Martes, Setyembre 30, 2014

Pilipinas: Sa Pagkakakilanlan

Pilipinas.  Ah, dyan ako nakatira.  Dyan din ako pinanganak.  Dyan din hinulma ang minsang magulo, makulit, at makulay kong pagkatao. Pero alam mo ba na ang opisyal na pangalan ng Pilipinas ay "The Republic of the Philippines" ? Oo? Ako din, yan din ang sa pagkakaalam ko. Base sa pakakakaalam ko, ang Pilipinas ay binubuo ng mahigit sa pitong libong mga isla. Ang sabi sa tsismis 7,107 daw yun.  Pero kung si Ms. Charlene Gonzales ang tatanungin mo, nakadepende daw yung yun kung high tide o low tide.

Noong nasa bansa ako ng mga Arabo, maraming nagtatanong sa akin kung taga-saan daw ako.   Madalas kasi napagkakamalan nila akong taga-Nepal, taga-India, at kung mamalasin naman taga-Sudan daw ako. WTF!  Pero tumutugon lang ako ng "I'm from the Philippines". Tapos nakangiti silang nagre-react na parang nakakaloko. "Ah, Philipini, from Philippine". Langyang buhay 'to, sinabi ko na ngang "The Philippines" eh. Philippine. Philippine pa din ang banat. Hindi ito singular, plural po. The Philippines with an "s". Hindi kami mula sa isang isla lang para gawing Philippine ang bansa namin.  The Philippines ang tawag sa bansa namin na may 7,107 islands. Ang sensitive ko naman ba? Ganyan naman tayong mga Pinoy, konting mga pangbubuska lang mula sa mga dayuhan, balat-sibuyas tayo masyado. Na minsan naman pala eh hindi nila sinasadya. Pero parang ok na din siguro yun kumpara sa mga itinuturo sa ilang paaralan sa America na ang Pilipinas daw ay hindi isang bansa, kundi grupo lamang daw ito ng mga isla. Philippine Islands o Islands in the Pacific. Tapos tayong mga Pinoy, ang tawag daw sa atin ay Pacific Islanders. Isang kaalamang tila nagsasabing wala pa din tayong sariling pagkakakilanlan.

Teka, kung pagkakakilanlan lang din ang usapan, ano nga ba ang mga bagay-bagay na masasabi nating sariling atin? Pangalan ng bansa? Salitang Tagalog? Paraan ng pagsulat? Ummm, sa pangalan ng bansa, alam naman natin na ito ay mula sa pangalan ng hari ng Espanya noon na si King Philip II bilang pagpupugay ni Ferdinand Magellan. Sa katunayan, Las Islas Filipinas ang taguri sa ating bansa noon. Pero teka panahon na yan ng pagdaong ng mga Kastila sa bansa. Alam nyo ba na bago pa man sila dumating ang mga Kastila ay may mga tao na talaga sa Pilipinas.  Ok balik tayo sa history, alam mo ba yung mga Aeta, Indones at Malay.  Yan daw yung mga unang tao sa Pilipinas. Tama hindi ba? Pero alam mo din ba na alam na din ito ng Tsina.  Hindi ko nga talaga alam kung si Magellan noong 1521  ang nakadiskubre ng Pilipinas o ang mga Intsik dahil noon pa man tinatawag ng mg Intsik ang Pilipinas bilang Ma-i o country of the blacks.  Kaya huwag na din kayong magtaka kung bakit pasaway ang Tsina sa usaping Spratlys dahil kanila din daw yun at pwede ding kasama ang Pinas. Yung nga lang hindi na sila nakaporma sa pananakop ng mga Kastila noon. Opsss, lumalayo na tayo sa usapang  ukol as pangalan ng Pilipinas. Sa ganang akin, bakit hindi na lang gawing Republika ng Pilipinas o Pilipinas ang gawing pangalan sa international arena sa halip na The Republic of the Philippines. Bakit kailang sundan lagi ang America pati sa pagpapangalan ng mga bagay-bagay sa Pinas?

Sa salita o wika naman. Maraming wika ang umiikot sa arkipelago ng Pinas.  Name it. English, Tagalog, Visaya, Ilocano, Kapampangan, Hiligaynon, Itawis, at marami pang iba. At nitong huli nga, itinuring na gawing Tagalog ang opisyal na salita sa bansa pero upang maging balanse ang pagpupugay sa mga wikang ginagamit, pinili at hinirang na maging Filipino ang opisyal ng wika ng Pilipinas na kung tutuusin ay Tagalog din naman.  At dahil Filipino na nga ang opisal na wika natin, hindi naman ito orihinal na mula sa atin dahil maging ang mga titik na ating sinusulat ay base pa din sa alpabetong mula sa kanlurang bansa.  Tignan mo ang Tsina, meron silang Chinese Characters, ganun din ang Japan, Vietnam, Taiwan, India, Korea, Thailand, Germany, Turkey, Saudi Arabia at halos lahat ng bansa maliban sa Pilipinas.  Meron silang sariling paraan ng pagsusulat at pagbasa.  Pero tayo, nakabase pa din tayo sa alpabetong tinuro ng Amerika na may konting modifications (*pati modifications hindi ko alam ang Tagalog nito).  Oo nga pala meron tayong alibata o baybayin. Ang tanong nga lang dyan, ginagamit pa ba natin yan o ginamit ba talaga natin yan sa pakikipagtalastasan o pakikipag-usap?   

Ano nga ba talaga ang pagkakakilanlan natin mga Pilipino? Ummmm, baka sa agimat.  May agimat ang dugo ko (credit:
Bamboo).

Ano sa palagay mo?

#Pilipinas
#pagkakakilanlan

Miyerkules, Setyembre 10, 2014

Inang OFW

OFW. Overseas Filipino Worker.  Tinaguriang bagong bayani ng bansa.  Mga Pilipinong sumasalba sa papalubog na ekonomiya ng Pilipinas.  Tunay ngang hindi matatawaran ang kontribusyon nila sa pagpapanatiling buhay ng naghihingalong buhay sa bayan ni Juan.  Ganito ang mga OFW. Matinding sakripisyo ang kanilang tinitiis upang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga pamilya. Hindi nila alintana ang hirap ng pagkakawalay sa mga mahal sa buhay. Ang hirap at pagtitiis sa pagtratrabaho sa dayuhang bansa.  Ang pananabik sa mga mahal sa buhay lalo na sa tuwing dumarating ang taunang bakasyon at muling pagkalungkot sa tuwing lilisanin ang Pilipinas. 

Mahirap ang maging bayaning OFW.  Ngunit mas mahirap ang maging inang OFW.  Dahil sa iyong paglisan hindi mo alam kung mahal ka pa din ba ng anak mo.  Dahil hindi mo alam na baka sa Skype ka nya lang kilala.  At dahil hindi mo alam kung napapalaki ba ng tama ang anak mo. Dahil hindi ka nya nakakasama sa mga espesyal na araw nya. Dahil hindi mo sya naalagaan sa tuwing may sakit sya. Dahil wala ka sa tabi nya sa tuwing imiiyak sya. Dahil wala ka sa kanyang tabi sa tuwing masaya sya. Dahil wala syang karanasan sa piling mo. Dahil hindi mo alam kung bahagi ka pa din ng kanyang pagkatao.  Dahil hindi mo na alam ang kanyang nararamdaman.  Wala eh.  Malayo ka kasi.

Mahirap ang maging bayaning OFW.  Ngunit mas mahirap ang maging inang OFW.

#OFW
#OverseasFilipinoWorker
#InangOFW


Linggo, Agosto 3, 2014

Proud to be Pinoy o Mayabang Lang Talaga Tayo?

Photo Credit: http://themetroarchive.blogspot.com/
Ang sabi nila, dapat maging proud ka kasi 'It's more fun in the Philippines'? Bakit? Dahil ba sa mga party all over the country? Fiesta? Clubs? Inuman sa kanto? Videoke 24/7? Disco ver. 2.0? Dahil ba sa mga tourist spots (parang pekas lang ang dating ah...ehehehe), I mean, tourist destinations o kaya naman wonders of the Philippines from a to z? O baka naman sa mga pagkain tulad ng balot, penoy, kwek-kwek, adidas, betamax, IUD, kikiam, at one day old chicken?  Dahil ba sa mga sasakyan tulad ng kalesa, tricycle at jeep? O dahil sa mga Pilipino, yeah Filipina? O baka naman kay Manny Pacquiao, kay Charise Pempengko, Leah Salonga? O baka naman dahil sa Team Azkals or Volcanoes ng rugby? Proud to be Pinoy.
   
Ok, sige tanungin mo si SuperGulaman kung bakit nga ba na dapat ay maging proud ka sa Pinas o bilang isang Pilipino? Para kay SuperGulaman dalawang K lang yan at hindi iyon kayang tumbasan ng kahit na anong materyal na bagay sa mundo. Kultura at Karanasan. Proud to be Pinoy.

