya ng genie ng tatlong kahilingan dahil sa ginawa niyang pagpapalaya dito. Batay sa mga talang nakasulat, hindi na nabanggit ang iba pang kahilingan ng panginoong Mark Zuckerberg, pero humiling siya na maging pinuno ng sanlibutan at iyon ay natupad sa pamamagitan ng facebook.  Pero syempre hindi totoo yang sinasabi ko, gawa-gawa ko lang yan, obvious naman eh. Nahirapan din kasi akong ipaliwanag ang mga pangyayari sa pelikulang "The Social Network (2010)" kahit na sabihing tatlong beses ko na itong napanood.  Sa pelikulang yan nakadetalye ang mga pangyayari sa pagkakalikha ng facebook.com. Doon makikilala ninyo sina Eduardo Saverin, ang mga maangas na Winklevoss (kambal yun kaya Winklevi ang tawag ni panginoong Mark Zuckerberg), yung ex ng panginoong Mark Zuckerberg na si Erica Albright (ang sabi sa chismis hindi daw yun ang totoong pangalan para maprotektahan ang tunay na pagkakakilanlan), at syempre nandun din si Justin Timberlake este si Sean Parker na nagsilbing mentor kuno ni panginoong Mark Zuckerberg .

Sa Pilipinas, ang facebook ang nangungunang website na binibisita ng Pinoy. Tinalo na nito ang henyong si Google. Humahabol na din sa listahan ang isa pang henyo na si Wikipedia.com.  Itanong mo lang sa kanila, siguradong alam na nila ang sagot. Baka nga pati ang kapalaran mo ay alam na din nila. Close kasi sila kay panginoong Mark Zuckerberg.  Kung iisipin apektado na ang buong mundo sa paglobo at paglawak ng mga kumpanyang ito.  Halimbawa, ang google ilang milyong negosyate ba ang nakadepende sa google ads? Ilang blogger ba ang umaasa sa traffic na nagmumula sa google at facebook? Ilang blogger ba ang aasa sa kakarampot na kita mula sa google adsense (malas deactivated ako, taeng invalid clicks)? Ilang pilipinong estudyante ba ang aasa sa dali ng pagre-research sa tulong ng mga henyong si Google at Wikipedia kaysa umasa sa sobrang bising si Kuya Kim ng "MutaingLawin"?  Sa lawak ng koneksyon ng nabuo ng mga kumpanyang ito, posibleng nasa palad na nga nila ang mundo, pagulong-gulungin, paikutin at saka ibato. Caidic Three Points!

Profile Page. Wow ang pogi ko, may kandong pang-chick. Ay misis ko pala yan. Ito ang maganda sa facebook, payabangan.  Aba, syempre sa page mo dapat ikaw ang bida kaya dapat maganda ang lahat ng nakikita ng mata. Nakakatuwang isipin lang na sa sobrang galing ng facebook kaya nitong bumuo at sumira ng relasyon. Ilang pagkakataon na ba na ng dahil sa facebook ay nakatagpo ang ilan ng kanilang pag-ibig o di kaya's natagpuang muli ang nawalang pag-ibig? Ilang pagkakataon na din ba ang pagkakataon na nabisto ang kabalbalan ng mister ng dahil sa facebook? Totoo maganda ang facebook. Connecting People. Ay slogan pala yan ng Nokia. Sa facebook, pwedeng ang tagline ay "Connecting and Disconnecting People". Oha! 

Sa facebook lahat ng tao kaibigan mo, kahit na yung iba ay kaaway mo naman. Sabi nga, "friend request accepted", pwede kayang "enemy request accepted" o kaya naman "friend request ignored"?. Yung iba naman magpo-post ng ganito "My father passed away last night" (grammar check off).  Tapos makikita mo 20 people like this. May hirit pang "like this comment".  Huwat?! Mantakin ba naman namatay na nga nagustuhan pa ng dalawampung tao. O kaya naman mag-post ka na "Feeling alone and lonely" (grammar check off ulit), makikita mo may magla-like talaga. Nasaan na kaya ang dislike button? Sa palagay ko, ayaw pang gawin ni panginoong Mark Zugerberg yun. Bakit? Negatibo daw kasi ang dislike or yung enemy request. Dapat perfect world ang facebook, langit kumbaga kaya dapat lahat maganda. Sa sobrang ganda kadalasan kasinungalingan na. Sa facebook, ang taong sinungaling ay lalong nagiging sinungaling. Friends daw, magkaaway yan.  Sa profile page, ang ganda ng mukha, ang kinis, ang klasik dito adobe photoshop lang pala (tunog radio station, ahahaha!). Halos lahat ng babae sa facebook, lahat yan ay mga model, camwhore sabi nga nila. Kunyari stolen shot, tapos naka-make-up. Oh come on!  Sa mga kabataan naman, makikita mo galit yan sa kapwa nila maarte mag-pose sa picture. Tapos parinigan yan ng status (naririnig ba ang status? nababasa siguro). Haters complain about haters. Ang malupit nyan yung iba kunyari mayaman pero pulubi din naman. Mas epektibo din ang facebook kumpara sa mga gym.  Yung mga buto't balat (lumilipad???)  nagkakaroon ng curves at yung mga bondat at lumba-lumba, nagagawang makapagbawas ng timbang sa profile picture. Salamat Saint Adobe Photoshop. Akalain mo yun, hindi mo na kailangan sina Calayan at mareng Vicky Belo para sumeksi, kay St. Adobe Photoshop ka lang ligtas na ang umaalwas na bilbil mo. 

Relationship Status. Sa facebook nakakatuwa din ito. Yung mga single, yung iba dyan ay hindi talaga single, yung iba double, yung iba pa nga triple or yung malupit ay multiple.  Yung iba naman kunyari Engage, pero hindi naman, yung iba kasi dun kung hindi confused or MU (mag-un), yung iba nagpapantasya lang. It's complicted. Anong relationship status ito? Dapat sabihin din ang reason bakit complicated. Halimbawa, waiting, broken hearted but searching, in love all by my self, bitter, assuming, home wrecker, martyr, kabit or forever alone.  Ei yung mga pari at madre anong relationship status nila? In relationship with God? Pwede siguro. Pero mas maganda kung  In MUTUAL relationship with God. Ayan sacred kasi yun.

Games.  Isa din ito sa nagpatibay ng organisayon ng facebook. Simula sa farmville, pet society, mafia wars, at plants vs. zombies. "The zombies ate your brain". Angry Birds sa facebook?  Hindi ko pa na-try yan. Mahusay si panginoong Mark Zuckerberg hindi ba? Alam niya kung ano ang kiliti mo. Alam niya kung ano ang hinahanap-hanap mo. Alam niya kung ano ang gusto mo. Baka nga maging diyos na siya.



Oops. Logout!



