Sabado, Disyembre 13, 2008

...simbulo...

bilang panimula..hayaan ninyo muna na batiin ko kayo ng... Maligayang Pasko! at bilang paghahanda sa kapaskuhang ito at epekto na din siguro ng aking medyo mahaba-habang bakasyon...pinagtripan ko ang mga kakulitan ng mga bata dito sa amin... pinilit kong pinaniniwala sila na hindi matutuloy ang Pasko...dahil may ubo't sipon si Santa Claus...nilamig kasi sya sa north pole... ooooppsss...oo nga pala kilala mo ba si Santa Claus? 99.9% na sure ako na kilala mo nga siya...ei si John the Baptist kilala mo? siguro medyo medyo lang ang sagot mo ano?...sino ang mas kilala mo si Santa Claus o si John the Baptist? Naniniwala ka ba na totoo si Santa Claus? Kung kilala mo si John the Baptist, naniniwala ka ba na totoo siya?

noong bata pa ako, nagsasabit tlaga ako ng pulang medyas sa may Christmas tree, bintana o kaya'y sa may pintuan namin tuwing araw ng pasko, naniniwala na lalagyan iyon ng mga kendi at laruan ni Santa Claus..pero nawala ang paniniwalang iyon ng mahuli ko ang salarin, ang tatay ko...huli ka!...ang totoo nyan halos 90% ng mga batang pilipino na may edad 6 pababa ay naniniwala kay Santa Claus...anak ng tokwa nasama pa ako doon dati...

pero sino nga ba si Santa Claus? anu nga ba siya...babae o lalaki? kung lalaki bakit santa?..yan ang mga kabalbalang tanong ko noon..obyus naman na lalaki si Santa, may balbas kaya sya...malaki lng yung tiyan pero hindi yun buntis...kinain nya yung mga batang hindi naniniwala sa pasko..awoooooo....ahehehe...isa yan sa mga script ko sa panloloko sa mga bata dito sa amin...

ok seryoso na tayo..si Santa Claus daw ay kilala din bilang si St. Nicolas...so kung sya si St. Nicolas...ibig sabihin hindi sya taga-north pole...taga-Turkey sya...ang sabi sa chismis si St. Nicolas daw masyadong maawain sa mahihirap lalo na sa mga bata..sa katunayan bumili sya tatlong batang babae noon...sabihin na nating nagbigay ng kapalit na pera sa mga magulang ng tatlong babae upang hindi ito masadlak sa prostitusyon...di ba ang bait nga nya... ganyan lang talaga ang totoong Santa Claus sa paniniwala ng isang Katoliko noon...pero ayun na nga ang daming mga nabago at iyon ay dahil sa impluwensya ng iba't ibang relihiyon at sektor... ang isa sa pinakamalaking nakaimpluwensya ay ang America...dahil sa Americanization, halos sa buong dako ng mundo ay naniwala na si Santa ay may malaking tyan, may balabas, kulay pula ang costume, nakatira sa north pole at simbulo ng Coca-Cola...kaya mga tsong wag kayong magtaka kung bakit walang altar si Santa Claus sa simbahan nyo khit ngayon ay pasko...Sabi nga ni Father last week, "hindi simbulo ng Pasko si Santa Claus"... para sa akin tama siya doon... pero para maliwanag, wala akong galit kay Santa Claus, sa Coca-Cola o sa America... ngunit gusto ko lng ipakita sa mga batang ito at sa buong madla na dapat mas kilala natin ang tunay na may selebrasyon sa araw na iyon...Christmas is not only about gift giving, it is about the birth of Jesus Christ...it is about the love of God....kung si Santa Claus ang naging instrumento na pasko bakit hindi na lang si John the Baptist ang pinasikat...siya naman talaga ang unang nagpayag ng pagdating ni Jesus sa mundo...alam natin na mapagbigay si Santa Claus, pero bakit hindi na lng ang "tatlong haring mago" ang pumalit sa kanya...

ang bawat bagay na ating makikita sa araw ng Pasko ay may kalakip na kahulugan... ngunit inalis na natin ang mahahalagang simbulo ng yumakap na tayo sa kultura ng Amerika...ang pagpapayag ng pagdating ni Jesus ay kinuha na ni Santa Claus na dapat sana ay kay John the Baptist...ang pagbibigayan na dapat ay sinisimbulo ng tatlong haring mago ay kinuha na din ni Santa...ang aking punto, mag-isip ng mabuti bago sundan ang nakararami...madalas mahilig tayong sumunod sa uso..nawawala na ang mga bagay na totoo...lagi na lang tayong tumitingin sa mga alternatibo..hindi natin namamalayan na iyon ay bahagi ng isang negosyo....

Kunsabagay ang Pasko ay hindi tungkol sa mga simbulo.... nasa pag-alaala ito sa pagdating ni Kristo at mabuting puso na ibinabahagi sa kapwa tao...Maligayang Pasko!

note: ito ay opinyon ko lamang...kung gusto mong kumontra... sige lang... :)

Biyernes, Disyembre 12, 2008

...mensahe...

hindi ko maipaliwanag ang aking nadarama ngayon...tila ba isa itong katotohanang imahinasyon.... katotohanang kahit kelan hindi magiging totoo at imahinasyong tunay na nasa iyo...gusto ko sanang ibahagi ito sa inyo..ngunit hindi sapat ang mga letra ng tipadang ito upang mabatid ang mga konsepto na nasa utak ko...

nakatitig sa kawalan...hinahanap ang dahilan...ang dahilan ay wala sa kawalan ngunit ito ay nasa pagtitig sa kawalan...sa kawalan ay walang pag-iisa, kasama mo sya tuwina...ginusto mo ang magsaya ngunit tila ba nalulungkot ka...nalulungkot ngunit ikaw ay masaya...

lumilipas ang oras...lumilipas ang panahon..hindi ko mawari, bkit ganoon?...inakala na ang buhay ay langit...ngunit langit ito ng kahapon...mabuhay habang panahon, at maibahagi ang biyaya sa bawat pagkakataon...katinuan na dapat ay para sa sankatauhan, naiwaglit sa kadiliman...kadiliman na puno ng saya at ganda...liwanag na puno ng pighati at pag-iisa...mahirap mag-isa, masarap ang may kasama...kasama ang pag-iisa, mahirap...masarap...

tama na! kailangan ko na ng herenggilya upang ako ay kumalma!

P.S.: ang inyong natunghayan ay isang napakawalang kwentang entry...hindi ko alam kung may magtatangkang alamin ang mensahe nito...pero sana wag na...gusto ko lang mag-post ng entry na walang sense...:P

Lunes, Disyembre 1, 2008

...ano daw?...


kamusta na mga katoto?...
medyo matagal-tagal na din ang panahon na nakalipas bago ako makapaglagay ng bagong entry...pasensya na kayo, in-enjoy ko lang ang pagiging bakasyunista ko... dahil magpapasko na at ang madalas na tema ay usapang puso kasi "give love on Christmas day" na...yun ang magiging paksa ng ating usapan.... binabalaan ko na ang mga takot at allergic sa pag-ibig na wag ng ituloy ang pagbabasa dahil magsisilbi lang itong silya elekrika ng inyong mga puso...pero kung gusto mo at mapilit ka...sige na nga...

naalala mo pa ba ang una mong crush?
oo tama! si crush...siya yung unang taong nagbibigay inspirasyon sa iyo sa tuwing papasok ka sa eskwela...siya ang

nagpapakilig at nagpapaikot ng iyong pwet sa twing makikita mo siya...siya din ang dahilan kung bakit ka laging ganado tuwing may recitation si ma'am... taas ka nga ng taas ng kamay upang mapansin ka niya...kaso nawalang bigla ang iyong matinding paghanga ng aksidenteng matae siya sa loob ng inyong klase...halos gumuho ang iyong mundo ng sandaling iyon, at tila ba ikaw ang hiyang-hiya dahil sa pagkakataon... pero nasaan na kaya siya ngayon? uuummmm...wala na akong ideya, kasi nga pati pangalan nya nakalimutan ko na...kindegarten pa kaya ako nun...

..nakakatuwang balik-balikan ang mga sandaling iyon...pero anu nga ba ang pangalan nya?...hindi ko na talaga maalala...binalikan ko sa aking kukote ang itsura nya...mmmhhh, hindi naman pla siya ganun ka-cute... pero anu nga ang nagustuhan ko sa kanya? hindi ko na din maalala...


ikaw? anu nga ba ang nagustuhan mo sa crush mo? 'wag mong sabihin sa akin na hindi ka tumitingin sa panlabas na anyo at dahil mas gusto mo ang kanyang malinis kalooban...ayan na naman ang sagot na pang-showbiz...weeee, imbento mo....

...pero ang totoo nyan, aminin man natin o hindi, may partisipasyon pa din ang itsura at pisikal na anyo sa pagpipili ng ating magugustuhan... oooppss... pero hindi lahat, maaari din kasi na nagandahan ka sa kanyang boses kaya nagustuhan mo sya, maaari din kasi na nasarapan ka kanyang luto kaya nagustuhan mo na sya... ang kaso bihira lamang yun...pero hindi ba? mas madaling ma-imagine na kasama mo ang isang taong may magandang mukha sa iyong tabi? ang kayakap ang may magandang katawan?...hindi ko ugali ang manghusga ng kapwa o mandiscriminate dahil lang sa itsura nito..pero ito ang katotohanan na tunay na nakakalungkot... kung sabagay, ito naman ay sa usapang crush lang, wala pa dito ang pag-ibig... kasi doon, regardless ang itsura mo, maganda ka man o pangit...lahat dun ay pantay-pantay...

...naalala ko noong tinanong ako ni Grace, "Yet, ano ang nagustuhan mo sa akin?"... hindi ko na maalala ang sinagot ko sa kanya noon...pero ang alam ko hindi ko sya direktang sinagot... hindi ko sinabi na gusto-gusto ko ang ilong nya... ang ganda ng kanyang mukha na tila ba isang magandang umaga na nagbibigay sigla... hindi ko sinabi ang mga iyon...ngunit ngayon alam ko na kung anu ang sagot sa tanong nya... "lahat kasi ng tungkol sa kanya ay minahal ko na...."

...kung ilong lang ang nagustuhan ko sa kanya, e di maghahanap na lang ako ng ibang mas may magandang ilong, kung mukha lang ang nagustuhan ko sa kanya e di maghahanap na lng ako ng mas may magandang mukha... pero hindi ganun sa pagmamahal..hindi ito tungkol sa bagay na meron at wala sya...tungkol ito sa mga bagay na kaya mong gawin at tanggapin pra sa kanya... hindi tayo nagmamahal dahil sa panlabas na anyo o sa ganda ng kalooban...nagmamahal tayo dahil iyon ang pintig ng puso....nagmamahal tayo hindi sa mga dahilan, nagmamahal tayo kundi sa nararamdaman...

note: ang hirap lagyan ng title ng post na ito, wala akong maisip! may suggestion ka? anu?