Mahigit sa dalawang taon din akong nawala sa Pinas pero hinahanap ko pa din ang agaw-buhay na pagsampa sa rumaragasang jeep. Kahit na sabihin pa na nakasakay na ako sa maayos na pampublikong sasakyan sa bayan ng mga Arabo. Iba pa din ang dating ng pagsampa mo sa jeep. Tila ba na hindi ka lang sumasakay sa isang sasakyan, kundi nakasakay ka sa kultura at sa pag-arangkada nito nandoon ang karanasang hindi mo malilimutan. Trapik, mandurukot, tulo-laway, abot ng bayad, abot ng sukli, 1-2-3, tsansing, at marami pang-iba na sa jeep mo lang malalasap. Dito mo din naranasang magpa-cute sa magandang bebot. Kagaya ng sinabi sa kanta, "nagkandahaba ang kamay sa pag-abot ng sukli".  Ito ang isa sa kulturang Pinoy na hindi mo ipagpapalit sa kahit ano man.  Mula pagkabata, pagpasok sa eskwela, pagpunta sa trabaho ng masang Pilipino, Jeep ang naging kaakibat sa twina. At naging saksi sa pakikipagsapalaran at pag-unlad ng bawat Juan at Maria ng bansa. Proud to be Pinoy.

Sa Pinas, hindi mo maikukumpara ang trapik, baha, lindol, bagyo, baho ng estero, pulubi sa kanto, Squatter sa tabi ng ilog at riles, walang disiplinang driver, pulis na mahilig sa lagay, mamamayang tumatawid sa bawal tumawid na lansangan, siga sa kanto na walang pang-itaas, lasenggong susuray-suray sa kalsada, bulok na ospital, paaralan, at  pampublikong tanggapan, kurap na mga pinuno, mangmang na mag-aaral, at tae ng aso sa kalsada. Kung mapunta ka sa dayuhang bansa, sasabihin ko sayo, hindi mo yan lahat malalasap doon. Pero anong sabi mo sa kabila ng mga nabanggit ko, "Proud to be Pinoy!"

Kung iyo lamang matutunghayan ang mga buhay ng mga maralita sa kalungsuran sa Pinas, malalaman mo din ang halaga ng "kulturang tingi".  Tinging kape, tinging asukal, tinging sabon, tinging noodles, tinging mantika, tinging sigarilyo, tinging papel, at halos lahat ng kailangan mo sa araw-araw ay tingi. Sapat lang daw iyon para sa isang kahig-isang tukang si Juan. Matiisin daw.  Proud to be Pinoy.

Mahirap nga ba talaga ang tinatawag na "maralita ng kalungsuran"? Oo siguro pero hindi lahat. Subukan mong pumasok sa isang dampa sa ilalim ng tulay. Karamihan sa kanila ay may Television, yung iba meron Karaoke, yung iba may refrigerator, yung iba may washing machine, yung iba mamahalin ang cellphone at yung iba meron din sasakyan at kapag may pagkakataon, ang mall ang paborito nilang puntahan.  Yan nga ba ang mahirap?  Yan daw ang Pinoy, walang pera kung maturingan pero sa luho magarbo yan. Yan daw ang Pinoy, "show-off". Mayabang. "Proud to be Pinoy."

Dahil sa mga sinabi ko alam ko ang nasa isip mo. Ito yun oh, "Epal ka pala SuperG eh pangit naman pala talaga sa Pinas eh tapos ang yabang pa pala natin." 

Alam ko. Pero hindi.

Pero isipin mo na lang (*galing sa joke ng mga stand-up comedians), yung mga pangit na yan kailangan talaga yan.  Sila na  nga yung nagsakripisyo oh. Kung walang pangit, wala ka ng basehan ng maganda.  Pero kidding aside, ito naman talaga ang riyalidad, ito ang mga karanasan na magtuturo sa'yo kung paano pahalagahan ang mga simpleng bagay.  Hindi pangit sa Pinas o ang Pinas. Ang buhay sa Pinas ay isang karanasan na magtuturo sa iyo ng halaga ng buhay. Ikaw, anong matutunan mo sa pagsakay sa tahimik at malinis na sasakyan? Wala, dahil sigurado tulog ka nun sa byahe. Anong matutunan mo kung lumalakad ka sa kalsadang walang tae ng aso.  Wala.  Hindi mo dyan magagamit ang ninja skills mo. Magmumukha ka lang tanga kung kumakandirit ka sa patag at malinis na kalsada.  Tama? Ngunit hindi ko din naman sinasabi na ok lang na maging ganito tayo, na ok lang na maging ganyan ang Pilipinas.  Aba syempre, iba pa din ang dating kapag ang dating magulo at pangit ay maayos at maganda na ngayon.  Wala eh, mayabang tayo.

Hindi lahat ng maganda ay maganda.

Hindi lahat ng pangit ay pangit.

Hindi lahat ng sinasabi ko ay totoo.

Hindi lahat ng sinasabi ko ay kasinungalingan.

Hindi lahat ng tinuturo ko ay tama.

Yung iba dyan joke joke lang.  Wala eh, mayabang tayo.

Aba bakit hindi ako magyayabang.

Alam mo ba na ang Pilipinas, ang bayang pinili at pinitas. Bayang pinakatatangi at perlas ng silangan.  Bayang minamahal ni Juan at Maria at hulmahan ng kaisipan nila Isko at Iska.

At sina Juan, Maria, Isko at Iska, mga Pilipino. Pilipino, ang lahing pinili at pinino.

Wala eh, mayabang tayo.

Proud to be Pinoy!




#pilipinas
#proudtobepinoy
#bayannijuan
#Filipino

Pa-digits Digits Pa Kasi


Gagawa sana ako ng bagong blog entry.  Kaso kaso na-distract ako.  Kaya ito na lang ang entry ko muna.
^_^.





Huwebes, Hulyo 24, 2014

It's official: Billy Crawford and Coleen Garcia


Photo from: http://www.philshowbiz.com/
And they confirmed it. At inamin na din ni Billy Crawford sa It's Showtime kahapon, July 24, na sila na nga ng kanilang co-host na si Coleen Garcia.  Nagsimula ang pag-amin sa pangungulit ni Vice Ganda dahil sa pagkakapareho ng boots nila Billy and Coleen. kasabay noon ang nagpapakilig nyang tanong, "Is it official? Kayo na?"

Hindi lang si Vice ang nagbuyo sa pag-amin at kinulit na din ni Vhong si Billy ukol sa kalagayan ng kanilang relasyon.

Nagturuuan pa ang dalawa sa pag-amin noong una.

At yun na nga kinumpirana ng  RnB na "They are finally an official couple." 

at  dahil Showtime ito, Group HUG!

Hindi ka naniniwala o hindi mo matanggap? Ito po ang video.


#coleenortegagarcia
#billycrawford
#itsshowtime
#couple
#amin


Miyerkules, Hulyo 23, 2014

Never Back Down (Pinoy Version)


UFC match ba ang hanap mo?  Ito ang pinoy version ng beatdown.  Malupit ang mga promotor este mga buyo ng labanang ito.  Ei, hindi naman pala nila kilala ang mga ito at nadaanan lang sa kalye. Pero impeyrnes, nagkaayos din sila matapos ang umaatikabong bakbakan.  Mahusay si bossing Jonnel Jose, ang Max Cooperman ng larong ito at ang fighting match, ayos na ayos. ^_^


#streetfight
#UFC

It’s more fun in the Philippines

Image from: http://itsmorefuninthephilippines.com/
It’s more fun in the Philippines.

Really? Weh?! Hindi nga? Tama, narinig mo na ang mga linyang yan hindi ba?  Opo, yan po ang pamosong entrada ng Department of Tourism ng Pinas upang lalong maka-enganyo ng mga dayuhang turista sa bansa kasabay ng pagbida ng mga tourist spots ng bansa. Visit http://itsmorefuninthephilippines.com/ for more details.  Ayan ah, may free promotion pa kayo sa akin.

Bilang isang lokal na mamamayan ng bansa, hindi natin maitatanggi na magdalawang-isip muna ukol sa nasabing “Tagline” ng DOT bago natin ito sang-ayunan. Bakit? Ikaw, naranasan mo na ba ang mga bagyo sa Pinas? Ang bahang epekto nito? Ang traffic sa Metro Manila? Dagdag mo pa dyan ang lindol, mataas na presyo ng bilihin, langis, gasolina, kuryente, at bigas. It’s more fun in the Philippines ba dahil sa 12% VAT at kaliwa’t kanang buwis na napupunta lang din naman sa mga tiwaling opisyal ng bansa? Uy, sabi nila hindi naman daw lahat. Talaga lang ha? Sabihin natin na hindi nga mapupunta sa kanila, ibinabalik ba nila ito ng tama sa mga mamamayan ng bansa?  Ilang proyekto na ba ang naipatupad na nagsasabing mawawala na baha sa Metro Manila? Nawala ba ang baha? Hindi! Ilang proyekto na ba ang pinasinayaan na sinasabing mag-aayos ng trapiko sa bansa?  Marami na hindi ba? U-turn, footbridge, motorcyle lane, truck ban, more to come. Pero may nangyari ba?  Sasabihin mo sa akin, at least meron naman ginawa.  Hindi ko kailangan yung may ginawa, ang kailangan ko ay yung may tamang ginagawa.  Kapag sinabi kong tama, ito yung programang pinag-isipan, pinagplanuhan, siguradong epektibo, walang lusot, walang paltos.

It’s more fun in the Philippines dahil nabawasan na daw ang mahirap sa bansa at yan ay ayon sa SONA ng Pungulo kamakailan lamang.  Siguro nga nabawasan, dahil sa tingin ko, yung mga mahirap na yun, namatay na ngayon sa gutom. So bawas na talaga.

It’s more fun in the Philippines nga ba kung kaliwa’t kanan ang krimen? Dumami ang mandurukot, magnanakaw, holdaper, kidnapper, Riding-in-tandem criminals, salisi gang, Budolbudol gang, rapist, exhibisionist, bukas-kotse gang, laslas panty gang, sungkit panty gang, gupit panty gang at mga tigang.
It’s more fun in the Philippines nga ba kung madami pa din ang walang trabaho, madami pa din ang pulubi ba lansangan, tambay, lasenggero, tsismosa, siga, bully, babaero, lalakero, barbero at pakialamero.