[Note: Pasensya na kung may kahabaan, ang gusto ko lang naman ay makapagbigay ng kaalaman at kaunting kasiyahan, salamat sa hindi pag-skip read...:)]

 

Sabado, Agosto 6, 2011

Ligo na U, Lapit na Me

Friends with benefits and perks. Katatapos ko lang panoorin ang pelikulang Friends with Benefits (2011) na pinagbidahan nila Justin Timberlake (Dylan) at Mila Kunis (Jamie)... Nakakaliw, nakakatuwa (nakatutuwa??) kung paano nila nabigyan buhay ang karanasan ng mga FUBU. Oo, Tama! Mga FU*k BUddies. Ganun daw kasi ang mababait at tunay na magkaibigan, nagpapahipo. Isa itong pelikulang tama din ang timpla, swak sa panlasa, may kiliti at ligayang panggising sa natutulog mong diwa. Sabihin na natin na nalibang din ako sa panonod ng pelikulang ito, pero ayun nga anticipated ko na naman ang dulo (and they lived happily ever after). Kung sabagay halos lahat naman ng pelikula ay ganyan...and they lived happily ever after. Hindi naman sa hindi ako naniniwala sa happily ever after o ayaw ko nito, ayaw ko lang na makapanood ng mga pelikulang predictable ang takbo ng kwento. Minsan pa nga mas natutuwa ako sa pelikulang hindi ko maintindihan. Yung tipo ng pelikula na mapapasambit ako na "Ah, ganun pla yun!". O kaya naman patay ang lahat ng tauhan sa dulo ng kwento. Morbid.

Sa panonood ko ng pelikulang Friends with Benefits (2011), hindi na ako na culture shock, nanibago o naasiwa sa kwento dahil naranasan ko na ito (patay tayo dyan!...ahahaha!) nabasa ko noon pa man ang obra ni Ginoong Eros Atalia na "Ligo na U, Lapit na Me".  Maganda ang pagkakabalanse ni Master Eros Atalia sa kanyang nobela.  Para itong roller coaster na magpapanatili sa gising mong diwa upang namnamin ang bawat eksena na iyong kinapapanabikan masundan. Unpredictable. Kailangan mo ng magtanong. Sabi nga nya sa nobelang ito:

Paano mo malalaman kung hindi ka magtatanong? Pero ang andami-dami nating nalalaman kahit hindi tayo nagtatanong. Paano ka pa magtatanong kung alam mo na ang sagot. Pero paano ka magtatanong kung hindi mo alam ang iyong itatanong? Paano mo sasaguting ang tanong sa iyo kung hindi mo alam ang isasagot? Paano ka sasagot kung hindi mo alam ang tanong. (Kunsabagay, sa buhay na ito, madalas, tama ang sagot, mali nga lang ang tanong.) 
---Eros Atalia

Nitong nakalipas na buwan, isina-pelikula na din ang nobelang ito sa parehong titulong "Ligo na U, Lapit na Me" bilang opisyal na lahok sa patimpalak ng Cinemalaya. Nakakatuwang isipin na nabigyan buhay na din ang nobelang ito sa pinilakang-tabing bagamat isa itong indie film.


Ang nasabing pelikula ay pinagbidahan nina Edgar Allan Guzman bilang Intoy at Mercedes Cabral bilang Jenny na batay din sa panulat ni Jerry Gracio, produksyon ni Noel Ferrer at direksyon ni Erick C. Salud.  Bagamat hindi nagwagi bilang Best Movie ang "Ligo na U, Lapit na Me", nakuha naman ni Edgar Allan Guzman ang karangalan "Best Performance of an Actor".  Narito ang kauting patikim mula sa pelikula.





Si Intoy, sa kauna-unahang pagkakataon, parang natuto na yatang magmahal pero hindi tiyak kung minahal ba sya o kinailangan. Sa kauna-unahang pagkakataon, parang Math problems, tama ang sagot, hindi nga lang maipakita ang solution....

Narito, ang isang nobelang may asim ng romansa, pait ng pagkabigo, tamis ng ligaya, alat ng pamumuna at anghang ng kaastigan. Handa ka na ba?

O talagang handa ka na ba?  Handa na din sana si Intoy na talikuran ang kanyang pagiging astig at ipagtapat kay Jenny ang kanyang nararamdaman sa kabila ng kanilang madalasang paglalaro ng apoy at napagkasunduan na hindi dapat mahulog ang loob nila sa isa't isa. Ang masaklap nabuntis si Jen. Ngunit mas masaklap, ang sabi ni Jen hindi daw ito sa kanya.



Biyernes, Agosto 5, 2011

Eye Test? Malabo na ba ang iyong mata?

Gaano ka kahusay sumunod sa mga panuto(instructions)?  Base sa mga pag-aaral may kinalaman daw ang tamang pagsunod sa mga panuto sa kalagayan ng ating mata.  Sa aking palagay posible nga, lalo na kung may kalabuan ang ating mata. Hindi na natin magawang makasunod sa tamang panuto. Ang mga simpleng panuto na "bilugan ang sagot" ay posibleng magiging "guhitan ang sagot"...O kaya  naman ang simpleng "walang tawiran" ay maging "tamang tawiran".... Magkagayunman, narito ang simpleng panuto na magdedetalye ng kalagayan ng iyong mata. Great discovery daw ito, kaya subukan mo na. Handa ka na ba? Kung ganun, tara na at isabuhay ang pagsunod sa panutong ito...  

1. First close one of your eye .
2. Move your mouse point at the red * below.
3. Right click at the red *.
4. Then click (select all).
5. Then you will see the result .

* Pasensya na kung na-uto kita. Ahahaha! 
Sa susunod mag-isip munang maigi bago sumunod sa sinasabi ng iba!
Tama! walang sira ang iyong mata, pero posibleng gaya na kita..
May tama sa utak! ahahaha... :)


Lunes, Agosto 1, 2011

Endorsers???

Negosyong sulit at patok ba ang hanap nyo??? Yung tipong pasok sa panlasa ng publiko? Aba! subukan na ang pagbenta ng siomai na hinahanap-hanap ng dila ng masa. Sa halagang 250,000 pesos maaari ka ng mag-franchise ng masarap at malinamnam na siomai ng Siomai House. Sa murang halagang iyan kasama na ang booth, freezer, steamer, beverage dispenser, advertising signs and signage, dalawang (2) sets ng uniform, free delivery 3x a week, at iba pang mga kailangan para sa negosyo. Kaya anu pa, sulit hindi ba? Tara na!

Ahahaha...feeling endorser lang, wish ko lang makita ito ng shomai at padalahan nila akong ng 1 year supply ng siomai at gulaman... ahahaha, biro lang... nasira kasi ang internet connection ko kaya ito tamang trip muna may ma-post lang...hindi naman siguro ako mapapagalitan ni WonderG sa pag-post ko ng picture namin dito... ahahaha... :)




[note: sa mga na-engganyo ko kung meron man narito po ang contact details ng Siomai House: 
Bernabest Food Products, Inc.
118 D.Arellano St., Bagong Barrio, Kalookan City
Tel. 447-6523, 363-0226, 332-0208
TeleFax. 362-1902
Email: siomaihouse@yahoo.com.ph
Web: www.siomai-house.blogspot.com]

Miyerkules, Hulyo 27, 2011

The BENEFITS of SEX

Warning: Kids don't try this at home sa labas lang. Ahahaha...biro lang. Ang sulating ito ay para lamang makapagbigay ng kaaalaman. Hindi ito nanghihikayat ng kalaswaan para sa kabataan. For information dissemination ika nga. So ito na, let's read:

Did you know that we can determine if a person is sexually active or not by looking at her skin ?