Biyernes, Nobyembre 28, 2008

Special Blog Award



weeeepeeeee....eheks..akin pong pinasasalamat si Aian sa pagbibigay ng kakaibang award na ito...astig na bata ire...eheks...galing galing...astig din ang pagkakagawa ng logo...bkit nga ba ito kakaiba? simple lng, hindi ito pwedeng ipasa sa iba...bleehhh...akin lng ito...weeepeeee...

hanep!... :)






Lunes, Nobyembre 24, 2008

..laro tayo...

...wala akong maisip na bagong entry ngayon...inde ko alam kung bkit, siguro excited lang ako sa nalalapit ko ng bakasyon...ahehehe... ngunit kahit papano meron naman akong interesanteng laro na gusto kong i-share sa lahat...bawal ang pasmado sa game ito at subukang tapusin hanggang level 4...makakatulong ang sounds...goodluck!...

Sabado, Nobyembre 22, 2008

...I love your blog award...

Akin pong pinasasalamatan si Dylan para award na ito...

The rules of the award are:
1. The winner can put the logo on his / her blog.
2. Link the person you received your award from.
3. Nominate at least 7 other blogs.
4. Put links of those blogs on yours.
5. Leave a message on the blogs of those you have nominated.

At bilang pagtangkilik sa mga nagagandahang blog...akin na itong ibabahagi kina
minnie, aian, pajay, faye, chyng, kosa at boy puto.

Biyernes, Nobyembre 21, 2008

...babae sa jeep...

...una kong nakita ang babaeng ito na nakasakay sa jeep... napakasimple nyang manamit...simple ang ganda na kaaya-aya sa aking paningin... sa kanyang palad, akin napansin ang kipit nyang rosaryo habang umuusal ng panalangin... akin syang tinitigan, nanalangin din na sana ako'y kanyang mapansin... ngunit sya'y pumipikit at taimtim na nanalangin...

...ninais kong magpakilala sa kanya ngunit tila ba naging pipi ang aking mga labi... inisip na baka akalain nya na ako'y isang masamang loob na may masamang intensyon sa magandang binibini... sa pagkakataong iyon ako'y nanahimik, tahimik na nagmamasid sa babaeng aking lihim na inibig sa loob lamang ng ilang saglit...

...maya-maya pa..baba na sya..hindi ko man lang nalaman kung anu ang pangalan nya...tila ba nagsisi sa aking kapabayaan, hindi maipahayag ang damdamin kundi sa kawalan...

...lumipas ang panahon, ang mga araw...ngunit tila ba binigay ng Panginoon ang mga pagkakataon...kami'y muling nagkita...hindi lang isa, kundi madaming tsansa... sa kabila n'yon, hindi pa din ako nagpakilala, nahihiya sa kanyang kabaitan at ganda... nagmistula akong stalker na takot na makilala...mahal ko sya pero baka ako'y mapahiya....

...dumating ang pagkakataon... akin nakuha ang e-mail address nya, hindi ko nasasabihin kung paano ko yun ginawa, baka makakuha pa ng tips ang mga bata...at yun na nga, panghimpapawid na komunikasyon ang naging sistema... unti-unti nya akong nakilala, unti-unti din na ako'y nanabik na sana ako din ay mahalin nya...

...hindi na ako nakatiis sa aking nadarama, gusto ko nang magpakilala at maipadama ang tapat na pag-ibig pra sa kanya... sa madaling-salita kami'y nagkita...nagkasama ng matagal... at nagpahayag ng pagmamahal... pagkatapos ng misa na aming dinaluhan, aking natikman ang kinakapanapanabikang kasagutan...tama, sinabi nyang mahal nya din ako... halos umabot langit ang talon ko, nagagalak ang puso ko....ang aking buong pagkatao...

...lumipas ang panahon, kailangan nyang lumisan..umalis sa sariling bayan upang tuparin ang mga pangarap...hindi ako tumutol sa kanyang pag-alis..bagkus nanabik sa kanyang pagbabalik... tanging panalangin, pagmamahal at tiwala sa isa't isa ang naging sandigan....

...ang bilis ng panahon, limang taon na kaming nagmamahalan... susunod na taon na ang kanyang pagbabalik, magkakasama na at 'di na magkakawalay pa... susumpa sa altar at bubuo ng simple at masayang pamilya... miss na kita Grasya...

Miyerkules, Nobyembre 19, 2008

...Tunay na Kyut Award...

Akin pong pinapasalamatan sina Aian, Joshmarie at Dianz sa pagbibigay ng ma-cute na award na ito. Sabi nya balita lang daw nya na cute ako... pero totoo yun... ahahaha... ang hindi maniwala, magkaka-virus ang computer... :D

Eto daw ang rules:

1. Each blogger must post these rules.

2. Each blogger starts with ten random facts/habits about themselves.

3. Bloggers that are tagged, need to write ten facts about themselves. You need to choose ten people to tag and list their names.

At bilang pagsunod sa ikalawang kautusan..ito na ang 10 bagay tungkol kay SuperGulaman...

  1. Libangan ko ang tumunganga.
  2. Pagtinamad na akong tumunganga, bisyo ko na ang mangulit at mambwisit sa bahay man o sa opisina.
  3. Katulad ng mga nasabi ko dati sa ibang blog entry ko, kaya kong maglaro ng chess mag-isa.
  4. Isa akong math major na mahina sa arithmetic.
  5. Mahina din ako sa grammar, Filipino man o English.
  6. 5 years akong naging sakristan at natigil lang yun ng maging Corp Commander ako nung high school.
  7. hindi ko bisyo ang uminom ng alak, manigarilyo at mambabae.... yari tayo kay Grasya kapag nagkataon.
  8. hindi ko ugali ang gumala, bahay at opisina lang ang tambayan ko.
  9. naniniwala ako na ang kape ay isa sa pinakamasarap na inumin sa whole wide universe... kulang ang umaga ko kapag walang kape...
  10. at ang panghuli anime addict na ako ngayon.... bleach, naruto at deathnote yan ang mga rekomedado kong anime....

akin na itong ibabagi sa mga ma-cute na blogero't blogera:

Linggo, Nobyembre 16, 2008

...kaliwa, kanan...

...isa sa pinaka-komplikadong bahagi ng katawan ng tao ay ang utak...at kung utak ang ating pinag-uusapan, nagiging issue sa atin kung anung bahagi ng utak natin ang ating madalas na pinapagana...kanan o kaliwa?

sa pamamasyal ko sa ilang blogs...aking nakita ang kagilagilalas na larawang iyan... ngunit hindi ako namangha sa animo'y hubad na larawan ng isang babaeng umiikot kundi sa mensahe ng direkson ng kanyang pag-ikot... ang sabi, kung iyong makikita na babae na nsa larawang na ito ay umiikot ng clockwise, madalas mo daw ginagamit ang kanan (right) bahagi ng iyong utak...at kung counter-clockwise, yung kaliwang (left) bahagi naman ng utak ang dominante sa iyo...

noong una hindi talaga ako kumbinsido sa larawang iyan, inisip na baka naka-program yan na umikot ng pakanan at pakaliwa...nakikita ko kasi yung parehong direksyon ng pag-ikot ngunit mas madali kong makita ang pag-ikot ng clockwise...kung kaya naghanap ako ng ilang quiz sa internet na magtutukoy kung anong bahagi ng utak ang dominate sa akin... at yun na nga ... aking napatunayan na right brain ang dominante sa akin...natakot lang ako ng bahagya dahil sa mga nabasa kong survey tungkol sa bagay na iyan... ang sabi kasi sa isang article 95% to 97% ng left-brained people are right-handed...ayun na nga right-handed ako pero dominate ang right brain ko...ibig sabihin kabilang ako dun sa 3% to 5% na right-handed tapos right brain ang dominante...

...mejo hindi pala ako normal sa mga aspektong yan...pero kung sa bagay napatunay ko na ang ilan dito...

...isa akong math major, BS Mathematics graduate...ngunit kahit kailan hindi ako naging mahusay sa numero...mahina ako sa arithmetic, sa katuyan...2nd year high school na ako noon, hindi ko pa-memorize ang multiplication table.... pero ilang math quiz bee na din ang aking napanalunan noong high school ako...masasabi ko din na kaya kong ituro sa inyo ngayon ang buong course ng algebra ng walang gamit na libro... pero kung magpapagalingan tayo sa arithmetic, sigurado ako na matatalo mo ako...math major, bobo sa number...weird di ba?

Sabado, Nobyembre 8, 2008

...buhay mo, buhay ko, buhay nating lahat...

" wag kang masyadong matuwa, baka mamaya umiyak ka lang..."

pamilyar ka siguro sa mga salitang iyan...ngunit hindi ko din maunawaaan kung bakit kailangan nating maging malungkot o umiyak sa kabila ng ating nadaramang kasiyahan... tama! lagi na lang ganito ang tao... blundered pa din tayo ng idea ng duality... katulad nung nabasa kong email message noon... na madalas naniniwala tayo na ang lahat ay may opposite...lagi na lang tayo sumasang-ayon sa 3rd Law ni Newton na "For every action there is always opposed an equal reaction"...parang pag may kasiyahan, ang opposite nun ay kalungkutan...mainit at malamig, mabuti at masama, mapait at matamis, itim at puti... lagi na lang ganito ang ating pananaw sa buhay...

..tunay ngang ang lahat ng bagay dito sa mundo ay nagbabago...hindi ka pwedeng maging kapanteng masaya dahil maaring magbago yun at mauwi sa kalungkutan. sabi nila..tunay ngang tanging "change" lamang ang constant sa mundong ito... pero hindi yun ang dahilan para hindi nating gawing ganap ang ating kasayahan...

...'wag tayong maduwag sa concept ng duality... ibig sabihin pwede naman tayong maging lubusang masaya ng hindi natatakot sa kalungkutan...maaring ngang mawala ang kasiyahang iyon at mapalitan ng ibang emosyon pero ang emosyong din iyon ay hindi nangangahulugan na ito kalungkutan... sabi nga sa math "not happy is not equal to lonely"... parang "zero is not equal to null"... halimbawa, sa sobrang saya mo napadami ang kain mo, maya-maya lang sumakit na ang tyan mo...sa puntong iyon medyo nawala ang iyong kasiyahan, pero hindi ka naman nalulungkot sa iyong pagtungo sa banyo di ba?... yun nga! ang buhay ay hindi tungkol sa extremes, hindi ito tungkol sa masaya at malungkot, sa pangit at maganda, mabuti at masama... maikli lang buhay ng tao, kung tutuusin 70.8 years lang ang life expectancy nating mga Pilipino...tpos kung lalaki ka meron ka lamang 67.89 years at 73.85 years naman para sa mga babae (*source: CIA World Fact Book 2008*)...di ba, ang ikli lang ng panahon natin? kung sasayangin mo lang ang mga panahon na yan para sa mga negatibong bagay, nasa iyon na yan...

tungkol nga ba saan ang buhay? para sa akin, tungkol ito sa kung papaano natin siya lalagyan ng kulay (*hindi ito commercial ng knorr*)...pero hindi din ito about sa black and white., hindi ito tungkol sa presence at absence ng color, tungkol ito sa iba pang mga kulay.... ang buhay ay tungkol sa ating paglalakbay...sa ating pakikipagsapalaran.. "life is colorful" ...."life is precious" , ika nga... ang mahalaga, i-enjoy natin ang bawat sandali nito...

