Martes, Disyembre 21, 2010

...Sumusungaw na Chatbox...

Merry Christmas madlang people!...dahil sa medyo madami-dami na din ang humihiling kung paano ko ginawa ang....nagtatagong CHATBOX sa gilid ---->>>

...hindi na sya nagtatago ngayon dahil tinuro ko na... ahahaha...akin pong ibabahagi sa inyo ang codes... ayan...ito na po sya...simple lang po ang gagawin...una, i-copy-paste lang ang code sa baba sa  inyong HTML/Javascript Gadget (Design--Page Elements--Add Gadget---HTML/Javascript)..... pangalawa, i-edit ang mga kulay dilaw (yellow) na tinta na nasa codes batay na din sa inyong panlasa... at pagkatapos nun.. presto may nagtatagong Chatbox ka na... :)



<style type="text/css">
#gb{
position:fixed;
top:150px;
z-index:+1000;
}
* html #gb{position:relative;}

.gbtab{
height:300px;
width:40px;
float:left;
cursor:pointer;
background:url('http://i104.photobucket.com/albums/m193/bhoyet31/chatbox-3.jpg') no-repeat;
}
.gbcontent{
float:left;
border:2px solid #000000;
background:#000000;
padding:10px;
}
</style>

<script type="text/javascript">
function showHideGB(){
var gb = document.getElementById("gb");
var w = gb.offsetWidth;
gb.opened ? moveGB(0, 30-w) : moveGB(20-w, 0);
gb.opened = !gb.opened;
}
function moveGB(x0, xf){
var gb = document.getElementById("gb");
var dx = Math.abs(x0-xf) > 10 ? 5 : 1;
var dir = xf>x0 ? 1 : -1;
var x = x0 + dx * dir;
gb.style.right = x.toString() + "px";
if(x0!=xf){setTimeout("moveGB("+x+", "+xf+")", 10);}
}
</script>

<div id="gb">

<div class="gbtab" onclick="showHideGB()"> </div>

<div class="gbcontent">

<center><!-- BEGIN CBOX - www.cbox.ws - v001 -->
<div id="cboxdiv" style="text-align: center; line-height: 0">
<div><iframe frameborder="0" marginheight="2" marginwidth="2" height="250" src="http://www4.cbox.ws/box/?boxid=3589321&boxtag=7103&sec=main" id="cboxmain" scrolling="auto" style="border:#0000FF 1px solid;" width="150" allowtransparency="yes" name="cboxmain"></iframe></div>
<div><iframe frameborder="0" marginheight="2" marginwidth="2" height="75" src="http://www4.cbox.ws/box/?boxid=3589321&boxtag=7103&sec=form" id="cboxform" scrolling="no" style="border:#0000FF 1px solid;border-top:0px" width="150" allowtransparency="yes" name="cboxform"></iframe></div>
</div>
<!-- END CBOX --></center><br /><br />


</div>


<script type="text/javascript">
var gb = document.getElementById("gb");
gb.style.right = (30-gb.offsetWidth).toString() + "px";
</script></div>

Lunes, Disyembre 20, 2010

Sino si Santa Claus?

bilang panimula..hayaan ninyo muna na batiin ko kayo ng... Maligayang Pasko! at bilang paghahanda sa kapaskuhang ito at epekto na din siguro ng aking medyo mahaba-habang bakasyon...pinagtripan ko ang mga kakulitan ng mga bata dito sa amin... pinilit kong pinaniniwala sila na hindi matutuloy ang Pasko...dahil may ubo't sipon si Santa Claus...nilamig kasi sya sa north pole... ooooppsss...oo nga pala kilala mo ba si Santa Claus? 99.9% na sure ako na kilala mo nga siya...ei si John the Baptist kilala mo? siguro medyo medyo lang ang sagot mo ano?...sino ang mas kilala mo si Santa Claus o si John the Baptist? Naniniwala ka ba na totoo si Santa Claus? Kung kilala mo si John the Baptist, naniniwala ka ba na totoo siya?

noong bata pa ako, nagsasabit tlaga ako ng pulang medyas sa may Christmas tree, bintana o kaya'y sa may pintuan namin tuwing araw ng pasko, naniniwala na lalagyan iyon ng mga kendi at laruan ni Santa Claus..pero nawala ang paniniwalang iyon ng mahuli ko ang salarin, ang tatay ko...huli ka!...ang totoo nyan halos 90% ng mga batang pilipino na may edad 6 pababa ay naniniwala kay Santa Claus...anak ng tokwa nasama pa ako doon dati...

pero sino nga ba si Santa Claus? anu nga ba siya...babae o lalaki? kung lalaki bakit santa?..yan ang mga kabalbalang tanong ko noon..obyus naman na lalaki si Santa, may balbas kaya sya...malaki lng yung tiyan pero hindi yun buntis...kinain nya yung mga batang hindi naniniwala sa pasko..awoooooo....ahehehe...isa yan sa mga script ko sa panloloko sa mga bata dito sa amin...

ok seryoso na tayo..si Santa Claus daw ay kilala din bilang si St. Nicolas...so kung sya si St. Nicolas...ibig sabihin hindi sya taga-north pole...taga-Turkey sya...ang sabi sa chismis si St. Nicolas daw masyadong maawain sa mahihirap lalo na sa mga bata..sa katunayan bumili sya tatlong batang babae noon...sabihin na nating nagbigay ng kapalit na pera sa mga magulang ng tatlong babae upang hindi ito masadlak sa prostitusyon...di ba ang bait nga nya... ganyan lang talaga ang totoong Santa Claus sa paniniwala ng isang Katoliko noon...pero ayun na nga ang daming mga nabago at iyon ay dahil sa impluwensya ng iba't ibang relihiyon at sektor... ang isa sa pinakamalaking nakaimpluwensya ay ang America...dahil sa Americanization, halos sa buong dako ng mundo ay naniwala na si Santa ay may malaking tyan, may balabas, kulay pula ang costume, nakatira sa north pole at simbulo ng Coca-Cola...kaya mga tsong wag kayong magtaka kung bakit walang altar si Santa Claus sa simbahan nyo khit ngayon ay pasko...Sabi nga ni Father last week, "hindi simbulo ng Pasko si Santa Claus"... para sa akin tama siya doon... pero para maliwanag, wala akong galit kay Santa Claus, sa Coca-Cola o sa America... ngunit gusto ko lng ipakita sa mga batang ito at sa buong madla na dapat mas kilala natin ang tunay na may selebrasyon sa araw na iyon...Christmas is not only about gift giving, it is about the birth of Jesus Christ...it is about the love of God....kung si Santa Claus ang naging instrumento na pasko bakit hindi na lang si John the Baptist ang pinasikat...siya naman talaga ang unang nagpayag ng pagdating ni Jesus sa mundo...alam natin na mapagbigay si Santa Claus, pero bakit hindi na lng ang "tatlong haring mago" ang pumalit sa kanya...

ang bawat bagay na ating makikita sa araw ng Pasko ay may kalakip na kahulugan... ngunit inalis na natin ang mahahalagang simbulo ng yumakap na tayo sa kultura ng Amerika...ang pagpapayag ng pagdating ni Jesus ay kinuha na ni Santa Claus na dapat sana ay kay John the Baptist...ang pagbibigayan na dapat ay sinisimbulo ng tatlong haring mago ay kinuha na din ni Santa...ang aking punto, mag-isip ng mabuti bago sundan ang nakararami...madalas mahilig tayong sumunod sa uso..nawawala na ang mga bagay na totoo...lagi na lang tayong tumitingin sa mga alternatibo..hindi natin namamalayan na iyon ay bahagi ng isang negosyo....

Kunsabagay ang Pasko ay hindi tungkol sa mga simbulo.... nasa pag-alaala ito sa pagdating ni Kristo at mabuting puso na ibinabahagi sa kapwa tao...Maligayang Pasko!

note: ito ay opinyon ko lamang...kung gusto mong kumontra... sige lang... :)

Sabado, Disyembre 11, 2010

Wanted Real Pinoy!

Wanted Real Pinoy!

^_^: Pinoy ka nga ba?
0_0: Oo naman, sa isip, sa salita, at sa gawa.
^_^: Eh paano naman sa kultura, Pilipino ka nga ba?
0_0: Oo naman, ang kulit mo.
^_^: Anong alam mo sa kultura ng Pinoy?
0_0: Madami, tulad ng paggamit ng po at opo, pagsasalita ng Tagalog.... ummmmm, ano pa nga ba?...ummmm wala na akong maisip pero madami pa.
^_^: Ganyan pala ang madami, po at opo at Tagalog lang ang alam.

Ikaw? Ano pa nga ba ang alam mo sa kulturang Pinoy o Pilipino? Ang tunay na tatak Pilipino?

Matagal na din ang panahong lumilipas mula ng sakupin ang Pilipinas ng iba't ibang dayuhan... at kasabay ng mga pananakop na iyon, patuloy na nagbabago ang kulturang Pilipino ayon na din sa mga impluwensyang ito.... Kung mawawala ang mga impluwensyang iyon...may pagbangon at pagbabago pa ba sa Pilipinas?

Simulan natin ang kultura ng bansang Hapon. Kung mawawala ang kulturang Hapon sa bansa, paano na ang mga kabataang adik kay Voltes V, Naruto, Ichigo, Luffy, at iba pang-anime? Malulungkot na din ang mga parokyano ng Japanese Restaurant na mahilig sa Sushi, Sashimi, Teriyaki, Tempura. Ipagbabawal na din ang mga Japayuki kasabay ng pagkawala ng mga makabagong teknolohiya mula sa Japan. Buburahin na din sa ala-ala ng mga 80s at 90s babies ang mga paborito nilang Super Sentai tulad ng Shaider, Maskman, Bioman, at marami pang iba...

Kung mawawala naman ang kultura ng Espanya sa bansa, tuluyan ng mawawala ang simbahan, wala ng simbang gabi, wala ng tong-its, wala ng sabong... kasabay din nito ang pagkawala ng mga deboto ng mga santo... hindi na din mauuso ang fiesta na kadalasang nakaayon sa patron ng bayan...wala na...wala na... bukod dito marami na din na salita sa Wikang Filipino ang mawawala tulad ng papel, mundo, Enero, Pebrero, Marso at hanggang Disyembre yan... mawawala na din ang siesta hour... hindi na din mauuso ang Mañana Habit....wala ng mag-kakatulong na dati rating nagmula sa kultura ng pang-aalipin... wala na din ang mangungumpisal na dating ginagawa upang malaman ang galaw at uri ng pamumuhay ng Pinoy noon... hindi na din mauuso ang kasal pati ang pagbibinyag sa simbahan...mawawala na din ang mga Padre Damaso ng Pilipinas, mga Paring nakikialam sa pamamalakad ng bansa... Mag-iiba na din ang pangalan ng Pilipinas na orihinal na nagmula sa pangalan ng hari ng Espanya...