1. Sex is a beauty treatment. Scientific tests have shown that a woman who has sexual relations produces big amounts of estrogen which makes hair shiny and soft.

2. To make love in soft and relaxed way reduces the possibilities of suffering from dermatitis and acne. The sweat produced cleans pores and makes the skin shine.

3. To make love allows to burn all the calories accumulate is this romantic love scene.

4. Sex is one of the safest sports. It strengthens and tones all body muscles. It is more enjoyable than doing 20 lapses in the pool. And you don’t need special shoes !

5. Sex is an instantaneous cure against depression. It frees endorphins in the blood flow, creating a state of euphoria and leaves us with a feeling of well-being.

6. The more we make love, the more we have the capacity to do more. A body sexually active releases a higher amount of pheromone. This subtle aroma excites the opposite sex !

7. Sex is the safest tranquilizer in the world. IT IS 10 TIMES MORE EFFICIENT THAN VALIUM.

8. Live Longer, Stay Younger. It helps balance the immune system, improves cognition, promotes bone growth, and maintains and repairs tissues, keeping your skin healthy and supple. It may also contribute to cardiovascular health and even function as antidepressant

9. Sex relieves headaches. Each time we make love, it releases the tension in brain veins.

10. To make love a lot can heal a nasal congestion. Sex is a natural antihistaminic. It helps fight asthma and spring allergies.

Pero mga chong, hinay-hinay... katulad ng laging sinasabi, "Everything must be done in moderation" at ayaw kong masisi sa lumalaking populasyon ng Pilipinas....ahahaha... :D

[Note: Hindi po ako ang orihinal na may akda ng mga benepisyong ito...Ito po ay mula sa aking mga lumang forwarded emails. Health and Beauty Tips daw.] 

Linggo, Hulyo 24, 2011

NBA All Stars VS Smart Gilas (Philippines)

sayang hindi ko din ito napanood sa TV... kaya ito tyaga na lng muna ako sa highlights sa youtube.... Sa mga kagaya ko na hindi nakapanood...ito po share share tayo... :)


1st Quarter Highlights:


2nd Quarter Highlights


2nd Half Hightlights (3rd & 4th Quarters)


n.b. FOR ENTERTAINMENT PURPOSES ONLY. ALL CLIPS BELONG TO AKTV-IBC.

SONA 2011: TRAFFIC RE-ROUTING SCHEME and MORE

ooooopppssss.... July 25, 2011... State of the Nation Address (SONA) po ngayon ng ating Pangulong Benigno Aquino III kung kya Public Service po muna ang inyong superhero....

Narito po ang TRAFFIC RE-ROUTING SCHEME mula sa website ng PNP na isinulat ni PO2 Ryan Mazo.


Commonwealth Northbound

All northbound PUBs, PUJs and other motorists shall turn left at Shopwise U-turn Slot and take southbound counterflow until they reach San Simon U-turn Slot. Turn left and take the northbound for normal counterflow.

Alternate Route #1: From EDSA take Congressional Ave. then turn left to Mindanao Avenue. Take right to Old Sauyo Road then left turn to Chestnut. Take right turn to Dhalia then take left turn at Regalado. From Regalado take a left turn going to Commonwealth Avenue.

Alternate Route #2: From Quezon City Circle via North Avenue turn right to Mindanao Avenue. Take right to Old Sauyo Road then left turn to Chestnut. Take right turn to Dhalia then take left turn at Regalado. From Regalado take a left turn going to Commonwealth Avenue.

Alternate Route #3: From Quezon Memorial Circle via Visayas Avenue turn left at Tandang Sora Avenue then turn right going to Mindanao Avenue. Take right to Old Sauyo Road then left turn to Chestnut. Take right turn to Dhalia then take left turn at Regalado. From Regalado take a left turn going to Commonwealth Avenue.




Commonwealth Southbound

All eight (8) lanes of southbound are passable for all types of vehicles. From San Simon U-turn slot, 8 lanes of southbound will be divided in to two (2) parts to give way for northbound vehicles until it reaches Metro Disco U-turn Slot where normal traffic flow will resume.

Alternate Route: From Commonwealth Avenue take right at Regalado then turn right at Dahlia. Turn left at Chestnut then turn right to Old Sauyo Road and turn left going to Mindanao Avenue.


At para naman po sa ulat ng panahon, ang sabi ng Weather Bureau ng Pinas:

“due to possible formation of a Low Pressure Area (LPA) east of Visayas and the presence of Intertropical Convergence Zone (ITCZ)…[parts of the country] will experience mostly cloudy skies with scattered rainshowers and thunderstorms especially in the afternoon or evening.” (source: ABS-CBN News)

Ibig sabihin, magiging maulan po ngayon...at para sa mga estudyante ng ELEMENTARY and HIGH SCHOOL ng QUEZON CITY... WALA pong PASOK...(source: ABS-CBN News) kaya kids enjoy ang medyo mahaba habang bakasyon...

Biyernes, Hulyo 22, 2011

Andrea Corr's State of Independence

Matagal-tagal na din ang panahon mula ng makinig ako at mahalina sa musika ng The Corrs...Highschool pa lang ako nun ng magustuhan ko ang mala-folk rock na tugtugan nila.  Bukod sa magandang vocalist na si Andrea na mahusay din pagdating sa kantahan at pag ihip ng plawta (flute), swabe din sa pag tugtog sina Sharon (violin, vocals), Caroline (drums, piano, bodhrán, vocals) at Jim (guitar, piano, vocals).

Ano nga ba ang nagustuhan ko sa The Corrs? Dahil ba sa magandang vocalist?

Ahahaha....sabihin na natin na may puntos din yun... pero iba para sa akin talaga ang tugtugan nila, iba ang ganda ng boses ng bawat miyembro, iba ang galing, ibang-iba sa lahat ng mga banda.  Nagustuhan ko ang The Corrs dahil hindi ka mawawala sa uso, hindi ka din masasabihan na jologs/baduy o kaya naman conyo o ilitista..kumbaga sakto lang ....