Miyerkules, Nobyembre 5, 2008

...desisyon...

...mag-aasawa ka na ba? bakit? handa ka na ba sa buhay may asawa?

...may nagtanong na ba sa inyong tanang buhay ng mga bagay na ganyan? kung wala pa o meron man...tinatanong ko ulit yan...

... ang sabi ng matatanda, ang pag-aasawa daw ay "hindi parang mainit na kanin na isusubo at iluluwa mo kapag napaso"...masyado pa akong bata noong una kong marinig yan sa mga usapan ng mga matatanda...wow! ambigat kasi nung ideya, yung mainit na kanin ay inihalintulad sa pag-aasawa... pero kung ako ang tatanungin, gusto ko kasi lagi ng mainit na kanin, at kahit mainit pa yan o mapaso man ako, pilit ko pa din yan kakainin...sayang kasi, laman tyan din yun at mahal na ang bigas ngayon... sa seryosong usapan, may punto talaga sila na dapat ay maging handa tayo sa buhay may-asawa at sa pagbabago na magaganap sa iyong buhay... eh paano naman natin malalaman kung handa na nga tayo sa pag-aasawa, eh bawal pala ang testing?...

...cge assessment muna tayo, gusto nating mag-asawa dahil (1)ayaw nating tumandang nag-iisa sa buhay... (2) syempre masarap matulog pag may katabi at kasiping sa magdamag (*optional ito, yung iba kasi ayaw maniwala na kasali ito*) (3) gusto nating magkaroon ng kahulugan ang ating buhay sa pagkakaroon ng mga anak... (4)gusto nating magkaroon ng masayang buhay at (5) mahal namin ang isa't isa.. yan yung mga positibong dahilan kung bakit nag-aasawa ng tao... pero meron ding ilang negatibong dahilan ng pag-aasawa...(1)pinagkasundo kasi ako kya wla akong mgagawa (*pang mga royal blood*).. (2) mayaman sya eh, kya magpapakasal na kami (*gold digger*) (3)magaling kasi sya sa kama kaya sya ang pinili ko (*reason ng manyak*)... (4) buntis kasi sya eh, kya magpapakasal na kami.. (5)ako kasi ang nagpapaaral sa mga kapatid ko, gusto ko naman sarili ko ang asikasuhin ko (*panaghoy ng isang breadwinner*) at (5) trip trip lang...

...alam kong maraming pang ibang dahilan kung bakit nga ba nag-aasawa ang tao, pero kahit anu man ang dahilang iyon mahalaga na maging sigurado tayo sa ating desisyon, hindi lang sa utak bagkus kaakibat din nito ang desisyong ng ating puso... naniniwala pa din ako na ang pag-aasawa ay hindi nangangahulugan ng kahandaaan natin sa financial na bagay...ang sabi kasi nila, maging praktikal ka...dapat ready ka na financially para maitaguyod mo ng maayos ang pamilya mo...may punto nga sya, eh kaso paano naman kung 50 years old ka na bago maging ready financially...di ba mahirap din yun...ang sabi kasi nila, sa pag-aasawa dapat physically, emotionally, mentally at financially ready tayo... tama sila sa ibang punto.. pra kasi sa akin, ang pag-aasawa ay dapat ready tayo sa usapang physical, emotional at mental...tapos yung financial aspect huli na yun, nasa proseso na un ng inyong pagsasamang mag-asawa..pero kung mayaman ka na at ready ka na financially, ang swerte mo...

...bukod sa mga sinabi ko, meron din kasi na hindi kasi makaalis sa poder ng kanilang mga magulang kung kaya masasabi natin na hindi pa sila ready sa pag-aasawa... madalas nagtatalo ang isipan natin kung kaya mo na bang iwanan ang pamilya mo para bumuo ng sarili mong pamilya...para hindi ka na mahirapan sa pag-iisip, bibigyan kita ng isang "hypothetical situation"...

"sakay kayo ng isang bangka, kasama dito ang tatay mo at ang iyong fiance...lumubog ang bangka...at meron kang isa lamang pagkakataon pra iligtas ang isa sa kanila...sinu ang ililigtas mo?"

....sa mga handa ng mag-asawa sigurado ako ililigtas nila ang kanilang fiance...at ang kanilang tatay naman ang maliligtas para sa mga hindi pa handang mag-asawa... tinanong ko ang sarili ko noon tungkol dito...at ngayon iba na ang sagot ko... "pipiliin ko pa din na iligtas ang grace ko kahit ako pa mismo ang malunod"...



Linggo, Nobyembre 2, 2008

...dalaw...

"kung ayaw 'nyo kaming dalawin, kami na lng ang dadalaw sa inyo! - mga yumao"

...araw ng patay?... kapistahan ng mga patay?... araw ng mga kaluluwa?.. halloween?... takutan?... trick or treat?.. pero para saan nga ba ang araw ito? o anung meron sa araw na ito?...

...ang mga Pilipino madalas ika-uno pa lng ng nobyembre, nagmamadali na yan tumungo sa sa sementeryo upang gunitain ang araw na ito..november 1? ei "all saints day" pa lang un, november 2 pa ang "All souls day"? bkit nagtutungo na ang karamihan sa atin pra dumalaw sa mga kamag-anak nating yumao... nung una inakala ko na nagkamali ang mga Pilipino sa paggunita ng araw na ito...inisip ko din na bka nga dahil masyadong excited lng tayo...likas na kasi sa pilipino ang excited..likas na din ang pagiging-UA (*uber akting*)...konting problema lng react na agad, konting tsimis kalat na agad yan...sa sobrang ka-OA-an..magrarally pa yan sa mendiola at EDSA... pero bkit nga ba november 1 instead na november 2...dahil ba ito na ang nakasanayan ntin? posible din d ba?..pero kung ako ang tatanungin mas gusto ko ng i-celebrate yun ng november 1 kasya november 2... bkit? syempre gusto ko...pakialam nyo...ahahaha...

...sa seryosong dahilan, wala naman kasi akong nakikitang pagkakaiba sa Saints and Souls..may pinagkaiba ba sila? wla naman halos di ba? pareho naman na patay yan eh...pero wag na po nating pagtalunan kung meron ngang Saints or souls, accept na lng muna natin na existing sila...ay mali, patay na nga pla yan, so hindi na existing...ang ibig kong sabihin maniwala na lng tayo na meron ngang mga saints at souls....yun na nga, wala kasi akong makitan pinagka-iba nila at ayaw kong maging bias, kaya lahat ng yumao pra sa akin saints na lng khit masama pa silang tao, kaya november 1 pa din gusto ko... andugas kasi ng simbahan eh, pinipili lng nila yung mga saints...ang dami kayang mga pumanaw na din na mas mabuti pa sa mga saints na na-recognized nila..hindi ko na din iisa-isahin hindi ko kasi memorize ang mga pangalan ng saints (*hindi ko tlaga alam kung sinu-sinu yun)...

november 1, masaya sa sementeryo...dito maganda gumimik, hindi lang mga buhay ang ka-jammin, pati mga patay nakiki-gimmik din...ang daming negosyo din dito...kumpleto...bentahan ng bulaklak, bentahan ng kandila, pagpapapintura ng nitso ...meron din, sari-sari store..kumpleto din...meron din libreng twag...oo tama, ang weird nga eh..sa sementryo nag-mamarket ang mga telephone companies...kaiba tlaga...yung mga patay daw kasi gusto din kausapin ung mga kamag-anak nila sa abroad at probinsya..magtatanong siguro ung mga patay kung sila na lng ang pupunta sa bahay nung kamag-anak nila kung hindi sila dadalawin...uu nga naman pra hindi din aksayado sa pamasahe...

...ayaw ko sanang mag-post about halloween, pero ok na din...nakikiuso lng...

HAPPY HALLOWEEN!




Miyerkules, Oktubre 29, 2008

...blogging tips 101 (for pinoy bloggers)...

note: ang susunod na tips ay pra sa aking mga kapwa blogero't blogera..hindi pa ako dalubhasa sa larangang ito pero nais kong ibahagi ang sumusunod batay sa aking experience sa pag-bloblog...ang post na ito ay sadyang ginawa para sa mga pinoy bloggers... pwede din pala ito sa iba pang nilalang sa planet earth basta nakakaintindi ng tagalog...

madami tayong dahilan kung bakit tayo nagblo-blog...una na dito ay mailabas ang ating mga hilig, kalokohan, saloobin, ideya, pananaw sa buhay, pananaw sa mundo, love life, hell life, emo life at kung anu-anu pa..pero un nga pwede din itong sideline...

...at yun na nga, mukhang epektib naman ang aking paglalagay ng google ads... kahit papano kumita din ng konti...ngunit panu nga ba ma-enhance ang earnings...ang totoo nyan inde ko din alam kung paano..sari-saring eksperimento ang dapat gawin...dapat makinig din sa mga tsismis para makakuha ng ilang mga tips...ito ang ilan sa mga tsismis...

ang sabi ng iba (1) nasa dami at originality ng content un...mukhang posible nga kung ganun...pero panu ka nmn masesearch o mababasa ang iyong kontent kung hindi mo ito isusubmit sa directory...at un nga (2) submit mo ang url ng iyong blog sa iba't ibang directory, tulad ng sa yahoo, google, msn.... pldt, bayantel (joks telephone directory pla yan)... pero mga kapatid na blogero at blogera huwag ninyong kalimutan na hindi magsubmit dito sa link na ito http://www.dmoz.org/ ...sabi nila yan daw ung pinakamalaking directory sa worldwideweb... (3) tama din daw na makipaglink-ex tayo...pampataas un ng traffic, pero make sure na ung kapalitan mo ng links is almost similar sa content or main focus ng blog mo... or else sira ang trafic mo sa mga search engine...

(4) ang pang-apat..galingan natin ang pagpromote ng blog....blog hopping is a good way pero kasi minsan time consuming un talaga...pero kung matiyaga ka..ok lng yan... (5) mag-spam...ahehehe...ang iba sa inyo ayaw nito..totoo ngang nakainis din ito pero kung papasok ka sa mga groups sa yahoo, google, friendster, eskwela at iba pa...posible kang makakuha ng madaming viewers...promotion? more on numbers game lng yan (6) kapag madami ka ng viewers, make sure na quality ang mga input mo...dapat ung content mo ay angkop sa gusto ng iyong viewers (*maglagay ka na porn...ahehehe..biro lng*) (7) pasukin ang youtube at iba pang video related sites at i-promote ang iyong blog... 50-60% ng internet users ay ito ang ginagawa,ang manuod ng mga video..kung meron kang isang promotion clip sa youtube tulad nito http://www.youtube.com/watch?v=GopuSRiKSfk ..makakakuha ka din ng madaming viewers... (8) uu nga meron kang viewers, mataas ang iyong page rank, pati traffic mataas din, eh kaso wala ka naman ads na pwedeng pagkakitaan...wala din silbi ang effort...so kung ganun, dapat mag-apply po tayo sa mga advertising sites tulad ng Google adsense...pero kung na-ban ka na nila nung una pa lng dahil sa fraud click..madami pa ding alternative..ito ang listahan:
(9) importante din na laging i-update blog, pra hindi magsawa ang ating viewers...at ang panghuli (10) alamin ang keywords na naglalagay ng related ads na malaki ang bayad per click...kung wla kang idea..ito ang 99 keywords na nakuha ko din sa internet...

