Martes, Pebrero 25, 2014

Propesiya at Pilipinas


Ayun, nag-trending na sa facebook at twitter at saan mang dako ng social media ang kwento sa sakit na namayagpag sa Zombieland o kaya naman World War Z.  Gets mo? Ah, hindi mo ba alam? Ito daw yung sakit na nanggaling sa Pangasinan.  Yung sakit na uupos sa buong katawan ng tao. Yung sakit na alanganing leprosy at alanganing psoriasis.  Yung sakit na animo'y pang-Resident Evil? Yung tipong kapareha sa The Return of the Living Dead. Ito daw yung sakit na kumakain ng laman, bubulukin ang buto at mag-mimistula kang patay na buhay. So good news naman di ba? Hindi ka pa naman patay, buhay ka pa naman, mukha lang patay.  So gets mo na ako?

Malamang sa malamang alam mo naman ang tinutukoy ko. Napanood mo yan sa Bandila ng ABS-CBN. Kung hindi naman, sigurado akong dumaan yan sa feeds ng facebook mo o kaya naman sa twitter.  Tapos syempre matatakot ka.  Ang naka-headline ba naman "Misteryosong sakit na tila kumakain umano sa balat at laman ng tao, unti-unting kumakalat sa lalawigan." Yan ang headline, pang-Zombie Apocalypse ang dating.  Tapos babanatan pa ng komento na may kinalaman kaya ito sa prediksyon ng isang Indian noong April 2013.  So kung medyo siraulo ka lang, ibebenta mo na ang ari-arian mo tapos tatakas ka na paalis ng planet Earth.  Sige na nga para magkaintindihan tayo sa sinasabi ko, ito yung video ng clip ng Bandila na tinutukoy ko:


Tapos itong naman ang sabi ng isang Indian ukol sa kapalaran ng Pampanga at sabihin na din natin na kapalaran ng Pilipinas. Ah, si Sadhu Sundar Selvaraj pala yun.  Ito ang sabi nya:




Ayan, o alam nyo na ang tinutukoy ko? Ninenerbyos ka na ba? O baka naman dahil napapadalas lang ang pag-inom natin ng kape.  Ooops, pero teka bakit parang pinag-iinitan nito ang Pilipinas? Propesiya ba ito o yan ang hinihiling nyang mangyari sa Pilipinas?  Ok, ganito kabayan, Yung mga bagyo at baha sa Pinas bagong balita ba ito sa atin?  Yung mga lindol sa Pinas, bagong balita din ba ito sa atin? Hindi. Ilang bagyo ba ang dumadaan sa Pinas taon-taon? Bente-sais kadalasan at depende yun kung may bagong letrang madadagdag sa Alphabet. Eh ang lindol? Depende yun, pero sa dami ng faultline sa Pinas at dahil na rin tayo ay nasa Pacific Rim of Fire. Malamang sa malamang eh, makaranas din tayo ng mga lindol at volcanic eruptions.  Yung tungkol sa sakit paano naman? Ok ganito yan, mahusay ang mga researcher ng ABS-CBN, ikokonect nila yung sinabi ni Sadhu Sundar Selvaraj at tsaka hahanap ng mga taong swak sa deskripsyon ni Sadhu Sundar Selvaraj.  At yun nga, nakahanap sila ng dalawang tao. Swak na yun sa news, more than 1 na eh.

Kung ako ang tatanungin mo, marami naman talagang sakit sa Pinas na noon pa man ay hindi maipaliwanag ng siyensya.  Kung ayaw mong maniwala sa akin, aba eh di itanong mo sa lolo at lola mo.  Alam mo ba yung mga kwento nila tungkol sa mangkukulam at mambabarang? Yung mga biktima nila, minsan pinapalaki ang mga parte ng katawan, minsan pinabubulok din nila ang katawan ng biktikma at napapadala sila ng iba't ibang insekto sa buong katawan. Kung taga-syudad ka alam kong mahirap maniwala pero wag ka ding magtaka kung bakit hanggang sa ngayon ay may mga manggagaway pa at albularyo.

Sa totoo lang walang outbreak sa Pampanga, dalawang isolated cases yun. Yan din ang sabi ng Inquirer.