Matapos ang mahigit isang dekada ng  The Corrs nagdesisyon na sila na pansamatalang mag-disband...Taong 2007 nang buoin ni Andrea Corr ang kanyang sariling Album na "Ten Feet High". Matapos ang dalawang taon nagpakasal na din si Andrea... August 21, 2009 sya kinasal habang kinakanta nila Sharon at Caroline ang "No Frontiers" na isa din sa pinaka paborito kong kanta nila.  At ngayong 2011, muling nagbalik sa tugtugan si Andrea. Ngayon 2011 ilalabas na ang bagong Album "Lifelines"...at kabilang dyan ang kanyang single na sya ring kantang pinasikat ni Donna Summer na "State of Independence"....ito po...makinig tayo... :)





State of Independence by Andrea Corr

State of life, may I live, may I love
coming out the sky, I name me a name
coming out silver word for what it is
it is very nature of the sound, the game


Siamese, Indonese, to Tibet treat the life
as a game, if you please (hey)
coming up Caribee such a freedom
derives from a meditative state
movin' on, believe that's it, call it magic
third world, it is, I only guessed it

Shablamidi, shablamida
shablamidi, shablamida
shablamidi, shablamida


Shot to the soul the flame of Oroladian
(the) essence of the word
the state of independence

Sounds like a signal from you
bring me to meet your sound
and I will bring you to my heart

Love, like a signal you call
touching my body, my soul
bring to me, you to meet me here

Home, be the temple of your heart
home, be the body of your love
just like holy water to my lips
(hey, hey)

Yes, I do know how I survive
yes, I do know why I'm alive
to love and be with you
day by day by day by day

Time, time again, it is said
we will hear, we will see
see it all in His wisdom hear

His truth will abound the land
this truth will abound the land
this state of independence shall be
this state of independence shall be

Say, yeah -e-yay, yeah-e-yo
yeah-e-yay, yeah-e-yo...
be the sound of higher
love today
yeah-e-yeah (hey, hey)

Time, time again, it is said
we will hear, we will see
see it all in His wisdom hear

His truth will abound the land
this truth will abound the land
this state of independence shall be
this state of independence shall be
this state of independence shall be
this state of independence shall be
this state of independence shall be...

Linggo, Hulyo 17, 2011

..after 45 days...

makalipas ang apatnapu't limang araw maraming pagbabagong naganap...parang isang sisiw na sa loob ng 45  araw..naging isa na itong ganap na manok...

sa nakalipas na apatnapu't limang araw....maraming masasayang sandali... maraming first time... maraming mga pagkakataong hinding-hindi ko makakalimutan at may mga pagkakataon na masarap balik-balikan sa alaala...

sa nakalipas na apatnapu't limang araw... 

1) nabago na ang facebook status ko from engage naging married na... Tama! ganap ng isa si SuperG at WonderG...napapanahon na din para gumawa ng BabyG(s)... ahehehe... :)
2) naranasan kong magkudkod ng niyog sa tradiyunal na paraan...
3) naranasan kong mag-igib (magbomba) sa poso...
4) naranasan kong magluto para sa taong mahal na mahal ko...si WonderG
5) naranasan kong muli ang sarap ng pakiramdam sa tuwing masaya si WonderG
6) naranasan ko ang lungkot ng pakiramdam sa mga pagkakataon nalulungkot at nagtatampo si WonderG.
7) naranasan kong hindi nawala si WonderG sa aking tabi sa pagpikit ng aking mata sa gabi.
8) naranasan ko ang matamis na pagbati sa umaga ni WonderG.
9) naranasan kong uminom ng kape na walang asukal.
10) naranasan kong magluto ng sunog na kropek at muntik ng makasunog ng lutuan.
11) naranasan kong pumasyal sa nueva ecija sa loob ng 3 araw at dumiretso sa bohol...
12) naranasan kong makakita ng butiking kasing laki ng braso ko.
13) naranasan kong mag-visita iglesia kahit hindi holy week. Ang mga simbahan na pinutahan ko, Quiapo Church, Antipolo Church, Baclaran Church, ICP Church (Project 8,QC), Dauis Church, Tagbilaran Cathedral,  Cortes Church (Bohol), Virgen dela Regla Parish (Cebu), Basilica of Santo Niño (Cebu) and a Chapel in Biking 2 Dauis Bohol.
14) Naranasan kong mamangha sa paligid dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi nila, nasa Bohol ako nito.
15) Natuto akong magbilang simula 1 to 10 sa salitang bisaya.  Para akong Grade 1.
16) Kahit papano may naiintindihan na ako at ilang salitang bisaya na alam ko ang kahulugan tulad ng uyab, bana, kabo, sanina, bug-as, pikas, hatag, wala (hindi), ayaw (huwag), kaon, lawas, lakaw, kapoy, luto (rice), dili, iring, iro, tigulang (tigul-ol ang term ni WonderG dito).
17) naranasan kong hindi na mag-isa.
18) naranasan kong malungkot dahil aalis na sya.
19) naranasan kong matuwa dahil ilang araw na lang muli na kaming magkikita ng aking WonderG.
20) naranasan kong mamiss sya ulit hindi bilang Kasintahan kundi bilang Maybahay na mamahalin ko habangbuhay.

Konting hintay lang mahal, 13 days na lang nandyan na ako. Behave po ako. Promis... :)

Linggo, Hulyo 10, 2011

...after 7 years...0307 becomes 0614....

0307 becomes 0614...times 2 lang..mathematically correct..pero significant talaga sya kahit hindi sadya... :D

mabilisan lng ito...video po...ay pictures pla... aw!... :D



sa sunod ulit..sobrang busy pa...:D

Miyerkules, Hunyo 22, 2011

aswan (bilang isa)

Matapos ang libong araw ng paghihintay, muli... nakapiling na kita. Maramdamang muli ang sarap at gaan ng buhay sa iyong piling.  Sabihin nating hindi naging madali ang paghihintay ng halos pitong taon. Na sa kabila ng matyaga at sakripisyong ibinahagi nakuha pa kitang labis na saktan. Saktan sa paraang kahit ang sarili ko'y hindi makapaniwala at hindi maintindihan. Mahal kita pero anong ginawa ko? Dahil ba yun sa labis na pananabik sa iyo? Na sa paglipas ng pitong taon ay lagi kong hinahanap ang presensya mo? Na lahat ng masasayang sandali sa piling mo ang syang hanap ng puso ko? Na dahil sa pangungulila ay hindi ko namalayang sinaktan na pala kita...sobra sobra.  Hindi ko alam kung paano ko pagbabayaran ang mga kasalanang nagawa at kahit alam kong pinatawad mo na ako...alam kong hindi iyon madaling malimutan. Gusto kong sisihin ang sarili ko at wala ng iba. Ang gusto ko lamang ay mahalin ka at tanging ikaw lamang...habangbuhay.

Ilang araw mula ng ikaw ay nagbalik, hindi naging madali sa atin ang pagharap sa katotohanan, pero pinatunayan ng iyong wagas na pag-ibig na kaya natin itong lampasan at ilan pang pagsubok na ating pagdadaanan. Pagsubok na ating susuungin at ligayang ating pagsasaluhan ngayong tayo'y iisa na. 