1. Structured settlements
2. Mesothelioma
3. Acne
4. Life Insurance
5. Death Insurance
6. Bextra
7. Asbestos
8. Car Insurance
9. Dental Plans
10. Private Jets
11. Debt Consolidation
12. Credit Cards
13. Rewards Cards
14. Equity Loans
15. Equity Line Credit
16. Loans
17. Mortgages
18. Pay Day Loans
19. Cash Advance
20. Bankruptcy
21. Reduce Debt
22. Refinance
23. Jet Charter
24. Vioxx
25. Wrongful death
26. Legal Advice
27. Taxes
28. Investing
29. Bonds
30. Online Trading
31. IRA Rollover
32. Refinance Quotes
33. Adult Education
34. Distance Learning
35. Alcohol Treatment
36. Rehab
37. Drug Rehab
38. Spyware
39. Cell Phone Plans
40. Calling Cards
41. VOIP
42. Weight Loss
43. Canadian Pharmacy
44. Depression
45. Spam Filter
46. Lasik
47. Facelift
48. Teeth Whitening
49. Annuity
50. Anti Virus Protection
51. Adult Diaper
52. Free Credit Report
53. Credit Score
54. Satellite
55. Anti Spam Software
56. Dedicated Hosting
57. Domain Name
58. Need Money
59. Bachelor Degree
60. Master Degree
61. Doctorate Degree
62. Work at Home
63. Quick Book
64. Extra Money
65. Eloan
66. Malpractice Lawyer
67. Lenox China
68. Cancer
69. Payperclick
70. Personal Injury Attorney
71. Lexington Law
72. Video Conferencing
73. Transfer Money
74. Windstar Cruise
75. Casinos Online
76. Term Life
77. Online Banking
78. Borrow Money
79. Low Interest Credit Cards
80. Personal Domain Name
81. Cellular Phone Rental
82. Internet Broker
83. Trans Union
84. Cheap Hosting
85. University Degrees Online
86. Online Marketing
87. Consolidate
88. Helpdesk Software
89. Web Host
90. Homeowner’s Insurance
91. Yellow Page Advertising
92. Travel Insurance
93. Register Domain
94. Credit Counseling
95. Email Hosting
96. Business Credit
97. Consumer Credit
98. Blue Cross
99. Laptop Computer

ito muna, sna nakatulong ako ng bahagya...pag may na discover pa ako..ibabahagi ko din ito sa inyo...

Martes, Oktubre 28, 2008

...Google $$Payout$$...

...after 10 years of waiting...yahoooo!...eto na..binayaran na din ako ng google sa wakas... ito na ang ebidensya...pero syempre gabi na ngayon at wala ng bukas na western union, kya bukas ko na lng pagpapasaan ang kayamanang iyan...akin din bahagyang binura ang akin tunay na pangalan upang makaiwas sa manghihingi ng balato...at akin din bahagyang itinago ang lugar ng akin tirahan upang makaiwas sa mga taong pipila sa tapat ng bahay namin...at syempre akin din itinago ang MTCN...aba aba bka maunahan nyo pa ako....ahehehe... oo..tama nagyayabang ako ngayon...beehhhlat!

ahehehe...biro lang..tamang tama lng yan pra baon ng aking mahal na kapatid..nyahehehe! pra sa lahat...tyagaan lng...:D

Miyerkules, Oktubre 22, 2008

...sintang paaralan...

note: ang inyong matutunghayan ay batay sa katotohanan.... hindi hinangad ng post na ito at ng may akda na siraan ang sarili nyang paaralan bagkus imulat ang mga mata ng nasa gobyerno ang nasisirang sistema ng edukasyon sa pilipinas.

...matagal na din ang panahon ng ako ay lumisan sa "sintang paaralan"...aba'y dapat lang graduate na kaya ako... at ito ay bilang isang sikat na manlilinlang sa larangan ng matematika...

...bagamat malayo ang "sintang paaralan" sa larawan ng mga dekalidad na pamantasan sa pilipinas, masasabi kong ito ang tunay na naglalarawan sa tunay na buhay sa pilipinas... puno ng pakikidigma at pagkikipagsapalaran ang pagtungtong ko sa paaralang iyon...sa pag-eenrol pa lang kailangan mo ng mamumuhunan ng dugo at pawis sa pagpila...hindi simple ang mga pila dito..umaabot kasi iyong ng ilang kilometro..idagdag mo pa jan ang mga "amoy tinapay" na mga katabi..pero hindi lang doon magtatapos ang iyong kalbaryo sa kadahilang sa dulo ng pilang iyon, iyong matutunghayan ang mga walng pakundangang propesor na magtatanong sa iyo ng mga ilang bagay na kahit sa panaginip ay hindi mo pa naiisip...

...maganda ang paligid ng aming paaralan...namumulaklak ito ng iba't ibang uri ng estudyante...

(1) una na sa listahan ang uring mga aktibista, ito ang mga uring kinagigigliwan ng lahat...bkit nga ba hindi?... sa tuwing mag-rarally sila, sigurado kanselado na ang klase...

(2) sumunod ay ang grupo ng mga "taong libro"...ito ung mga uring walang inatupag kundi abutin ang IQ ni Thales at Aristotle...inde ko na sinama si Einstein, prang ka-level ko lang kasi sya (*nagyayabang ako, bkit angal ka?*)...sila rin ang mga uring mahilig sumali sa Quiz Bee ng kahit anung kategorya...mas gusto nila ang tumabay sa lagoon or library kaysa pumasok sa klase... tama! ito ang mga uring naniniwala na mas mahusay pa sila sa khit sinung propesor sa unibersidad...

(3) ang ikatlong uri ay ang mga tinaguriang "shiftyniners"...tama! ito ang mga uring nahihilig sa pagpapalipat-lipat ng kurso....hindi ko din maintindihan kung bakit nila nagiging bisyo ang pagpapalit ng kurso o baka nmn nais lang nilang sulitin ang murang tuition fee ng aming paaralan...mura ang tuition sa "sintang paaralan", 12.50 pesos per unit lang dito..ibig sabihin kung 24 units ka per sem ang tution mo ay naglalaro lamang sa 300-500 pesos...di ba mura ng dalawampung ulit o higit pa kaysa sa ibang unibersidad sa whole wide world...

(4) ang sumunod na uri naman ay ang tinatawag na "umbra kato group"...sila ay mga uring nahihilig sa ROTC... ang mga uring matitikas...noong nsa high school pa lamang ako at bilang CAT Corps Commander, gusto ko din maging Corps Commander sa ROTC o di kaya'y maging isang ganap na sundalo...ngunit dahil sa usapang height ako'y nabigo sa aking mga pangarap... ngunit mabuti na lng at hindi ako nabilang sa grupong ito...wla na kc sila ngaun..na-abolished na..bwahahaha!

(5) meron ding uring kung tagurian ay "athletes' fEEt"...ito naman ay mga nahihilig sa iba't ibang palakasan sa loob ng aming "sintang paaralan"...sa galing nila sa paglalaro ng basketball, football, volleyball at jack en poy (*gamit ang paa)...kumapal na ang kanilang mga kalayo ... mahusay ang mga manlalarong ito...kayang-kaya nilang talunin ang mga "riles boys"... ang mga riles boys ay madalas din namin nakakalaban noon sa basketball..sila ang mga tambay sa labas ng "sintang paaralan" at nakakapasok sila sa pamamagitan ng pag-akyat sa bakod o di kaya'y panunuhol at pananakot sa aming mga sekyu...

(6) ang aking huling babanggitin ko sa post na ito ay ang uring "mixed nuts"...kung baga sila ang grupong mahilig makihalo sa ibang grupo..mahilig din silang sumali sa iba't ibang club...maraming nakakakilala sa kanila dahil sa dami ng organisasyong nasalihan...mas madalas nasa group meeting ang mga ito kasya pumasok sa loob ng klase...

ilan lamang ang ito sa madami pang uri ng "stupidents" sa aming paaralan...inde ko nga lang alam kung saan ako nabilang..ngunit bukod sa mga ito..aking kinagigiliwan ang kaaya-ayang kapaligiran ng aming sintang paaralan...nakakatuwa pa ding isipin na mura pa din ang pag-paparint ng mga projects (piso lang per page) at renta sa computer dito., syempre mga hack at pirated ang mga software at hardware...hindi pa din matatawaran ang halimuyak ng ilog pasig na nsa likurang bahagi nito... ang amoy ng mga gasolina na nagmumula sa "pandacan depot" ay nagbibigay ligaya sa mga estudyante, syempre suspendido ang klase nun...bukod sa mga ito napapaligiran din kami ng mga naglalakihang motel...name it, kumpleto dito...Anito Inn, Wise Hotel, Ligaya, Sunrise Hotel, inde ko alm kung meron na ding Sogo Hotel dito kasi meron na ding Jolibee...at pag may Jolibee cgurado may Sogo syang kasama...at syempre ang 6th floor ng main building ng "sintang paaralan" ang pinakamurang motel...ay hindi pala mura, libre pla dito..ahahaha..bkit ko alam? taga 6th-floor kaya ang mga math major..pero inosente ako sa mga bagay na yan...kung ayaw nyong maniwala..bahala kayo sa buhay nyo...

..medyo humaba na ang aking kwento ukol sa aming "sintang paaralan"...ngunit hindi pa rin matatawaran ang kakaiba nitong mga turo... ang pagpukaw sa aming mga damdamin at kaisipan ukol sa tunay na realidad ng buhay...


Sabado, Oktubre 18, 2008

..modelo...

...hindi na matatawaran ang pagsikat ni Super Gulaman...at ngaun hindi bilang isang superhero...kundi isang basketbolista at modelo...

..umaga ng araw ng linggo noon ng biglang may nag-doorbell sa gate ng aming mansion...sila daw ay mga talent scout ng Lakers at Nike...hinahanap daw nila ako bilang mag-endorso ng kanilang produkto at sports...nahihirapan na daw sila kay kobe bryant sa laki ng talent fee nito..kung kaya akin silang pinatuloy sa aming mansion at yun na nga aming napagkasunduan ang pictorials na gagawin at 2 buwan na kontranta bilang manlalaro sa LA Lakers...medyo hindi kalakihan ang aming naging kontrata...umabot lamang iyon sa $5,000,000.00...at dahil isang big break ito pra kay supergulaman..pumayag na din ako...ito ang ilang kuha sa aming pictorials na na-isapubliko na...






...ang inyong natungyan ay pawang imbento ko lamang...ang mga larawan ay akin lamang in-edit sa pamamagitan ng isang photo editor sa internet...akin pinapasalamatan si Enday sa napaka-cool na photo editor na ito...ahehehe..:D

Biyernes, Oktubre 17, 2008

..dalawang daan siyamnapu't apat na araw...

"im forever yours...faithfully..." -Journey

dalawang daan siyamnapu't apat na araw, walong oras at labin' walong minuto mula ng huli tayong magkita...kamusta ka na? mahigit kalahating taon na din ng muli kang bumalik at ako'y iyong iniwang muli upang tuparin ang iyong mga pangarap, ang aking mga pangarap, ang ating mga mga pangarap...pinili nating magsakripisyo sa halip na magbingi-bingihan sa pintig ng puso...