Katulad ng lagi kong sinasabi, "Wag kang maniwala sa sinabi ng tao, magiging dahilan lang iyon ng iyong pagkabalisa, kalungkutan at pangamba.  Walang nakakaalam ng hinaharap, kahit mga tala o anghel sa kalangitan.  Wala.   Tanging ang Dakilang Lumikha lamang."


Huwebes, Pebrero 20, 2014

Super


tenenenen...tenenen...tenenen...Super Gulaman! Ayun kunyari lumabas na daw ang bida. Balot ng kapang gawa sa plastic cover. Nakasuot ng bodyfit at thights at sabay ipinatong ang damit-panloob na ngayon ay pwede na nating tawaging damit-panlabas. Isang belt na may malaking buckle ng mga titik na S at G ang nakapulupot sa beywang. Meron ding boots na matingkad ang kulay na pwedeng pansugod sa baha sa metro manila at gloves na pwedeng gamitin pangsalo ng baseball. Syempre malupit din ang maskara na sa totoong buhay ay tinatawag itong goggles na ginagamit ng mga maninisid. Ganito umasta ang mga superhero. Pero bakit nga ba Super? Hindi ba pwedeng hero na lang?

Naalala ko yung sinulat ni boss Bob Ong dun sa aklat nyang puti kung paano natin gamitin ang salitang Super! Sabi nya :

Ano ba ang pinagkaiba pag sinabihan ka ng 'thank you' at 'super thank you'? Natutuwa ako pag nakakarinig ng mga dalagitang nagsasabi ng super thank you. Kasi nai-imagine ko na may kapa at special powers ang thank you nila. Pag nag-thank you sa'yo ang ibang tao, thank you lang talaga. Pero pag mga dalagita, it's Sooooooooper Teeengkyooo! ! ! <*TANA-NANAN-TANAN*> 
Di lang yan. Tulad ng Superdog ni Superman, may sidekick ding Super Sorry ang Super Thank You. Tipong pag sinabihan ka ng sorry, pwedeng sumama pa rin ang loob mo. Pero pag sinabihan ka na ng SUPER SORRY, naku-bawal na magtampo! Kasi SUPER na yan. Kasing lakas na yan ng mga paputok na Super Lolo. At kung 'super' pa lang e ganyan na kalakas, hindi mo na gugustuhing malaman pa ang resulta pag dinagdagan pa yan ng 'duper'!

(Bob Ong 2005, Stainless Longganisa)

Tapos, isipin natin ibigay natin ang Super na yan sa mga namumuno sa bansa.  Halimbawa, Super Brgy. Captain, Super Mayor, Super SPO1, Super SPO10 (bibiten-biten), Super General (*tunog brand ng appliances), Super Congressman, Super Senator, Super Vice-President, Super President. Kitam, mga tunog pa lang tipong lagi silang nagliligtas ng bayan at hinding-hindi gagawa ng mga kalokohan.  Kumbaga super-bait nila na lumalagpas na sa earth, super! 

Ikaw kung maririnig mo lang ang mga titulong Brgy. Captain, Mayor, SPO1, SPO10, General, Congressman, Senator, Vice-President, at President, anu ang pumapasok sa isip mo? Hindi ba, parang mga Super Villain lang ang dating? Parang ganito, Super Mangungupit, Super Magnanakaw, Super Sinungaling, Super Sugarol, Super Babaero, Super Ulupong, Super Duper sa kasamaan. 

Kaya kung bibigyan ako ng kapangyarihan, papalitan ko ng pangalan ang mga regular na tawag sa mga posisyon sa Politika at Kapulisan.  Isasama ko na din kaya ang mga regular na titulo at lagyan ng Super tulad ng Super Teacher, Super Driver, Super Student, Super OFW?, Super Engineer, Super Basurero, Super Gay, Super Vice-Ganda, Super-duper Megamall (sobrang laki nito). O kaya naman Super Duper Philippines. Pero hindi ko na papalitan ang salitang supermarket. Super Supermarket? Redundancy.

Kapag ganito na ang sistema. Madali ng makakahanap ng trabaho si Juan. Halimbawa, job interview na.