Ang sarap ng umaga. Na sa twing imumulat ko ang ang mata, ikaw ang aking nakikita.  Isang masarap na halik at magandang umagang pagbati na higit pa sa katumbas ng pinakamasarap na kape sa umaga. Totoo hindi ko magawang tumbasan ang pagmamahal mo, pero hayaan mo akong mahalin ka sa paraang alam ko at kaya ko.  Hayaan mong patunayan ko na karapat-dapat ako sa pag-ibig mo.  Hindi ako nangangako sa kadahilang ayaw ko ng sumira ng pangako. Gagawin ko ito hindi lang dahil para sa pangako..kundi dahil sa tunay na pintig ng puso...kundi dahil sa pagmamahal ko sa iyo.

At ngayon ngang ikaw ay pagbabalik hindi ko na hahayaan pang lumayo ulit sa iyong piling ng libong araw.  Hindi ko na hahayaan masaktan muli. Mananatili na ako sa tabi mo kahit saan mang dako ng mundo.  Mananatili akong stalker iyong buhay tulad ng ating unang pagtatagpo.

I love u so much Mrs. Mary Grace A. Madali

Ok. Game na!

[P.S. Kasalukuyang nakabakasyon pa din kami dito sa Bohol.  Panadaliaan tumigil sa Nueva Ecija, Umikot ng bahagya sa Cebu at uuwi din sa Rizal. Nakakapagod na paggala pero walang katulad na kasiyahan..hindi maipagpapalit at mabibili..peksman!]




Huwebes, Hunyo 2, 2011

Ano na?

may mas sasasaya pa ba sa pagtatapos ng libong araw ng paghihitay?


pasensya na pero hindi nyo mahahagilap sa ngayon si SuperGulaman...


pero isa ang sigurado...kasama si WonderG...nakangiti pareho para sa bagong yugto...

Huwebes, Mayo 19, 2011

Reproductive Health Bill (Opinyon Ko)

Matapos matabunan ng ilang pangayayari sa Bayan ni Juan ang kwento tungkol sa RH Bill, muli na naman itong naging isang mainit na usapin. Sa pag-iikot ko sa blogesperyo, pagbabasa ng mga siyap ng mga ibon sa twitter, at pagsigaw ng ilan sa Facebook, kapuna-puna na karamihan sa mga ito ay Pro RH Bill.  Nakakatuwa nga lang dahil ang ating Pangulong Aquino ay hindi din ganap na sumusuporta o tumatanggi sa RH Bill.  Sabi nga nya, "I’m a Catholic, I’m not promoting it. My position is more aptly called responsible parenthood rather than reproductive health."

Eh ano naman ang posisyon ni SuperGulaman?  Mga katropa pasenya na pero hindi ako Pro RH Bill pero hindi din ako Anti RH Bill.  Hindi ko kasing magawang pumanig sa isa dahil katulad nga ng ating Pangulo, Katoliko din ako at may mga paniniwala, pananamplataya, customs, tradisyon, kultura at iba pang batas na hindi ko din pwedeng ipagsawalang bahala. Narito ang ilang mga posibleng tanong ukol dito, at narito din ang aking mga sagot sa usapin:

1. Ano nga ba ang RH bill o ang Reproductive Health Bill? 
Ang sabi, "it is a Philippine bill aiming to guarantee universal access to methods and information on birth control and maternal care."  Ayun naman pala eh, "universal access to methods and information on birth control and maternal care". Tapos ang susunod na tanong nyan ay "pero bakit?".  

2. Bakit nga ba natin kailangan ng RH Bill? 
Isa sa pinakamabigat na layunin ay maibsan ang lumalalang kalagayan ng kahirapan sa bansa dahil daw sa patuloy na paglaki ng populasyon. 

3. Yun naman pala eh, eh bakit ayaw ng simbahan dito? 
Kasi nga labag sa kautusan ng simbahan ang "birth control".  

4. Bakit nakikialam ang simbahan sa gobyerno, di ba hiwalay ang mga institusyong ito?
Oo nga, pero hindi ba ang nasasakupan ng gobyerno o 81% - 85% ng mga tao sa Pilipinas ay Katoliko. At isa pa, marami na din kasing Padre Damaso sa bansa kaya wag ka ng magtaka.

5. Makakatulong ba ang RH Bill sa pagbaba ng populasyon?
Sa aking opinyon, HINDI. Bakit? Hindi lang safe sex o contraceptives ang dahilan ng pag-aanak, madaming factors tulad ng immaturity, lust, lack of information about responsible parenthood, etc. etc. At kung nakapaloob din ang mga yan sa RH Bill, hindi pa din bababa ang populasyon. Bakit? Pinoy kasi tayo, bukod sa maparaan, umaayon din tayo sa isang bagay galing sa ilong. Kunyari aayon sa batas, hindi din naman susunod.  Kung yung simpleng karatula nga na "Bawal Tumawid, May Namatay Na Dito!" ay hindi masunod, yun pa kayang usaping pang-kama na walang karatula?

6. Makakatulong ba ang RH Bill sa pagbaba ng kahirapan sa Pilipinas?
Konti lang, Konting-konti lang! Kung iniisip ng karamihan sa atin na ang dahilang ng kahirapan ay ang lumalaking populasyon, pwes nagkakamali kayo! Ok sabihin natin na isa ang populasyon sa dahilan ng kahirapan, pero hindi ito lang. Nandyan ang issue ang langis, kurapsyon sa gobyerno, gahaman na mga kapitalista, pang-aabuso ng ibang bansa, at madami pa, yung iba tanong mo sa Economics Teacher mo. Dapat talaga ang batas ay Anti Poverty Bill, ayan siguradong mawawala ang kahirapan nyan.  Yung tipong bawal ang mahirap sa Pilipinas, kapag mahirap ka, ipapatapon ka sa ibang bansa para magpayaman, kung ayaw mong ipatapon, ipapakasal ka sa mga pangit na prinsesa o prinsepe, at kung ayaw mo pa din ipa-firing squad ka.

7. Eh ano pala ang silbi ng RH Bill?
Hindi ko alam. Pero madami ang posibleng maging resulta nito.  Una, mababawasan na naman ang budget sa edukasyon dahil pambibili yun nga mga condoms at gagamitin sa pagpapalawig at pagpapatupad ng batas na ito. Pangalawa, posibleng magkaroon ng isa na namang anomalya, katulad ng "fertilizer scam", magkakaroon tayo ng "condom scam".  Pangatlo, madaming pulitiko na yayaman dahil sa pakikisawsaw sa pagpapatupad ng RH Bill. Pang-apat, mababawasan ang miyembro ng simbahang katoliko at lilipat na sa ibang relihiyon at isa sa patok na lilipatan ay ang pagiging Muslim. Panglima, patuloy pa din ang paglaki ng populasyon.  At pang-anim, madami pa din ang mahirap sa Pilipinas.

Gusto mo bang matikman ng malasahan? o wag na lang dahil baka malason?

Suhestiyon ni SuperGulaman:
Sa halip na sayangin ang ating mga oras para sa usaping ito, marapat lamang na mas pagtuunan ng pansin ng gobyerno ang pangangailangan sa edukasyon, lumalang problema sa kawalan ng trabaho, mga pangangailangan medikal, patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin at gasolina, kurapsyon, problema sa kalikasan, problema sa polusyon, at paggawa ng batas na TUNAY na kapakipakinabang para sa mamamayan.