...sa pagkakataong ito, hayaan mo akong magpasalamat sa mga sakripisyo at sa walang sawang pagmamahal na inukol mo sa akin... ikaw na naging kabalikat ko sa mga problema at sama ng loob ko aking ama sa tuwing kami'y nagkakasagutan noon.. sa halip na ako'y iyong kampihan pilit mong pinaunawa sa akin ang mga posibleng dahilan ng mga problema ng aking tatay...pinaunawa mo sa akin ang halaga, pagmamahal at sakripisyo ng isang ama na inuukol nya sa kanyang anak... pinaunawa mo sa akin na hindi ako dapat magtanim ng sama ng loob sa kanya... salamat...tama ang sinabi mo na "khit anong gawin, tatay mo pa din sya"...at yun na nga, sa huling sandali ng aking ama, alam kong masaya sya sa pagkakaroon ng Grasya ng kanyang pinakapaboritong anak... naalala ko pa nga ang huling araw ng pagkakausap nain ng aking tatay, tinanong ka nya sa akin at sinabi, "Yet, nasaan na ang asawa mo?"... lumingon ako ng bahagya sa kanya at sinabi kong, "nandun pa po, natutulog"... "bumalik kayong dalawa mmayang gabi at dito na kayo mag-noche buena", wika nya...natuwa talaga ako sa tugon nyang iyon...hindi pa man tayo naikakasal alam kong masaya sya na ikaw ang aking minamahal...ngunit sa noche buenang iyon, hindi na sya lumabas na kwarto...lumipas ang pasko, nagkulong lamang sya sa kanyang sya doon..masama daw ang pakiramdam ng tatay ang sabi ng nanay ko....at yun na nga 26 ng umaga ng Disyembre...wala na ang aking ama....

...tunay ngang nakakalungkot ang pagpanaw ng isang ama...nakakalungkot dahil hindi na nya matutunghayan ang aming pag-iisang dibdib..nakakalungkot dahil hindi na nya makikita ang pinakaabangan nyang mga apo... ngunit sa kabila nun, alam kong masaya sya sa nakikita nyang pagmamahalan namin ng aking Grasya...at knyang pagpanaw ipinangako ko na hindi ko pababayaan at lubusan kong mamahalin ang aking Grasya...

...kamusta na kaya ang aking Grasya?...ako'y nasasabik sa iyong muling pagbabalik...at khit malayo ka ngayon sa akin, ang iyong pagmamahal ay nandun pa din...ipinadarama mo na hindi karagatan ang pagitan natin...nandoon pa rin ang mga paalala at pakikinig... sa'yo ko natutunan na walng silbi ang pamamahalan kung hindi naman ito pinag-iingatan...pangako mahal, akin itong pag-iingatan... pag-iingatan hanggang wakas... ngunit hindi ko pa din maiwasan na ikaw ay aking hanapin...matunghayan ang mukha mo na nakamasid sa aking paggising... hinahangad na sa bawat araw na lilipas, ikaw at ang iyong pagmamahal ang aking kapiling...miss na kita...

Martes, Oktubre 14, 2008

...sino ang tamad?...

"paano kung tamad na akong tamarin? e 'di and sipag ko na 'nun...ayoko ng ganun, nakakatamad." (*txt message from kaye*)

natawa talaga ako sa message na ito...pero panu nga ba kung ganun nga?...sa sobrang katamaran mo, ung katamaran kinatamadan mo din...ang gulo 'no?...hindi mo tlaga ma-idescribe kung tamad ka ba talaga or masipag ka...pero sa kabilang banda, hindi nmn nangangahulugan na kung hindi ka tamad ay masipag ka...o di kaya'y hindi ka masipag pero hindi din ito nangangahulugan na tamad ka...sigurado ako nalito ka na...at maging ako din ay nalito na...ang malupit nyan, hindi ko tlaga alam kung saan at paano nagsimula ang katamaran...

...pero teka, pano mo ba masasabi na tamad ang tao o tinatamad ka? kapag ba ung bagay na dapat mong gawin at hindi mo ginawa... ibig ba sabihin nun ay tamad ka?...sabi nila depende yun sa dahilan kung bakit hindi mo nagawa ung bagay na dapat mong gawin...kung valid ang dahilan hindi daw katamaran un...eh paano naman kung ayaw kong gawin talaga?...hindi ako tinatamad pero ayaw kong gawin....katamaran ba un na masasabi?...

...sa ganang akin, ang katamaran ay isang simpleng dahilan na walang paliwanag...kung ayaw nating gawin ang isang bagay...sabihn lng ntin na "ayaw" natin itong gawin...pero sabagay kung sasabihin mo nmn na "tinatamad" ka, wala ng maghahanap pa sa'yo ng ibang dahilan kung bkit ayaw mong gawin and bagay na un..."tinatamad ka?.. ok"

...tinatamad na akong mag-type, tinatamad na akong magpaliwanag ng mga bagay-bagay ukol sa katamaran...bakit ako tinatamad?..kasi nga tinatamad ako...sana hindi ka tinamad sa pagbabasa nito...

Linggo, Oktubre 12, 2008

Arte y Pico Award

Salamat kay Bb. Alindogan for this Arte y Pico Award:

The rules of this tag are as follows:

1) You have to pick 5 blogs that you consider deserve this award for their creativity, design, interesting material, and also for contributing to the blogging community, no matter what language.

2) Each award has to have the name of the author and also a link to his or her blog to be visited by everyone.

3) Each award winner has to show the award and put the name and link to the blog that has given her or him the award itself.

4) Award-winner and the one who has given the prize have to show the link of “Arte y Pico” blog, so everyone will know the origin of this award.

Ngayon akin na itong ipapasa kina:

Anime

Rules:
"List 10 fictional characters you'd rape, I mean fool around with...hahaha, and tag whoever you want to pick up the meme" -Gelene

mula ito kay Bb. Alindogan...maraming salamat sa anime tag na ito..:D...base sa rules kailangan mag-list ng "10 fictional characters you'd rape, I mean fool around with"...madugo ito, ang hirap kya pagnasaan ang fictional characters, bka pagbintangan pa ako na nanunuod ng hentai...pero cge ibigay ang hilig...:D

Listahan ko:
1. Hinata of Naruto
2. Yuroichi Shihōin of Bleach
3. Inoue of Bleach
4. Yui Ikari of Neon Genesis Evangelion
5. Ayame of Naruto
6. Lime of Saber Marrionette
7. Kuchiki Rukia of Bleach
8. Chiaki or Cherry of Zenki
9. Fūko or Aira Kirisawa of Flame of Recca
10. Karen of BT'X

ayan...:P
Ngayon naman atin ng alamin kung sino ang mga pinag-nanasaan ng kapwa ko blogero't blogera...akin na itong ipapasa kina:

Biyernes, Oktubre 10, 2008

..tao, tao saan ka gawa?...

..ang hiwaga ng buhay...ilang libong taon na din ang nakalilipas ng nilikha ang tao ngunit walang malinaw na paliwanag kung saan talaga tayo nagmula...maraming mga haka-haka na ang tao ay nagmula sa unggoy, baboy, elepante o maging sa garapata...pinipilit kong ipasok sa aking kukote ang mga haka-hakang iyon pero wala itong malinaw na paliwanag...

...at dahil dito nagsimula na akong mag-imbestiga...at bilang pasimula, aking inaral ang komposisyon ng tao...ang sabi ng itchyworms (*makulit na banda ito*), ang tao daw ay 90% tubig at 10% libag..wow! d ba astig, tubig at libag lng ang bumubuo sa tao...pero syempre hindi totoo yun....pinatunayan ito sa aklat na "Laws of Order" ni Rovin, J (1992; p.108) at tunay ngang ang tao ay binubuo ng 61.8% na tubig base sa timbang... 16.6% na protina, 14.9% na taba at 3.3% na nitrogen...ayon pa sa kanya, meron pang maliliit na porsyento ng ibang elemento na bumubuo sa katawan...so anu nga un?..oo nga wala pa din itong kinalaman kung saan tayo namula...

...tinitigan ko ang aking balat...ang dilim...epekto siguro ito ng melamine este melanin pla...tinitigan ko pa sya ng matagal...teka may nakikita ako...anu ito, butlig? ang kati.. kinagat ako ng lamok...pagkatpos kamutin, pinagpatuloy ko ang pagtitig sa aking balat...at dahil nga ako si SuperGulaman, gumamit ako ng x-ray vision...anu itong nakikita ko sa aking balat...aha! cells yata ang tawag dito...cge i-zozoom in ko pa....ang liit masyado, ito na cguro ung atom na merong proton, neutron at electron...dito ba gawa ang tao?.. pero teka, parang tuldok lng ito ah...ang sabi ng teacher ko sa Geometry, ang tuldok daw or point ay undefined term pero ito ay ni-rerepresent ng dot...kung baga ito ay isang entity na may location sa space or sa plane but no extent...regardless of their size, tuldok pa din daw un...wow! di ba ang labo?..sige patawarin na natin sya, akyat tayo sa second level, ang line or linya...ang sabi ng aking guro, ito daw ay binubuo ng series ng point...so kung ganun undefined din ang line...eh panu nmn ung plane?...sabi nya binubuo din daw un ng madaming line...so undefined na nmn un...

...patuloy kong minamatyagan ang aking balat...meron itong tuldok, meron din itong mga lines, at plane na nagrerepresent ng aking tissues, so kung pagsasamahin ko lahat un, ang kalalabasan ay parte ng katawan ko hanggang sa maging AKO...

...tama, ang tao o anu mang bagay dito sa mundo ay nagmula sa undefined na bagay...at ito ay tinatawag na tuldok...ang tuldok na isang idea na undefined ang siyang bumubuo sa tao... "tao isa ka pa lng undefined na idea"...

Huwebes, Oktubre 9, 2008

...silbi...

kung bibigyan ka ng pagkakataon na mabuhay ng habang panahon sa mundong ito at magkaroon ng malakas na kapangayarihan, tatangapin mo ba?

...marahil ang iba sa inyo, mabilis ang sagot na "Oo, bakit hindi?" ... tama! maganda nga ang pagkakataong ito. Kung meron kang ganitong pagkakataon, halos lahat ng naisin mo sa buhay ay iyong makakamit.... magandang buhay, pera, madaming kaibigan, kasikatan... halos lahat siguro ng nais na tao ay pwede mong makuha...di ba napakaganda ng biyayang ito?

...bukod sa mga materyal na bagay, magkakaroon ka din madaming oras, pag-ibig at buhay... ito ung mga bagay na nininais ng bawat isa sa atin hindi ba?...pero bkit tila nagdadalawang isip ako...

...ang mabuhay ng habang panahon sa mundong ito at magkaroon ng malakas na kapangayarihan ay maaaring magdulot ng matinding kalungkutan... hindi mo na iisipin ang kinabukasan dahil madami kang oras...magiging saksi ka sa mga pagbabago at karahasan sa mundo... hindi mo na nanaiisin ang makihalubilo sa tao dahil lahat sila mawawala sayo... mawawalan ka na ng dahilan kung anu pa ang silbi mo sa mundo...