Kung ang kultura naman ng bansang Amerika ang mawawala...may epekto kaya ito sa bansa?...Una, magsasara na ang mga callcenter na ang pangunahing lengguwahe ay Ingles... wala na din Fil-Am Friendship Day... hindi mo na makikilala sina Lady Gaga, Beyonce, Jay-Z...malulungkot na din ang mga kabataang nahuhumaling kina Spiderman, Batman at ang buong Marvel..isama na din natin ang Glee...isama na din natin sina Bella at Edward ng Twilight... hindi na natin malalaman ang lasa ng chocolote...hindi mo na pwedeng gamitin ang salitang "imported"...mawawala na din ang parokyano ng mga kapihang animo'y lasang kendi ang mga tinitindang kape...mababawasan na din ang obese ng bansa na nahumaling burger at pizza.. Hindi na tayo maapektuhan ng pag-bagsak o pag-angat ng piso kontra dolyar... hindi na din ako siguro magtatanong kung bakit panay Ingles ang mga aklat na nakalagay sa Filipiñana Section ng mga library at maging sa Philippine Publications na nakalagay sa bilihan ng mga aklat...kung sabagay ang titulong "Philippine Publications" ay nasa wikang Ingles din... at hindi na din makikila si Uncle Sam na bata pa lang ako ay ninais ko ng makilala...

Kung ang kultura naman bansang Tsina ang mawawala sa Pilipinas, pihadong malulungkot ang mga mamimili at negosyante sa divisoria... malulungkot na din ang mga tumatangkilik sa mga piniratang DVDs at VCDs... magiging matamlay na din transakyon ng mga sindikato ng Chinese at Hong Kong Triad... pero matutuwa naman ang mga pusa dahil hindi na sila maipapalaman sa mga Siopao... babagsak na din ang negosyo ng Ma Mon Luk at Chowking... hindi na din natin mapapanood sina Jet Li, Bruce Lee at Jacky Chan...malulungkot na tayo dahil hindi na din natin masisilayan ang alindog nina Zhang Ziyi at Shu Qi... mababawasan na din ang mga produkto ng pampayat at iba't ibang food supplement... at sa panahon ng delubyo tulad ng nakalipas na Ondoy, hindi na din tayo makakakita ng mga noodles sa donation box...maraming Pilipinong mahihirap na din ang mamamatay dahil aalisin na sa kanila ang pambansang pagkain-- ang noodles...

Nakakalungkot isipin na halos lahat ng kulturang meron mga Pilipino ay kinain na ng kulturang dayuhan.... Hindi man natin aminin lugmok na tayo sa kanilang impluwensya.... Pero may magagawa ka pa ba? Hindi ko sinasabing bumalik ka sa panahon ng lumang bato, gumamit ng bato sa pagpapaningas ng apoy...magsulat gamit ang alibata... mag-araro kasama si Kalakian... o alisin ang mga computer at bagkus magsulat sa dahon at bato...

ngunit sana nga lang hindi mawaglit sa ating isipan at puso ang ating pinagmulan.. Pilipino tayo, ikaw at ako... sa dami ng kaalaman nakuha natin sa iba't ibang dayuhan... ikaw na "Pinili" at "Pinino".. Oo, ikaw Pilipino...tangan mo na ang galing ng mundo... alisin na ang pagiging makasarili at ihandog sa bayan mo ang buo mong talento...

bakit nga ba hindi umuunlad ang Pilipinas? hindi naman kulang ang Pilipinas sa talento at galing...maging sa yaman ng kalikasan ay sagana din... hindi din siguro ito dahil sa Pulitika ng bansa, hindi din sa kultura na namana sa mga banyaga... alam mo kung ano ang kulang?... Ang "pagmamahal" sa bansang kung saan ka nagmula...ang bansang "Pinili" at "Pinitas"...---ang Pilipinas.

Huwebes, Disyembre 2, 2010

...Time Travel...

Time travel, posible nga ba? Taong 1895 ng isulat ni H.G. Wells sa kanyang nobela ang pagkakalikha ng isang makinang may kakayahang makapaglakbay sa nakalipas at hinaharap na panahon. At ang nobelang ito din ang naging dahilan sa pagbuo ng mga pelikulang "The Time Machine" noong 1960 at 2002. At dahil na din sa mga ideyang ito, maraming eksperimento at siyentipkong pag-aanalisa ang ginawa upang maipaliwanag ang posibleng pagkakalikha ng "Time Machine".  Iba-iba din ang naging reaksyon ng mga relihiyon ukol dito at ilan sa kanila ang nagsasabing posibleng mangyari ito batay na din sa turo at kwento ng mga relihiyon.

Siguro pamilyar na din kayo sa teorya ni Albert Einstein ukol sa "speed of light" o ang "Theory of Relativity". at ang kinalaman nito sa time travel.  Sinabing ang tumbasang (equation) E = mc2 na mas kilala din sa taguri na "mass-energy equivalence" na sinasabing ang bilang ng enerhiya (energy) ng isang bagay ay maaring madetermina batay na din sa bilang ng kanyang "mass" at "speed of light (c)". Sa pormulang E = mc2 ang "E" ay ang energy, ang "m" ay ang mass at ang "c" ay ang speed of light. Batay na din sa mga experimentong ginawa, sinasabi ni Einstein na posibleng gawing Energy ang Mass ng isang bagay sa pamamagitan ng prosesong kung tawagin ay "Annihilation" na mangyayari lamang kung ang bagay (matter) ay maihahalo sa kanyang katugmang "anti-matter". Ang "anti-matter" ay maaaring magawa sa mga laboratoryo na kung saan kaya nitong siraan ang bagay ng ilang sandali lamang.  Ang reakyson sa pagitan ng matter at anti-matter na kung kung tawagin ay Annihilation ay nagreresulta sa pambihirang enerhiya.  Pinatunayan ito sa pagkakalikha ng "Atomic Bomb" at ang pormulang E = mc2 ay kayang idetermina ang lakas ng Enerhiya batay na din sa Mass ng protons na nasa "Atomic Bomb".

Eh ano naman ang kinalaman ng E = mc2 sa time travel? Kung ating babalikan ang nilalaman ng mga pormulang ito, nakakabit dito ang speed of light na  may bilis na 299,792,458 metres per second (approximately 186,282 miles per second). Na nangangahulugan din na ang paglalakbay sa ganitong bilis ay makaramdam ng kakaibang pagbabago sa oras. Sa katunayan ang mga pilotong naglalakbay sa himpapawid na wala pa nga sa bilis ng liwanag ay nakakaramdam na ng kakaibang pagbabago sa oras.  Sinasabing kung magagawa lamang natin na makapaglakbay sa bilis o ng mas mabilis pa sa liwanag ay magagawa din nating makapaglakbay sa iba't ibang panahon.

Pero posible nga ba?  Hindi ko alam. Kung magagawa man natin iyon, magkakaroon na ng malaking pagbabago sa sangkatauhan.  Sabihin natin na makapaglalakbay tayo sa hinaharap. Sabihin nating pumasyal tayo sa taong 2020.  Sa panahong ito, posible nating makita ang ating sarili 10 years from now.  Pero posibleng hindi din ito tayo. Bakit? Nagbabago kasi ang ating hinaharap batay sa ginagawa natin.  Nagbabago ang ating hinaharap batay na din sa desisyon natin sa buhay.  May malaking pagkakaiba sa  hinaharap ang  desiyon mong basahin o hindi basahin ang blog na ito.  Bakit? May oras kasing nasayang o hindi nasayang. Nangangahulugan lang din na posibleng magkaroon ng tinatwag na "Parallel Worlds or Parallel Universe". Kung napanood mo na ang pelikulang "The One" ni Jet Li, "Fairy Tail" sa Manga at "Hitman Reborn" na anime, ang mga mundong sinasabi nila ay ang tinutukoy ko. Sa "Parallel Worlds" nandun ang maraming tulad natin. Ibig sabihin meron SuperGulaman na nag-eexist sa ibang mundo, hindi lang isa, hindi lang dalawa kundi hindi mabilang.  At sa lawak nga ng kalawakan posibleng meron nga noon at posible din na may iba pang kalawakan kumpara sa alam nating kalawakan na parang numero na hindi alam kung hanggang saan ang katapusan. 

Sa katunayan, iniisip ko pa lang ang mga ito, sumasakit na ang ulo ko.  Magiging komplikado ang simple kong buhay.  Ito ang napapala ko sa pagtunganga ko ng madalas. Ikaw? Gusto mo bang pumasyal sa nakaraan at hinaharap? Hayaan nyo, kung makakalikha ako ng time machine, kayo ang mga pasahero ko.  Pero bago ko gawin yun, iisipin ko muna kung pano gumawa ng magic wallet na hindi nauubusan ng laman.

Sabado, Nobyembre 20, 2010

EASY $5 GIVEAWAY


dahil po sa isang kahilingan ng kaibigan... may promo pong hatid ang ating ka-blog na si Mary ng Real FairyTales... wooot... Paano? Pindot lang po kayo dito: CLICK HERE

Lunes, Nobyembre 15, 2010

Philippine Grand Lotto 6/55

maaga akong nagising kanina matapos ang masarap na panaginip ng aking pagyaman upang tignan ang mga kombinasyon ng mga nanalong numero sa lottoo...sa website ng PSCO (http://www.pcso.gov.ph/) ang mga nagwaging numero para sa Philippine Grand Lotto 6/55 (11/15/2010) ay 43-13-29-44-04-20 na may kaakibat na premyong tumataginting na Php 456,404,688.00 lang naman.  Oo, tama! halos kalahating bilyon na yan ngunit sa kasamaang palad hindi ako nagwagi.  Ngunit magandang balita na din siguro ito sa karamihan dahil wala pang nakakasungkit nyan at may pagkakataon pa din ako para sa susunod bola nito.

bakit nga ba mahirap manalo sa 6/55 lotto na yan? sa katunayan inakala ko na makakatulong ang aking dibdibang pag-aaral ng matematika upang malaman ang tamang kombinasyon ng numero... pero nalungkot lang din ako...

ang lotto ay batay sa prinisipyo ng random numbers, permutations at probability...alam nyo ba na ang 6/55 lotto ay mayroon mahigit sa dalawang bilyong kombinasyon... sa katunayan meron syang 20,872,566,000 combinations...panu ko yun ginawa? ganito yun:

sa 55 na numero pipili tayo ng anim di ba? ang mga numerong ito ay hindi na mauulit... ibig sabihin ang pagpipilian natin numero sa unang bola ay 55..sa pangalawang bola ay 54, pangatlo ay 53, pang-apat ay 52, panglima ay  51 at pang-anim ay 50..  nangangahulugan laman na ang total combinations ay 55x54x53x52x51x50 = 20,872,566,000... nangangahulugan din na ikaw ay may chance na manalo sa probabilidan na 1/20,872,566,000 o 0.0000000000479097778. Oha! may chance pa din at least hindi zero...pero hindi pa din dyan nagtatapos ang ating kalbaryo dahil kailangan pa din nating i-konsider ang bilang ng mananaya nito... :)

pero kahit anung hirap ng pagtama dito...tataya pa din ako!