Malaki ang populasyon ng Tsina, ganun din ang Amerika at Russia pero hindi sila kasing hirap ng India.

(*tunog anti RH Bill pero hindi... kasi Pro Life ako)


[Edit] para po sa naghahanap ng buong kopya ng RH Bill ito po: House Bill No. 4244

Martes, Mayo 17, 2011

Hoi Hoi!

Hoi Hoi! Hindi ko alam kung makaka-relate ka? Hindi ko din alam kung kilala nyo sya? Hoi Hoi! ^_^

[Please hit play]




I think i lost my mind at that time
How could i left you?
I only love you
I am really sorry
I could only cry
I think i lost my mind at that time
how could i left you?
I really miss it, i miss you
Please forgive me
I think i lost my mind..
I know that it's too late now
Even if i am sad, it's all useless
Even if the wind blows and my heart is lonely
I can't see you anymore
I think i lost my mind at that time
How could i left you?
I only love you
I am really sorry
I could only cry
I think i lost my mind at that time
How could i left you?
I really miss it, i really miss you
Please forgive me
I think i lost my mind
I couldn't say the word ' I LOVE YOU '
Because i'm sorry
I also couldn't say the word ' THANKS '
I can't sleep today because of you
Please hug me tightly
I think i lost my mind at that time
How could i left you?
I only love you
I am really sorry
I could only cry
I think i lost my mind at that time
How could i left you?
I really miss it, i really miss you
Please forgive me
I think i lost my mind
I wanna hug you slowly
I wanna kiss you slowly
I wanna fall asleep in your arms
I think i really lost my mind at that time..

[credits]
Music: Losing My Mind by Lee Seung Gi
OST of Korean Drama: My Girlfriend is a Gumiho (Nine-Tailed Fox)

Linggo, Mayo 15, 2011

Ulam at Kanin

Ulam. Kung Pilipino ka, alam mo na siguro kung ano ang ulam. Oo, tama ka! Isa sa tatak Pinoy ang pagkain ng ulam kaya nga hanggang sa ngayon hindi ko pa din alam ang katugmang salitang Ingles nito. Viand? Main Course? Main Dish? Hindi ko talaga alam. Naalala ko tuloy yung sinabi ng uhugin kong kalaro noon tungkol sa Ingles ng ulam. Ang sabi nya "RAIM" daw ang Ingles nun. Oo nga naman, kung ang Ingles ng ulan ay rain dapat lang daw na ang Ingles ng ulam ay raim. Ayus di ba? Pero kung ating mapupuna, wala daw talagang salitang Ingles ang ulam. Hindi ko nga lang sigurado kung may naimbento ng salitang Ingles para dito.

Sa aking palagay, ang ulam ay para sa atin-atin lang. Para sa ating mga Pinoy, bilang kapareha ng ating walang kamatayan at espesyal na kanin. Walang katumbas na Ingles ang ulam sa parehong paraan na walang katumbas na tagalog ang  Hamburger, Spaghetti, Pizza at iba pa ayon na din sa likas na paraan ng pagkain at kultura ng mga dayuhan.

Ang pagkain ng ulam at kanin ay isang tatak Pilipino.  Hindi tayo kumakain ng ulam lang at walang kanin, o di kaya kanin lang at walang ulam.  Ganyan ang Pinoy, kahit na alam natin ang sarap ng Hamburger, Spaghetti, Pizza at ng kung ano-ano pa, bilang isang Pilipino hindi mo pa rin maiiwasan ang sarap ng pagkain ng kanin at ulam.  

(Sa telepono...)
WonderG: Yet, kumain ka na ba?
SuperG: Katatapos lang din, flakes at tuna lang kinain ko, walang luto sa karinderya, Holy Week kasi.
WonderG: Ah! Kala ko diet ka, sasaktan na kita eh. Ako kahit nandito ako, hindi pwede sa akin na hindi ako kumain ng kanin.

Ang sabi nga ni Mikey Bustos (*search mo sya sa youtube, Filipino Dining Tutorial ata yun*), ang mga Pilipino ay Rice-ivores. Hindi tayo kakain ng main dish ng walang rice.Kanin sa umaga, tanghalian at sa hapunan. Kanin since birth.

Sabi nga niya,“I eat everything with rice. A Filipino household without a rice cooker is like Bruno without Mars! It’s just the way we are.”

Tama hindi ba? Kung hindi ka pa nakatikim ng kanin, aba Pilipino ka nga ba?  Sabihin na natin na hindi nga sukatan ng pagiging Pilipino ang pagkain ng kanin, pero sa tanang buhay ko, hindi pa ako nakakakilala ng Pilipinong hindi pa nakakatikim ng kanin. 

Ano nga ba ang lasa ng kanin? Depende siguro kung saan galing at paraan ng pagkakaluto.  Pihikan ako pag dating sa kanin. Una sa lahat ayaw ko ng kanin mula sa NFA (kung bakit, akin na lamang yun), ayaw ko din ng kanin na sunog, at kanin na basa (sana lugaw na lang binigay mo) at higit sa lahat ayaw ko ng kaning hilaw, hindi ako manok para kumain ng bigas. Kaya noong nasa bahay pa ako kasama ang nanay at mga kapatid ko (*mag-isa na kasi ako ngayon dito sa bahay namin ni WonderG), hinding-hindi talaga ako hinahainan ng nanay ko ng kanin na mula sa NFA kahit mamulubi pa kami at sinisigurado nya na maganda ang pagkakaluto nito. Sakto para sa mala-sawa kong bituka.  Ngayon mag-isa ako dito, swabe din akong magsaing, kahit nakapikit alam ko ang tantsa ng tubig at lakas ng apoy para hindi mahilaw ang pagkaluto. Hindi ako gumagamit ng electric rice cooker dahil sa napakarami kong dahilan.

Pero katulad ng ulam, ano nga ba ang Ingles ng kanin? Rice? Eh, ingles yun ng bigas. Cooked rice? Eh, paano yung fried rice, hilaw ba yun? Wag kang magtaka, Pinoy kasi.

Totoo, ang kanin at ulam ay tunay na tatak Pilipino. Na sa kabila ng mga impluwensya ng iba't ibang dayuhan, ito ang kulturang hindi nila kayang baguhin sa atin.  Hindi kayang nakawin pero pwede din nilang gayahin.  

Masarap kumain.

Anong ulam mo? Tara kain na tayo. Kamayan.