..ang tao ay nabubuhay para lumaban sa mga pagsubok na dumarating...ang bawat pagsubok ay pilit nalinalampasan sa kahit na anung paraan...lumalaban sya pra maprotektahan ang kanyang sarili at ang mga mahalaga sa kanya...ang kahirapan at pagsubok ay parte ng buhay..maaring magkakaiba ng timbang ngunit may halaga ito sa pagbuo ng sangkatauhan...

I LOVE YOU THIS MUCH AWARD

Thanks to Bb. Alindogan,Marvierhose and GEnYZe for giving me this award...

This award is made for those blogger that you really love...

Rule:
* LINK THE PERSON WHO STARTED THIS AWARD
* Link to the person who " LOVE " you ...
* Post the rules on your blog (this is what you are now reading).
* Tag 7 people at the end of your post and link to them..
* Let each person know they have been "LOVED" and leave a comment on their blog...


Im showing my love to the following:

Lunes, Oktubre 6, 2008

Butterfly Award

Maraming salamat muli kina Arah, BB. Alindogan at sa muling pagbibigay ng blog award na ito. Hindi ko na hulaan ang gender ng gumawa ng blog award na ito. Pero sigurado ako na hindi siya lalaki...:D


Rules:
Put the logo on your blog.
Add a link to the person who awarded it to you.
Link 10 other bloggers whom you wanted to share this award to.
Give a reason why you consider that person's blog cool.

Akin na po itong ibabagi kina:
Ang kanilang mga blogs ay aking pinili dahil ito ay SOBRANG HUHUSAY at ASTIG..:)

Biyernes, Oktubre 3, 2008

..lilok: ikalawang yugto...

Paunawa [R18]: Ang susunod na bahagi ay ang pagpapatuloy ng mga pangyayari sa buhay ni Marie at Lita. Ang "...lilok..." at ang akdang ito (..lilok: ikalawang yugto...) ay pawang mga kathang isip lamang ng may-akda. Anu mang bahagi na may pagkakahawig sa tunay na buhay at iba pang kwento ay hindi sinasadya.

..maganda ang umaga ngayon, hindi katulad ng dati noong nasa Paete pa kami ni Lita. Matagal na din ang panahon matapos ang walang katulad na pangyayaring iyon sa buhay namin...sa buhay ko...Nasa Maynila na kmi ngayon. Sa katunayan si Lita ay nasa ikalawang taon na din ng kolehiyo. Dalawang taon na lang din at makakatakas na sya sa kahirapan ng aming buhay. Ako? hindi ko na din naipagpatuloy ang pag-aaral ko. Sayang nga eh, pa-graduate na ako sana nun sa Highschool. Pero para saan pa kung maka-graduate man ako...sira na ako..sirang-sira na...

...halos dalawang taon na din ako dito sa aking trabaho...dito onting sayaw lang, onting giling, konting bola sa mga customer sigurado paldo na ang bulsa ko. Pero syempre mas malaki ang kita kung makakatyempo ka ng customer na mayaman at gusto kang i-take home..ito yung inaabangan namin ng mga tulad ko... Mahirap ang buhay ng mga tulad namin ngunit kailangan kong magsakripisyo eh, hinding-hindi ko papayagan na mapariwara din ang buhay ni Lita tulad ko. Kung dati-rati halos isuka ko ang aking buong pagkatao sa aking kinasapitan... ang pagkasira ng aking pagkababae at dangal, ngunit ngayon tila ba ito na ang buhay ko. Ang bawat halik at yakap ng katawan ni Adan ay tila ginhawa na aking inaasam. Ang bawat indayog sa saliw ng mga matatamis na pangako ng mga lalaking puno ng pagnanasa ay pumapawi sa aking kawalang halaga. Ang bawat pagniniig na tila bagang bumubuo ng nadurog kong mga pangarap...pero hindi ito ang gusto ko, hindi ito ang pangarap ko...."kapag nakaipon na ako at nakapgtapos na si Lita...aalis na ako sa maduming lugar na ito...sana... sana..."

..."Hi! I'm Marie, anung pangalan ng lalaking mukhang misteryoso?"..."I'm Ron, nice meeting you"....ganito kami nagkakilala ni Ron sa bahay-aliwan na nagsisilbing paraiso ng aking pangarap... ang totoo nyan hindi lang mukhang misteryoso si Ron, totoong misteryoso talaga sya...may mga paniniwala sya na salungat sa paniniwala ng madami...ngunit may mga punto sya sa mga bagay na pinaniniwalaan nyang tama...

...niligawan ako ni Ron, bumilis ang panahon...nahulog na din ang loob ko sa kanya...sa maikling panahon ng aming pagkakakilala, nakilala nya ako ng lubusan...tinangap niyang lubos ang aking nakaraan...makalipas ang tatlong taon, nagpakasal kami... si Lita naman nasa America na, isa na sayang ganap na nurse at malapit na ding magkapamilya...

...naging masaya ang unang tatlong buwan ng pagsasama namin ni Ron ngunit pauti-unti ay nagbabago sya sa tuwing kami ay magniniig...tila ba nakukulangan sa paghahanap ng kaligayahan... kung dati-rati ay kuntento na sya limang oras ng pagtatalik, ngunit ngayon nagmimistula na syang hayop sa paghahangad ng matinding kaligayahan... sa paghahanap ng kaligayahang iyon, humantong kami sa kakaibang pagpapaligaya...ginapos nya ako sa kama...pinapalo ng sinturon habang nagniniig...ngunit hindi ko din maipaliwanag ang sensasyong nadama...parang nagustuhan ko pa..."cge, lakasan mo pa! ugggghh!"....puro pasa na ang aking katawan ng ako'y kanyang kalagan..kumuha sya stick ng sigarilyo at sinindihan...makailang saglit pa ay itinarak nya ang baga ng sigarilyong iyon sa aking dibdib....mahapdi...masakit...pero masarap...kakaibang sarap...at muli hinagkan nya ako...halos mapunit ang aking mga labi sa tindi ng knyang kagat...niyakap ko sya ng mahigpit at binulong...."ang sinturon, ihataw mo sa likod ko..".... ang sarap ng pakiramdam... kakaiba...

...matapos ang buong magdamag, ito ako...hindi makatayo sa sakit ng katawan, pero masaya ako..hindi ko maipaliwanag...si Ron wala na sa tabi ko, umalis sya at tumungo sa trabaho...kailangan ko pa lang bumangon at maghanda para sa kanyang pagbabalik...isa na naman nakakapanabik na pagniniig... thumbtacks, blade, sinturon, sigarilyo...sapat na siguro ito para sa kaligayahan ko...

~wakas~

Susunod na Kwento Lilok: Ang Pagpapatuloy [1]

Huwebes, Oktubre 2, 2008

..katinuan...

...mula sa maliit na kwartong ito, bumibilis ang pintig ng puso ko....kinakabahan na naman ako sa mga naririnig ko...mga nagmamadaling yabag ng paa..."ayan na!, magtago ka na..."...sigurado ako, magagalit sila kapag nahuli nila ako na kausap kita... lagi na lang ganito..paulit-ulit... hindi ko na din mabilang ang dami tusok ng karayom ng herenggilya sa akin katawan...tila ba manhid na ito sa paulit-ulit na hapdi at kirot ng karayom na bumabaon...

...hindi ko sila maunawaan, galit ba sila sa akin?... bakit nila ako ginaganito?... masama ba akong tao? bakit sa tuwing kinakausap kita, pilit nila akong ginagapos...sinasaktan..baka naman galit sila sa'yo?.. masama ka bang tao? ...pero bakit ako, bakit ako ang nagdudusa ng ganito... masakit ang tusok ng mga karayom na iyon... ang epekto ng gamot na tila nagpapabagal at nagpapahina ng aking katawan ay halos hindi ko na makayanan... .

...ngunit sa tuwing nag-uusap tayo hindi ko maipaliwanag ang sayang nadarama... ibang klase ka kasi, kaya mo akong ipasyal sa mundong hindi abot ng kalungkutan... ikaw lang din kasi ang nagtitiyagang kumausap sa akin... ayaw kasi nila ako paniwalaan na totoong nandyan ka...lagi lang nila akong pinagtatawanan o di kaya'y sinasaktan...sana nga sa susunod magpakita ka na sa kanila at malaman nila na magaling ka din sa chess...naalala mo ba noong naglaro tayo ng chess, ....dinaya mo ako noon...kaya nga nagalit ako sayo...pero ngayon hindi ko magawang magalit kahit puro pasakit ang hatid ng pakikipag-usap ko sa iyo...

...ang sabi ng mga nakaputing taong ito, hindi ka daw totoo... kaya 'wag daw kitang kausapin at lalo lang daw lalala ang sakit ko..."Ako? may sakit?"... pero wala naman akong lagnat, hindi naman mainit ang pakiramdam ko... gusto ko ngang hipuin ang aking noo at leeg para patunayan sa kanila na wala akong sakit..pero ginapos kasi nila ako sa puting jacket na ito...ilang beses na din akong nagtangkang labanan sila, ngunit sa tuwing gagawin ko un, tinutusok nila ako ng nakakakuryenteng aparato...mataas ang boltahe nun, sapat yun upang mapahinto ang daloy ng aking lakas...

...nanghihina na ako ngayon at aking mata ay bumbagsak na, epekto ito ng gamot na kanilang tinurok kanina...hindi na naman tayo makakapagkwentuhan... pero sana sa aking paggising wag kang maglaho...ayaw ko ng bumalik sa mundong walang nakakaunawa sa katinuan ko.... mamaya paggising ko maglalaro ulit tayo...

Martes, Setyembre 30, 2008

Tag Fever

Maraming salamat kina Arah, BB. Alindogan at sa pagsangkot sa akin sa Tag Fever na ito...
....ito na rin ay magsisilbing isang munting pagkakataon pra magpakilala ng bahagya si Super Gulaman....

-----------start copy here---------

1. Link to the person who tagged you (see above).
2. Post the rules on your blog (this is what you are now reading)
3. Write 6 random things about yourself (see below).
4. Tag 6 people at the end of your post and link to them (This is only a game)
5. Let each person know they have been tagged and leave a comment on their blog
6. Let the tagger know when your entry is up.

-------end copy------

6 Random Things About Me

1. Walang koneksyon ang tunay kong pangalan sa mga nicknames ko. Bihira akong tawagin sa totoo kong pangalan. Madami akong nicknames bukod sa mga alias ko sa internet (e.g. Super Gulaman, Matsuo Masahiro, Sasuke). Ang aking mga nicknames ay bhoyet, yet, yetbo at corr.

2. Marunong akong mag-chess....mag-isa.

3. Math major ako pero writer ako ngaun.

4. Natuto akong mag-computer at gumamit ng cellphone pagkagraduate ko ng college (*hindi uso ang technology nung nag-aaral p ako*).

5. 5am ang normal kong gising (*puyat man o hindi*).

6. wla akong hilig mag-basa ng mga novels mas prefer ko ang mag-movie marathon.

ito lng muna...ung ibang details nito ay nsa friendster ko na (*about me section*)...

akin na po itong ipapasa kina:

Sabado, Setyembre 27, 2008

...world peace...