[Edit] oooppsss...salamat kay Ginoong Juanito Mercado sa kanyang puna sa kakulangan ng computation na ito...at dahil dun mas tumaas ng di-hamak ang aking tsantsa sa pagtama sa lotto... Sa kanyang pagtatama   nakaligtaan ko din ang bilang ng kombinasyon ng mga numerong nagpapareho... halimbawa, ang  kombinasyong 2, 32, 34, 45, 51,  55 ay pareho din sa 51, 2, 34, 55, 45, 32.... at sa kadahilang meron  6! (or 6 factorial) or 720  unique permutations sa bawat anim na numero, hahatiin natin ang final computation na 20,872,566,000 sa 720... sa makatuwid magiging 20,872,566,000/720 = 28,989,675 combination na lang na may probabilidan na pagtama na 3.449504 × 10^-8 o 0.00000003449504 o 0.000003449504%....

Sabado, Nobyembre 13, 2010

[NEWS] Manny Pacquiao Won over Antonio Margarito

Yeah! And the WINNER is Manny Pacquiao! Congratulations!

May nadagdag na naman pong muli sa titulo ni Manny Pacquiao (52-3-2, 38 KOs) ng kanyang muling mapanalunan ang Super Welterweight Belt sa Cowboys Stadium in Dallas, Texas. Si Pacquiao ay muling nanalo ng kanyang ika-walong titulo (WBC junior middleweight) sa madugong pakikipagbakbakan kay Margarito (38-7, 27 KOs) sa loob ng labing dalawang round. Sa simula ng round, nagpakitang gilas agad si Pacquiao laban sa mas malaking si Margarito na kung saan ay 17 pounds na mas mabigat bago ang laban. Ang dalawang mandirigma ay nagpakawala ng malalakas na suntok sa ikalawang round. Sa ikatlong round, nakalamang na mas di-hamak si Pacman at nagpatuloy iyon hanggang sa ika-apat na round at patuloy na nagpakawala ng malilinis na suntok sa mukha ni Margarito. At muli, ang ika-apat na round ay para kay Pacman na kung saan pinaputok nya ang kanang bahagi ng mata ni Margarito. Sa kabilang banda, may magagandang birada si Margarito sa ika-anim na round ng makorner nya si Pacman sa lubid ngunit walang duda na ang round ito ay para rin kay Pacman. Nakakaagapay pa si Margarito hanggang sa ika-pitong round ngunit patuloy pa din ang pagpapahirap sa kanya ni Pacman ng ipagpatuloy ni Pacman ang pakikipaglaban sa gitna ng ring. Napanatili ang pagiging dominante ni Pacman sa ring sa 10th at 11th round. At sa pagtatapos ng  labing-dalawang rounds halos bulag ng lubayan ang duguan Mexicano. Ang final score: 120-108, 118-110, 119-109.

Manny "Pacman" Pacquiao Vs Antonio Margarito

[LATEST UPDATE] And the WINNER is Manny Pacquiao! Congratulations!

November 14, 2010 sa Pilipinas, November 13, 2010 sa Amerika... ito na ang araw ng sagupaan ng dalawang mandirigma para sa kategoryang super welterweight...sino ang magwawagi?...sino ang hahalik sa lona?

My forecast?...  if Pacquiao will be able to maintain his speed, strong and multiple punches along with excellent stamina, and footwork...ummmhhhh, I guess the fight will end by a knockout before Round 3.....but who knows? Anyway, despite of the david-vs-goliath in the tale of the tape, this gonna be an interesting fight... Goodluck Pacman!

Manny "Pacman" Pacquiao
Weightclass: Welterweight
Age: 31
Record: 51-3-2, 38 KOs
Height: 5'6"
Reach: 67
Trainers: Freddie Roach

Antonio Margarito
Weightclass: Welterweight
Age: 32
Record: 38-6, 1 NC, 27 KOs
Height: 5'11"
Reach: 73
Managers: Francisco Espinoza, Sergio Diaz Jr.
Trainers: Robert Garcia



For Latest Updates about Pacquiao Vs Margarito fight: Click Here

Update 9: Super welterweight Manny Pacquiao (52-3-2, 38 KOs) added another chapter to his legendary career on Saturday night before a huge crowd at Cowboys Stadium in Dallas, Texas. Pacquiao won a world title in a record eighth weight class (WBC junior middleweight) with a brutal twelve round beating of Antonio Margarito (38-7, 27 KOs). Pacquiao was a little better in round one against the much bigger Margarito who was 17 pounds heavier at fight time. Both fighters landed big shots in round two. Pacman had the edge in round three, landing more clean shots. Pacman began to bust up Margarito in round four landing many clean shots. Another big round for Manny in the sixth. Huge cut under Margarito’s right eye. Margarito had some good moments in the sixth, trapping Pacquiao on the ropes. Margarito was still in the fight in the seventh, but it was Manny’s round. Margarito trapped Manny on the ropes several times but Manny fought his way out of it. Still Margarito came on hard. Pacquiao kept the fight in the center of the ring in the ninth much to his advantage. Big rounds for Pacman in the tenth and eleventh. Pacman had mercy on the game, nearly blind Margarito in the twelfth and carried him to the final bell.

Update 8: In a clash for the vacant WBA interim junior featherweight championship, two-time Olympic gold medalist Guillermo Rigondeaux (7-0, 5 KOs) won a world title in his seventh pro fight by taking a split decision against former champion Ricardo Cordoba (37-2-2, 23 KOs) over twelve mostly technical rounds. Rigondeaux dropped Cordoba with a body shot in round four and Cordoba got credit for a knockdown in round six when Rigondeaux’s glove touched the canvas after a jab. Rigondeaux was on his bicycle the rest of the fight, but still landed enough to win by scores of 117-109, 114-112 on two cards. Cordoba was up 114-112 on the other card.


Update 7: Welterweight contender Mike Jones (23-0, 18 KOs) won a ten round majority decision firefight with Jesus Soto-Karass (24-5-3, 16 KOs). Jones, rated in the top four of all sanctioning bodies, went for the KO in round two with a long, sustained assault, which Soto-Karass weathered. Although busted up, Soto-Karass came back in round three to punish a seemingly punched out Jones and applied pressure the rest of the fight. Jones got his second wind in the later rounds. Scores were 94-94, 95-94, 97-93. With the win, Jones retained his NABA, NABO and WBC Continental Americas belts.

Update 6: WBA #1, WBC #4 lightweight Brandon Rios (26-0-1, 19 KOs) battered Omri Lowther (14-3, 10 KOs) until referee Raul Caiz Jr. stopped the punishment in round five. Time was 2:17.

Junior lightweight Angel Rodriguez, 6-4-1 (4 KOs), scored a minor upset, handing southpaw Juan Martin Elorde, 11-1 (4 KOs), his first defeat with a four round unanimous decision. Scores were 40-36, twice and 39-37. Elorde is the grandson of Hall of Fame inductee Flash Elorde. 

Update 5: Top Rank junior featherweight prospect Roberto Marroquin dropped Francisco Domingquez first with a left hook and finished him off later in the round with a left right combination as Referee Raul Caiz waived it off at 1:27 of the 1st round. Marroquin improves to 17-0 with 13 KOs. Dominguez falls to 8-8, 2 KOs.

Light heavyweight Mike Lee, 3-0 (2 KOs), blasted away Keith Debow, 0-3-1, with a two-fisted barrage punctuated by and overhand right at 1:33 of the opening round. Lee is a former Notre Dame champion.

Update 4: Highly touted Top Rank junior welterweight prospect Jose Benavidez (9-0, 9 KOs) scored a third round TKO over Winston Mathis (6-3, 2 KOs). Benavidez scored two knockdowns in round one and the bout was waved off after Mathis was staggered and his glove touched the canvas in the third. Time was 2:23.
Update 3: Former WBO flyweight title challenger Richie Mepranum (17-3-1, 3 KOs) returned with a split decision over Anthony Villareal (10-4, 5 KOs). Scores were 58-56, 58-56, 56-58. The bout was shortened from eight to six rounds.
Update 2: Super lightweight Oscar Meza (20-4, 17 KOs) scored a last second knockdown to edge Jose Hernandez (10-3, 4 KOs) by scores of 38-37, 38-37, 39-36.
Update 1: Welterweight Dennis Laurente (35-3-4, 17 KOs) won an eight round unanimous decision over Rashad Holloway (11-2-2, 5 KOs) by scores of 77-75, 79-73, 78-74.

[note: No copyright infringement intended. This is only for information dissemination.  All updates are from http://www.fightnews.com/]

Linggo, Nobyembre 7, 2010

....langit, lupa, impyerno....

"langit, lupa, impyerno... saksak puso tulo ang dugo... im... impyerno"...

...pamilyar ka ba sa mga katagang yan?..oo tama....isa yan sa mga paborito mong laro noon...napakasarap balikan ang panahong hindi pa uso ang batang chubby... ito yung mga panahon na hindi pa uso ang tao... este ito ung panahon na hindi pa uso ang mga gadgets gaya ng celphone, computers, PSP, Wii, iphone, ipod, ipad... ito yung panahon na betamax at malalaking plaka pa lang ang bida...panahon na bago pa mauso ang VHS, panahon pa ito ng cassette tape...wala pang CD...wala pang DVD...hindi pa din siguro naiimbento ang salitang pangrobot na may numero tulad ng mp4, mp3, ps2, nokia 3210, 5210, 8210..uten..bibiten-biten... ito pa yung panahon na aliw na aliw kang naliligo sa ulan, naliligo na walang saplot habang kumakalembang si uten... kasabay din nyon ang pagpapalobo ng sipon na kung minsan ay mas trip mong gawin yoyo...singhot sabay punas na may naiiwang marka sa pisngi na minsan ay may kasama pang ulam.... :)

pero ano nga ba ang motibo ko sa pag-buo ng akdang ito?...para ba mandiri ka sa mga gawi mo noon?... para ba ba malaman mo na ganun kamiserable ang panahon na walang teknolohiya?...para ba malaman mo na lumalaki na ang problema sa katabaan ng mga kabataan? ...pero hindi... ang motibo lang ng akdang ito ay upang mapagnilay-nilayan ang buhay sa langit, lupa at impyerno.... ayan napag-tripan na kita..masaya na ako...ahahaha...

tanong...saan nga ba masarap mabuhay, sa langit? sa lupa? o sa impyerno?

sigurado ako halos lahat sa atin...aba'y langit ang pipiliin... maliban na lang siguro kung wala ito sa katuruan ng ating relihiyon...

anu nga ba ang meron sa buhay sa langit? aba malay ko..hindi pa din kaya ako nakarating dun...at lalo naman sa impyerno...kaya ang susunod na kwentuhan ay batay sa haka-haka ko lamang...

ang sabi nila...ang tao daw kapag napunta sa langit ay magiging anghel...mawawala na ang lungkot..mawawala ang hirap..wala ng dusa...at kaakibat nun ay mawawala na din ang atraksyon sa isa't isa... at bilang isang anghel...wala na din ang kasarian... hindi na uso ang lalaki, babae, bading at tomboy... hindi ka basta-basta matutuwa sa langit dahil magagalak ka na... ang pagmamahal ay magiging natural na gawi lamang...dahil puno na ng pag-ibig ang paligid...lahat positibo..lahat perpekto...

sa impyerno... hindi mawawala ang kasarian...nandun pa din iyon...nandun pa din ang atraksyoon...nandun pa din ang pagnanasa... ngunit hindi ka pwedeng makaramdam ng ligaya...bawal ang saya... tanging negatibong emosyon lang pwede... hindi ka pwedeng makaramdam ng langit sa lugar ito..impyerno na nga eh...impyerno...

sa lupa...sa mundong kinatatayuan mo...ikaw ang pipili ng buhay mo...gawin mong langit...o gawin mong impyerno.... pwede mo din gawin ito sa iba...gawing langit ang buhay nila...o impyerno sa kaharian mo... sa lupa, ayuz lang ang hindi perpekto...ayuz lang din ang hindi masyadong mabuti...ayuz lang din ang hindi masyadong masama... kung baga, sakto lang...

sa lahat ng babasa nito, kung sakaling mauna ka sa akin...i-text mo ako tungkol sa buhay sa kabilang-buhay (kung naniniwala ka nga sa kabilang-buhay)...para sa susunod mailarawan ko ang bagay-bagay batay sa iyong patunay... :D

Lunes, Nobyembre 1, 2010

...All Saint's Day, All Soul's Day...