Interviewer: Name?
Juan: Super Juan sir.
Interviewer: Highest Educational Attainment?
Juan: Sa Super High School po ako graduate. Pero magaling din po ako sa super automotive.
Interviewer: Nationality?
Juan: Super Pinoy po ako.
Interviewer: Gender?
Juan: Super Male po. Lalaking lalaki po ako.
Interviewer: Ummm... do you have any weaknesses?
Juan: Ummm... super wala po.  Kung meron man po siguro isa lang. kryptonite lang.
Interviewer: How about your strengths?
Juan: Strengths? I am super strong sir because I am Super Juan.
Interviewer: What do you know about this job.
Juan: I know everything because I am Super Juan.
Interviewer: Like?
Juan: I super know the mobile number of your wife and your mistress.
Interviewer: You're fucking hired! You can now replace our CEO.
Juan: Super Thank you sir. 

Kitam, ganun lang yun. Sigurado in no time maiibsan na ang lumalalang  problema sa kawalan ng trabaho sa bansa.  So ikaw feel mo bang maging SUPER? 

(*super trip lang...walang pakialamanan..ang kumontra, Super Kontrabida! (at magiging kamukha ni Bella Flores...Peace! ^_^))


Martes, Pebrero 11, 2014

20 Reasons why I like Philippines over UAE

(*Warning: May kahabaan ito so tyaga-tyaga lang)

Mahigit sa dalawang taon na din ang nakalilipas mula ng iwan ko ang "Perlas ng Silangan", ang Pilipinas upang tumungo sa disyerto ng mga Arabo, sa UAE at dito ay magtrabaho kapiling ang kabiyak ng aking puso. Sa maikling panahon na ito, medyo nasanay na din ako sa takbo ng pamumuhay dito sa kabilang ibayo.  Sa umpisa medyo maninibago ka at maikukumpara mo talaga ang bayang pinagmulan. Totoong maayos ang lugar na ito kumpara sa lugar na aking pinagmulan.  Dito ay:

1. Walang trapik na kasing-bagal ng nasa Pinas.
2. Walang carnapping dahil maayos ang rehistro ng mga sasakyan at madaling mahuhuli ang carnapper dahil sa husay ng kanilang tracking devices.
3. Panatag kang makakagamit ng mamahaling mobile phone sa kalye. Walang snatcher.
4. Marunong sumunod ng traffic rules ang mga driver. Hindi garapalan ang pag-overtake, pag-agaw ng linya. Kung one-way, one way talaga. Alam nila ang priority way. May sariling babaan at sakayan para sa mga bus. Hindi ito hihinto sa mwestra ng katok mo o palahaw mo ng "para".  Ibababa ka nya sa nakatakdang babaan.
5. Batas na sinusunod ang tamang tawiran at ang labor law.
6. Walang "kotong" cops dito at ang mga pulis ay iginagalang ng mamamayan.
7. Bawal ang mag-ingay. Bawal ang Videoke.
8. Bawal magsuot ng mga damit na kita ang kaluluwa.
9. Bawal ang lasing na gagala-gala sa kalsada. Bawal ang walang damit-pang-itaas. Bawal ang askal at kahit pusakal.
10. Bawal ang baboy at alak sa regular na pamilihan. Dun ka kumuha sa Filipino Supermarket.
11. Walang tax. No BIR.
12. Bawal gamitin ang bulok na sasakyan. No smoke belching. Pero ang shisha ayos lang.
13. Bawal ang taong grasa. Pero pwedeng maging mabaho na kasing baho ng patay.
14. Bawal ang squatter.  Hindi kakayanin ng barong-barong ang sobrang init o lamig ng lugar na ito.
15. Maluwag ang kalsada.  Maayos ang urban planning. Yun nga lang, magkamali ka lang ng isang liko, ang layo ng babalikan mo. Aksayado sa gasolina pero ayos lang dahil mas mura pa ang gasolina kaysa sa tubig na iinumin mo.
16. Walang corrupt na pulitiko dahil hari ang pumipili ng mga tao nya.  Pwede ang palakasan, legal yun.  Political dynasty, normal din naman.
17. Hindi priority ang showbiz at chismis.  Hindi din priority ang mga teleserye at news. Priority ang magkaroon ng trabaho na malaki ang kita.
18. Walang almusal, tanghalian at hapunan.  Kumain ka kung kelan mo gustong kumain.
19. Isa lang ang basehan ng oras. Kung 12:00am, 12am yun.  Hindi yun, 12:01am, 12:05. As in sakto.
20. Walang tinging shampoo.

