Lunes, Enero 24, 2011

...Kapalaran Ayon sa Galaw ng Kalawakan (Ophiuchus)...

Nitong nakalipas na linggo, ginulatang tayong lahat ng isang nakakatakot na balita. Oo! Nakakatakot talaga. At ito ay ang pagsulpot ng Astrological Sign na kung tawagin ay "Ophiuchus". Ang totoo nyan hindi ko alam kung paano yan bigkasin. Kung kaya nga binibigkas ko lang yan katunog ng likidong lumalabas sa ilong sa wikang Ingles. Ophiuchus, Mucus, magkatunog. Kung silent "i" yan, yun ang hindi ko alam. Pero bakit nga ba nakakatakot? Simple lang, mantakin ba naman na sisingit yan sa ating nakasanayan na 12 zodiac o astrological signs. Ibig sabihin, magiging labingtatlo ng lahat yun. Ibig din sabihin, magbabago na din ang zodiac sign natin. Ibig sabihin, kung dating Cancer ka at ang ugali mo ay may pagka-moody, mag-iiba na yun at magiging kaugali mo na ang mga poging Gemini na tulad ko (self-proclaimed, bawal ang umangal). Ganito daw ang pagkakayos nun:

Pisces (March 13 - April 19)
Aries (April 20 - May 12)
Taurus (May 13 - June 20)
Gemini (June 21 - July 19)
Cancer (July 20 - August 11)
Leo (August 12 - September 17)
Virgo (Sepetember 18 - October 31)
Libra (November 1 - November 21)
Scorpius (November 22 - November30)
Ophiuchus (December 1 - December 18)
Sagittarius (December 19 - January 18)
Capricorn (January 19 - February 17)
Aquarius (February 18 - March 12)

Ang totoo nyan, matagal ng panahon ng banggitin ni Ptolemy ang Constellation Ophiuchus. Sa kanyang apatnapu't walong listahan ng konstelasyon kabilang dito ang Ophiuchus na kadalasan ay binabansagan ding "Serpentarius". Serpentarius, the serpent-bearer. Kung inyong mapapansin ang bawat Zodiac signs ay may katugmang Constellations o ang mga zodiac signs o astrological signs, o kung anu man ang tawag dyan ay ang mga constellation din mismo. Ang zodiac signs na ating alam sa kasalukuyan ay ayon sa paggalaw ng araw sa mga konstelasyon noon pang nakalipas na 2,500 na taon. At sa kadahilanang nagbabago na din ang paggalaw ng mundo at iba pang mga elemento sa kalawakan, dumaandaan na ang araw sa 13 konstelasyon at kabilang dito ang Ophiuchus. Kung dati-rating kasama ang Planetang Pluto sa solar system at ngayon ay hindi na, hindi na din iyon nakapagtataka sa mga pagbabago pa.

Tayong mga Pilipino ay aliw na aliw sa mga pang-uuto ng mga Astronomer at mga manghuhula. Dito sa bahay, kapag nagsasalita na si Zenaida Seba para basahin ang kapalaran o horoscope, siguradong hihinto sa mga ginagawa ang mga kapatid at nanay ko. Lalakasan ang volume ng TV upang malinaw na mapakinggan ang kapalaran, kasabay din nyon ang pang-aalaska ko. Tipong ganito yun:

Aries: magiging madilim ang iyong kapalaran na may kasamang pagkulog at pagkidlat sa umaga't hapon.
Taurus: matatae ka, magbaon ng maraming tissue.
Gemini: Mag-ingat, maghihiwalay na daw ang kambal sa iyong zodiac.
Cancer: Government Warning, Cigarette smoking is dangerous to your health. Nakaka-cancer.
Leo: Huwag magpalinlang sa mga mapagpanggap na Leo, hindi yan mga macho. Mga tiger yan, mga bading.
Virgo: Mawawala ka sa uso, lahat hindi na virgo, hindi na virgin.
Libra: Masasampal mo ang magtatanong sayo ng zodiac sign mo. Ang tanong nyang "Libra ka?" ay mapagkakamali mong "May bra ka?"
Scorpio: Uminom ng maraming tubig. Wala nyan sa disyerto.
Sagittarius: Mawawala na ang zodiac sign mo, ipapalit na sya kay kupido.
Capricorn: Mag-ingat sa pagkain ng mga berdeng pagkain, hindi lahat masustansya. Dahan-dahan sa pagkain ng lumot.
Aquarius: May nakaantabay na magandang kapalaran sayo kung sa Maynilad ka magtratrabaho.
Pisces: Wala kang kapalaran, matulog ka na lang.