[repost]

...isa sa mga pinakamahalagang araw para sa mga katolikong Pilipino ang panahon ng Undas na kung saan ay muling ginugunita ang pagpanaw ng ating mga mga mahal sa buhay... paggunita na hindi nangangahulugan ng kalungkutan, paggunita na hindi din nangangahulugan ng kasiyahan..kundi isa itong paggunita ng ating pagmamahal sa mga yumao... likas sa mga Pilipino ang pagiging makapamilya at makapuso na kahit ilang taon, dekada o siglo man ang lumipas ay hindi pa rin nalilimutan ang pag-alaala at paggunita sa mga pumanaw na kamag-anak...

tuwing kailan nga ba ang tamang araw ng paggunita ng mga yumao? sa ika-uno ba ng Nobyembre? o dapat ba sa ikalawa ng Nobyembre? tayong mga Pinoy ay nakaugalian na ang pagdalaw sa puntod ng mga yumao sa unang araw ng Nobyembre...ang iba naman, ika-tatlumpu pa lang ng Oktubre ay nasa sementeryo na..ang iba naman dalawang araw pa lang bago pa man ang unang araw ng Nobyembre ay dumalaw na din...hindi naman ako salungat sa mga nakagawiang ito dahil naniniwala din ako na walang masama sa pagpapahalaga sa mga yumao...

All Saint's day...November 1...All Hallows...araw ng mga santo...araw ng patay? ... hindi ko alam pero sa aking opinyon wala yatang araw ng patay...oo! tama! may Undas tayong tinatawag pero ito ba ay araw ng patay?... ang sabi ng simbahan ang November 1 ay All Saint's Day...Araw ng mga Santo ika nga...ang araw na ito ay paggunita sa mga banal o Santo na nalululuklok sa templo ng ating Panginoon.... isa itong patunay na tayong mga Pilipino ay naniniwala na ang ating mga yumao ay ganap ng mga Santo sa templo ng ating Panginoon...

All Soul's day...November 2, araw ng mga kaluluwa...kung ating mapapansin kaunti na lang ang mga Pilipinong dumadalaw sa kanilang mga mahal sa buhay sa sementeryo sa araw na ito...bakit kaya? dahil kaya lumalabas ang multo sa panahong ito?...siguro nga...ang maniwala uto-uto... ahehehe...pero ang totoo nyan ang All Soul's day ay hindi All Ghost's day...walang ganun... ang All Soul's day ay posibleng araw ng mga yumao...pero sigurado ako na ito ang araw "mo"...oo tama! araw mo, araw ko, araw natin ito...bakit? may kaluluwa ka hindi ba? kung wala ka nun, hindi mo nga ito araw pero sigurado ako na hindi ka din tao...noong ginawa ko ang entry na may titulong "tao, tao saan ka gawa?"...sinabi ko na ang tao ay posibleng gawa lamang sa tuldok... pero hindi lang naman talaga iyon...dahil may mga "undefined" na bagay na nakapaloob sa atin...ito ang mahika ng espiritu...ang ating kaluluwa...ito ang dahilan kung paano tayo nabuo..ito ang dahilan ng pagkakalikha ng sangkatauhan...

all saint's day, all soul's day... anung tamang araw ba dapat ginugunita ang mga yumao?... hindi na siguro natin kailangan pa ng tamang araw... dahil ang pagpapahalaga at paggunita sa ating mga mahal sa buhay ay wala sa tamang araw kundi ito ay nasa tamang puso ng lubos na nagmamahal...

Happy Halloween! :)

Biyernes, Oktubre 22, 2010

...isang sulyap sa kahapon, kasalukuyan at hinaharap...

[Paalaala: ang sulating ito ay bahagi lamang ng imahinasyon ng may-akda, anumang bahagi na may pakakatulad sa iba pang kwento at tunay na buhay ay hindi sinasadya, Maligayang Pagbabasa!]

***

Sa Kalendaryo. May 31, 2041.

Oo tama, ito ang katapusan na araw sa buwan ng Mayo ng taong dalawang libo apatnapu't isa, ito na aking ika-limampu't siyam na kaarawan. Isang taon na lamang at hahantong na din ako sa aking ika-animnapung kaarawan. Totoo, halos hindi na din kita madinig, humihina na ang aking tenga. Halos hindi na din kita makita, nanlalabo na ang aking mga mata. Mahina na ang aking katawan at bumabagal na din ang gana ng isipan. Natatakot ako. Natatakot ako na sa pagpikit ng mga mata kong ito ay hindi ko na muling maalala ang mga sandaling naging bahagi ka ng mahirap at simple kong mundo. Natatakot ako.

"Pa, gising! si Ace po ito...", isang uyog ang gumising sa aking sandaling pagkakaidlip.

"Alas, ikaw pala yan, kailan ka pa dumating?", tanong ko.

"Eh, kararating ko lang din po. Medyo na-delay po ang flight naming mag-anak kaya ngayon lang din kami nakarating dito", sunod-sunod nyang tugon habang papalapit sa matandang babaeng nasa duyan.

"Alas,wag mo munang gisingin ang mama mo. Napagod kasi yan sa pagluluto kanina. Gustung-gusto pa din nya kasing sya ang magluluto para sa mga apo nya kahit na alam nyang madali na syang mapagod. Hayss, ang mama mo talaga", tugon kong may kasamang isang malalim na buntong hininga.

Siya si Ace, Alas kung tawagin sya namin ng aking may-bahay--si Grace. Siya ang aming panganay na anak. At ang sumunod sa kanya ay si Graciella. Dalawa lamang ang naging anak namin at ang mga pangalan nila ay aking sinunod sa pangalan ni Grace, ang aking Grasya. Totoo, mahal na mahal ko ang aking Grasya kung kaya lahat ng magagandang bagay na naging kabahagi ng buhay ko ay iniaalay ko sa kanya.

Taong 2003 ng magkakilala kaming dalawa, isang simpleng pagsusuyuan na humantong din naman sa seryoso at maalab na pagmamahalan. Pero bago pa man kami magkasama ng mahaba-habang panahon maraming hirap, luha at kalungkutan ang aming tiniis. Sa katunayan, makalipas ang isang taon ng suyuan at pagkakapalagayan ng loob, nagdesisyon si Grace na iwan nya ang sariling bayan at ako. Malungkot na ang mga sumunod na tagpo noon, pero puno pa din ng pag-asa ang bawat isa. Hindi na din ako tumutol sa desisyon nya bagkus taos puso kong sinuportahan ang kanyang kagustuhan. At alam kong iyon din ang tama, tama para sa pamilya nya at tama para sa pangarap naming pamilya. Alam kong ang kanyang paglisan ay hindi wakas ng aming pagmamahalan, naniwala ako na daan yun upang tuparin ang mga pangarap nya... ang pangarap namin dalawa.

Sa paliparan.

Halo-halong luha ang nandoon. Luha ng kalungkutan at pag-asa para mga pamilyang naiiwan. At luha ng galak at pananabik para sa kapamilyang muling nagbalik. Mga luha ng pagmamahal para sa bawat isa.

Gusto ko din umiyak ng mga sandaling iyon at pigilan sya sa kanyang pag-alis. Ngunit hindi, kailangan nyang gawin iyon. Kailangan. Niyakap ko sya ng buong higpit at pinaalalahanan ng mga salitang hindi ko din alam kung matatandaan pa nya. Pigil ang aking luha. Ayaw kong makita nya iyon. At sa kanyang pagtalikod, isang paalala nya ang saglit na nagpangiti sa malungkot kong mukha.

"Wag kang mambabae ha? Subukan mo lang bobodjakin kita!", maluha-luha at napapangiti nyang sabi.

Saglit lang din at pumasok na sya sa loob ng paliparan. At nawala na sya sa akin paningin.

Sa paglisan ng aking Grasya, naging matamlay ang mga sumunod na araw. Ngunit hindi, kailangan kong maging matatag dahil si Grasya ay dalawang ulit na mas mahirap ang pinagdadaanan nya kumpara sa akin. Kung nalulungkot ako dito paano pa kya sya na mag-isa lamang sa lugar na hindi sya pamilyar. Kailangan kong maging matatag, kailangang magtiwala sa isa't isa.

2006. Mahigit tatlong taon na din ng umalis si Grace. Tanging tawagan lang sa telepono at computer ang naging kamunikasyon. Araw-araw walang patid. Yun lang din kasi ang meron kami at hindi na namin yun ipagkakait pa sa isa't isa.

2007, 2008, 2009, 2010. Mabilis na nagpalit ang pahina ng kalendaryo ngunit naging ganun pa din ang sistema--LDR. Telepono at computer, araw-araw. Mahirap, malungkot pero kailangan para sa mga pangarap. Nagkakatampuhan minsan, ngunit kailangan mag-kaayos. Kailangan laging nag-aalab ang pag-iibigang milya-milya ang pagitan, pag-iibigang libong karagatan ang hadlang. Hindi dapat sumuko. Kailangan.

Mayo ng taong dalawang libo't labing isa, dumating na din ang pinakahihintay namin. Sa paliparan. Hindi na malungkot na mukha at luha ng kalungkutan ang aking tangan bagkus puno ang aking puso ng galak at pananabik. Umuwi na ang aking Grasya.

At sa pagbalik ni Grace, nabigyan din katuparan ang pag-iisang dibdib na ilang taon ding nabinbin dahil sa pag-aalala para sa kinabukasan. Sa pagkakataon ito hindi na namin iniisip ang bukas. Ang mahalaga kapiling namin ang bawat isa. At ang pag-iibigang iyon ay nagbunga ng dalawang makukulit at mapagmahal na supling si Ace at Graciella.

