Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Marso, 2016

Life is a Piece of Cake

Update.  Hindi ko alam kung hanggang kailan mawawala ang site na ito.  Matagal na din ang panahon na hindi ko na binayaran ang domain na ito.  Kung sakali man na mawala na ito, inyo pa din nman matutungahayan ang aking mga kwento sa www.supergulaman.blogspot.com .  So parang ganun din.  Sa totoo lang, hindi ko na gaanong napagtutuunan ng pansin ang blogging.   Tinatamad? Siguro.  Walang bagong kwento? Siguro. Ngunit kung kwento lang naman, sa palagay ko, ang araw-araw na nangyayari sa akin ay sapat na para maging kwento ko sa inyo pero mas pinili ko na yata ang maging pribado at maging abala sa paggawa ng ilang bagay na sa aking palagay ay hindi naman interesante para sa mambabasa.  Yun ang sa palagay ko. ☺~~~~~~~~~☺~~~~~~~~~☺ Life. Apat na letra sa ingles.  Limang letra sa tagalog.  Napaka-simple, mabilis lang at ika nga nila pansamantala lang. Pero totoo naman hindi ba?  Sa katunayan, ikaw na bumabasa nito ay hindi na din magtatagal sabihin natin pagkalipas ng d