Hindi naman sa hindi ako naniniwala sa horospocs este horoscopes na yan, hindi ko lang kasi matanggap na ang kapalaran ng bilyon-bilyong tao sa mundo ay 12 o 13 lang. Hindi ko kasi mapaniwalaan na ang mga  kulay at numero na binibigay nila ay maswerte nga talaga. Kung totoo yun, tataya na ako sa jueteng, ending, lotto, sakla, pekwa, bingo at color game sa mga peryahan.  Kung mangyaring totoo ang mga horoscopes, magkakaroon ng malaking problema sa ekonomiya, sa stock market.  Mamumulubi na ang PCSO at lahat ay magiging magaling sa arithmetic, astronomy, palmistry at color combination.

Noong ginawa ko ang akdang ukol sa Global Warming, sinabi ko na posibleng cycle lamang ang lahat.  Na ang global warming ay posibleng walang kinalaman sa mga aktibidad ng tao at ito ay isang "natural phenomenon" lamang. Mga panyayaring hindi kayang kontrolin ng tao. Kung ganun, posible na ang mga nararanasan natin pagbabago ngayon sa mundo ay epekto ng natural na galaw ng mundo at ng mga elemento sa kalawakan. Ang pagdaan ng araw sa ika-13 konstelasyon, ang pagkawala ng pluto sa solar system, ang pagbabago ng galaw ng mundo ay ang mga posibleng dahilan ng iba't ibang pagbabago na nararanasan natin ngayon.  Ilan lamang dito ang patuloy na pag-ulan sa ilang parte ng Pilipinas, pag-baha sa ibang bansa dulot ng malakas na ulan, labis na init sa ilang mga lugar na noon man ay hindi pa nakakaranas ng ganoong sistema.  Nakakatakot, nakaka-alarma (lalo na sa mga naniniwala sa 2012). Pero alam mo ba ang kahihinatnan ng lahat na mga panyayaring ito? Hindi.

Sa totoo lang, hindi ko din naman talaga alam kung ano ang hinaharap.  Walang nakakaalam nun, kahit ang mga tala sa kalawakan, hindi nila masasabi kung ano ang ating magiging kapalaran.  Katulad nga ng laging sinasabi ni Zenaida Seba, "hindi hawak ng mga bituin ang ating mga kapalaran, gabay lamang sila, meron tayong free will, gamitin natin ito." 

Linggo, Enero 16, 2011

...Usapang ChikenJoy...

[Paunawa: May ilang bahagi sa akdang ito na hindi angkop sa mga batang mambabasa, pantubay ng magulang ay kailangan.]

isa sa pinaka-paboritong kong fastfood ay ang Jollibee... at wala ding katulad ang linamnam ng kanilang Chickenjoy...kahit hindi ko masyadong gusto ang breast part ng chicken nila, paborito ko pa din ang mga manok dito, pero bakit nga ba? simple lang..ganito kasi yun...sige basa..