Sa kabila ng mga binanggit ko, alam kong mahal nyo ang Pinas at naniniwala pa din kayo na it’s more fun in the Philippines.  Sa katunayan, ang mga binanggit ko ay patunay lamang na It’s more fun in the Philippines talaga.  Hindi mo yan mararanasan lahat sa ibang bansa, onli in da Pilipins lang yan.  It’s more fun in the Philippines dahil sa hindi matatawarang karanasan. Experience ang pinag-uusapan natin dito.  Mga karanasang naglalarawan ng kulturang Pinoy, karanasang patuloy sa pagbabago, pag-unlad at pagkatuto.

Sasabihin ko sa’yo, mas pang masarap mamatay sa kalamidad sa sariling bayan kumpara sa kamatayan dulot ng digmaan ng mga nag-iiringan bansa.

Gusto mo bang tumbay sa Gaza o sa Tacloban na lang?

See?

It’s more fun in the Philippines!




Lunes, Hulyo 14, 2014

Miracle: The Truth Behind Baby in Viral Video Believed Resurrected


Nag-browse ng feeds sa facebook. May nabasa. Napangiti. May joke kasi.  Ito yun.

Girl: Huhuhu…
Boy: Bakit ka umiiyak?
Girl:  Namatay kasi ang boyfriend ko, paano na ako ngayon? Huhuhu…
Boy: (Utak oportunista). Kawawa ka naman.  Pero wag kang malungkot, nandito naman ako para sa iyo eh.  Kung gusto mo ako na lang ang papalit sa kanya?
Girl: (Tumigil sa pag hikbi) Talaga?
Boy: Oo. Mamahalin kita kagaya ng boyfriend mo.
Girl: Sige, itanong mo sa purenarya kung papayag sila.

Nag-browse ulit.  May nakitang picture ng isang batang iniaalis sa ataol (coffin). Sinundan ang link. Sinasabing nabuhay daw ang bata habang sya ay nakaburol. Na-curious. Nagbasa ng ilang article ukol dito.  Ang sabi sa kwento, halos dalawang linggo na daw na may sakit ang bata.  Isinugod ito sa lokal na ospital at idineklarang patay na dahil sa bronchial pneumonia noong Huwebes, July 10.  Dahil dito, nagdesisyon na silang ilibing ang bata noong Sabado, July 12. At habang nagmimisa, di umano’y gumalaw ang ulo ang daliri ng bata kung kaya inalis ito sa ataol.  Sinabi ng pari na si Fr. Nilo Tabaña ng San Isidro Parish Church na hindi na daw sya nakapagbigay ng advice sa pamilya dahil na din sa dami ng taong nagkakagulo dulot ng naturang pangyayari.




Inamin ng ina ng bata na kumonsulta sya sa albularyo (quack doctor) at sinabi ng huli na buhay pa ang bata at hindi daw dapat itong ilibing.

Noong Lunes sa Aurora, Zamboanga del Sur municipal health center sinabi at ipinakita ng health officer na si Mary Silyne Cabahug na patay na ang bata at wala na itong pulso ayon na din sa cardiac monitor.  Pinayuhan din ng mga doktor na ilibing na ang bata sa lalong madaling panahon dahil nasisimula na itong ma-decompose at mangamoy.

So pasok na tayo sa kuro-kuro ko.  Sa Pilipinas, lalo na sa mga probinsya laganap pa din ang paniniwala ng ilan ukol sa supernatural beings, events and beliefs.  Marami pa din sa ating mga kababayan ang lumalapit sa mga albularyo at hingin ang suhestiyon ukol sa ilang sakit.  Karamihan sa tugon nila ay taliwas sa syensya tulad ng kulam, barang, na sapian, na-duwende, na-engkanto, etc etc... Sa mga ilang sakit tulad ng simpleng lagnat ay posibleng nakakatulong din naman sila, dahil kadalasan halamang gamot din naman ang kanilang isina-suggest.  Ngunit may panganib pa din ito sa kalusugan dahil maaaring hindi akma ang kanilang suhestyon sa sakit ng tao at delikado lalo na sa may mga allergic reaction.  Pero sa paniniwalang Pinoy at lagay ng pamumuhay sa probinsya at sabihin na din natin na parte na din ito ng kultura, hindi na maiiwasan na maniwala sa mga albularyo.  Ang nangyari sa  Aurora, Zamboanga del Sur ay isang halimbawa lamang na mali ang maniwala sa haka-haka at maniwala sa mga pangyayaring hindi maipaliwanag.  Sasabihin ko sayo, may science na magpapaliwanag para dyan.  Bakit inakala nila na buhay pa ang bata? Matapos ideklara ng lokal na ospital na patay na ang bata, hindi pa din ito matanggap ng pamilya at umaasa na buhay pa ito. Maaari din na gumalaw ang ulo at daliri ng bata dahil sa mga chemical reaction o gas na lumabas sa kanyang katawan noong sya ay mamatay. Dahil dito kumalat na ang kwentong buhay pa ang bata, isama pa natin ang supernatural stories at ang natural nating pag-exaggerate ng kwento, kumabaga natural tayong tsismo’t tsismosa. Na kesyo, bangkay na nabuhay, nasapian ng engkanto, pinabalik mula sa langit, etc., etc.

Hindi naman talaga masamang umasa sa bagay na imposibleng mangyari pero sana nga lang huwag maging bulag sa paniniwala ng karamihan. “Don’t just blindly follow the crowd”.  



Miyerkules, Hulyo 2, 2014

5 Bagay na DAPAT at HINDI DAPAT Gawin ng Isang Facebook User


Hindi na natin maikakaila ang lawak at laki ng epekto ng social media sa ating mga buhay. Isa na dito ang Facebook.  Mula sa panahon ng luma bato, panahon ng bagong bato, panahon ng metal, naging unggoy, naging homo habilis, homo erectus at ngayon panahon na ng tao, homo sapiens, marunong na tayong mag-facebook. Matagal-tagal na din ng malikha ni Mark Zuckerberg ang facebook (Wag mo itong pindutin).  At katulad ng google.com halos ito na din (ang Facebook) ang nagdidikta sa lagay ng ekonomiya sa buong mundo at maging sa ugali, asal, pakikitungo, relasyon at paniniwala na din ng mga tao.  Dahil sa lawak at laki ng magiging epekto ng iyong pagtipa sa bawat pahina ng Facebook, narito ang ilan sa mga alituntunin sa paggamit ng naturang Website.  Hindi ko naman sinasabing sundin ninyong lahat ang aking itinalang alituntunin.  Isa lamang itong gabay para sa maayos na paggamit ng social media.  Wag kang mag-alala, hindi kita isusumpa ng katulad kay Mirabella kung hindi mo ako susundin. Hindi din ito katulad ng mga RTW na damit na “One-size fits All” dahil baka kasi meron ka dyan, mas maganda pa. So paano, sige basa na!

Mga DAPAT Gawin ng Isang Facebook User

1.  Magpadala na lamang ng mensahe sa halip na mag-post sa wall ng User.
Bukod sa napapanatili nito ang pagiging pribado ng inyong usapan, nagiging daan din ito upang maramdaman ng iyong kausap na personal ang inyong talastasan.  Kumbaga, merong intimacy, merong concern, merong paggalang.  Tandaan na ang pagpost sa wall ay hindi pagkausap sa isa o sampung tao, dahil madalas kausap mo ang buong mundo.

2.  Maging mapanuri sa lahat ng iyong ipo-post sa iyong wall.
Katulad ng nabanggit ko, ang pag-post sa wall ay katulad ng pakikipagtalastasan sa buong mundo.  Hindi ito madali pero kailangang maging mapanuri. Halimbawa, may nasabi kang hindi maganda sa ugali ng isang kaibigan ngunit wala kang binanggit na pangalan, sa dami ng mga makakabasa nito, maaaring isipin nila na sila ang inaasinta mo.  Huwag bumuo ng misinterpretation sa mga feeds mo.

3. Mag-verify muna bago ipagkalat o i-post ang isang masamang balita. O kaya naman mas magandang wag ka  na lang mag-post.
Hindi magandang i-share o i-balita na patay ka na. Lalo na kung buhay ka pa. Kaya wag ninyo akong pag-uusapan sa facebook kapag namatay ako. Sige subukan mo, mumultuhin kita.  Sabi nga, ang facebook ay pam-publiko, ibig sabihin lahat ng tao ay pwedeng makaalam. Kaya nga ang mga ganitong bagay ay hindi dapat nilalagay sa facebook.  Pagna-post mo yan, tignan mo may magla-like.

4. I-review na maiigi ang facebook setting.
Bago gamitin ang facebook, tiyakin na ang setting ay naayon sa iyong kagustuhan.  Tiyakin na alam mo kung sino-sino ang maaring makabasa ng post mo, makakita ng pictures mo, at makapag-message sa iyo.  Dahil kung may gagawin kang kalakohan, madali kang mabibisto. Biro lang, dahil sa totoo dagdag privacy features po ito.

5. Sumagot lamang sa mga tanong na alam mo at para sa iyo. O di kaya’y mag-reply para i-acknowlege na nabasa mo ang comment nila.
Naging nakagawian ko na kapag may nag-comment sa post, nagko-comment din ako.  Alam kong isang magandang practice iyon para malaman nila na “I’m just one message away”  o kaya naman isang way din yun para sabihin na hindi pa patay ang nag-post nyan at hindi totoong multo ang nag-post niyanPero sa isang banda, may mali din sa palagiang pag-reply sa bawat komento dahil kadalasan humahaba na ang comment feeds mo o kaya naman hindi na pala para sa iyo ang comment nya.