Trabaho ba ang hanap mo?

isa sa mga patok na trabaho ngayon sa Pinas ay ang pagiging callboy/callgirl... simple lang naman ang trabahong ito, basta magaling kang mambola, maganda ang accent, medyo ok ang grammar...english grammar...pasok ka na sa pagiging callboy/callgirl...pasok ka na bilang isang callcenter agent... astig ang pumasok sa ganitong mundo... maganda ang pasahod, yun nga lang puyatan sa buong magdamag... syempre imposible naman na magpuyat ka sa umaga...

sa paghahanap ng trabaho marami tayong iniisip...tulad ng sahod, work location, benepisyo at higit sa lahat ay ang bigat at gaan ng trabaho.... kung magsasawa na ako sa pagtambay dito sa bahay at maisipan kong mag-iba ng trabaho, ano kaya ang magandang pasukin..Oo, yan ang trabaho ko, tumambay sa bahay, magsulat, magblog, magbasketball, maglaba, manood ng porn anime, magluto, maglinis, pumatay ng lamok, magbilang ng butiki at ang pinakapaborito ko..tumunganga...ano nga ba ang mga trabahong gusto ko at posibleng gusto nyo din?

1. Professional Stalker (for boys only)- simple lang, dapat kasinggwapo kita o di kaya basta lamang ka lang ng ilang paligo pasok ka na
2. Mosquito Wing Plucker - ang requirement 50-50 vision.
3. Dog Food Tester - ang requirement, marunong kang tumahol.
4. Experienced bra fitter - hindi ko pa alam ang requirement(s) basta ang role mo daw ay taga-kabit ng bra, hindi sa iyo isusuot...mmmmm pero parang gusto ko ito... ahahaha...
5. House manager - parang yan ang trabaho ko ngayon ah?
6. Sandwich Artist - hindi ko pa alam kung magaling ako dito... Sandwich eater pwede pa, kahit panis basta malasa ayus lang..kayang-kaya yan ng mala-goma kong sikmura...:)
7. Underwater fire fighter - ito ang pag-iisipan ko, hindi pa kasi ako marunong lumangoy.
8. Salbabida inflater - ang requirement, malakas ang baga..
9. Crocodile Mother - uy pambabae yan...ayaw ko nyan... ahahaha...
10. Kiss Delivery Boy - gusto mo ba ng trabahong ito? parang ganito yan...panoorin ang video... :D






Sa mga naghahanap ng trabaho..Good luck and Enjoy! ^_^


Lunes, Mayo 9, 2011

The Five Love Languages

Hello! Today we’re going to talk about a very popular subject. Many movies, dramas, and songs use this subject. What do you think it is? Love! However, there are so many aspects of love, what should I talk about?

Today I will talk about Love Languages. Perhaps you have heard this term before? It was based from the New York Times bestseller book of Dr. Gary Chapman. A Language is a way of communication. Communication is important in relationships. Without communication, a relationship cannot exist. So, what kind of communication do you use when you love someone? When I say love, I don’t mean just romantic love, between a husband or wife, or girlfriend and boyfriend. It can be any kind of love. Between brothers and sisters, mothers and children, etc.

Psychologists have determined there are 5 general love languages. What are they? I will tell you!

Words of Affirmation
Mark Twain once said “I can live for two months on a good compliment.” Verbal appreciation speaks powerfully to persons whose primary Love Language is “Words of Affirmation.”

Simple statements, such as, “You look great in that suit,” or “You must be the best cook in the world! I love this dinner,” are sometimes all a person needs to hear to feel loved.

Aside from verbal compliments, another way to communicate through “Words of Affirmation” is to offer encouragement.

Here are some examples: reinforcing a difficult decision; calling attention to progress made on a current project “You are doing a lot of hard work on this project. Keep up your good work!”

Acknowledging a person’s unique perspective on an important topic. “It is interesting to hear your point of view, I enjoy talking with you”

If a loved one listens for “Words of Affirmation,” offering encouragement will help him or her to overcome insecurities and develop greater confidence. It will help them feel loved.


Quality Time
Quality time is more than just being in the same room.
Its about focusing all your energy on a person. A husband watching TV while talking to his wife is NOT quality time. Unless all of your attention is focused on the person, even an intimate dinner for two can come and go without a minute of quality time being shared.

Quality conversation is very important in a healthy relationship. It involves sharing experiences, thoughts, feelings and desires in a friendly, uninterrupted context.

A good friend or mate will not only listen, but offer advice and respond to assure their friend or partner they are truly listening. People don’t expect you to solve their problems. They need a sympathetic listener.

Quality activities are a very important part of quality time. Many people feel most loved when they spend physical time together, doing activities that they love to do. This can be playing a sport together, walking, talking, discussing a subject, etc. The list is endless.


Receiving Gifts
Some people respond well to visual symbols of love. If you speak this love language, you are more likely to treasure any gift as an expression of love and devotion. People who speak this love language often feel that a lack of gifts represents a lack of love from their mate. Luckily, this love language is one of the easiest to learn.

If you want to become an effective gift giver, many mates will have to learn to change their attitude about money. If you are naturally a spender, you will have no trouble buying gifts for your mate. However, a person who is used to investing and saving their money may have a tough time adjusting to the concept of spending money as an expression of love. These people must understand that you are investing the money not in gifts, but in deepening your relationship with your mate.

The gift of self is an important symbol of love. Sometimes all your friend or mate desires is for someone to be there for them, going through the same trials and experiencing the same things.

These gifts need not to come every day, or even every week. They don’t even need to cost a lot of money. Free, frequent, expensive, or rare, if your mate relates to the language of receiving gifts, any visible sign of your love will leave them feeling happy and secure in your relationship.

Acts of Service
Sometimes simple chores around the house can be an undeniable expression of love. Even simple things like laundry and taking out the trash require some form of planning, time, effort, and energy. Just as Jesus demonstrated when he washed the feet of his disciples, doing humble chores can be a very powerful expression of love and devotion to your friend, family member or mate.

It is important to do these acts of service out of love and not obligation. A person who does chores and helps out around the house out of guilt or fear will inevitably not be speaking a language of love, but a language of resentment. It’s important to perform these acts out of the kindness of your heart.

Demonstrating the acts of service can mean stepping out of the stereotypes. Acts of service require people to humble themselves into doing some chores. However, these little sacrifices will mean the world to them, and will ensure a happy relationship.

For example, if a friend or parent takes care of you when you’re sick, or picks up some books from the library if you can’t make it in time, won’t you feel loved?

Physical Touch
Many people feel the most loved when they receive physical contact from their partner. From parents or friends, a hug can mean a lot. For a mate who speaks this love language loudly, physical touch can make or break the relationship.

All relationships will experience problems from time to time. In these cases, physical touch is very important. In a crisis situation, a hug can communicate an immense amount of love for that person. A person whose primary love language is physical touch would much rather have you hold them and be silent than offer any advice. Or, you could give them a hug.

It is important to remember that this love language is different for everyone. What type of touch makes you feel secure is not necessarily what will make your partner happy. It is important to learn each other’s dialects. That way you can make the most of love language.


Review: 5 Languages. Which language is yours?
Words of affirmation: I like hearing kind words, compliments, and nice things from others.
Quality Time: I like hanging out or spending good time with my loved ones, husband or wife, or family
Receiving Gifts: I feel most loved when I see a visual symbol of love, such as a present or gift.
Acts of Service: I feel loved when someone does something for me (an errand, a chore, or a favor)
Physical Touch: I feel loved when someone gives me a hug or shows me another physical example of affection.