SuperGulaman: bakit daw hindi masarap ang breast ng chicken?...
SuperGulaman: :)
Kaopismeyt (Insert Name Here): dahil hindi totoong breast
Kaopismeyt (Insert Name Here): hahahahahah
SuperGulaman: ahehehe...pwede...
Kaopismeyt (Insert Name Here): dahil healthy at walang fats..
Kaopismeyt (Insert Name Here): peace..
SuperGulaman: ahehehe... kasi nga walang nipple....
SuperGulaman: :))
Kaopismeyt (Insert Name Here): hahahah
SuperGulaman: :))
SuperGulaman: Eh bakit yung wings naman masarap??...
Kaopismeyt (Insert Name Here): :)
Kaopismeyt (Insert Name Here): ummmm... bakit nga ba?
SuperGulaman: ummm kasi...kasi nga pakpak (*slang dapat ang basa)...ahahaha
SuperGulaman: :))
Kaopismeyt (Insert Name Here): :))
SuperGulaman: pero karamihan ng lalaki ang gusto sa chicken ay yung thigh part...
SuperGulaman: :))
Kaopismeyt (Insert Name Here): ang saya saya... ahahaha... :)
Kaopismeyt (Insert Name Here): o bakit thigh part?
SuperGulaman: Masarap daw kasi yun, kasi onti n lang pwet na
SuperGulaman: ahahaha... :)
Kaopismeyt (Insert Name Here): eewww..
Kaopismeyt (Insert Name Here): wag namn ganun
Kaopismeyt (Insert Name Here): hahhaha
SuperGulaman: ang halay na
SuperGulaman: :))
Kaopismeyt (Insert Name Here): oo..
Kaopismeyt (Insert Name Here): pero enjoy
Kaopismeyt (Insert Name Here): hahahhaha
SuperGulaman: uu kaya nga chickenjoy eh...
SuperGulaman: ahahaha... :)


Huwebes, Enero 13, 2011

...Makulay na Paglalaro ng mga Salita...

Ang sabi nila may iba't ibang kulay daw ang kombinasyon at paglalaro ng salita. Nakabatay daw iyon sa kung anong emosyon ang maaaring mabuo natin dito. Pula ang kulay kung galit o pag-ibig ang tinetema ng bawat kataga. Asul naman ang kulay kung ang mga salita ay nagpapahayag ng kalungkutan o kapayapaan. Puti naman daw kung ito ay tumutukoy sa kalinisan at kabanalan. Pero sa totoo lang, ako lang ang may sabi nun. Ahahaha...:)

Pero sa seryosong dahilan posible ngang magkaroon ng kulay ang bawat katagang namumutawi sa ating mga labi. Maaaring ang maging kulay nito ay itim sa tuwing tayo ay nagpapahayag na kamatayan o kasamaan. Sa kabilang banda, kulay berde naman para sa salitang may bahid kapilyuhan. At sa lahat ng mga kulay sa paglalaro ng salita, ang kulay berde (hindi luntian, positibo kasi ang dating sa akin ng kulay na lutian) ang pinakamasaya sa paglalaro ng mga salita. Bagamat hindi palasak ang paglalarawan ng mga salita sa medyo may kaselanang usapan, ang kulay berdeng paglalaro ng mga salita ay nag-iiwan ng kiliti sa ating imahinasyon. Sa madaling salita, berdeng kalokohan, berdeng kwentuhan, berdeng usapan.

Ang mga kabataang lalaki kapag nagkumpulan at masaya ang usapan, malamang sa malamang na berde ang kwentuhan. Posible na pinagtatawan nila ang pakikipagsapalaran ni Boy Bastos (Kilala nyo ba yun?) o di kaya naman ay posibleng pinagtatawan nila ang supot sa kanila. Pero sa totoo lang mahina talaga ako sa berdeng kwentuhan (Maniwala ka! Ayaw mo, e di wag..ahahaha). Medyo nahihirapan akong magbahagi ng mga kwentong may kaunting kapilyuhan sa kadahilanang laki ako sa simbahan (Maniwala ka na, sige na!).

Ang kabataang pinoy ay likas ang kapilyuhan. Kung berdeng usapan lang, hindi yan palalamang. Hindi ba noong nasa hayskul ka, sa H.E. class mo, ang salitang "Ketchup" ay dinadagdagan mo ng titik "a" sa dulo? Bukod dun, pilit mo din binubura ang letrang "r" sa salitang "pepper". Pati ang lagayan ng susi na may nakasulat na "Susi" ay pilit na binabago ang hulihang titik upang maging "o". Hindi pa dyan kasali ang pagpuno mo ng mga kahalayang salita na kadalasan ay may larawan pa sa palikuran ng mga kalalakihan. Makulay na paglalaro ng mga salita.