Sa Pinas naman,
1.  Trapik nga.  Wala itong katulad sa universe.  Maraming mga dayuhan na gustong subukan ang trapik sa Pinas lalo na sa Maynila.  Isa itong experience na hindi malilimutan. Kung masubukan mo ito, masasama ka sa Guiness.
2.  Talamak ang carnapping. Kapag nawala ang sasakyan mo, wag ka ng umasang babalik pa ito.  Isipin mo na lang, mas mabuti ang nagbibigay kaysa binibigyan. Dito matututo kang maging mapagbigay.
3.  Aligaga ka sa mga sumisipat sa mga gadgets mo. Baka isa dyan ay holdaper o snatcher.  Dito mo masusubukan ang iyong mga itinatagong abilidad. Karate. Use of all senses, sama mo na ang sixth sense, running skills, reflexes at defense mechanism.
4. Matututo kang maging creative at ma-eenhance mo ang decision making mo lalo na sa pagtawid sa mo kalsada. Kung magkamali ka ng pagtawid, patay ka kay manong driver. Kung makalusot ka naman, sabihin mo, "Fu** u ka!". So ang na-practice mo ay Freedom of Speech.
5. Walang labor law sa Pinas, kung ayaw mong pumasok AWOL na lang.  Tambay na lang muna, relax ka pa. Ang sabi nga ni Tado, "Di bale ng tamad, hindi naman pagod"
6.  Maraming kotong cops sa Pinas. Kailangan mo lang naman ay galing ng pagpapalusot. Mahahasa ang iyong mental skills at lying skills.
7.  Pwede sa pinas ang videoke. Dito nagmula ang mga sikat na mang-aawit sa Pinas. At ang dahilan kung bakit maraming namamatay sa kantang "My Way".
8.  Damit na kita ang kaluluwa ay ayos lang. Mas maiksi, mas bongga. So dito ma-eenhance ang fashion skills mo.
9.  Kaliwa't kanan maraming lasing, maraming aso, at maraming pusa. Marami ding daga, ahas, ipis at iba't ibang insekto. Galingan mo lang sa pag-iwas, ayos lang sa Pinas.  So again, magagamit mo naman ang Karate. Use of all senses, sama mo na ang sixth sense, running skills, reflexes at defense mechanism.
10. Dito lahat pwede. Pwede ang alak at baboy.  Basta hinay-hinay lang, may ngiti lagi ang buhay.
11. Maraming tax. VAT, e-VAT, tax-i, tax-ikel, thumb-tax, shoe-tax. Joke lang. Pero syempre kawawa naman ang mga ganid nating Politicians kung wala nyan. Wala na tayong mapagkwe-kwentuhan tulad ng kwento nila Napoles.
12. Meron tayong mga improvised cars, bulok na cars at syempre smoke belching...patok yan sa syudad ng kamaynilaan. At dahil dyan, natututo tayong maging aware sa kalagayan ng ating mga baga. 
13. Ayos lang ang maging madumi, pero hindi ang maging mabaho.  Dahil sa totoo lang, ang mga pulitiko sa Pinas, ay malinis ang panlabas na kaanyuan, mabaho naman ang katauhan.
14. Madaming squatters. Mga professional squatters.  Hindi ito mawawala kahit anong klima pa ang meron sa Pinas. Kahit may bagyo o sunog, muli silang magtatayo ng barong-barong.  Sinanay kasi ng gobyerno at niyakap ang ugaling pagiging "matiisin".  Ayun nasanay na sa pagtitiis kaya hindi na umalis.
15. Magulo ang kalye ng Maynila at mga kalapit na lungsod. Pero wag kang mag-alala, ang abilidad ng mga driver sa Pinas ay walang katulad. Ang nasa utak nila, kung magulang kayo, mas magulang ako!
16. Maraming corrupt sa Pinas. Hindi ito ang Pinas kung walang corrupt.  Kultura na daw ito at mawawalang tayo ng pag-uusapan kung wala na sila dyan.
17. Ayos lang ang tambay basta may baon kang chismis sa inuman.
18. Maraming oras ang pagkain. Almusal, tanghalian, hapunan at maraming merienda. Mas mabilis magutom ang mga walang trabaho.
19. Meron tayong Filipino Time.  Laging late, laging trapik, laging may palusot. Laging may paraan.  Tama ang kasabihang, "Kapag gusto may paraan, kapag ayaw may dahilan". 
20. Maraming "tingi". Tinging shampoo, yosi, noodles, toothpaste, asukal, bigas, name it. Swak na swak din ito sa budget mong "tingi" na kadalasan kung hindi kulang, galing ito sa utang.

