Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Hunyo, 2012

Introducing: Ang Anak ni SuperGulaman

"Nakabalik ako sa lugar ngunit hindi sa parehong pagkakataon." Ilang buwan na nga ba ang nakalipas buhat ng iwan ko ang lugar na kinalakihan? Ilan buwan na nga ba ang nakalipas subukan kong ibahin ang pare-parehong takbo ng buhay? Ahhh...halos labingdalawang buwan na...isang taon na. Ang bilis ng takbo ng panahon parang kelan lang ng buong sipag si SuperGulaman na sumisirko sa mundo ng blogesperyo. Kwento ng kalokohan, kwento ng saya, kwento ng lungkot, kwento ng laman ng utak, kwento ng pag-ibig, kwento ng pangungulila, kwento ng bayan, kwento ng pinoy, kwento para sa pinoy, kwento ng buhay, at kwento ng walang limitasyong imahinasyon. Lahat ng iyan ay tinema ni Supergulanan sa halos isang dekadang blog na ito. Pero nasaan na nga ba sya? O natatandaan nyo pa ba sya?  May alam ka pa ba sa kwento ng buhay nya? Ako si SuperGulaman....SuperG ang tawag ng ilan.  Bhoyet para sa kanyang pamilya at mga kaibigan.  Mahal naman para sa kanyang WonderG at Daddy na din para sa kanya