Mga HINDI DAPAT Gawin ng Isang Facebook User

1.  Huwag magpost ng iyong hubad na larawan at iba pang malalaswang panoorin.
Kung hubad na lalarawan ng iyong paa ang iyong ipo-post, wala akong pake, wag mo pa din itong i-post.  Hindi naman sa ayaw kong nakakakita ng paa sa facebook basta siguraduhin mong malinis at walang peklat iyon at iyon ay paa ng babae… J.  Sa seryosong usapan, alam naman natin na may mga kabataang gumagamit ng facebook kaya marapat lamang na tayo ay magkaroon ng responsableng pakikibahagi ng impormasyon.  Kung ayaw mong makinig bahala ka, block ang account mo.

2.  Huwag makipagkaibigan sa hindi mo kilala.
Katulad ng sabi ng nanay mo, “don’t talk to strangers”, ganun din yun. At sigurado akong alam mo kung bakit. No futher explanation needed. Next. ^_^

3. Huwag mong  i-tag ang friends mo sa mga pictures na maaaring hindi nya magustuhan o ng kanyang karelasyon.
Kung ayaw mong lumikha ng kaaway o i-block ka ng friend mo, huwag mo itong gagawin.  Marami ng nasirang relasyon ng dahil sa pictures sa facebook.  Kung feel mong maging kontrabida, aba sige lang. Tandaan mo lang na sa pelikula laging namamatay ang kontrabida.

4.  Huwag laging mag-post ng itinerary mo.
Sasabihin ko sa’yo, hindi interesado ang friends mo.  Ayos lang naman ang minsan, huwag lang gawing hobby.  Bukod sa delikado ka sa mga serial killer, annoying na masyado.  Gets?

5.  Iwasan ang pag-share ng chain letters, sad moments at mga kadiring larawan.
Nagpe-facebook ako para malibang. Wag mo akong inisin o i-stress.  Nakakainis lang minsan, may mapopost ng larawan ng batang nagugutom.  Tapos ang nakalagay, “please share and press like to help him”.  What? Gutom na yung tao ila-like ko pa. At sa paanong paraan makakatulong ang pag-like at pag-share ko.  Hindi naman nakakabusog ang like at share ko sa facebook.  Mas mabuti kontakin nyo ang DSWD, mas nakatulong pa kayo ng tama.
Sa chain letters, ito ang nakakainis, “pag hindi mo ito ni-like, mamatay ka”.  Kung kayo kaya ang patayin ko, ayos ba iyon?  Sa totoo lang madami na akong nakuhang chain letters, at pagdating sa akin putol na ang chain.


Alam kong madami pang bagay ang dapat at hindi dapat na ginagawa ng isang facebook user.   Ngunit ano man iyon, maging responsible tayo sa pakikibahagi ng impormasyon. Igalang natin ang bawat isa at panatilihin ang tama at matiwasay na pakikipagtalastasan. Siya nga pla, wag mo akong i-invite sa mga facebook games mo, hindi ako naglalaro.

Huwebes, Hunyo 12, 2014

Let's Play! (Tara laro tayo!)

Naranasan nyo na bang makipag-usap sa sarili nyo? Ang makipagtalo sa sarili? Yung tipong gusto mong gawin pero ayaw mo. Ito yung pagkakataon na nahihirapan kang magdesisyon sa mga bagay-bagay. Naranasan mo na din ba ang makipaglaro sa sarili? Yung iba sa inyo, hindi ko alam kung nagawa na ito. Pero noong bata pa tayo, as in noong isang uhuging musmos pa lamang tayo ay nahihilig tayo sa mga toy cars, robots, baril barilan. Kung babae ka naman mahilig ka sa mga paper dolls, kitchen set toys. At kahit mag-isa ka, enjoy na enjoy ka sa paglalaro.

Ngayon na medyo may edad na tayo (*hindi ito nangangahulugan na matanda na tayo)...I mean ngayon na nasa wastong gulang at isipan na tayo, nakukuha nyo pa bang maglaro mag-isa?. Kaya mo bang magsarili? (*waaaa bastos na ang iniisip mo). Ang ibig kong sabihin, magsariling maglaro (*waaa, bastos ps din ang dating). Sige para maayos, sabihin nating maglibang mag-isa (*whew, ayan medyo ok na siguro ang term). Ahehehe. Pero ang totoo, mahirap talagang maglibang mag-isa di ba? Pero may mga taong loner na kayang maka-survive at magsaya ng solo lang. Yun yung mga idol ko. Noong bata pa ako, nakikipaglaro rin ako sa sarili ko. With effects pa nga yun eh. Kablam...tagum!...shing shing!.... At kahit tulo na ang laway ko sa pagsasabi ng mga sound effects na yan ay enjoy na enjoy pa din ako. Madalas kasi nasa loob lang ako bahay noon dahil paglumabas ako ng bahay nag-popower trip n ako. Nakakatuwang isipin yung mga power trip ko nung bata pa ako. Nandyan yung papaliguan ko yung pusa ng kapitbahay. O kaya naman, sasapakin ko yung anak nung kapitbahay tapos iiyak yun, magsusumbong sa nanay nya. Tapos tatakbo ako sa bahay, didiretso na ako sa kama tapos kunyari magtutulug-tulagan o kaya naman masakit ang tiyan...so kahit magsumbong yung nanay nya sa nanay ko, hindi na ako mapapagalitan (*style bulok).

Pero ngayon na malaki na ako, (ay maliit pa din pala ako). Ngayong nasa wastong gulang na ako mabait na ako. Hindi na ako nagpopower trip pero nandun pa din ung habit ko na makipaglaro sa sarili. Minsan nga, nag-chess akong mag-isa, kinalaban ko ang sarili ko. As expected sa sarili ko, magaling din sya at nahirapan talaga ako. Lahat ng maisip kong atake sa chess, meron syang pantapat na depensa. Naiinis ako sa knya, nahihirapan talaga ako. Hindi ko din alam kung dinadaya ako ng sarili ko. Gusto ko syang sapakin noon, pero hindi ko din alam kung paano. At yun na nga, tinalo nya ako sa chess. Nagalit na din ako sa kanya, hindi ko sya kinausap ng ilang araw. Pero hindi din sya nakatiis nakipagbati din sya sa akin. Inaaya nga nya ako na maglaro ng Games of the General, ang kaso nga lang wala kaming arbiter, ikaw pwede ka ba?

Miyerkules, Hunyo 11, 2014

@NBA Finals 2014 Game 3:Lebron James at Miami Heat hindi kinaya ang swerte ng Spurs

Nasungkit ng San Antonio Spurs ang Game 3 sa NBA 2014 Finals sa score na 111-92.  Nabigo ang Miami Heat na magpakitang gilas sa kanilang Homecourt. Sa katunayan, hindi naman talagang madaling talunin ang Miami Heat lalo na sa home court nila.  

Pero paano nga ba tinalo ng Spurs ang Heat bukod sa pagkasira ng Aircondition noong game 1.  Simple lang naman, kailangan lang naman ay 75.8% ang rating ng field goal ng team.  At dito hindi tayo binigo ng Spurs. Sa katunayan, gumawa ng record ang Spurs sa pagtatala ng 71-point sa firsthalf ng laro at 86.5 field goal percentage sa first quater.  Pinamunuan ito ng bantay ni Lebron James na si Kawhi Leonard na umiskor ng 29 points sa naturang laro. Para kay Leonard, hindi naman madaling bantayan ang star ng Miami na si Lebron James dahil nitong mga huling laro lagi syang nasa foul trouble.  Sa talento ng manlalaro mahihirapan nga sya, ngunit hindi sya sumuko bagkus dinoble nya ang average score ng ginagawa nya sa bawat laro. Pinamunuan ni Leonard ang opensiba sa pamamagitan ng 18 first-half points. 13 ang kay Leonard dito na walang mintis sa loob at labas man ng 3-point area. Sumunod din si Danny Green ng spurs na nagtala ng 15 points at 5 steals para sa Spurs. Pito sa walong tikada nya ang pumasok.

Ang sabi nga ni Tim Duncan, beterano ng Spurs, 

"They were the keys to the game". "They took over the game."

Dahil na rin sa gana at sipag, umayon ang lahat sa panig Spurs at sunod-sunod din na nagtala ng mga puntos ang mga beterano ng Spurs na naging daan upang pamunuan ang serye sa score na 2-1.

At dahil sa laki ng lamang, ganito naman magsaya ang fans ng Spurs. ^_^



Linggo, Hunyo 8, 2014

@NBA Finals Game 2:Lebron James binida ng Powerade

Parang kailan lang ng pagtripan ng Gatorade sa Twitter si Lebron James dahil sa tinamong pulikat noong Game 1 (click here for more details). At ito na nga, Game 2.  Hataw ang star player ng Heat lalo na sa 3rd Quarter ng Game 2.  Sunod-sunod na pumuntos si King James na tila ba nagsasabing "Ito ang Powerade".

Matapos humataw ni James sa Game 2 na nagpakita ng eksplosibo at matikas na laro na nagtala ng game-high na 35 points, 10 rebounds at 3 assists nasungkit nila ang laban sa score na 98-96 sa home-court advantage mismo ng San Antonio Spurs at tumabla sa best-of-seven NBA Finals, naglabas naman ang Powerade ng nakakatuwang testamento sa twitter:

"There is strength in the silence. The best response is made on the court @KingJames. #powerthrough
10:43 AM - 9 Jun 2014"

Sa kabila nito, nanahimik na din muna ang Gatorade. Ika nga nila, "bawian lang yan".