Katulad ng ibang pamilya, hindi din naging madali ang buhay namin. Ngunit nanatili kaming matatag at puno ng pagmamahalan. Sa aming mga pagtitiis at hirap na pinagdaanan, walang problema na hindi maaaring malampasan sa tulong ng tiwala sa isa't isa, pagmamahal at sa tulong ng Dakilang Lumikha.  Maayos namin pinalaki ang aming mga anak na sa ngayon ay may sarili na ding mga pamilya.

"Pa, mano po!", isang babae ang umabot ng aking kamay. Si Graciella habang karay-karay ang kanyang munting anghel.

"Ang laki na pala ng apo ko ah! Akin na nga muna na yan at na-miss namin ng mama mo yan ng sobra", nakangiti kong tugon.
"Nasaan na nga pala ang bolero mong asawa?", tanong ko kay Graciella.

"Andun po sa loob, dala yung suhol nya na naman sa inyo...ahahaha", nakabungisngis nyang tugon.

"Hays, yan talagang asawa mo oh, tuloy pa din ang pagpapalakas nya sa amin, eh pasado na nga sya, at ito na nga ang trophy na oh..", nakangiti kong sabi habang inuugoy ang munting anghel.

"Ay, pumasok na kayo dun Graciella, susunod na kami ng mama mo, gigisingin ko lang siya saglit, susunod na kami.", muli kong tugon habang binabalik sa kanyang bisig ang munting anghel.

Lumapit ako sa duyan, na kanina ko pa sinisipat. Doon, muli kong pinagmasdan ang bahagyang kulubot na mukha ng babae at bumulong sa sarili na, "Salamat, at kasama kita hanggang sa finals". Akma ko na syang gigisingin ng mapansin kong sya ay ngumingisi. 

Nakapikit sya habang sinasabi, "ikaw talaga oh, na-iinlab ka na naman akin, kung makatitig ka para kang teenager...ahahaha".

Tumabi ako sa kanya at inakbayan.

"Malaki na Graciella no? Gusto mo sundan na natin sya?", mapanukso kong imik.

"Magtigil ka nga dyan, mahina na nga ang tuhod mo, puro pa ka kalokohan." "Tara, pumasok na nga tayo at sigurado gutom na ang mga apo mo".

Nakangiti kaming pumasok sa paraiso. 






Miyerkules, Oktubre 13, 2010

...musika at ganda...

mga ilang linggo na din ang nakakalipas ng ako'y muling bumalik sa mundong ito--ang mundo ng blogging...ang totoo nyan dahil sa mahaba-habang pagbabakasyon mukha yatang kinakalawang na si SuperGulaman...hirap gumawa ng entrada...walang maisip na magandang tema...walang mahabing mga salita...salat na sa pambobola at paggawa ng kwentong minsan na kahit sarili ay hindi naniniwala...laging tulala...sa madaling salita...parang tanga...

...matagal na din ang oras na nakalilipas mula ng isulat ko ang talatang nasa itaas...bakit? hindi ko na din kasi alam kung ano pa ang isusunod ko dyan...hanggang sa maglakwatsa ang daliri at mata patungo sa paboritong panooran ng lahat--ang youtube... isang klik lang... presto!...aliw na ito at titigil na ang mundo... ikaw kaya mo bang paikutin o ihinto ang ikot ng mundo?

sabi ng iba, "Love Makes the World Go 'Round" pero para sa akin "NOT ONLY Love Makes the World Go 'Round, but Love Makes the Ride Worthwhile"...sabi din nila marami daw ang nagpapaikot sa mundo at nakabase o nakadepende yun sa kung ano ang pinahahalagahan natin...magkagayunman, ngayon ko lang napagtanto na nagagawa pala talaga nating mapatigil o mapaikot ang mundo... isa ang pag-ibig para mapaikot ito.... at musika at ganda para sa saglit na pagtigil ng mundo...maniwala ka...nandito ang mga dahilan ng paghinto ng mundo...sila nga... :)

Stephenie Gee




Alyssa Bernal



Kina Granis




Kim Yeo Hee (Apple Girl)



Julia Sheer



At sa lahat ng mga iyan...syempre hindi ko pa din makakaligtaan ang all time na pinakapaborito ko...Andrea Corr...the best!

Andrea Corr



*** para sa aking Grasya...kung ang mga panooring yan ang dahilan ng paghinto ng mundo... ikaw aking Grasya ang aking Mundo, wala ng iba... :)

Huwebes, Oktubre 7, 2010

...ang panyo...

ika-pito ngaun sa buwan ng oktubre...ang pinaka-paborito kong araw sa bawat buwan...maaga akong nagising at nagbihis para makupunta agad sa trabaho..."grabe ang gwapo naman nito",(*nakaharap ako sa salamin*)...matapos ang ilang orasyon, naglagay ng konting pabango, sinuot ang bagong labang sumbrero, sinuot ko din ang ilang palamuti na bigay ng Grasya ko, at naglagay na din ako ng sound system sa tenga ko...ayun, presto handa na akong lumarga...

..."ayuz mukhang ok nmn ang lahat, maaga pa eh...maluwag ang byahe ngaun", sabi ko sa sarili... ang totoo nyan, ang umaga ang pinakagusto kong oras ng pagsakay ng jeep o pagbyahe...syempre, halos lahat ng makakatabi mo sa jeep ay mga fresh pa at mababango patungo sa kani-kanilang trabaho o eskwelahan...sa may kanto, naghintay din ako kaunti bago sumakay ng jeep, namimili ng walang gaanong tao, para hindi masyado maiinit...ilang saglit pa..ayan may jeep na...naupo ako malapit sa estribo..ok itong lugar na ito, tamang-tama sa pagpasyal ko sa mundo ng imahinasyon....sa madaling salita, tutunga na naman ako... habang papalayo kmi sa kantong aking pinaghintayan, unti-unti na ding napupuno ang aming sasakyan...ok na din ang pwesto ko, kahit medyo malaki yung katabi ko, kaaya-aya nmn ang amoy ng kanyang pabango....

...malayo na din ang aking nalalakbay sa mundo ng imahinasyon...huminto ang jeep, may pumara..may sasakay..., nagsumiksik itong tumabi sa pagitan namin ng malaking tao na aking katabi knina...umusog kami ng onti para paupuin siya...ngunit bigla akong natigalgal sa aking nalanghap....noong una inakala ko lng na baka nga guni-guni ko lang un..iniisip na baka ako lang din yun..inalala na baka nga dahil ang bibig ay malapit sa ilong..pasimple kong kinuha ang armas na inabot sa akin ng nanay ko knina..."ang panyo"..pasimple akong huminga at inamoy iyon...pero hindi akin ang amoy na iyon, nagsipilyo ako ng ilang minuto eh...at yun na nga alam ko na kung saan galing ang kakaibang amoy na iyon...

...pinilit kong inunawa ang kanyang amoy na bka nga nakalimutan niya lang maligo ng isang linggo o dalawang buwan..kung sabagay hindi namn krimen ang hindi paliligo..wala pa namn akong nakikilala na nakulong ng dahil sa hindi paliligo...pero iba ito...amoy tinapay siya...ito ung tinapay na kung tawagin ay "putok"...ibang klase ang amoy, ito ung amoy na hindi lang basta tumatambay sa ilong...dumidikit yata ito sa balat...pumapasok sa iyong epidermis...manunuot at didiretso sa iyong sistema...matindi ito, inabot na nya aking sikmura..sumasama na ang pakiramdam ko..hindi ko na maunawaan kung nasusuka na ako o natatae...hindi ko na kaya...sa loob ng bag na aking tangan, ipinasok ko ang panyo, at duon pasikreto kong winisikan ito ng imported kong pabango...bwahahaha, sigurado maliligtas na ako sa amoy na ito....pagkatapos ng ilang saglit, pinantakip kong muli ang panyo sa aking ilong...mmhhhhh..."kala mo ha? kaya mo ang armas ng bigay ng nanay ko.."...napapangiti na sana ko nung oras n iyon...pero ibang klase itong si manang, kumapit siya sa baras ng jeep..nakataas ang knyang kamay..."waaaaa!"...nalilito na ako nung oras na iyon...gusto ko nga bumaba at sumakay sa ibang jeep...pero ang mahal na ng pamasahe ngaun...kailangan kong magtiis at mag-isip ng paraan...

...makailang saglit pa, may pumara sa may edsa...dalidali akong sumalisi at umupo sa likod ng driver ng jeep...sa pwestong ito, mukhang ligtas na ako...binaba ko na ang aking armas upang matiyak kung abot pa dun ang "nuclear weapon" ni manang... pero oo nga...umiikot na ang mala-lason na amoy n iyon sa buong jeep...pero mas ok na ang pwesto ko ngaun...kaya ko na itong harapin gamit ang armas na bigay ng nanay ko..."ang panyo"...


Lunes, Oktubre 4, 2010

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman...

matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay muling ginamit ng mga Pilipino at binago ayon sa kanilang pangangailangan... ang mga dating sasakyang pandigma ay sadyang binago upang magiging pampublikong transportasyon na angkop sa kalagayan ng panahon... sa pagbangon ng Pilipinas sa Ikalawang Digmaan Pandaigdig (World War II) hindi na binitawan ng mga Pilipino ang paggamit sa Jeep bagkus ay nagkaroon pa ng madaming produksyon ng ganitong uri ng sasakyan sa bansa...at dito ipinanganak ang sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...

ang salitang "jeep" ay hango sa sasakyang ginamit ng bansang Amerika sa digmaan na kung tawagin nila ay GP...ang GP ay mula sa pagpapaikli ng mga sa salitang "General Purpose o Government Purposes"...dahil sa kakaibang paraan ng mga Amerikano sa pagbabaybay ng kanilang salita, ang salitang GP ay nabago na sa Pilipinas at tinawag na nating itong Jeep o dyip at Jeepney sa pormal na pamamaraan...

ang jeep para sa iba ay isang uri lamang ng sasakyan, ngunit hindi... ang jeep ay ang buhay ng maraming pamilya sa bansa... para sa mga tsuper, ito ang kanilang "bread and butter"... nandito ang kanilang buhay... para sa mga ordinaryong manggagawa at mag-aaral, ang jeep ang nagsisilbi nilang angkasan sa pag-arangkada sa buhay.... ang jeep ang sumisimbulo sa mga taong nakararami sa bansa--- ang masa....

