Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Setyembre, 2016

Bakit nga ba hindi ako botante?

Bakit nga ba hindi ako botante? Credit: Image from iha.com Bakit nga ba? Hindi ko din alam.  Ay hindi pala. Alam ko pala at dahil madami din akong dahilan. Hindi dahil sa iresponsable akong mamamayan.  Hindi din dahil wala akong pakialam sa bayan.  Hindi din sa kadahilanang binabalewala ko ang demokrasya.  At lalong hindi dahil hindi ko mahal ang bayang tinubuan. Mahal ko ang Pilipinas. Ang totoo nyan, ang dami ko kasing dahilan. Hindi ako bumoboto dahil ayaw ko sa pulitiko.  Hindi ako bumuboto dahil sa mahigit sa tatlumpung taon ng aking buhay, wala akong nakita o nadamang pagbabago sa bansa.  Lalong lumalaki ang agwat mayaman at mahirap sa bansa.  Hindi ako bumoboto dahil may tax. Mga tax na kadalasan hindi ko napapakinabangan. O kung may roon man, pakiramdam ko hindi lang dapat iyon ang nakukuha ko.  Produkto ako ng publikong paaralan simula kindergarten hanggang kolehiyo. Ang totoo nyan, maswerte na ako  nun. Dahil kahit papano nakapagtapos ako.  Naging