Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Setyembre, 2014

Pilipinas: Sa Pagkakakilanlan

Pilipinas.  Ah, dyan ako nakatira.  Dyan din ako pinanganak.  Dyan din hinulma ang minsang magulo, makulit, at makulay kong pagkatao. Pero alam mo ba na ang opisyal na pangalan ng Pilipinas ay "The Republic of the Philippines"  ? Oo? Ako din, yan din ang sa pagkakaalam ko. Base sa pakakakaalam ko, ang Pilipinas ay binubuo ng mahigit sa pitong libong mga isla. Ang sabi sa tsismis 7,107 daw yun.  Pero kung si Ms. Charlene Gonzales ang tatanungin mo, nakadepende daw yung yun kung high tide o low tide. Noong nasa bansa ako ng mga Arabo, maraming nagtatanong sa akin kung taga-saan daw ako.   Madalas kasi napagkakamalan nila akong taga-Nepal, taga-India, at kung mamalasin naman taga-Sudan daw ako. WTF!  Pero tumutugon lang ako ng "I'm from the Philippines". Tapos nakangiti silang nagre-react na parang nakakaloko. "Ah, Philipini, from Philippine". Langyang buhay 'to, sinabi ko na ngang "The Philippines" eh. Philippine. Philippine pa din ang

Inang OFW

OFW. Overseas Filipino Worker.  Tinaguriang bagong bayani ng bansa.  Mga Pilipinong sumasalba sa papalubog na ekonomiya ng Pilipinas.  Tunay ngang hindi matatawaran ang kontribusyon nila sa pagpapanatiling buhay ng naghihingalong buhay sa bayan ni Juan.  Ganito ang mga OFW. Matinding sakripisyo ang kanilang tinitiis upang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga pamilya. Hindi nila alintana ang hirap ng pagkakawalay sa mga mahal sa buhay. Ang hirap at pagtitiis sa pagtratrabaho sa dayuhang bansa.  Ang pananabik sa mga mahal sa buhay lalo na sa tuwing dumarating ang taunang bakasyon at muling pagkalungkot sa tuwing lilisanin ang Pilipinas.  Mahirap ang maging bayaning OFW.  Ngunit mas mahirap ang maging inang OFW.  Dahil sa iyong paglisan hindi mo alam kung mahal ka pa din ba ng anak mo.  Dahil hindi mo alam na baka sa Skype ka nya lang kilala.  At dahil hindi mo alam kung napapalaki ba ng tama ang anak mo. Dahil hindi ka nya nakakasama sa mga espesyal na araw nya. Dahil hindi