ang jeep para sa iba ay isang tahanan, kaya hindi na nakapagtataka kung makikita ang pangalan ng bawat miyembro ng pamilya, pangalan ng anak, pangalan ng asawa, minsan kasama na din pati pangalan ng kabit....bukod sa mga iyan, may mga pangalan din ng mga santo, pangalan ng mga anghel, pangalan ng... (anu nga ba ang zodiac signs sa tagalog?)..basta zodiac signs...nakakatuwa din pagmasdan at basahin ang bawat paskil at pakulo sa sasakyang tinaguriang "Hari ng Kalsada"...ilan dito ay:
  • Barya lang po sa umaga ng di maabala
  • Bawal tutok, pwede pasok!
  • Katas ng Saudi/ Puro kayo Katas, Utang Ito!
  • Basta sexy libre, sa drayber lang tumabe
  • Pag seksi libre, pag buntis doble!
  • God knows Hudas not pay
  • Batak Mo, Stop Ko / Batak Mo, Hinto Ko
  • Bawal ang sabit, pwede ang kabit
  • No ID, No Discount
  • Bawal Manigarilyo/No Smoking
  • Konting ipit, baka masilip
  • Wag bukaka, baka bangga
  • Pasok lang po ng pasok... maluwag yan, araw-araw ginagamit iyan...
  • Ang kumatok, sira ang tuktok
  • Kalimutan ang lahat, wag lang po ang bayad...
  • Ang salamat ay magandang pakinggan ngunit di pwedeng ipambayad sa gasolinahan.
  • Pag-ibig ko'y sayo'y wagas at dalisay ngunit ikaw palay isang garutay.
  • Magandang dalaga nais kitang makilala ngunit akoy abala sa aking manibela
  • Pasaherong tapat wag sanang barat, hustuhin mo ang bayad.
  • Ang sumutsot ay aso.. ang kumatok ay gago!
  • Ang katok ay para sa pinto.. ang para ay sa tao!
...pero sa lahat ng mga iyan, ito ang pinaka paborito ko, "Fool the string to Stuff" ...sa mahigit na labing-anim na libong (16,000) beses na pagsakay ko sa jeep mula ng ako'y ipinanganak, hindi matatawaran ang mga karanasang naging kabahagi ng buhay ko ito...sa bawat ikot ng aking kapalaran sa Pilipinas, dyip ang naging kaantabay ko...mula sa aking pagpasok sa eskwela, pagpasyal sa mga lugar sa metro manila, pagsunod-sunod sa grasya, dyip ang nagsilbing kabahagi ko sa tuwina...

pero teka, nakasakay ka na ba ng jeep/dyip/jeepney? oo? kaso Hummer ba ang tatak ng jeep mo? ... gusto kong inggitin ang mga taong hindi pa nakakasakay ng dyip... kung hindi ka pa nakasakay sa jeep na tinutukoy ko kundi sa hummer mo lang... nalulungkot ako para sa'yo... bakit? 

....dahil hindi mo naranasan ang pagtatakip ng panyo sa ilong tuwing may mabahong katabi, dahil hindi mo naranasang makipagsiksikan sa loob ng dyip at matsansingan ng mga bading, dahil hindi mo pa naranasang sumigaw ng "Para!", dahil hindi mo pa naranasang manganib ang buhay mo sa pagsabit sa mga dyip na "patok" na tila ba naaaliw ang tsuper sa twing iwinawasiwas ang likurang bahagi ng sasakyan, dahil hindi mo pa naranasang maholdap/madukutan/ma-slashan/ma-snatsan sa loob ng jeep, dahil hindi mo pa naranasang magulangan ni manong tsuper, dahil hindi mo pa naranasang gulangan si manong tsuper, dahil hindi mo pa naranasang mag-1-2-3, dahil hindi mo pa naranasang matsansingan ang magandang chicks na nag-aabot ng bayad at sukli, dahil hindi mo pa naranasang mapagbintangan ng isang manang na tsinatsansingan mo siya, dahil hindi mo pa naranasang masandigan ng antuking tulo ang laway, at dahil wala kang maibabahaging kwento o karanasang pang-jeep na katulad nito sa iba...mga karanasang pang-jeep na tunay tatak-Pilipino...

...sana bago matapos ang di-gaanong kahabaang sulating ito ay nakumbinsi ko kayo na minsan subukan nyo din na sakyan ang dyip na naging kabahagi na sa bawat yugto ng pagbabago sa "Bayan ni Juan"...

bukas, sasakay ulit ako...

Biyernes, Oktubre 1, 2010

...babalik ka din...

pasado alas-singko na ng lumisan ako mula sa opisina... "uwi na kayo sir?", bati sa akin ng gwardya sa halos araw-araw naming pagkikita...tumango lang ako kasabay ng pag-angat ng kilay...walang imik, tahimik na tinungo ko ang pintuan ng gusali...sinipat ko ang langit...makulimlim...nagbabadya na naman ang ulan... buntong hininga.

sa jeep. nakatitig na naman sa kawalan hanggang sa bulabugin ang aking pagtunganga ng malakas na pag-buhos ng ulan...katabi ang estribo, seryoso kong minamatyagan ang mga nagmamadaling mga tao sa lansangan...halos lahat hindi magkandaugaga sa pagpapaliit ng katawan para hindi lang mabasa ng ulan...may taong nagsusumiksik sa maliit nyang payong...ang isa ay animo'y masamang tao dahil sa balot na balot ang buong katawan... may mga estudyante din na nagsisiksikan sa silong ng tindahan...akyat-baba na din ang tao sa jeep...ang iba'y may mga dalang payong na tila ba na naaliw sa twing iwinawasiwas nila ito sa mukha ko...gusto kong sumigaw na "Oy...tao po ako, hindi po ako gabi na waterproof..." ...ngumingiti na lang ako sa twing humihingi sila ng paumanhin...good sign yun na nakikita pa pala nila ako, hindi tulad ko na minsan iniisip ko na espiritu na lang ako...na nararamdaman lang at imposible ng makita ng mata...

...ang tao nga naman... kung saan-saan nagpupunta...sa opisina, paaralan, pasyalan...ang iba pa nga ay kung saan-saang lupalop ng mundo tumutungo... kasabay nito marami din silang hirap at unos na pagdaraanan...sumisilong, nakakasakit ng kapwa, humihingi ng tawad, natututo...ngumingiti... sumasaya...pero sa lahat ng ito, isa lang ang hanap ng tao ---ang tahanan... hindi magiging kumpleto ang mga karanasan sa buhay kung walang tahanang babalikan...ito ang tao laging hinahangad ang muling makabalik sa kanilang tahanan at umasa sa muling pagtila ng ulan...


Huwebes, Setyembre 30, 2010

...ang pagbabalik...

mula sa kawalan muling nagbalik ang Superhero na sa inyong lahat ay nanabik... matagal na din ang panahon mula ng ako'y nagpasyang iwan pansamantala ang mundong ito... siguro, halos isang taon na din ang nakakalipas ng itago sa baul ang kapa ni Super Gulaman, ipahiram ang maskara sa mga payaso, at isabit ang sinturon sa likod ng pinto na kahit aso ay ikakahiyang isuot ito... 

hindi ko na nga din alam kung naaalala nyo pa din ako... pero magkagayunman, narito na akong muli...mangungulit...mangugulo...sabayan nyo akong muli sa aking pagkikipagsapalaran sa mundo at ang topak ng imahinasyon ko...

tara! kwento ako, kwento ka... kwentuhan tayo!

Miyerkules, Mayo 12, 2010

...the golden rule...

[repost by request]....

mula ng magawa ko ang entry na "Time for Sale", kung saan pinaliwanag na ang oras ay hindi lang ginto (time is gold)...nagkainteres din ako sa konsepto ng Golden Rule...

malamang sa malamang sobrang familiar na tayo sa konseptong ito...ano nga ba ang golden rule?....ang sabi sa bible:

"Do unto others as you would want done unto you." (Mt 7:12/Lk 6:31)

ang sabi naman sa Budismo:
"Putting oneself in the place of another, one should not kill nor cause another to kill" (Harris E.J. 1997)

...halos ganito din ang mga konsepto ayon sa Confucianismo:
"Never impose on others what you would not choose for yourself" (Confucius, Analects XV.24, tr. David Hinton)

...maging sa Islam ito rin ang sinasabi, sa katunayan isang sermon ni Muhammad na tinagurian The Farewell Sermon ay sinabi nya:

"Hurt no one so that no one may hurt you"

...marami pang mga mga organisasyon at relihiyon sa mundo ang naniwala sa konsepto ng the Golden Rule at ang iba dito ay nakatala sa Powerdinamiks...

"Huwag mong gawin sa kapwa mo, ang ayaw mong gawin sa iyo.".... tama hindi ba? at sa sentence na yan ay diyan ka sobrang familiar, pero hindi yan ang golden rule na tinutukoy sa bible kasi ang sabi, "Gawin mo sa kapwa mo ang gusto mong gawin sa iyo"... kitang-kitang naman natin na iba yung gawin (Do) sa huwag gawin (Don't do)... pero kung naniniwala ka din sa Confucianismo walang kaso yun kahit anu pa dyan sa dalawang yan ang gusto mong i-consider na Golden Rule, ayus na ayus lang...

pero bakit naman ito tinawag na Golden Rule... wala naman golden na binanggit sa mga pangungusap na aking nabasa...kung sa value o halaga naman ng konsepto, bakit siya tinaguriang golden? ganun ba talaga sya kahalaga? bakit hindi na lang Diamond Rule at mahalaga din naman iyon?

ang totoo nyan, hindi naman ako salunggat sa konsepto ng Golden Rule... kasama kaya sila idol Thales at Pythagoras sa mga advocates nyan, gusto ko lang magdagdag para sa isang paliwanag para sa lahat...

ang konsepto ng Golden Rule ay talagang napakaganda para sa lahat, ngunit sa kabila nito merong ilang bagay ang nakakaligtaan... ang konsepto ng "diversity"...ang pagkakaiba ng bawat isa sa atin...

balikan natin ang sinabi sa bible: "Do unto others as you would want done unto you"... halimbawa, paano kung gusto natin kumain ng adobong baboy...at dahil sobrang fan tayo ng Golden Rule, binigyan natin ang isang kapatid na Muslim... sapalagay mo bibigyan ka din nya ng adobong baboy... oo siguro, dahil ibabalik nya yun binigay mo dahil hindi naman sila kumakain nun...ang masama dun, maaaring nainsulto mo din sya...tama hindi ba?

ang totoo nyan naghanap din ako ng solusyon sa drawback ng Golden Rule...at yun nga meron akong nakita...ang "Platinum Rule"... isa si Dr. Tony Alessandra sa advocate nito...ito ang isinasaad:
"Do unto others as they would want done to them."

...at sa puntong ito, nai-konsider din ang diversity....mahalaga din kasi na gawin natin sa isang tao ang magandang bagay na dapat ay gusto din niya at hindi lang yung tayo ang may gusto...

so anu nga ba ang gusto ko? magkoment ka... ^_^

Biyernes, Marso 5, 2010

...kasinungalingang mapanlinlang...