Mahusay ang marketing nila. Astig!



Sabado, Hunyo 7, 2014

@NBA Finals Game 1:Lebron James iyak-tawa sa kalokohan ng Gatorade


At tuluyan na ngang nakuha ng San Antonio Spurs ang game 1 sa NBA Finals 2014.  Kanilang naungusan ang katunggaling Miami Heat sa Score na 110-95. So yun na nga natalo ang Heat dahil daw yun sa labis na init ng arena na naging dahilan din daw ng pamumulikat ng paa ng Star ng Miami Heat na si Lebron James.


Dahil na din sa tagpong ito, napagkatuwaan din itong sawsawan ng kilalang brand ng inumin, ang Gatorade. Sa katanuyan matagal-tagal na din hinihimok ng Gatorade na pumirma ito para sa kanilang produkto ngunit mas pinili daw ni Lebron ang other brand, ang Powerade. Ito ang mga tweet ng Gatorade noong June 5 pagkatapos ng laban ng Heat-Spurs:

“We were waiting on the sidelines, but he prefers to drink something else.”

at dinangdag pa nito,

"The person cramping wasn't our client. Our athletes can take the heat."

Nakakatuwa lang din ngunit syempre hindi sa mga fans ni King James. Sa kabilang banda, hinihiling pa din natin ang kanyang 100% sa susunod na laro. Ang sabi nga ni Tony Parker ng Spurs sa isang presscon,

“I want the AC to come back, I want to play the real Miami Heat, the two-time champs, with LeBron back,” Parker said. “I hope it’s not bad and I hope he’s going to be 100 percent on Sunday. Because as a competitor you want to play against the best.”

Anyway, hindi naman daw talaga ito sadya ng Gatorade, humingi na din naman sila ng paumanhin.

“Our apologies for our response to fans' tweets during [Thursday] night's Heat vs. Spurs game,” Gatorade said in a release. “We got caught up in the heat of the battle. As a longtime partner of the Miami Heat, we support the entire team.”

Well, ang sabi ng Spurs sa isang statement noong Biyernes na maayos na daw ang nasirang AC system at inaasahan na babalik sa normal na kondisyon nito sa Game 2.

Ang Game 2 ay inaasahan sa Linggo, 8 June 2014 tip at 9 p.m. ET sa San Antonio bago lumipat sa  home court ng Miami sa Game 3 sa Martes. 




Lunes, Abril 21, 2014

Buhay Estudyante

Nagmamadali kang sumakay ng jeep. Nakipagsiksikan. Kulang na lang eh sumabit ka sa sasakyan dahil wala ng espasyo para sa malaki mong balakang. 7:50am na kasi at sigurado late ka na naman sa klase mong pang alas-otso.  Iwinasiwas mo ang iyong basang buhok na hindi pa natutuyo dahil sa pagmamadali.  Tumama iyon sa mukha ni ate. Sumimangot.  “Sorry ate.” sabi mo.  Pero ang totoo nyan hindi ka naman nag-aalala kung magagalit sya o hindi dahil mas inaalala mo kung makaka-abot ka pa sa first subject mo. 

Exam day ngayon.  Ngayon nakatakda ang kinabukasan mong pagpasa sa subject na iyon at kung hindi uulitin mo ito ng bonggang-bongga.

Gumamit ka ng taijutsu, ninjutsu, sharinggan, athletic skills, kulam at walis tingting para umabot.

7:59am.  Buzzer beater, nakarating ka din sa pintuan ng classroom mo.

Nagsisimula na ang exam. Lumapit ka sa teacher mong kapatid ni Osama Bin Laden.  Walang sabi-sabi, inabot nya ang test paper mo at iminuwestra ng nguso nya kung saan ka uupo.

Dumiretso ka sa upuan ngunit nag-aalala ka pa din.  Hindi ka kasi nakapag-review dahil napuyat ka sa paglalaro ng ibon na mas malaki pa ang nguso kaysa pakpak.

“Flap flap flap…bagsak.”  Yan ang umaalingawngaw sa kukote mo ngayon.  Sinipat mo ang mga tanong sa test paper. Aba-aba lahat iyon hindi mo alam.

5 minutes… 10 minutes… 15minutes…

Tagaktak na ang iyong pawis.  Tuyo na din ang iyong buhok at magulo na din ito ulit parang kang bagong gising. 30 minutos na ang nakalipas, wala ka pa ding sagot.

Kung mamalasin ka nga naman, binago ng mautak mong guro na kapatid ni Osama Bin Laden ang cheating arrangement.  Iba-iba na ang nararamdaman mo ngayon.  Hindi mo alam kung natatae ka ba o kinukumbulsyon ka na.

Halos lahat ay tahimik.  Maliban sa iyo na balisa at nag-aalala.

Pero hindi ka sumuko. May katabi kang gwapong henyo.  Iginalaw mo ng kaunti ang iyong upuan at pinaiksi ang palda sabay kindat sa kanya at nguso sa test paper.  Ngumiti lang si pogi at nagpaubaya.  Yun nga lang, nahuli ang isa pa nyang katabi na nangongopya kaya inilipat sya.  Ipinalit sa upuan nya ang kapatid ni Chocoleit na hindi naman henyo pero magaling tsumamba.

“Honey, may answers ka na ba? Ako meron. Gusto mo? Isang date lang”

Naisip mong ilang oras na lang ang nalalabi… kaya kahit labag sa kalooban mo, pumayag ka na din.
Ika nga nila, “It’s better to cheat than to repeat”

Larga na.  Kopya dito, kopya doon.  Paspas.

At sa wakas natapos mo din ang pangongopya.  At bago matapos ang oras, tumindig ka at buong yabang at kampante  na ipasa ang iyong test paper.  Pero bago ka pa makarating sa harapan, tumindig din ang kapatid ni Osama Bin Laden.

“Ok class, it’s almost 11:00am na.  Bukas na lang nyo yan ipasa.  No Xerox copy, No erasure. Remember 80% yan ng test na yan sa grade nyo kya i-perfect nyo na!”


Hindi ka nakakibo sa iyong narinig. At tuluyan kang nawalan ng ulirat.

Linggo, Abril 20, 2014

Tingi Culture

Halos matagal-tagal na din pala ako sa Pinas.  Siguro mga nasa dalawang buwan na din. Ibig sabihin halos dalawang buwan na din akong walang trabaho. Walang income, walang pera. Gala, gastos, gastos, gala yan ang tema ko ngayon.  Astang mayaman kahit wala naman.  Astang may pera kahit butas na ang bulsa. Sabihin natin na bilang isang manggagawa sa ibang bansa na hindi naman talaga madali ang umuwi sa Pinas kung wala ka naman talagang limpak-limpak na salaping naipon. Kung meron mang kaunti siguradong ubos din yun kahit sabihin pa natin na mas mura pa din ang bilihin sa Pinas kumpara sa ibang bansa. Pero mura nga ba talaga?

Kung tutuusin ang"tingi" culture na meron tayo dito ang siyang dahilan ng hindi kagandahang asal sa paggasta ni Juan.  Halimbawa, marami sa ating mga kababayan ang mas bibili ng tig-5 pisong pakete ng kape kumpara sa isang pack nito.  Bakit? Dahil sa puntong iyon, yun lang ang meron tayo sa ating bulsa. Hindi lang sa mga gitnang uri ng tao sa Pinas kundi lalo na sa masang isang kahig, isang tuka. Noon pa man, alam na natin ang tinging paminta, asin, vetsin na sa paglipas ng panahon ay naging kultura na. Isang kilong bigas, dalawang stick ng sigarilyo, isang pakete ng noodles, isang tasang kape, 1/8 na kilo ng asukal, 50 sentimos na kendi, 2 pisong fishball, 5 pisong pasa load, 1 sashet ng shampoo, isang sashet ng lotion, facial wash, deodorant at ngayon kalahating tasang kanin (half-rice) at sa susunod magiging batas na daw yan..Wow! Onli in da Pilipins!  Ganito ang kultura sa Pinas, mura ang bilihin sa tinging pamamaraan, yung tipong makaraos lang ang maghapon.  Eh paano naman ang bukas? Syempre tingi ulit.  Kung susumahin, mas malaki ang magagastos mo sa mga tinging nakonsumo kumpara sa bultong nabili.

Kaya nga hindi na din ako nagtataka sa mga OFW na nagbabakasyon na sinasabing masyadong mahal na ang bilihin sa Pinas.  Pero kung ako ang tatanungin, hindi naman talaga mahal, ang totoo nyan napapasarap lang talaga ang iyong paggasta kasi "tingi" nga. Hindi mahal, pero sunod-sunod ang paggasta.

At sa kadahilanang ganito ang kultura sa Pinas, ganito din tayo asintahin ng mga kapitalista at mga negosyante. Ang Nestle, Procter & Gamble, Uniliver, SM… name it. Lahat ng mga yan ay mayaman na dahil sa tinging kultura sa bayan ni Juan. Pero alam mo ba ang masakit? Ganito din kasi tayo asintahin pulitikong lalong nagpapahirap sa kawawang Juan de la Cruz.  Tinging edukasyon, tinging serbisyo medikal, tinging serbisyong pampubliko—mga tinging serbisyo na halos dekada na bago matapos. Mga serbisong kunwari ay totoo, patitikim ka ng kauting sarap. Tikim pa, hanggang sa mahulog ka. Suhol ng kaunting halaga, yari ka!