...bilang tugon kay BB. Alindogan sa kanyang katanungan ukol sa "World Peace", narito na naman po ang isang post na maaaring magpabago ng inyong pananaw sa mundo...

...matapos akong makipagbuno sa aking mga tanikala(*), agad kong binasa ang mga komento sa aking nakalipas na post...hindi ko inaaasahan na may magtatanong ukol sa "world peace"...ang totoo nyan, matagal ko na itong tanong sa aking sarili...ngunit maging ang kabilang ako ay umiiling lamang sa mga bagay na ito...ang sabi nya, "dati-rati ang problema mo lng ay ang iyong buhay, bkit ngayon pati problema ng mundo gusto mong pasanin"...at dahil tanong din pla ito ni BB. ALindogan, aking napagtanto na may mga ilang tao din pla ang namromroblema tulad nito, so share-share kmi sa pamromroblema...ahehehe..

...tinigilan ko na ang pag-iisip, pasado alas kwatro na, kailangan ko na ang umuwi...sa jeep, mukhang lahat ng tao ay nagmamadali..uwian na, pero bakit prang may hinahabol sila... si manong driver, ang bilis magpatakbo ng sasakyan, prang eroplano...nagmumura na ang ibang mga pasahero dahil sa pagging kaskasero ni manong driver, bahagyang binagalan nya ang takbo...ok na, mejo hindi na din ako kabado...sa may stop light, isang motorsiklo ang mahilig sumingit...at sakto dun sa sa likuran ng jeep na aking sinasakyan sya puwesto...maliit n lng ang distansya nya sa aming sasakyan, at alam ko na ang magiging susunod nun...naatrasan sya bilang pwersa ng aming jeep sa pagabante...kinalampag nya ang aming sasakyan ay sumigaw na, "hoy! may tao dito sa likuran mo"...sinisisi nya si manong driver dahil hindi daw ito lumilingon sa likuran...napailing lng ako dahil kung sa likuran titingin si manong driver baka kmi nmn ang maaksidente...bumaliko nga ng bahagya ang motorsiklo ngunit mabuti na lng at hindi sila nagtalo ng matagal at umalis n lng ang bawat isa...

..sa bahay...sakto umabot ako sa news...mmhhh..."tatay pinugutan ng ulo ang 12-taon gulang na anak... melamine sa produkto ng gatas, pinangangambahan!... gabby galit kay mommy rose... sundalo laban sa mga bandido, umiigting!., mga pirata umatake sa somalia.."...ilan lamang ang mga iyan balitang na nagpapakita ng mga malulungkot na pangyayari sa mundo... world peace, posible pa kaya?...

...wala nmn talagang perpektong mundo...sa aking papananaw imposibleng mangyari ito sa ating mundo ngaun..hindi ito magagamot ng anumang relihiyon, ng mga pangako ng mga pulitiko, ng mga strike, ng mga protesta... tama nga cguro si Kat, na dapat gawing relihiyon ang pag-ibig, na khit papano mabawasan ang mga kaguluhang ito...pero sabi ko nga hindi din magiging sagot ang relihiyong ito sa paghahanap ng world peace... bkit? ang mundo ay ginawa ng balanse...may masama, may mabuti...ngunit hindi din nangangahulugan na ang hindi paggawa ng masama ay mabuti, or ang hindi paggawa ng mabuti ay masama... hindi ginawa ang mundo pra maging perpekto ito...ginawa ito upang hubugin ang ating pagkatao sa iniisip nating nararapat...sa palagay ba ninyo kung ang mundo ay puno ng pag-ibig, magkakaroon ba ng world peace...posible pero posible din na hindi...madalas kasi ang pag-ibig ay inuukol natin sa mga bagay na ating pinahahalagahan...Diyos, asawa, kaibigan, pamilya....ung iba pera, kayaman, kapangyarihan, kasikatan...ang pag-ibig na ating ibibigay sa bawat isang yan ay tiyak na makakaapekto pa sa iba pa na ating pinahahalagahan...sabi nga ganun daw tlaga.. "balace of nature"...hindi pwedeng lahat maganda, meron din mga pangyayari na pangit...pero ang mahalaga in-enjoy ntin ang buhay...

...world peace...pinilit kong itong hanapin sa ibang tao..hindi ko ito nakita..hindi ko din ito nakita sa yaman na meron ako (*wla pla ako nun)...pero teka nasa puso ko yata ito...nasa pagkatao ko...

(*) tanikala: ito ung mga bagay na gumagapos sa ating buhay upang matugunan ang ating mga pangangailangan sa araw-araw. Ito din ang gumagapos sa mga bagay na nais nating pahalagahan. Kinukuha nito ang ating oras at panahon na dapat na ay ating iuukol sa mga bagay na ating ikasasaya at ikasasaya ng iba tulad ng pag-ibig at pamilya.


Miyerkules, Setyembre 24, 2008

...payat, mataba, masaya, malungkot.....

...love is in the air...mmmmmhhhh, majority ng mga blogs na aking napasyalan ay madalas ukol sa pag-ibig ang tema..hindi ko mawari kung bkit sila nahahawa...February na ba at usapang puso ang gustong ikwento? or tunay nga kayang nagiging matagumpay na si Super Gulaman sa pagpapalaganap ng pag-ibig?....

...bahagya nating puputulin ang ating pagpapantasya, dumako nmn tayo sa usapang pangkalusugan na may koneksyon sa ating damdamin...payat ka ba o mataba? malungkot ka ba o masaya? ayon kay angel at sa mga reader's digest na aking nadaanan, "ang pagtawa daw at pagiging masaya ay nakakapagpabawas ng timbang"...weee..ayaw mo maniwala? cge ito ang ebidensya: (*pindot ka dito*)...ang sabi din sa artikulong iyan, nkakatulong din daw ito sa pagbabawas ng stress level...wow, kaya pla ung mga laughing trip na baliw ay hindi na stre-stress...

...at bilang isang math major, nag-isip ako ng theory na walng kwenta...if a=b, then b=a...samakatuwid, if baliw = payat, then payat = baliw... tumingin ako sa paligid ko...sa bahay namin meron payat...ung kapatid ko, ang sabi nya sa nanay ko, "ma, meron kang screwdriver? lumuwag kasi turnilyo ng utak ko", sabay twa ng malakas.... ahehehe...natawa na lng ang nanay ko...ahahaha...ganun un mag-trip sa bahay kapag walng pasok sa ofiz nya, hindi ko din naisip panu tumatagal ung boyfriend nya sa kanya...ahahaha...

...tinignan ko ang sarili ko sa salamin, mejo tumaba na ako, safe na ako sa pagiging baliw...ei panu nmn ung sobrang matataba, ibig sabihin ba nun hindi sila tumatawa or lagi na lng silang malungkot? tumaba ako ng onti pero malungkot ba ako or bihira ako tumawa?...mmhhh...assessment ulit.... hindi nmn ako sobrang nalulungkot kasi merong nmn akong pag-ibig, tumatawa naman ako madalas, khit mag-isa nga eh...so kung ganun maaring ngang ang pagtawa ay nakakatulong sa pagbabawas ng timbang ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon...at d2 na nagtapos ang theory ko, hindi lahat ng mahilig tumawa ay pumapayat at hindi din nangangahulugan na ang payat ay mahilig tumawa...ganun din sa kaso ng mga matataba...

...akin ding napagtanto na ang tuwa or kagalakan ay hindi lng naipapakita sa pamamagitan ng pagtawa...posible din na ito ay maipakita sa pag-iyak, pakikipag-usap sa sarili,* pagpatay sa katabi* at pagkitil ng sariling buhay*....

*ito ay ayon sa mga baliw na aking nainterview

Martes, Setyembre 23, 2008

...i love you...

Paglilinaw: Si Supergulaman ay isa n ding ganap na tagapagpalaganap ng pag-ibig kung kya huwag po nating isipin na corni ang susunod na ating mababasa dahil sigurado ako na nakadama ka na din ng pag-ibig.

"I love you"... isa itong napakagandang grupo ng mga salita...oo tama! tatlong salita lng yan ngunit masasabi natin na isa syang kumpletong pangungusap (*meron yang tuldok sa dulo, imaginary nga lng*)..kumpletong pangungusap na mayroong simuno at panaguri (*subject & predicate in english)..ngunit sa di ko malamang dahilan o kaya'y maaaring dulot na din ng makabagong teknolohiya..ang magandang mga salita na yan ay nababago na... dahil sa mga shortcut sa txt at mga pa-cute sa chat..ang dating "I love you" ay nagiging...lubshu, mwabshu, ilabu..at iba pa..

..ngunit kung sabagay noon pa man marami na din itong naging itsura...tulad ng 1-4-3 na noong una ay inakala kong numero sa lotto....ang "I heart you", na hindi ko pa din ma-gets hanggang ngaun (*kung hindi nyo alam yan, manood kc kayo ng mga lumang pelikula*)... tuluyan na nga na nagbabago ang panahon..kasabay nun ang aking pag-alala sa paggamit ng mga salitang iyan... hindi nman ako tutol sa mga modifications na ito... gusto ko lng ay maging responsable tayo sa paggamit nito...pagsinabi nating "I love you"...dapat u mean it tlga..dapat nandun ang buong damdamin, walng alinlangan, "walang hiya" (*i mean.. dont be shy*)... madalas kc pagfresh pa ang pag-ibig kumpleto pa ng tawagan..."i love you mahal"...tpos.."i love you too mahal"...paglipas ng ilang buwan..."love you"..."love you too"...tpos anu na ang susunod..."you" na lng...wla na...

...99% sure ako na ang babasa nito ay bihira na ang magsabi ng buong "i love you"...ngunit wla namng problema dun na sa khit anung paraan pa sabihin ang salitang "i love you"...basta ang importante maging totoo lng tayo sa bawat salita na mamumutawi sa ating mga labi....ito kasi ang sumsimbolo ng ating pagkatao...

..ang totoo nyan...wla sa mga salitang "I love you" ang pagmamahal...wla ito sa mga bagay na nakikita or nasasabi...nasa damdamin na nararamdaman ng puso...

Lunes, Setyembre 22, 2008

...tagapagpalaganap ng pag-ibig...

"Pag-ibig?...lintik na pag-ibig yan, kapag nagutom ba kayo mapapakain kayo nyan?"... isa yan sa mga sermon ng mga magulang na naririnig ko s mga kabataang nagpipinto ng mag-asawa...pero....

"Pag-ibig.... bakit ka mangungupahan pa kung kaya naman magkabahay na!"... ahehehe...hindi b tama?...maaari ngang hindi ka mapakain ng pag-ibig, pero ang magkabahay ay posible....

