Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Disyembre, 2013

Minsan lang.

Let’s do it.  May katagalan na din ng huli akong maglagay ng bagong sulatin sa hindi-kagandahan-at-medyo-may-kabagalan-na-weblog na ito.  Ang totoo nyan, sawa na din ako sa kalalagay ng mga entry na ukol sa aking pagbabalik. At sigurado din naman akong sasabihin mo na “Welcome Back” at pagkatapos nun ay patay na naman muli ang blog na ito. R.I.P. Ooops, I’m Back! Oo nga! Bago ko makumpleto ang huling pangungusap na itaas, kagagaling ko lang sa CR. Katatae ko lang! (tabi-tabi po sa kumakain).  Kaya sabi ko “I’m Back”. Pero I’m SuperGulaman talaga, hindi ako nagpalit ng pangalan. Uminom lang kasi ako ng tsaa na may gatas at maraming asukal.  Yung lasang kasing tamis ng arnibal na inilalagay sa taho. Medyo may problema kasi ako sa sistema ng pag-inom at pagkain ko.  Kapag uminom ako ng tubig o kahit na anong liquid. Magbilang ka lng ng isa hanggang limang minute, sigurado takbo ako agad sa CR para umihi.  Tapos, sa pagkain naman, isa hanggang tatlumpung minute, takbo muli sa CR par