Sa kabila ng mga nabanggit ko sa itaas, mahal ko pa din ang Pinas.  "No place like home" ika nga nila.  Hindi mapapalitan ng maayos na kalunsuran ang saya, kultura at karanasang sa Pinas mo lang malalasap.  

Sabado, Pebrero 8, 2014

Bago ito!



So ito na yun.  Tapos na ang pagpapalit ng disensyo ng medyo-luma-at-may-kabagalan-na-pahina ni supergulaman.  Mula sa madilim na konsepto at mahirap basahing mga titik, dumako na tayo sa animo'y kahoy na tema ng aking pahina.  Katulad ng dati, nandito pa din ang bungong imahe na naging inspirasyon ng may-akda. Pero maniwala ka, hindi yan pamimirata.

Katulad ng dati, katulad ng pagkakalikha ko sa blog na ito, pitong taon na ang nakalipas ay mananatiling tatalakay sa buhay at imahinasyon ni SuperGulaman.  Mga temang minsan ay may kakulitan, may-aral, kaalaman at minsan trip-trip lang katulad ng binabasa mo ngayon.

Handa ka na ba?

Ako?

Hindi ko pa alam.  Sana hindi lang ito ang simula, sana magtuloy-tuloy na.

Hanggang sa muli.


Buksan!

Iba pang Kwento!

