Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Enero, 2014

BabyG

Yup! medyo malaki na sya ngayon. Ang bilis talaga ng panahon. Minsan pasaway na din...alam na kung kanino nagmana. Ahehehe. Pero ano pa nga ba? parte yan ng pagkabata eh. Maglaro. Madapa. Matuto. Mangulit. Tumawa. Umiyak. Kumain. Kumain. Kumain. Ah parehas pala kami ng hobby. Kumain. Maging malusog lang at masaya, yan ang hiling namin ni WonderG para sa kanya. Pero alam nyo ba kung ano ang paborito ng anak ni SuperGulaman? Ano pa nga ba? ....Jelly "Minsan lang tayo magiging bata, labing dalawang taon lang yun at dapat sulitin ang pagkakataon. Huwag din ito ipagkakait kanino man dahil ang pangit naman na kung kelan pa tayo tumanda tsaka pa tayo mag-iisip bata."   ---SuperG

Dos

Credit: Image from  http://www.wvswrite.com Ika-dalawa ng Enero taong dalawang libo't labing apat na ngayon. Tapos na ang pasko ng nakalipas na taon ngunit hanggang sa sandaling ito, lutang pa din ang isipan. Tila ba patay na ang gana sa paglikha ng mga akdang masasabi kong may halaga. Tulad ng binabasa mo ngayon. Hindi para sa iyo, hindi para sa kanya, hindi para bayan, para lang sa may-akda. Makasarili. Madamot.