...nagsimulang gumala na naman ang mga halimaw sa lansangan... mga halimaw na anyong tao... mga halimaw na animo'y mga tupa sa ipinapakitang kabaitan... kumakaway sa mga maralita sa kalunsuran at iba't ibang bayan... sinasabing, "kaisa mo ako sa kahirapan"... nangangakong "tatapusin ang kahirapan"... ipinagwawagwagang "hindi ako magnanakaw"... simusigaw na "I am righteous!"... lahat sila ay mga tinagurian alagad ng sining ng panlilinlang--ang mga pulitiko.

... ang bawat isa ay may iba't ibang istilo ng panlilinlang...

...merong nagkukunwaring tapat at walang kabuktutan... ngunit simisigaw ang kanyang pangalan ng "Manisevilandliar!" ... mga kasinungalingang hindi na daw sya mangungurakot dahil mayaman na sya... at kung pera lang daw ang habol nya, babalik na lang daw sila sa pagiging negosyante... tae! san ka nakakita ng negosyanteng nagpapalugi?... at dahil daw gusto daw nyang tapusin ang kahirapan, lumapit sya mga TV networks ang ipinaglandakan sa sambayanan na sya din ay naging mahirap..."rugs to riches" nga ang drama... nagbayad ng malaki para sa investment kampanya daw... at dahil sa laki ng perang ginamit para sa panlilinlang sapat na nga yata iyon upang bayaran ang utang ng Pilipinas... o di kaya'y tulungan ang mga magsasaka na matugunan ang lumalang problema sa kanilang sakahan na dulot ng El Niño... kung ganito ang sistema nya ng paggasta, paano na kaya kung pera ng bayan ang hawak nya? ... sa laki ng mga perang inaksaya nakakatakot na bawiin ito sa kaban ng bayan...

...nakakatuwang isipin na ang mga pinoy ay "family oriented"...kahit saan magtungo o kahit saan dako ng daigdig man mapadpad, ang kapamilya ang syang laging kapuso...pinatunayan ito mga nasa malacañang...ganito ang drama...

[Setting] Nag-uusap ang pangulo at ang kanyang anak sa telepono...
kriiingg...

Nanay: hello anak...
Anak: yes, nay?
Nanay: dahil ako ang pangulo, ikaw anak ay magiging congressman...
Anak: opo nay! salamat po...

makalipas ang termino ng pangulo...Nag-uusap muli ang pangulo at ang kanyang anak sa telepono...ukol sa mga bagay-bagay sa pulitika

kriiingg...

Nanay: hello anak...
Anak: yes, nay?
Nanay: anak matatapos na ang angking termino, maaari bang ako muna ang sa pwesto mo para sa mga nalalapit kong sandali bilang Prime Minister... Alam kong mahal mo ako anak, kaya kung maaari maki-party ka na lng muna sa mga "party list"... ganyang din ang gagawin ng tyahin mo..makikipagsosyal muna sya sa mahihirap... makukunwari muna syang tindera ng balot at fishball... upang mairepresenta nya kunyari ang mga ito sa kongreso...
Anak: opo inay, ako na pong bahala... Si Itay po pla nay, binigyan ko na ng pan-shopping sa Hong Kong...at pagkatapos daw po nun, makikipag-Golf daw sya sa mga kaibigan nyang Chinese sa ZTE...
Nanay: Ok, walang problema anak... kakausapin ko lang muna si Garci kung pano naman matutulungan ang ka-tsokaron natin na taga-Mindanao... kawawa naman si Andal, nilalamok na ata sa selda
Anak: Sige po nay, alam kong magiging busy ka eh dahil sa dami ng media na nasagasaan ni Andal... Nay, kakausapin ko din muna ang ating secret candidate na si Manisevilandliar na madadagdagan pa ang pondo nya dahil sa laki ng makukuha nating kickback sa bigas na inangkat natin sa Vietnam...
Nanay: Ok anak... wag lang kayong magpapahalata masyado ha? sabihin mong ako ang bahala sa kanya kapag Prime Minister na ako...
Anak: Ok nay, Congratulations in advance.
Nanay: Salamat anak! buwahahahaa! (*tumatawa habang ang isang kamay ay nasa telepono at ang isa naman ay ginagamit panghimas ng buntot*)

...ganito daw sa pulitika ang pamilya o ang pamilya sa pulitika... lahat daw ay sama-sama...sabi nga, "the family that do bad things together, stays together..... in jail!" ... pero seryoso, ganito daw talaga sa pulitika, kapag ang magulang mo ay isang pulitiko, sigurado lalakad ka din sa daang kanilang tinatahak...

...sa katunayan ito din ang naging dahilan ng isang mamulitika na mula sa angkan ng dating senador at pangulo...gamit ang dila at kasikatan ng kanyang kapatid sa telebisyon, nagmukha na syang maka-masa... gamit ang pangalan ng mga magulang tumutulay na sya sa tukso ng kasinungalingan...sana lang ay hindi magpalinlang sa paligid ng mga gahaman sa kapangyarihan...

iba-iba ang kulay ng pulitika...kahel, dilaw, luntian, bughaw at isama pa ang lahat ng kulay ng bahaghari
iba-iba ang sasakyan ng pulitika... jeep, padjak, kariton, trak, eroplano at isama pa natin si optimus prime
iba't ibang kasinungalingan... handa ka na bang magpalinlang?

---Ka Roger---
SuperGulaman

[P.S. Sa mga nabanggit ko, magtatago po muna ulit ako, baka ipadukot nila ako...hahaha! lols! ...ngunit hanggang sa mga sumandaling ito, hiatus pa din po ang inyong lingkod...ngunit ako'y muling magbabalik... malapit na!]



Lunes, Enero 18, 2010

...after 15 years...

...matapos ang masayang reunion noon highschool... hindi din padadaig ang mga katropa noong elemetarya...

...ikaw matanong nga kita...naaalala mo pa ba sila? ...sino? ...ang mga kaharutan mo noong nasa elementarya ka pa, ang mga makukulit at makyut mong kaklase noon... huwwwaaaat! alam kong para sa ilan hindi madali na pagsama-samahing muli ang iyong mga katropa noon sa elementarya...kung gaano kahirap bumuo ng reunion sa highschool mas doble ang hirap kung mga kaklase mo sa elementarya ang hahagilapin mo pa...mabuti na lang sa tulong ni Ginoong Fesbuk at effort na din ng presidente ng aming klase noong elementarya nabuong muli ang pagtatagpo-tagpo ng mga bida (*palakpakan kay Richard at sa ating lahat na nag-effort*)...


...nakakatuwang isipin na sa loob ng labing limang taong hindi pagkikita, nagtagpong muli ang bawat isa... sa aming paghaharap-harap hindi maiiwasang imarka muli sa aming mga imahinasyon ang larawan ng nakalipas na panahon... "ito yung ka-height ko dati ah, bakit antangkad na nya...".... "sya ang tirador ng nutri-ban noon"... "ummm sobrang ingay nito, lilista ko ito... NOISY" ... "ang natatandaan ko bading sya noon, ngayon bading pa din, ahahaha... pero swabe ang boses ang galing."... "kyut nya noon, hanggang ngayon..." ..."ganun pa din tahimik pa din sya..." ... "loko-loko sya noon, mas malalala ngayon...ahahaha" ... "kung dati-rati bunot ang buhok nya, ngayon kalbo na!...ahahaha"

ilan lamang ang mga iyan sa biyaya ng muling pagkikita... matapos ang panahong nag-yoyo pa tayo ng sipon... ang gaganda at gwapo na natin ngayon... ang iba'y may mga trip ng kakaiba pero swabe ang saya... dahil sa kalasingan ay nag-careless whisper pa... at ang costume, balahibo lang sa katwan...mala-sergio... ahahaha.... pero hindi pa ito nagtatapos, dahil kailangan makadalo din ng mga taong nawawala sa roll-call... mga katropang lumisan sa bayan at mga katropang hindi mahagilap kung saan-saan... sana sa august makasama ang mga nawawala sa listahan ng noisy... sasagutin daw ni presidente ang venue... katulad ng nakagawian, kwento na lang ang sagot ko... may nakatoka na kasi sa proteksyon... ahahaha...

...salamat muli sa lahat...hanggang sa susunod na muling pagkikita... :)



Miyerkules, Enero 13, 2010

...guro...

...at tuluyan na ngang nasuspinde ng dalawampung araw (20 days) sa pag-ere ang isa sa aking paboritong show sa kapamilya network-- ang showtime.... sa mga hindi po nakaka-alam ng tunay na dahilan, ito po ay dahil sa mga hindi kaaya-ayang pananalita ng Guest Judge na si Rossana "Osang" Roces laban sa mga guro... narito po ang video mula sa youtube:



...at bilang isang guro at estudyante din, may mga ilang bahagi ng kanyang komento ang maganda din namang pagtuunan ng pansin... sabi nga ni Osang, "Huwag kayong makukuntento sa itinuturo ng libro at ng teacher..." ...oo, tama sya sa puntong iyan na ang kaalaman ay hindi lamang humihinto sa kung anung laman ng utak ng guro, sinabi ng guro, alam ng estudante, nakasulat sa libro at hindi lang din ito nagtatapos sa apat na sulok ng silid-aralan... walang hanggan ang kaalaman at patuloy itong nagbabago sa patuloy na pag-inog ng mundo...

...sabi ni Osang, "Teachers are just repeaters"...pero Osang, teachers are not just repeaters... mas mahigit pa sila dun... totoong ang mga guro ay repeaters, pero mahigit pa talaga sila dun... bago pa man malikha ang sibilisasyon ng tao sa Ehipto ang pagtuturo ay kadalasan na nasa paraang repetition at imitation... bakit? dahil ito ang basic...dito ka magsisimulang matuto at maging dalubahasa sa mga bagay na gusto mong matutunan...kung iyong maalala nun Grade 1 ka, nakailang ulit mo bang binasa ang ABAKADA para lang matuto magbasa...nakailang ulit mo bang pinuno ng mga salitang "I promise to do my homework everyday" ang pad paper mo noon para lang matutong magsulat at gumawa ng assignment... repetition or practice makes you perfect hindi ba?

...pero sa kabila ng mga iyong natutunan sa paaralan, tama nga bang murahin ang mga guro? kung ako ang teacher mo...Osang, anu nga pala ang mapapala ko kung sakaling alam ko kung bakit Rizal ang naging apelyido ng ating pambansang bayani? anung mapapala ko kung malaman ko na binago ito dahil sa kagustuhan ng mga Epanyol? at anung mapapala ko kung malaman ko na ang mga ninuno ni Rizal ay mula sa bansang China at Hapon? hindi ba mas mahalagang pagtuunan ng pansin ang kanyang mga nagawa at kung paano iyon gagamitin sa kasalukuyang panahon at hinaharap?

...walang halaga ang talino ng tao kung wala siyang paggalang sa kapwa...walang halaga ang talino kung hindi ito nagagamit ng wasto... totoong madaling ituro ang kaalaman sa mundo dahil utak lamang ang puhunan dito ngunit ang kagandahang asal ay hindi maituturo kung wala dito ang puso...