...ngunit tunay ngang ang pag-ibig na wagas ay maaring hindi lng magbigay ng "bahay" kagaya ng sinabi ng patalastas na iyon bagkus isang "masayang tahanan" (*seryoso bigla*)... tama! mga kapatid sa pananampalataya, ang inyong kapatid na si Super Gulaman ay isa na ding ganap na tagapagpalaganap ng pag-ibig (*hindi sa sensored na iniisip mo*)... gusto kong ibahagi ang masayang pakiramdam na dulot na pagmamahal...kung kya narito ang mga ilang video montage na ang tema ay pag-ibig... sa mga in-love, halina't sumabay sa pagkanta at sariwain ang alaala ng inyong mga mahal....sa mga hindi pa nakakatikim ng pana ni kupido, halika na at mainspire...oo nga po pla...hindi ko gustong pasamain ang damdamin ng mga broken hearted sa paggawa ng post na ito, bagkus nais ko kayong i-inspire sa paghahanap ng taong para sa inyo... ang pag-ibig ay hindi isang destinasyon kundi isa itong mahabang paglalakbay...enjoy the ride...









note: ang mga videos na inyong natunghayan ay may permiso sa may-ari

Linggo, Setyembre 21, 2008

Ako'y Tinag/Nitag (*Propagating Friendship Award*)

----start copy here-----

Thanks to Marvierhose and Kaye for this great Award

I love the blogs of these people and I'm glad to pass this award onto them! All they need to do is to leave the following message on their post when they pass the award on to their chosen eight bloggers.

They all are charmed with the blogs, where in the majority of its aims are to show the marvels and to do friendship; there are persons who are not interested when we give them a prize and then they help to cut these bows; do we want that they are cut or that they propagate? Then let's try to give more attention to them! So with this prize we must deliver it to 8 bloggers that in turn must make the same thing and put this text.

I'm passing this award to:
----end copy-----

Biyernes, Setyembre 19, 2008

...usapang buhay...

...anu nga ba ang dahilan kung bakit tayo nabubuhay?..oo tama! bakit tayo nilikha?..bkit tayo sumasaya? bkit tayo nalulungkot? bkit tayo nagmamahal? bkit tayo nasasaktan?... maaring ang iba sa inyo hindi din lubos maunawan kung bkit ko tinatanong ang mga ito... ang totoo nyan, kahit ako din hindi ko alm ang dahilan...

...ang sabi nila, ang tao ay nilikha dahil may tungkulin syang dpat gampanan d2 sa mundo ayon sa itinakda ng Maylikha... itinakda? gampanan? tungkulin?...

...madami tlaga akong tanong sa buhay...ang karamihan dito ay walang sagot...ay mali pa..lahat pla kasi ng klase ng tanong ay may sagot...un nga lang hindi mo malalaman kung ang mga sagot n ito ay tama o mali...natulala na nmn ako sa monitor ko ngaun, hinahanap ang mga sagot sa mga katanungan ito...wala akong mapagtanungan kundi ang sarili ko...at muli kinausap ko sya khit na nag-aala na ang sagot nya ay mali...pero cgurado ako na sasagutin nya lahat ng tanong ko...

...hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa..tinanong ko n sya, "totoo bang ang tao ay nilikha dahil may tungkulin syang dpat gampanan d2 sa mundo ayon sa itinakda ng Maylikha?"...wla din syang kagatol-gatol na sumagot..."oo", wika nya... at muli nagtanong ako, "kung ganun na ang lahat pla ay nakatakda, bkit hindi na lang ginawa na ang nakatakdang pagkakataon ay maging maganda? bkit hindi gawin na ang tungkulin gagampanan ay gawing madali? bkit meron pa ding kasamaan? bakit may mga nasasawi? ito ba ung mga nakatakda?"...napakunot lamang sya sa mga tanong ko...nag-isip ng bahagya...sumagot sya, "may kaalaman ang Maylikha na hindi abot o kayang unawain ng tao...."...hindi na ako umimik sa mga tugon nya..bagkus nag-isip na lng akong mabuti..

..."eureka!"...oo tama, alam ko na ang sagot sa mga tanong ko...gusto nyong malaman? gusto ko ding sanang ibahagi sa inyo un ngunit hindi sapat ang mga letra, numero, at mga simbolo upang ipaliwanag iyon...pero kung inyong iisipin nagsimula ito nung tayo ay nagka-isip (*adan & eve story*)...tama "rationality" ang naging dahilan ng mga tanong ko...at kung ganun, kapag inalis natin ang "rationality" posible na masagot ko ang mga tanong...gusto kong kausapin ang mga baliw at mga hayop bka kc masagot nila ako...pero hindi ko na hahayaan na mapunta ako sa puntong iyon, hihinto n ako sa pag-iisip....

..ngunit posible nga na ang mga dahilan ay nasa tao mismo...nasa knyang paraan pano mag-isip, nsa knyang mga aksyon, nsa mga pagkakataon, at nasa damdamin at puso...ihinto na natin ang isipin tungkol sa mga dahilan bakit tayo nabubuhay, i-blanko ng bahagya ang utak...tumingin ka na lng sa paligid mo, makiramdam, pakinggan... gamitin mo ang ung mga pandama... "di ba tama?...lahat ng yan ang dahilan kung bakit tayo nabubuhay...."
Buksan!

Iba pang Kwento!

....langit.lupa.impyerno.... ...Wanted Real Pinoy... #itsmorefuninthephilippines #NBAFinals2014 20 Reasons why I like Philippines over UAE 2010 Philippine Election Inital Results 2010 Philippine Election Initial Results [Latest] 2016 3:06pm A Kish to Remember A Message from Mark Zuckerberg to Philippine users of Facebook Abu dhabi adik [dahil] sa'yo after 15 years after 45 days after 7 years...0307 becomes 0614 agosto para sa pilipino aheks akalain mo yun ako ako ito ako ito 1 ako ito 2 ako ito 3 alaala ng nakalipas albularyo alibata All Saint's Day All Soul's Day alyssa bernal Alyssa Bernal (part 2) an act of love Andrea Corr's State of Independence Anime ano daw? ano na ano sa palagay mo? ang pagbabalik ang panyo ang tunay na siga apila para sa masa aswan (bilang isa) Aurora Award babae babae ka lalaki ako babae sa jeep babalik ka din BabyG back to work Bago ito Bagong Bayani BagongBayani balanse baliktad ba? baliw batas ng tao bidaman Big Job Billy Crawford bilog o tatsulok blogging tips 101 (for pinoy bloggers) bored brick buhay buhay mo buhay ko buhay nating lahat Buhay OFW: Pangarap sa mga Sulok ng Kahon; OFW Buhay sa Dubai (From Writer-Researcher to Toshiba Promoter) Bukang-Liwayway bungo at buto Change is Coming chess Chip Tsao Coleen Garcia college contest Cory Aquino dies couple Crucifixion dalaw dalawang daan siyamnapu't apat na araw day-off Department of Tourism desisyon destinasyon Digong dos Duality Dubai Dupe Tara Lakad Tayo Duterte EASY $5 GIVEAWAY Endorsers??? etiquette etong sa'yo...raygun exam day Exit Eye Test? Malabo na ba ang iyong mata? facebook Facebook (Pesbuk) facebook user FAQ's first time mo? firsttime flesh-eating disease Fliptop Friendship from facebook fun Funny Exam Answers game Game 1 Game 3 Gatorade Gelika Bless gintuang sundang global warming a warning? google payout guro gusto mong mamatay? halimaw hanggang Happy Father's Day happy hatchday Heat vs. Spurs hiatus higante Hikab muli ako. Tunganga History of Super Gulaman Hoi Hoi HyperPanda Babies and others i love this day i love you ibigay ang hilig ikalawang ginto imahinasyon immigration Inang OFW Indian Init Introducing: Ang Anak ni SuperGulaman Iran isang madugong labanan isang malaking pagbabago isang pagbabalik tanaw isang pasasalamat isang sulyap sa kahapon kasalukuyan at hinaharap It's more fun in the Philippines ITCHY jeepney Job Hunting tips juan kalaro kaliwa kanan kalma lang boss kalsadang mabato Kapalaran Ayon sa Galaw ng Kalawakan (Ophiuchus) kape sa tanghali Kapitan Sino? kasinungalingang mapanlinlang katapatan katinuan katinuan...gustong magpakilala katotohanan Kawhi Leonard kisame Kish kulay kuro-kuro sa bayan ni juan laro laro tayo Learning Japanese (for pinoy) lebron james life Life is a Piece of Cake Ligo na U Lapit na Me lilok (complete) lilok 1 lilok 2 lilok: ang pagpapatuloy [1] lilok: ang pagpapatuloy [2] lilok: ang pagpapatuloy [3] lilok: ang pagwawakas limang minuto...3 miskols...ang umaga ni supergulaman Link Exchange and Other Concerns love lunes mag-enjoy kay enjoy magdasal daw twing umaga sabi ng grasya mahika ng mga kulay Makulay na Paglalaro ng mga Salita malungkot masaya mataba payat Manny "Pacman" Pacquiao Vs Antonio Margarito mapalad ka.. ikaw mapalad silang wala sa katinuan mcarthur mensahe mga hindi dapat gawin sa facebook minsan lang mismo Mmm Sarap modelo musika at ganda naaalala mo pa ba? NAIA NAIA' firsttime NBA All Stars VS Smart Gilas (Philippines) NBA Finals NBA Finals 2014 new design Nonito Donaire Knocks Out Fernando Montiel numero OFW ouch our life Pa-digits Digits Pa Kasi pag-uuri Panahon na Naman [ng Pag-ibig?] Pananabik sa Tag-init Pangasinan pangpasaya Para patay na nabuhay peace be w/ you pelikula Philippine Grand Lotto 6/55 Pilipinas Pilipinas: Sa Pagkakakilanlan Pinoy Version of some Hollywood Movies please help praning Prayer in Mathematics Propesiya at Pilipinas Prophecy Proud to be Pinoy punto ko punto mo Puso ng mga Halimaw Puting Damit Rapido Vs Smugglaz real name regalo Reproductive Health Bill REULEAUX TRIANGLE: ROLLING TRIANGLES Rubber Sadhu Sundar Selvaraj salamat salamat kaibigan sampung taon sayang school Selda Uno Dise Otso seryosong usapan showtime Si Mara at Pamela siga o adik silbi simbulo sino ang tamad? Sino si Santa Claus? sintang paaralan Sistema ng Numero Sistema ng Tao skin makati SONA 2011 TRAFFIC RE-ROUTING SCHEME and MORE sorpresa streetfight Stretch Marks subic sulat kamay Sumusungaw na Chatbox Super Super G sa PBB? super G turning super busy Super Gulaman sa Bayan ng mga Arabo (Part 1) Super Gulaman sa Bayan ng mga Arabo (Part 2) supernatural tagapagpalaganap ng pag-ibig tamang trip tamang trip (ikalawang pasabog) Tanong Ko Sagot Mo tanong lang tao tao tao saan ka gawa? tatsulok tayo... The 2010 Oscar Winners The BENEFITS of SEX The Five Love Languages the golden rule the reunion The True Story of Manny "Pacman" Pacquiao thursday time for sale Time Travel Times of Your Life Tingi Culture Toshiba Toshiba Champs Toshiba’s Wet and Wild Adventure in Atlantis Trabaho ba ang hanap mo? Twitter UAE UFC Ulam at Kanin uri ng mundo usapang buhay Usapang ChikenJoy usapang itlog at manok usapang kadiri usapang kadiri (Part 2) wala wala akong medyas wala lang wala naman kaming napala walong palakaibigang adik warm-up when SuperG meets BabyG who are your customers? WiFi Won over Antonio Margarito world peace Zamboanga del Sur
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...