So which is your language? Maybe you think “I like everything!” True, most of us appreciate all love languages in a relationship. However, usually there is one or two languages that are more significant to us, than the others. Which is yours??
Buksan!

Iba pang Kwento!

....langit.lupa.impyerno.... ...Wanted Real Pinoy... #itsmorefuninthephilippines #NBAFinals2014 20 Reasons why I like Philippines over UAE 2010 Philippine Election Inital Results 2010 Philippine Election Initial Results [Latest] 2016 3:06pm A Kish to Remember A Message from Mark Zuckerberg to Philippine users of Facebook Abu dhabi adik [dahil] sa'yo after 15 years after 45 days after 7 years...0307 becomes 0614 agosto para sa pilipino aheks akalain mo yun ako ako ito ako ito 1 ako ito 2 ako ito 3 alaala ng nakalipas albularyo alibata All Saint's Day All Soul's Day alyssa bernal Alyssa Bernal (part 2) an act of love Andrea Corr's State of Independence Anime ano daw? ano na ano sa palagay mo? ang pagbabalik ang panyo ang tunay na siga apila para sa masa aswan (bilang isa) Aurora Award babae babae ka lalaki ako babae sa jeep babalik ka din BabyG back to work Bago ito Bagong Bayani BagongBayani balanse baliktad ba? baliw batas ng tao bidaman Big Job Billy Crawford bilog o tatsulok blogging tips 101 (for pinoy bloggers) bored brick buhay buhay mo buhay ko buhay nating lahat Buhay OFW: Pangarap sa mga Sulok ng Kahon; OFW Buhay sa Dubai (From Writer-Researcher to Toshiba Promoter) Bukang-Liwayway bungo at buto Change is Coming chess Chip Tsao Coleen Garcia college contest Cory Aquino dies couple Crucifixion dalaw dalawang daan siyamnapu't apat na araw day-off Department of Tourism desisyon destinasyon Digong dos Duality Dubai Dupe Tara Lakad Tayo Duterte EASY $5 GIVEAWAY Endorsers??? etiquette etong sa'yo...raygun exam day Exit Eye Test? Malabo na ba ang iyong mata? facebook Facebook (Pesbuk) facebook user FAQ's first time mo? firsttime flesh-eating disease Fliptop Friendship from facebook fun Funny Exam Answers game Game 1 Game 3 Gatorade Gelika Bless gintuang sundang global warming a warning? google payout guro gusto mong mamatay? halimaw hanggang Happy Father's Day happy hatchday Heat vs. Spurs hiatus higante Hikab muli ako. Tunganga History of Super Gulaman Hoi Hoi HyperPanda Babies and others i love this day i love you ibigay ang hilig ikalawang ginto imahinasyon immigration Inang OFW Indian Init Introducing: Ang Anak ni SuperGulaman Iran isang madugong labanan isang malaking pagbabago isang pagbabalik tanaw isang pasasalamat isang sulyap sa kahapon kasalukuyan at hinaharap It's more fun in the Philippines ITCHY jeepney Job Hunting tips juan kalaro kaliwa kanan kalma lang boss kalsadang mabato Kapalaran Ayon sa Galaw ng Kalawakan (Ophiuchus) kape sa tanghali Kapitan Sino? kasinungalingang mapanlinlang katapatan katinuan katinuan...gustong magpakilala katotohanan Kawhi Leonard kisame Kish kulay kuro-kuro sa bayan ni juan laro laro tayo Learning Japanese (for pinoy) lebron james life Life is a Piece of Cake Ligo na U Lapit na Me lilok (complete) lilok 1 lilok 2 lilok: ang pagpapatuloy [1] lilok: ang pagpapatuloy [2] lilok: ang pagpapatuloy [3] lilok: ang pagwawakas limang minuto...3 miskols...ang umaga ni supergulaman Link Exchange and Other Concerns love lunes mag-enjoy kay enjoy magdasal daw twing umaga sabi ng grasya mahika ng mga kulay Makulay na Paglalaro ng mga Salita malungkot masaya mataba payat Manny "Pacman" Pacquiao Vs Antonio Margarito mapalad ka.. ikaw mapalad silang wala sa katinuan mcarthur mensahe mga hindi dapat gawin sa facebook minsan lang mismo Mmm Sarap modelo musika at ganda naaalala mo pa ba? NAIA NAIA' firsttime NBA All Stars VS Smart Gilas (Philippines) NBA Finals NBA Finals 2014 new design Nonito Donaire Knocks Out Fernando Montiel numero OFW ouch our life Pa-digits Digits Pa Kasi pag-uuri Panahon na Naman [ng Pag-ibig?] Pananabik sa Tag-init Pangasinan pangpasaya Para patay na nabuhay peace be w/ you pelikula Philippine Grand Lotto 6/55 Pilipinas Pilipinas: Sa Pagkakakilanlan Pinoy Version of some Hollywood Movies please help praning Prayer in Mathematics Propesiya at Pilipinas Prophecy Proud to be Pinoy punto ko punto mo Puso ng mga Halimaw Puting Damit Rapido Vs Smugglaz real name regalo Reproductive Health Bill REULEAUX TRIANGLE: ROLLING TRIANGLES Rubber Sadhu Sundar Selvaraj salamat salamat kaibigan sampung taon sayang school Selda Uno Dise Otso seryosong usapan showtime Si Mara at Pamela siga o adik silbi simbulo sino ang tamad? Sino si Santa Claus? sintang paaralan Sistema ng Numero Sistema ng Tao skin makati SONA 2011 TRAFFIC RE-ROUTING SCHEME and MORE sorpresa streetfight Stretch Marks subic sulat kamay Sumusungaw na Chatbox Super Super G sa PBB? super G turning super busy Super Gulaman sa Bayan ng mga Arabo (Part 1) Super Gulaman sa Bayan ng mga Arabo (Part 2) supernatural tagapagpalaganap ng pag-ibig tamang trip tamang trip (ikalawang pasabog) Tanong Ko Sagot Mo tanong lang tao tao tao saan ka gawa? tatsulok tayo... The 2010 Oscar Winners The BENEFITS of SEX The Five Love Languages the golden rule the reunion The True Story of Manny "Pacman" Pacquiao thursday time for sale Time Travel Times of Your Life Tingi Culture Toshiba Toshiba Champs Toshiba’s Wet and Wild Adventure in Atlantis Trabaho ba ang hanap mo? Twitter UAE UFC Ulam at Kanin uri ng mundo usapang buhay Usapang ChikenJoy usapang itlog at manok usapang kadiri usapang kadiri (Part 2) wala wala akong medyas wala lang wala naman kaming napala walong palakaibigang adik warm-up when SuperG meets BabyG who are your customers? WiFi Won over Antonio Margarito world peace Zamboanga del Sur
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...