Tingi-tingi. Mga kalakarang lumilimas sa mga nalalabing piso sa palad ni Juan. 



Martes, Marso 25, 2014

SuperG and BabyG (the reunion?!)

So ganito yun, nagkita na din muli ang mag-ama si SuperG at si BabyG. At alam kong maiingit si WonderG. Well, well ganun talaga, na-miss ka din naman namin eh and we always love you with mwahh! at tsup! tsup!

Nakakatuwa lang, dahil ilang buwan na lang din eh, 2 years young na din si BabyG at hindi lang yun sobrang cute din ang batang bida at kaya nitong talunin ang kasikatan ni WonderG at SuperG.

Ok! Ang real name ni BabyG ay Gelika Bless. Yung Gelika nai-pro-pronounce yan as Je/lai/ka. Sa katunayan, yung Gelika si WonderG ang nakaisip nun. From Angelika yun.  Pero para maging unique ay ginawa namin as Gelika. Yung Bless naman, naisip ko yun.  Kapares ng pangalan ni WonderG na Grace, siya naman ay Blessing.  Kaya nga, itong dalawang ito ang Grasya at Blessing ng buhay ni SuperG. Mary Grace at Gelika Bless.

Katulad ng ilang mga bata, may mga habits at hilig o gusto din si babyG. Simulan ko sa mga hilig o gusto nya. Gusto nya ng banana, jellyace, ketchup, yakult, chocolate, french fries, ice cream, mickey mouse, ball hindi barbie, tablets or mobile phones na touchscreen (kahit hindi marunong), hand sanitisers, at madami pang bagay na alam nyang sa kanya.

Sa habit, habit nyang sumigaw ng daddy! daddy! o kaya naman Mamu Emy! (lola nya ito), minsan naman Mommy gresh (Grace). Medyo hirap pa sa pronunciation eh. Habit din nyang mag-toothbrush pagkatapos kumain pero kailangan sabay kami.  Ang siste hawak nya ang toothbrush ko at hawak ko ang toothbrush nya. Sisipilyuhan ko sya then sya naman ang magsesepilyo ng ngipin ko.  Kaya ayun kulang kulang trenta minutos bago kami matapos.  Ayaw din nyang hindi ako nakasuot ng tsinelas.  Hahanapin nya ang tsinelas ko at bibitbitin bago ibigay sa akin sabay sigaw ng "daddy slippers!".  Paulit-ulit yun, iiyak na sya kung hindi ko susuotin.  Kapag may taong dumating sa bahay, habang kumaikain kami. Sya mismo ang nag-aaya sa bisita na kumain sabay sabing "Lingkod are! (sa bisaya) Eat eat!" Walang magagawa ang bisita kundi lumapit at makikain na lang din. Kung kumakain sya ng kahit ano, lagi syang namimigay.  Kailangan mong kumagat ng konti at susuklian ka nya ng matamis na ngiti hanggang mata sabay sabi ng "lami (masarap sa bisaya)".  Hindi naman pihikan sa pagkain si BabyG, yun nga lang minsan nakakatulog sya habang kumakain.  As in kumakain syang nakapikit ang mata at hindi namin yan sinusubuan, nagagalit yan kung susubuan mo.  Kaya hayaan mo lang sya sa gusto nya, kahit medyo makalat kumain ayus lang basta ubos ang pagkain.  Medyo may kakulitan nga lang ang batang bida. Akyat dito, akyat doon, nang-aaway din ng kalaro pero sabihan mo lang na wag mang-away at love-love lang, ora mismo yayakapin nya ang kalaro at sasabihin na "love love". Kung may mga matandang dumating na bisita agad syang lumalapit at nag-mamano lalo na kung kilala nya ang mga ito. Sa pagtulog naman, parang mommy nya na mahilig isanday ang paa, nakakatulog sya ng mahimbing kapag alam nyang may katabi sya.  Mabilis lang itong patulugin, isang bote lng ng gatas tulog na ito kaso mapapansin mong para itong trumpo sa kakaikot sa higaan bago at habang natutulog.

Kung sa umaga paggising mo, may cute na batang nakatunghay at nakangiti sa'yo sabay sabing "Daddy, morning! ba!" Hay! Sarap ng buhay! Kaya dali mommy, halika muna dito! 


Linggo, Marso 2, 2014

Perlas ng Silangan






From:http://www.philippines-private-discovery.com

At ako'y nagbalik sa bayan ni Juan.
....
...
..
.

Ah. Inangbayan.

Mano po!


Martes, Pebrero 25, 2014

Propesiya at Pilipinas


Ayun, nag-trending na sa facebook at twitter at saan mang dako ng social media ang kwento sa sakit na namayagpag sa Zombieland o kaya naman World War Z.  Gets mo? Ah, hindi mo ba alam? Ito daw yung sakit na nanggaling sa Pangasinan.  Yung sakit na uupos sa buong katawan ng tao. Yung sakit na alanganing leprosy at alanganing psoriasis.  Yung sakit na animo'y pang-Resident Evil? Yung tipong kapareha sa The Return of the Living Dead. Ito daw yung sakit na kumakain ng laman, bubulukin ang buto at mag-mimistula kang patay na buhay. So good news naman di ba? Hindi ka pa naman patay, buhay ka pa naman, mukha lang patay.  So gets mo na ako?

Malamang sa malamang alam mo naman ang tinutukoy ko. Napanood mo yan sa Bandila ng ABS-CBN. Kung hindi naman, sigurado akong dumaan yan sa feeds ng facebook mo o kaya naman sa twitter.  Tapos syempre matatakot ka.  Ang naka-headline ba naman "Misteryosong sakit na tila kumakain umano sa balat at laman ng tao, unti-unting kumakalat sa lalawigan." Yan ang headline, pang-Zombie Apocalypse ang dating.  Tapos babanatan pa ng komento na may kinalaman kaya ito sa prediksyon ng isang Indian noong April 2013.  So kung medyo siraulo ka lang, ibebenta mo na ang ari-arian mo tapos tatakas ka na paalis ng planet Earth.  Sige na nga para magkaintindihan tayo sa sinasabi ko, ito yung video ng clip ng Bandila na tinutukoy ko:


Tapos itong naman ang sabi ng isang Indian ukol sa kapalaran ng Pampanga at sabihin na din natin na kapalaran ng Pilipinas. Ah, si Sadhu Sundar Selvaraj pala yun.  Ito ang sabi nya:




Ayan, o alam nyo na ang tinutukoy ko? Ninenerbyos ka na ba? O baka naman dahil napapadalas lang ang pag-inom natin ng kape.  Ooops, pero teka bakit parang pinag-iinitan nito ang Pilipinas? Propesiya ba ito o yan ang hinihiling nyang mangyari sa Pilipinas?  Ok, ganito kabayan, Yung mga bagyo at baha sa Pinas bagong balita ba ito sa atin?  Yung mga lindol sa Pinas, bagong balita din ba ito sa atin? Hindi. Ilang bagyo ba ang dumadaan sa Pinas taon-taon? Bente-sais kadalasan at depende yun kung may bagong letrang madadagdag sa Alphabet. Eh ang lindol? Depende yun, pero sa dami ng faultline sa Pinas at dahil na rin tayo ay nasa Pacific Rim of Fire. Malamang sa malamang eh, makaranas din tayo ng mga lindol at volcanic eruptions.  Yung tungkol sa sakit paano naman? Ok ganito yan, mahusay ang mga researcher ng ABS-CBN, ikokonect nila yung sinabi ni Sadhu Sundar Selvaraj at tsaka hahanap ng mga taong swak sa deskripsyon ni Sadhu Sundar Selvaraj.  At yun nga, nakahanap sila ng dalawang tao. Swak na yun sa news, more than 1 na eh.

Kung ako ang tatanungin mo, marami naman talagang sakit sa Pinas na noon pa man ay hindi maipaliwanag ng siyensya.  Kung ayaw mong maniwala sa akin, aba eh di itanong mo sa lolo at lola mo.  Alam mo ba yung mga kwento nila tungkol sa mangkukulam at mambabarang? Yung mga biktima nila, minsan pinapalaki ang mga parte ng katawan, minsan pinabubulok din nila ang katawan ng biktikma at napapadala sila ng iba't ibang insekto sa buong katawan. Kung taga-syudad ka alam kong mahirap maniwala pero wag ka ding magtaka kung bakit hanggang sa ngayon ay may mga manggagaway pa at albularyo.

Sa totoo lang walang outbreak sa Pampanga, dalawang isolated cases yun. Yan din ang sabi ng Inquirer.

Katulad ng lagi kong sinasabi, "Wag kang maniwala sa sinabi ng tao, magiging dahilan lang iyon ng iyong pagkabalisa, kalungkutan at pangamba.  Walang nakakaalam ng hinaharap, kahit mga tala o anghel sa kalangitan.  Wala.   Tanging ang Dakilang Lumikha lamang."


Huwebes, Pebrero 20, 2014

Super


tenenenen...tenenen...tenenen...Super Gulaman! Ayun kunyari lumabas na daw ang bida. Balot ng kapang gawa sa plastic cover. Nakasuot ng bodyfit at thights at sabay ipinatong ang damit-panloob na ngayon ay pwede na nating tawaging damit-panlabas. Isang belt na may malaking buckle ng mga titik na S at G ang nakapulupot sa beywang. Meron ding boots na matingkad ang kulay na pwedeng pansugod sa baha sa metro manila at gloves na pwedeng gamitin pangsalo ng baseball. Syempre malupit din ang maskara na sa totoong buhay ay tinatawag itong goggles na ginagamit ng mga maninisid. Ganito umasta ang mga superhero. Pero bakit nga ba Super? Hindi ba pwedeng hero na lang?