...ang teacher ay tao din, hindi sila walking encyclopedia na tipong lahat ng kaalaman ay nasa iba't ibang parte ng katawan ng guro... may mga bagay silang alam base sa kanilang disiplina na tinututukan...anu nga ba ang masama kung hindi alam ng teacher ang tanong ng estudyante, dapat ba silang murahin dahil dito... hindi obligasyon ng guro ang magmistulang henyo dahil sa kanilang mga nalalaman... tungkulin lang nila ang magturo at gabayan ang mga mag-aaral sa mga kaalaman dapat nilang matutunan...

...pero anu nga ba ang pagiging guro? are teachers are just repeaters? na tipong ang mga bagay na nalalaman at gustong ibahagi ang siyang binibigay sa estudyante? ...para sa akin, teachers are NOT just repeaters... they are moulders*... sila ang lumililok ng pagkatao ng isang indibidwal... ang humuhulma ng kinabukasan ng bawat isa...sabi nga nila "Teaching is a Noble Profession" ... hindi lang ito isang trabaho... it is the best occupation among other occupations... walang engineer kung walang guro...walang doktor kung walang guro, walang scientist kung walang guro o kahit na presidente ng pilipinas ay wala din kung walang guro... kung hinahangaan mo si Sarah Geronimo bilang isang mang-aawit siguro'y marapat din na iyong hangaan si Frenchie Dy bilang kanyang voice coach... kung hinahangaan mo si Euclid bilang magaling na matematician, marapat din na iyong hangaan si Plato bilang kanyang mentor... kung hinahangaan mo si Bob Ong bilang manunulat, marapat din na iyong hangaan ang kanyang teacher nun grade 1 na nagturo sa kanya na bumasa at sumulat... aminado ako sa mga sinabi ni Osang na hindi lahat ng teacher ay sinasabi ang alam nila... totoo yun! dahil kahit kailan hindi din hinangad ng tunay na guro na magturo ng katamaran... sabi nga ng isa sa mga propesor ko noon, "nasa inyo na lahat ng makinarya para sa mga kaalaman, bakit hindi ninyo iyon gamitin... kung gaano nyo hinahangaan sina Newton at Shakespeare, mas hangaan ninyo ang inyong mga sarili dahil sa mga kaalaman ninyo ngayon, nahigitan na ninyo sila..."

hindi madali ang maging guro...at hindi din lahat ay para sa ganitong propesyon..."teachers are not made, they are born" sabi nga nila... walang tunay na teacher ang naging teacher dahil gusto lang nilang kumita... ang mga gurong nagtuturo na hindi iniisip ang kapakanan ng kanilang mag-aaral ay 100% na magreresign sa trabaho...kung hindi ka para sa propesyong ito, hindi ka mapupunta dito... kung wala ang iyong puso dito, hindi ka tatagal sa pagtuturo... ang pagtuturo ay walang utang na loob na propesyon... matapos ang iyong pagbabahagi ng kaalaman sa mga estudyante... ikaw ay kanila ng iiwan... wala silang babalikan dahil bitbit na ng bawat isa ang bahagi ng kaalaman na sa iyo'y nagmula... sa apat na sulok ng silid-aralan, ang guro ang syang humuhulma sa pagkatao ng indibidwal, hindi lang kaalaman sa asignatura ang hatid kundi kaalaman upang maging produktibong indibidwal... sa loob ng klase, walang makakapagsabi na ang mga estudyante ay magiging negosyante, doktor, engineer, o kahit maging presidente...wala din ang makakapagsabi na ilan sa mga iyan ay magiging magnanakaw at kriminal... at tanging ang impluwensya ng guro ang gagabay sa bawat isa kung anu nga ba ang landas na kanilang tatahakin... hindi madali ang maging guro....

totoo, isa akong guro, pero masasabi kong hindi pa ako ganap na guro...bakit? bukod sa kapirasong karton na may nakasulat na "Professional Teacher" saan pa ba ako naging guro? ... alam kong passion ko ang pagtuturo pero hindi pa ako handa... hindi pa ako handa sa mga codename na maaring ibigay sa akin ng aking mga magiging estudyante..teacher kulot, teacher kulit, teacher pogi... maaaring handa na akong maghandog ng kaalaman ngunit hindi pa din ako handang ibahagi ang buhay ko dito...hindi pa din ako handang mawalan ng pera, marami pa akong sinusuportahan...at hindi pa din ako handang humarap ng may buong pasensya sa mga estudyanteng katulad ni Osang.... dahil kung sa ngayon, sigurado akong hindi ko sya ipapasa sa subject ko....


(*) the word "moulders" was spelled in UK English for emphasis.
Buksan!

Iba pang Kwento!

....langit.lupa.impyerno.... ...Wanted Real Pinoy... #itsmorefuninthephilippines #NBAFinals2014 20 Reasons why I like Philippines over UAE 2010 Philippine Election Inital Results 2010 Philippine Election Initial Results [Latest] 2016 3:06pm A Kish to Remember A Message from Mark Zuckerberg to Philippine users of Facebook Abu dhabi adik [dahil] sa'yo after 15 years after 45 days after 7 years...0307 becomes 0614 agosto para sa pilipino aheks akalain mo yun ako ako ito ako ito 1 ako ito 2 ako ito 3 alaala ng nakalipas albularyo alibata All Saint's Day All Soul's Day alyssa bernal Alyssa Bernal (part 2) an act of love Andrea Corr's State of Independence Anime ano daw? ano na ano sa palagay mo? ang pagbabalik ang panyo ang tunay na siga apila para sa masa aswan (bilang isa) Aurora Award babae babae ka lalaki ako babae sa jeep babalik ka din BabyG back to work Bago ito Bagong Bayani BagongBayani balanse baliktad ba? baliw batas ng tao bidaman Big Job Billy Crawford bilog o tatsulok blogging tips 101 (for pinoy bloggers) bored brick buhay buhay mo buhay ko buhay nating lahat Buhay OFW: Pangarap sa mga Sulok ng Kahon; OFW Buhay sa Dubai (From Writer-Researcher to Toshiba Promoter) Bukang-Liwayway bungo at buto Change is Coming chess Chip Tsao Coleen Garcia college contest Cory Aquino dies couple Crucifixion dalaw dalawang daan siyamnapu't apat na araw day-off Department of Tourism desisyon destinasyon Digong dos Duality Dubai Dupe Tara Lakad Tayo Duterte EASY $5 GIVEAWAY Endorsers??? etiquette etong sa'yo...raygun exam day Exit Eye Test? Malabo na ba ang iyong mata? facebook Facebook (Pesbuk) facebook user FAQ's first time mo? firsttime flesh-eating disease Fliptop Friendship from facebook fun Funny Exam Answers game Game 1 Game 3 Gatorade Gelika Bless gintuang sundang global warming a warning? google payout guro gusto mong mamatay? halimaw hanggang Happy Father's Day happy hatchday Heat vs. Spurs hiatus higante Hikab muli ako. Tunganga History of Super Gulaman Hoi Hoi HyperPanda Babies and others i love this day i love you ibigay ang hilig ikalawang ginto imahinasyon immigration Inang OFW Indian Init Introducing: Ang Anak ni SuperGulaman Iran isang madugong labanan isang malaking pagbabago isang pagbabalik tanaw isang pasasalamat isang sulyap sa kahapon kasalukuyan at hinaharap It's more fun in the Philippines ITCHY jeepney Job Hunting tips juan kalaro kaliwa kanan kalma lang boss kalsadang mabato Kapalaran Ayon sa Galaw ng Kalawakan (Ophiuchus) kape sa tanghali Kapitan Sino? kasinungalingang mapanlinlang katapatan katinuan katinuan...gustong magpakilala katotohanan Kawhi Leonard kisame Kish kulay kuro-kuro sa bayan ni juan laro laro tayo Learning Japanese (for pinoy) lebron james life Life is a Piece of Cake Ligo na U Lapit na Me lilok (complete) lilok 1 lilok 2 lilok: ang pagpapatuloy [1] lilok: ang pagpapatuloy [2] lilok: ang pagpapatuloy [3] lilok: ang pagwawakas limang minuto...3 miskols...ang umaga ni supergulaman Link Exchange and Other Concerns love lunes mag-enjoy kay enjoy magdasal daw twing umaga sabi ng grasya mahika ng mga kulay Makulay na Paglalaro ng mga Salita malungkot masaya mataba payat Manny "Pacman" Pacquiao Vs Antonio Margarito mapalad ka.. ikaw mapalad silang wala sa katinuan mcarthur mensahe mga hindi dapat gawin sa facebook minsan lang mismo Mmm Sarap modelo musika at ganda naaalala mo pa ba? NAIA NAIA' firsttime NBA All Stars VS Smart Gilas (Philippines) NBA Finals NBA Finals 2014 new design Nonito Donaire Knocks Out Fernando Montiel numero OFW ouch our life Pa-digits Digits Pa Kasi pag-uuri Panahon na Naman [ng Pag-ibig?] Pananabik sa Tag-init Pangasinan pangpasaya Para patay na nabuhay peace be w/ you pelikula Philippine Grand Lotto 6/55 Pilipinas Pilipinas: Sa Pagkakakilanlan Pinoy Version of some Hollywood Movies please help praning Prayer in Mathematics Propesiya at Pilipinas Prophecy Proud to be Pinoy punto ko punto mo Puso ng mga Halimaw Puting Damit Rapido Vs Smugglaz real name regalo Reproductive Health Bill REULEAUX TRIANGLE: ROLLING TRIANGLES Rubber Sadhu Sundar Selvaraj salamat salamat kaibigan sampung taon sayang school Selda Uno Dise Otso seryosong usapan showtime Si Mara at Pamela siga o adik silbi simbulo sino ang tamad? Sino si Santa Claus? sintang paaralan Sistema ng Numero Sistema ng Tao skin makati SONA 2011 TRAFFIC RE-ROUTING SCHEME and MORE sorpresa streetfight Stretch Marks subic sulat kamay Sumusungaw na Chatbox Super Super G sa PBB? super G turning super busy Super Gulaman sa Bayan ng mga Arabo (Part 1) Super Gulaman sa Bayan ng mga Arabo (Part 2) supernatural tagapagpalaganap ng pag-ibig tamang trip tamang trip (ikalawang pasabog) Tanong Ko Sagot Mo tanong lang tao tao tao saan ka gawa? tatsulok tayo... The 2010 Oscar Winners The BENEFITS of SEX The Five Love Languages the golden rule the reunion The True Story of Manny "Pacman" Pacquiao thursday time for sale Time Travel Times of Your Life Tingi Culture Toshiba Toshiba Champs Toshiba’s Wet and Wild Adventure in Atlantis Trabaho ba ang hanap mo? Twitter UAE UFC Ulam at Kanin uri ng mundo usapang buhay Usapang ChikenJoy usapang itlog at manok usapang kadiri usapang kadiri (Part 2) wala wala akong medyas wala lang wala naman kaming napala walong palakaibigang adik warm-up when SuperG meets BabyG who are your customers? WiFi Won over Antonio Margarito world peace Zamboanga del Sur
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...