....langit.lupa.impyerno.... ...Wanted Real Pinoy... #itsmorefuninthephilippines #NBAFinals2014 20 Reasons why I like Philippines over UAE 2010 Philippine Election Inital Results 2010 Philippine Election Initial Results [Latest] 2016 3:06pm A Kish to Remember A Message from Mark Zuckerberg to Philippine users of Facebook Absolute Value Abu dhabi adik [dahil] sa'yo after 15 years after 45 days after 7 years...0307 becomes 0614 agosto para sa pilipino aheks akalain mo yun ako ako ito ako ito 1 ako ito 2 ako ito 3 alaala ng nakalipas albularyo alibata All Saint's Day All Soul's Day alyssa bernal Alyssa Bernal (part 2) an act of love Andrea Corr's State of Independence Anime ano daw? ano na ano sa palagay mo? ang pagbabalik ang panyo ang tunay na siga apila para sa masa aswan (bilang isa) Aurora Avoid Negativity Award babae babae ka lalaki ako babae sa jeep babalik ka din BabyG back to work Bago ito Bagong Bayani BagongBayani balanse baliktad ba? baliw batas ng tao bidaman Big Job Billy Crawford bilog o tatsulok blogging tips 101 (for pinoy bloggers) bored brick buhay buhay mo buhay ko buhay nating lahat Buhay OFW: Pangarap sa mga Sulok ng Kahon; OFW Buhay sa Dubai (From Writer-Researcher to Toshiba Promoter) Bukang-Liwayway bungo at buto Change is Coming chess Chip Tsao Coleen Garcia college contest Cory Aquino dies couple Crucifixion dalaw dalawang daan siyamnapu't apat na araw day-off Department of Tourism desisyon destinasyon Digong dos Duality Dubai Dupe Tara Lakad Tayo Duterte EASY $5 GIVEAWAY Endorsers??? etiquette etong sa'yo...raygun exam day Exit Eye Test? Malabo na ba ang iyong mata? facebook Facebook (Pesbuk) facebook user FAQ's first time mo? firsttime flesh-eating disease Fliptop Friendship from facebook fun Funny Exam Answers game Game 1 Game 3 Gatorade Gelika Bless get real gintuang sundang global warming a warning? google payout guro gusto mong mamatay? halimaw hanggang Happy Father's Day happy hatchday Heat vs. Spurs hiatus higante Hikab muli ako. Tunganga History of Super Gulaman Hoi Hoi HyperPanda Babies and others i love this day i love you ibigay ang hilig ikalawang ginto imahinasyon immigration Inang OFW Indian Init Introducing: Ang Anak ni SuperGulaman Iran Irrationalget isang madugong labanan isang malaking pagbabago isang pagbabalik tanaw isang pasasalamat isang sulyap sa kahapon kasalukuyan at hinaharap It's more fun in the Philippines ITCHY jeepney Job Hunting tips juan kalaro kaliwa kanan kalma lang boss kalsadang mabato Kapalaran Ayon sa Galaw ng Kalawakan (Ophiuchus) kape sa tanghali Kapitan Sino? kasinungalingang mapanlinlang katapatan katinuan katinuan...gustong magpakilala katotohanan Kawhi Leonard kisame Kish kulay kuro-kuro sa bayan ni juan laro laro tayo Learning Japanese (for pinoy) lebron james life Life is a Piece of Cake Ligo na U Lapit na Me lilok (complete) lilok 1 lilok 2 lilok: ang pagpapatuloy [1] lilok: ang pagpapatuloy [2] lilok: ang pagpapatuloy [3] lilok: ang pagwawakas limang minuto...3 miskols...ang umaga ni supergulaman Link Exchange and Other Concerns love lunes mag-enjoy kay enjoy magdasal daw twing umaga sabi ng grasya mahika ng mga kulay Makulay na Paglalaro ng mga Salita malungkot masaya mataba payat Manny "Pacman" Pacquiao Vs Antonio Margarito mapalad ka.. ikaw mapalad silang wala sa katinuan math Math is Life mcarthur mensahe mga hindi dapat gawin sa facebook minsan lang mismo Mmm Sarap modelo musika at ganda naaalala mo pa ba? NAIA NAIA' firsttime NBA All Stars VS Smart Gilas (Philippines) NBA Finals NBA Finals 2014 new design Nonito Donaire Knocks Out Fernando Montiel numero OFW ouch our life Pa-digits Digits Pa Kasi pag-uuri Panahon na Naman [ng Pag-ibig?] Pananabik sa Tag-init Pangasinan pangpasaya Para patay na nabuhay peace be w/ you pelikula Philippine Grand Lotto 6/55 Pi Pilipinas Pilipinas: Sa Pagkakakilanlan Pinoy Version of some Hollywood Movies please help praning Prayer in Mathematics Propesiya at Pilipinas Prophecy Proud to be Pinoy punto ko punto mo Puso ng mga Halimaw Puting Damit Rapido Vs Smugglaz real name regalo Reproductive Health Bill REULEAUX TRIANGLE: ROLLING TRIANGLES Rubber Sadhu Sundar Selvaraj salamat salamat kaibigan sampung taon sayang school Selda Uno Dise Otso seryosong usapan showtime Si Mara at Pamela siga o adik silbi simbulo sino ang tamad? Sino si Santa Claus? sintang paaralan Sistema ng Numero Sistema ng Tao skin makati SONA 2011 TRAFFIC RE-ROUTING SCHEME and MORE sorpresa streetfight Stretch Marks subic sulat kamay Sumusungaw na Chatbox Super Super G sa PBB? super G turning super busy Super Gulaman sa Bayan ng mga Arabo (Part 1) Super Gulaman sa Bayan ng mga Arabo (Part 2) supernatural ta tagapagpalaganap ng pag-ibig tamang trip tamang trip (ikalawang pasabog) Tanong Ko Sagot Mo tanong lang Tangent Line tao tao tao saan ka gawa? tatsulok tayo... The 2010 Oscar Winners The BENEFITS of SEX The Five Love Languages the golden rule the reunion The True Story of Manny "Pacman" Pacquiao thursday time for sale Time Travel Times of Your Life Tingi Culture Toshiba Toshiba Champs Toshiba’s Wet and Wild Adventure in Atlantis Trabaho ba ang hanap mo? Twitter UAE UFC Ulam at Kanin uri ng mundo usapang buhay Usapang ChikenJoy usapang itlog at manok usapang kadiri usapang kadiri (Part 2) wala wala akong medyas wala lang wala naman kaming napala walong palakaibigang adik warm-up when SuperG meets BabyG who are your customers? WiFi Won over Antonio Margarito world peace Zamboanga del Sur
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...