Naalala ko yung sinulat ni boss Bob Ong dun sa aklat nyang puti kung paano natin gamitin ang salitang Super! Sabi nya :

Ano ba ang pinagkaiba pag sinabihan ka ng 'thank you' at 'super thank you'? Natutuwa ako pag nakakarinig ng mga dalagitang nagsasabi ng super thank you. Kasi nai-imagine ko na may kapa at special powers ang thank you nila. Pag nag-thank you sa'yo ang ibang tao, thank you lang talaga. Pero pag mga dalagita, it's Sooooooooper Teeengkyooo! ! ! <*TANA-NANAN-TANAN*> 
Di lang yan. Tulad ng Superdog ni Superman, may sidekick ding Super Sorry ang Super Thank You. Tipong pag sinabihan ka ng sorry, pwedeng sumama pa rin ang loob mo. Pero pag sinabihan ka na ng SUPER SORRY, naku-bawal na magtampo! Kasi SUPER na yan. Kasing lakas na yan ng mga paputok na Super Lolo. At kung 'super' pa lang e ganyan na kalakas, hindi mo na gugustuhing malaman pa ang resulta pag dinagdagan pa yan ng 'duper'!

(Bob Ong 2005, Stainless Longganisa)

Tapos, isipin natin ibigay natin ang Super na yan sa mga namumuno sa bansa.  Halimbawa, Super Brgy. Captain, Super Mayor, Super SPO1, Super SPO10 (bibiten-biten), Super General (*tunog brand ng appliances), Super Congressman, Super Senator, Super Vice-President, Super President. Kitam, mga tunog pa lang tipong lagi silang nagliligtas ng bayan at hinding-hindi gagawa ng mga kalokohan.  Kumbaga super-bait nila na lumalagpas na sa earth, super! 

Ikaw kung maririnig mo lang ang mga titulong Brgy. Captain, Mayor, SPO1, SPO10, General, Congressman, Senator, Vice-President, at President, anu ang pumapasok sa isip mo? Hindi ba, parang mga Super Villain lang ang dating? Parang ganito, Super Mangungupit, Super Magnanakaw, Super Sinungaling, Super Sugarol, Super Babaero, Super Ulupong, Super Duper sa kasamaan. 

Kaya kung bibigyan ako ng kapangyarihan, papalitan ko ng pangalan ang mga regular na tawag sa mga posisyon sa Politika at Kapulisan.  Isasama ko na din kaya ang mga regular na titulo at lagyan ng Super tulad ng Super Teacher, Super Driver, Super Student, Super OFW?, Super Engineer, Super Basurero, Super Gay, Super Vice-Ganda, Super-duper Megamall (sobrang laki nito). O kaya naman Super Duper Philippines. Pero hindi ko na papalitan ang salitang supermarket. Super Supermarket? Redundancy.

Kapag ganito na ang sistema. Madali ng makakahanap ng trabaho si Juan. Halimbawa, job interview na.

Interviewer: Name?
Juan: Super Juan sir.
Interviewer: Highest Educational Attainment?
Juan: Sa Super High School po ako graduate. Pero magaling din po ako sa super automotive.
Interviewer: Nationality?
Juan: Super Pinoy po ako.
Interviewer: Gender?
Juan: Super Male po. Lalaking lalaki po ako.
Interviewer: Ummm... do you have any weaknesses?
Juan: Ummm... super wala po.  Kung meron man po siguro isa lang. kryptonite lang.
Interviewer: How about your strengths?
Juan: Strengths? I am super strong sir because I am Super Juan.
Interviewer: What do you know about this job.
Juan: I know everything because I am Super Juan.
Interviewer: Like?
Juan: I super know the mobile number of your wife and your mistress.
Interviewer: You're fucking hired! You can now replace our CEO.
Juan: Super Thank you sir. 

Kitam, ganun lang yun. Sigurado in no time maiibsan na ang lumalalang  problema sa kawalan ng trabaho sa bansa.  So ikaw feel mo bang maging SUPER? 

(*super trip lang...walang pakialamanan..ang kumontra, Super Kontrabida! (at magiging kamukha ni Bella Flores...Peace! ^_^))


Martes, Pebrero 11, 2014

20 Reasons why I like Philippines over UAE

(*Warning: May kahabaan ito so tyaga-tyaga lang)

Mahigit sa dalawang taon na din ang nakalilipas mula ng iwan ko ang "Perlas ng Silangan", ang Pilipinas upang tumungo sa disyerto ng mga Arabo, sa UAE at dito ay magtrabaho kapiling ang kabiyak ng aking puso. Sa maikling panahon na ito, medyo nasanay na din ako sa takbo ng pamumuhay dito sa kabilang ibayo.  Sa umpisa medyo maninibago ka at maikukumpara mo talaga ang bayang pinagmulan. Totoong maayos ang lugar na ito kumpara sa lugar na aking pinagmulan.  Dito ay:

1. Walang trapik na kasing-bagal ng nasa Pinas.
2. Walang carnapping dahil maayos ang rehistro ng mga sasakyan at madaling mahuhuli ang carnapper dahil sa husay ng kanilang tracking devices.
3. Panatag kang makakagamit ng mamahaling mobile phone sa kalye. Walang snatcher.
4. Marunong sumunod ng traffic rules ang mga driver. Hindi garapalan ang pag-overtake, pag-agaw ng linya. Kung one-way, one way talaga. Alam nila ang priority way. May sariling babaan at sakayan para sa mga bus. Hindi ito hihinto sa mwestra ng katok mo o palahaw mo ng "para".  Ibababa ka nya sa nakatakdang babaan.
5. Batas na sinusunod ang tamang tawiran at ang labor law.
6. Walang "kotong" cops dito at ang mga pulis ay iginagalang ng mamamayan.
7. Bawal ang mag-ingay. Bawal ang Videoke.
8. Bawal magsuot ng mga damit na kita ang kaluluwa.
9. Bawal ang lasing na gagala-gala sa kalsada. Bawal ang walang damit-pang-itaas. Bawal ang askal at kahit pusakal.
10. Bawal ang baboy at alak sa regular na pamilihan. Dun ka kumuha sa Filipino Supermarket.
11. Walang tax. No BIR.
12. Bawal gamitin ang bulok na sasakyan. No smoke belching. Pero ang shisha ayos lang.
13. Bawal ang taong grasa. Pero pwedeng maging mabaho na kasing baho ng patay.
14. Bawal ang squatter.  Hindi kakayanin ng barong-barong ang sobrang init o lamig ng lugar na ito.
15. Maluwag ang kalsada.  Maayos ang urban planning. Yun nga lang, magkamali ka lang ng isang liko, ang layo ng babalikan mo. Aksayado sa gasolina pero ayos lang dahil mas mura pa ang gasolina kaysa sa tubig na iinumin mo.
16. Walang corrupt na pulitiko dahil hari ang pumipili ng mga tao nya.  Pwede ang palakasan, legal yun.  Political dynasty, normal din naman.
17. Hindi priority ang showbiz at chismis.  Hindi din priority ang mga teleserye at news. Priority ang magkaroon ng trabaho na malaki ang kita.
18. Walang almusal, tanghalian at hapunan.  Kumain ka kung kelan mo gustong kumain.
19. Isa lang ang basehan ng oras. Kung 12:00am, 12am yun.  Hindi yun, 12:01am, 12:05. As in sakto.
20. Walang tinging shampoo.