Sa musika, naabutan mo pa ba ang album na "Haring Solomon" ni Boy Sullivan? Ako? Syempre hindi na. Masyado ng antigo ang kantang ito. Pero muling binalik ni Andrew E. ang ilan sa mga kantang nakapaloob dito at isa dito ang "Pink Palaka". Ganito nila nilaro ang salita:

Sa silong ni kaka (aha, aha)
May taong nakadapa (nakadapa)
Kaya pala nakadapa (why, why)
Naninilip ng palaka (ay sus!)
Palakang may buhok (me buhok?)
Ngipin ay nakalubog (nakalubog?)
Ang kulay nito'y itim (itim yo!)
Hindi naman sunog...aha, aha

Mahusay maglaro ng salita si Andrew E. bagama't ang ilan ay may kapilyuhan sigurado naman ako na napangiti nito ang ilan. Sino naman kaya ang makakalimot sa dakilang pagkakalikha ni Andrew E. sa kantang Binibi Rocha. Mahusay. Makulay na paglalaro ng mga salita.

At kung berdeng kulay na paglalaro ng salita ang usapan, babanggitin ko na din ang husay ng aking paboritong Grin Department sa pagkakalikha nila sa kantang "Sion" na may mga salitang:

Kikinis at kikinis at kikinis 'yon, lagyan mo ng biton
Titibay ng titibay 'yon, lagyan mo ng takong
Kikinis at kikinis 'yon, lagyan mo ng biton
Titibay ng titibay 'yon, titibay yon
At kikinis pa 'yon

Makulay na paglalaro ng mga salita.

Noong bata pa tayo, pamilyar tayo sa kantang pambata na:
Bubuka ang bulaklak, papasok ang reyna
Sasayaw ng Cha-Cha, ang saya-saya
Boom-ti-ya-ya, boom-ti-ya-ya, boom-ye-ye
Boom-ti-ya-ya, boom-ti-ya-ya, boom-ye-ye

Kasabay din nito ang pang-asar na kantang, "1-2-3 asawa ni Marie, araw-gabi walang panty". At pagkatapos nun, may mantra pa tayong natutunan, ito yung "ang na ang na sulapukan sumaskitot mo ko mo ko". Noon hindi ko alam talaga kung ano ang ibig sabihin nyan, gusto mong malaman? wag na lang baka ma-ban pa ang blog kong ito. Ahahaha. Makulay na paglalaro ng mga salita.

May kaklase ako noon sa kolehiyo, si Poklong (guro na sya ngayon) na may kalokohan, kapilyuhan. Ugali nyang pagkwentuhan namin ang pakikipagsapalaran ni Boy Bastos. Minsan kapag walang propesor na dumating, tumatayo sya sa gitna ng klase habang malinaw na binabasa ang kwento sa Xerex Xeviera. Loud and Clear. Ang mga kaklase kong babae na imbes mainis o mandiri, katulad namin mga kalalakihan ay aliw na aliw din sa kalokohan ni Poklong. Masaya din kaming nakikinig sa mga green jokes nya. Ibabahagi ko sa inyo ang isa sa mga kwentong iyon na hindi ko din alam kung saan nya napulot:

Eksena: Si Ms. Pruke ay isang guro sa hayskul. 1st day of school...kaya syempre mag papakilala si titser.
Ms. Pruke: ok class! (sinulat ang pangalan nya sa blakbord) My name is "Miss Pruke" with an R with an R with an R! (with a stress habang sinasabi nya ung with an R) mukhang terror si titser... pigil ang pagtawa ng mga estudyante dahil baka mapagalitan sila.
Ms. Pruke: Ok class kelangan bukas pag tinawag ko kayo alam nyong banggitin ang pangalan ko ha?

Kinabukasan.
Tinandaan ng buong klase ang "With an R" maliban kay Dan dahil sa palagian nyang pagde-daydreaming
Ms. Pruke: Anong pangalan ko? (naghanap ng tatawagin at nakita nyang si Dan ay lumilipad ang isip)
Titser: Dan anong pangalan ko? . . .
Dan: a eh!? . . . (sabay sabay ang buong klase sa pagbulong ng clue) with an R WITH AN R!
Dan: Ah! ang pangalan nyo po ay Miss Prekprek!

Ahehehe....Makulay na paglalaro ng mga salita.

