Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Nobyembre, 2016

THURS.day

Image Credit: seattlestravels.com Pumailang-lang naman ang guni-guni sa kawalan.  Nagmumuni-muni ng mga kaganapan sa buhay habang lulan ng rumaragasang sasakyan.  Hindi alintana ang bangis at panganib na dala ng mabilis na yugto at agos ng buhay. Bingi na sa saliw ng musika na tila ba nagpapalungkot at napapabagal sa mga tanawing mabilis na nadadaanan. Hindi ko kasi maintindihan. Hikab muli ako. Tunganga. Tahimik na sinipat ang mga katabi sa upuan at nakinig ng bahagya sa kanilang mga huntahan. Ngunit tila ba hindi maunwaan ang mga salitang namumutawi sa kanilang mga labi.  Gusto kong makisali sa kanilang kwentuhan at makipaglokohan pero hindi pa ganap na bumaba ang tama ko sa utak. Hikab muli ako. Tunganga. Naalala ko ang kanta ng Parokya.  Sinikap na patugtugin sa utak.      ♬♬   Tuloy ang biyahe Walang ibang iniisip Kundi ang magpahangin At pagtripan ang mga sari-saring tanawin Sayang ang buhay Kung 'di mo sulitin ang saya at saysay Pano kung