Sa Pinas naman,
1.  Trapik nga.  Wala itong katulad sa universe.  Maraming mga dayuhan na gustong subukan ang trapik sa Pinas lalo na sa Maynila.  Isa itong experience na hindi malilimutan. Kung masubukan mo ito, masasama ka sa Guiness.
2.  Talamak ang carnapping. Kapag nawala ang sasakyan mo, wag ka ng umasang babalik pa ito.  Isipin mo na lang, mas mabuti ang nagbibigay kaysa binibigyan. Dito matututo kang maging mapagbigay.
3.  Aligaga ka sa mga sumisipat sa mga gadgets mo. Baka isa dyan ay holdaper o snatcher.  Dito mo masusubukan ang iyong mga itinatagong abilidad. Karate. Use of all senses, sama mo na ang sixth sense, running skills, reflexes at defense mechanism.
4. Matututo kang maging creative at ma-eenhance mo ang decision making mo lalo na sa pagtawid sa mo kalsada. Kung magkamali ka ng pagtawid, patay ka kay manong driver. Kung makalusot ka naman, sabihin mo, "Fu** u ka!". So ang na-practice mo ay Freedom of Speech.
5. Walang labor law sa Pinas, kung ayaw mong pumasok AWOL na lang.  Tambay na lang muna, relax ka pa. Ang sabi nga ni Tado, "Di bale ng tamad, hindi naman pagod"
6.  Maraming kotong cops sa Pinas. Kailangan mo lang naman ay galing ng pagpapalusot. Mahahasa ang iyong mental skills at lying skills.
7.  Pwede sa pinas ang videoke. Dito nagmula ang mga sikat na mang-aawit sa Pinas. At ang dahilan kung bakit maraming namamatay sa kantang "My Way".
8.  Damit na kita ang kaluluwa ay ayos lang. Mas maiksi, mas bongga. So dito ma-eenhance ang fashion skills mo.
9.  Kaliwa't kanan maraming lasing, maraming aso, at maraming pusa. Marami ding daga, ahas, ipis at iba't ibang insekto. Galingan mo lang sa pag-iwas, ayos lang sa Pinas.  So again, magagamit mo naman ang Karate. Use of all senses, sama mo na ang sixth sense, running skills, reflexes at defense mechanism.
10. Dito lahat pwede. Pwede ang alak at baboy.  Basta hinay-hinay lang, may ngiti lagi ang buhay.
11. Maraming tax. VAT, e-VAT, tax-i, tax-ikel, thumb-tax, shoe-tax. Joke lang. Pero syempre kawawa naman ang mga ganid nating Politicians kung wala nyan. Wala na tayong mapagkwe-kwentuhan tulad ng kwento nila Napoles.
12. Meron tayong mga improvised cars, bulok na cars at syempre smoke belching...patok yan sa syudad ng kamaynilaan. At dahil dyan, natututo tayong maging aware sa kalagayan ng ating mga baga. 
13. Ayos lang ang maging madumi, pero hindi ang maging mabaho.  Dahil sa totoo lang, ang mga pulitiko sa Pinas, ay malinis ang panlabas na kaanyuan, mabaho naman ang katauhan.
14. Madaming squatters. Mga professional squatters.  Hindi ito mawawala kahit anong klima pa ang meron sa Pinas. Kahit may bagyo o sunog, muli silang magtatayo ng barong-barong.  Sinanay kasi ng gobyerno at niyakap ang ugaling pagiging "matiisin".  Ayun nasanay na sa pagtitiis kaya hindi na umalis.
15. Magulo ang kalye ng Maynila at mga kalapit na lungsod. Pero wag kang mag-alala, ang abilidad ng mga driver sa Pinas ay walang katulad. Ang nasa utak nila, kung magulang kayo, mas magulang ako!
16. Maraming corrupt sa Pinas. Hindi ito ang Pinas kung walang corrupt.  Kultura na daw ito at mawawalang tayo ng pag-uusapan kung wala na sila dyan.
17. Ayos lang ang tambay basta may baon kang chismis sa inuman.
18. Maraming oras ang pagkain. Almusal, tanghalian, hapunan at maraming merienda. Mas mabilis magutom ang mga walang trabaho.
19. Meron tayong Filipino Time.  Laging late, laging trapik, laging may palusot. Laging may paraan.  Tama ang kasabihang, "Kapag gusto may paraan, kapag ayaw may dahilan". 
20. Maraming "tingi". Tinging shampoo, yosi, noodles, toothpaste, asukal, bigas, name it. Swak na swak din ito sa budget mong "tingi" na kadalasan kung hindi kulang, galing ito sa utang.

Sa kabila ng mga nabanggit ko sa itaas, mahal ko pa din ang Pinas.  "No place like home" ika nga nila.  Hindi mapapalitan ng maayos na kalunsuran ang saya, kultura at karanasang sa Pinas mo lang malalasap.  

Buksan!

Iba pang Kwento!

....langit.lupa.impyerno.... ...Wanted Real Pinoy... #itsmorefuninthephilippines #NBAFinals2014 20 Reasons why I like Philippines over UAE 2010 Philippine Election Inital Results 2010 Philippine Election Initial Results [Latest] 2016 3:06pm A Kish to Remember A Message from Mark Zuckerberg to Philippine users of Facebook Abu dhabi adik [dahil] sa'yo after 15 years after 45 days after 7 years...0307 becomes 0614 agosto para sa pilipino aheks akalain mo yun ako ako ito ako ito 1 ako ito 2 ako ito 3 alaala ng nakalipas albularyo alibata All Saint's Day All Soul's Day alyssa bernal Alyssa Bernal (part 2) an act of love Andrea Corr's State of Independence Anime ano daw? ano na ano sa palagay mo? ang pagbabalik ang panyo ang tunay na siga apila para sa masa aswan (bilang isa) Aurora Award babae babae ka lalaki ako babae sa jeep babalik ka din BabyG back to work Bago ito Bagong Bayani BagongBayani balanse baliktad ba? baliw batas ng tao bidaman Big Job Billy Crawford bilog o tatsulok blogging tips 101 (for pinoy bloggers) bored brick buhay buhay mo buhay ko buhay nating lahat Buhay OFW: Pangarap sa mga Sulok ng Kahon; OFW Buhay sa Dubai (From Writer-Researcher to Toshiba Promoter) Bukang-Liwayway bungo at buto Change is Coming chess Chip Tsao Coleen Garcia college contest Cory Aquino dies couple Crucifixion dalaw dalawang daan siyamnapu't apat na araw day-off Department of Tourism desisyon destinasyon Digong dos Duality Dubai Dupe Tara Lakad Tayo Duterte EASY $5 GIVEAWAY Endorsers??? etiquette etong sa'yo...raygun exam day Exit Eye Test? Malabo na ba ang iyong mata? facebook Facebook (Pesbuk) facebook user FAQ's first time mo? firsttime flesh-eating disease Fliptop Friendship from facebook fun Funny Exam Answers game Game 1 Game 3 Gatorade Gelika Bless gintuang sundang global warming a warning? google payout guro gusto mong mamatay? halimaw hanggang Happy Father's Day happy hatchday Heat vs. Spurs hiatus higante Hikab muli ako. Tunganga History of Super Gulaman Hoi Hoi HyperPanda Babies and others i love this day i love you ibigay ang hilig ikalawang ginto imahinasyon immigration Inang OFW Indian Init Introducing: Ang Anak ni SuperGulaman Iran isang madugong labanan isang malaking pagbabago isang pagbabalik tanaw isang pasasalamat isang sulyap sa kahapon kasalukuyan at hinaharap It's more fun in the Philippines ITCHY jeepney Job Hunting tips juan kalaro kaliwa kanan kalma lang boss kalsadang mabato Kapalaran Ayon sa Galaw ng Kalawakan (Ophiuchus) kape sa tanghali Kapitan Sino? kasinungalingang mapanlinlang katapatan katinuan katinuan...gustong magpakilala katotohanan Kawhi Leonard kisame Kish kulay kuro-kuro sa bayan ni juan laro laro tayo Learning Japanese (for pinoy) lebron james life Life is a Piece of Cake Ligo na U Lapit na Me lilok (complete) lilok 1 lilok 2 lilok: ang pagpapatuloy [1] lilok: ang pagpapatuloy [2] lilok: ang pagpapatuloy [3] lilok: ang pagwawakas limang minuto...3 miskols...ang umaga ni supergulaman Link Exchange and Other Concerns love lunes mag-enjoy kay enjoy magdasal daw twing umaga sabi ng grasya mahika ng mga kulay Makulay na Paglalaro ng mga Salita malungkot masaya mataba payat Manny "Pacman" Pacquiao Vs Antonio Margarito mapalad ka.. ikaw mapalad silang wala sa katinuan mcarthur mensahe mga hindi dapat gawin sa facebook minsan lang mismo Mmm Sarap modelo musika at ganda naaalala mo pa ba? NAIA NAIA' firsttime NBA All Stars VS Smart Gilas (Philippines) NBA Finals NBA Finals 2014 new design Nonito Donaire Knocks Out Fernando Montiel numero OFW ouch our life Pa-digits Digits Pa Kasi pag-uuri Panahon na Naman [ng Pag-ibig?] Pananabik sa Tag-init Pangasinan pangpasaya Para patay na nabuhay peace be w/ you pelikula Philippine Grand Lotto 6/55 Pilipinas Pilipinas: Sa Pagkakakilanlan Pinoy Version of some Hollywood Movies please help praning Prayer in Mathematics Propesiya at Pilipinas Prophecy Proud to be Pinoy punto ko punto mo Puso ng mga Halimaw Puting Damit Rapido Vs Smugglaz real name regalo Reproductive Health Bill REULEAUX TRIANGLE: ROLLING TRIANGLES Rubber Sadhu Sundar Selvaraj salamat salamat kaibigan sampung taon sayang school Selda Uno Dise Otso seryosong usapan showtime Si Mara at Pamela siga o adik silbi simbulo sino ang tamad? Sino si Santa Claus? sintang paaralan Sistema ng Numero Sistema ng Tao skin makati SONA 2011 TRAFFIC RE-ROUTING SCHEME and MORE sorpresa streetfight Stretch Marks subic sulat kamay Sumusungaw na Chatbox Super Super G sa PBB? super G turning super busy Super Gulaman sa Bayan ng mga Arabo (Part 1) Super Gulaman sa Bayan ng mga Arabo (Part 2) supernatural tagapagpalaganap ng pag-ibig tamang trip tamang trip (ikalawang pasabog) Tanong Ko Sagot Mo tanong lang tao tao tao saan ka gawa? tatsulok tayo... The 2010 Oscar Winners The BENEFITS of SEX The Five Love Languages the golden rule the reunion The True Story of Manny "Pacman" Pacquiao thursday time for sale Time Travel Times of Your Life Tingi Culture Toshiba Toshiba Champs Toshiba’s Wet and Wild Adventure in Atlantis Trabaho ba ang hanap mo? Twitter UAE UFC Ulam at Kanin uri ng mundo usapang buhay Usapang ChikenJoy usapang itlog at manok usapang kadiri usapang kadiri (Part 2) wala wala akong medyas wala lang wala naman kaming napala walong palakaibigang adik warm-up when SuperG meets BabyG who are your customers? WiFi Won over Antonio Margarito world peace Zamboanga del Sur
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...