Kapag narinig nyo ang mga pagkaing hotdog, talong, itlog, mani, pakwan, tahong, tilapia, malamang sa malamang na hindi ang mga literal na pagkaing yan ang naiisip mo hindi ba? Berde. Ahahaha! Parang katulad nito ang titulo ng mga palabas noon, "Patikim ng Pinya", "Pining Garcia". Isama ko na din ang mga titulo sa kwento ni Eros Atalia tulad ng, "Inararo mo ang Bukid ko", "Laway sa Monay", at "Luha sa Dulo ng Batuta". Ahahaha. Makulay na paglalaro ng mga salita.

Sa mga libangan naman tulad ng Bingo, siguro ako na alam mo ang numerong binangit kapag sumigaw ang taga-bola ng "Sa B, Tirik na Tirik sa Tanghaling Tapat" o kaya naman sa "Sa O, paborito nyo.. baligtaran". Makulay na paglalaro ng mga salita.

Noong bata pa ako, kapag hinahanap ko ang tatay ko sa nanay ko at sinabi ng nanay ko na "nandun, naghahalo at sumasalat ng tahong", alam na alam ko na nag-lalaro ng mahjong ang tatay ko. Pero ngayon sa tuwing maiisip ko ang linyang iyon, napapangiti talaga ako. Makulay na paglalaro ng mga salita.

Kahapon. Sabi ng nanay ko, wag ko daw ugaliing magbabad sa bentilador (electric fan) dahil maaring manigas ang aking mga kalamnan o maging ang mga binti at paa. Sumabat si Erik (bayaw), "Yet, wag mong ibabad sa chever mo ang electric fan, maninigas yan...ahahaha".  Ngumiti lang ako, hindi masyadong tumawa, pero sa isip ko humahalakhak na ako, "Siguradong maninigas ito, lalo na sa madaling araw. Kusa!"   Makulay na paglalaro ng mga salita.
Buksan!

Iba pang Kwento!

....langit.lupa.impyerno.... ...Wanted Real Pinoy... #itsmorefuninthephilippines #NBAFinals2014 20 Reasons why I like Philippines over UAE 2010 Philippine Election Inital Results 2010 Philippine Election Initial Results [Latest] 2016 3:06pm A Kish to Remember A Message from Mark Zuckerberg to Philippine users of Facebook Absolute Value Abu dhabi adik [dahil] sa'yo after 15 years after 45 days after 7 years...0307 becomes 0614 agosto para sa pilipino aheks akalain mo yun ako ako ito ako ito 1 ako ito 2 ako ito 3 alaala ng nakalipas albularyo alibata All Saint's Day All Soul's Day alyssa bernal Alyssa Bernal (part 2) an act of love Andrea Corr's State of Independence Anime ano daw? ano na ano sa palagay mo? ang pagbabalik ang panyo ang tunay na siga apila para sa masa aswan (bilang isa) Aurora Avoid Negativity Award babae babae ka lalaki ako babae sa jeep babalik ka din BabyG back to work Bago ito Bagong Bayani BagongBayani balanse baliktad ba? baliw batas ng tao bidaman Big Job Billy Crawford bilog o tatsulok blogging tips 101 (for pinoy bloggers) bored brick buhay buhay mo buhay ko buhay nating lahat Buhay OFW: Pangarap sa mga Sulok ng Kahon; OFW Buhay sa Dubai (From Writer-Researcher to Toshiba Promoter) Bukang-Liwayway bungo at buto Change is Coming chess Chip Tsao Coleen Garcia college contest Cory Aquino dies couple Crucifixion dalaw dalawang daan siyamnapu't apat na araw day-off Department of Tourism desisyon destinasyon Digong dos Duality Dubai Dupe Tara Lakad Tayo Duterte EASY $5 GIVEAWAY Endorsers??? etiquette etong sa'yo...raygun exam day Exit Eye Test? Malabo na ba ang iyong mata? facebook Facebook (Pesbuk) facebook user FAQ's first time mo? firsttime flesh-eating disease Fliptop Friendship from facebook fun Funny Exam Answers game Game 1 Game 3 Gatorade Gelika Bless get real gintuang sundang global warming a warning? google payout guro gusto mong mamatay? halimaw hanggang Happy Father's Day happy hatchday Heat vs. Spurs hiatus higante Hikab muli ako. Tunganga History of Super Gulaman Hoi Hoi HyperPanda Babies and others i love this day i love you ibigay ang hilig ikalawang ginto imahinasyon immigration Inang OFW Indian Init Introducing: Ang Anak ni SuperGulaman Iran Irrationalget isang madugong labanan isang malaking pagbabago isang pagbabalik tanaw isang pasasalamat isang sulyap sa kahapon kasalukuyan at hinaharap It's more fun in the Philippines ITCHY jeepney Job Hunting tips juan kalaro kaliwa kanan kalma lang boss kalsadang mabato Kapalaran Ayon sa Galaw ng Kalawakan (Ophiuchus) kape sa tanghali Kapitan Sino? kasinungalingang mapanlinlang katapatan katinuan katinuan...gustong magpakilala katotohanan Kawhi Leonard kisame Kish kulay kuro-kuro sa bayan ni juan laro laro tayo Learning Japanese (for pinoy) lebron james life Life is a Piece of Cake Ligo na U Lapit na Me lilok (complete) lilok 1 lilok 2 lilok: ang pagpapatuloy [1] lilok: ang pagpapatuloy [2] lilok: ang pagpapatuloy [3] lilok: ang pagwawakas limang minuto...3 miskols...ang umaga ni supergulaman Link Exchange and Other Concerns love lunes mag-enjoy kay enjoy magdasal daw twing umaga sabi ng grasya mahika ng mga kulay Makulay na Paglalaro ng mga Salita malungkot masaya mataba payat Manny "Pacman" Pacquiao Vs Antonio Margarito mapalad ka.. ikaw mapalad silang wala sa katinuan math Math is Life mcarthur mensahe mga hindi dapat gawin sa facebook minsan lang mismo Mmm Sarap modelo musika at ganda naaalala mo pa ba? NAIA NAIA' firsttime NBA All Stars VS Smart Gilas (Philippines) NBA Finals NBA Finals 2014 new design Nonito Donaire Knocks Out Fernando Montiel numero OFW ouch our life Pa-digits Digits Pa Kasi pag-uuri Panahon na Naman [ng Pag-ibig?] Pananabik sa Tag-init Pangasinan pangpasaya Para patay na nabuhay peace be w/ you pelikula Philippine Grand Lotto 6/55 Pi Pilipinas Pilipinas: Sa Pagkakakilanlan Pinoy Version of some Hollywood Movies please help praning Prayer in Mathematics Propesiya at Pilipinas Prophecy Proud to be Pinoy punto ko punto mo Puso ng mga Halimaw Puting Damit Rapido Vs Smugglaz real name regalo Reproductive Health Bill REULEAUX TRIANGLE: ROLLING TRIANGLES Rubber Sadhu Sundar Selvaraj salamat salamat kaibigan sampung taon sayang school Selda Uno Dise Otso seryosong usapan showtime Si Mara at Pamela siga o adik silbi simbulo sino ang tamad? Sino si Santa Claus? sintang paaralan Sistema ng Numero Sistema ng Tao skin makati SONA 2011 TRAFFIC RE-ROUTING SCHEME and MORE sorpresa streetfight Stretch Marks subic sulat kamay Sumusungaw na Chatbox Super Super G sa PBB? super G turning super busy Super Gulaman sa Bayan ng mga Arabo (Part 1) Super Gulaman sa Bayan ng mga Arabo (Part 2) supernatural ta tagapagpalaganap ng pag-ibig tamang trip tamang trip (ikalawang pasabog) Tanong Ko Sagot Mo tanong lang Tangent Line tao tao tao saan ka gawa? tatsulok tayo... The 2010 Oscar Winners The BENEFITS of SEX The Five Love Languages the golden rule the reunion The True Story of Manny "Pacman" Pacquiao thursday time for sale Time Travel Times of Your Life Tingi Culture Toshiba Toshiba Champs Toshiba’s Wet and Wild Adventure in Atlantis Trabaho ba ang hanap mo? Twitter UAE UFC Ulam at Kanin uri ng mundo usapang buhay Usapang ChikenJoy usapang itlog at manok usapang kadiri usapang kadiri (Part 2) wala wala akong medyas wala lang wala naman kaming napala walong palakaibigang adik warm-up when SuperG meets BabyG who are your customers? WiFi Won over Antonio Margarito world peace Zamboanga del Sur
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...