Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Enero, 2009

..punto ko, punto mo...

...naaalala mo pa ba ang mga kinukwento sa iyo noong bata ka? ang mga kwento nila snowwhite, cinderella, jack and the beanstalk at iba pang mga kwento na naging bahagi ng ating paglaki, lahat ba yun ay naalala nyo? ...anu ba ang ending ng mga kwento nila?.. di ba laging "and they lived happily ever after"... ...ang totoo nyan hindi naman ako salunggat sa paggawa ng mga kwentong ito..., ngunit hindi din nangangahulugan na sang-ayon ako kung paanong ginawa ang mga kwentong ito.. totoong ang mga kwentong pangbata ay siguradong kapupulutan talaga ng aral at nakakatulong ito sa pagkakaroon ng positibong pananaw ng isang bata sa buhay... ...ang mga kwentong pangbata bagamat nakakatulong ito sa pagkakaroon ng positibong pananaw sa buhay, hindi naman natin maikakaila na ang buhay ay hindi natatapos sa "and they lived happily ever after"...dumarating talaga ang mga problema...dumadating ang saya...parang gulong ika nga nila..minsan nasa itaas, minsan nasa baba... sa totoong

...baliktad ba?...

paunawa: pinapayuhan ang bawat isa na basahin ang susunod na bahagi ng sulating ito simula sa ibaba-pataas...kanan-pakaliwa upang ganap na maintidihan ang nilalaman nito...nawa'y masiyahan po tayo..:) !pagbabasa sa salamat... ?kaya ka bumili, man ko magawa kung pero... ito ko magagawa kung alam pa ko hindi... konsepto ang baligtad na matematika ng tagalog librong ng gumawa kong pinangarap, matematika ng larangan sa manlilinlang dakilang isang bilang nga ngayon at... ...tanong unang sa papunta tanong huling sa pagsagot ang ko sinisimulan, noon pagsusulit mga sa at... nito bahagi likurang sa kwaderno aking sa magsulat magsimulang na talaga na ko nakaugalian, ako pa kolehiyo nasa noong... bahagi hulihang sa bagay-bagay mga ng pagsisimula ang, man pa noon talaga na ko nakahiligan n'yan totoo ang... kamay kanang ating ng pagbuklat sa para aklat ganung ang tamang-tama akin sa para...bahagi likurang nasa ay aklat ng titulo ang tipong yung... bahagi mga ng posisyon ang baliktad librong

...isang pagbabalik tanaw...

"Kung nababasa mo ito, napakaswerte mo...ibig sabihin hindi ka naghihirap katulad ng mga batang lumaki sa lansangan - SuperGulaman" ...alas-kwatro pa lang ng umaga ngunit tila ba gising na gising na ang aking gunita sa pag-iisip sa mga bagay na aking nakatakdang gawing sa buong mag-hapon...katulad ng nakagawian, laging sinisumulan ang umaga sa usal ng panalangin...panalangin ng pasasalamat para sa mga nakalipas na panahon at mga biyayang ipinagkaloob, at panalangin ng pag-gabay para sa itinakda ng pagkakataon at sa babaeng mamahalin ko sa habang panahon, ang aking Grasya... matapos ang saglit na iyon, konting kape lang, saglit na pagligo at paghahanda, walang almusal... handa na akong pumasok sa opisina... ...hindi ko talaga naging ugali ang kumain pagkagising sa umaga...nagpapalipas talaga ako ng ilang oras bago lagyan ng laman ang tiyan...siguro dahil iyon ang nakasanayan ko... mabuti nga ngayon at kahit papano nakakapag-almusal na ako...hindi katulad noong nasa kolehiyo pa

...kalaro..

....matagal na din ang panahon ang nakalipas ng huli kaming maglaro ng chess... simula ng naging busy ako sa aking trabaho, sa pag-update ng mga blogs, sa paglalaro ng online chess...hindi ko na siya naalala na muling makalaro... manaka-naka na kaming nag-uusap...bihira ko na din syang tanungin pra sa aking mga desisyon... at ngayon mukhang kailangan na namin mag-usap at maglaro.... hindi ng chess kundi ng basketball... medyo kailangan ko ng muling magbawas ng timbang sa pamamagitan ng paglalaro ng basketball...ngunit mahirap humagilap ng taong pwedeng makisabay sa level ko sa paglalaro nito...at tanging siya lng ako naiisip ko na pwedeng makatulong sa akin... ...kahapon bumili na ako ng bola...handa ko na nga siyang yayain kanina... ngunit anung kamalasan, ginagawa ang bakod ng palaruan...umuwi ako ng bahay, bitbit pa din ang bola..sinimulang i-dribble ang bola habang nsa kalasada...aba-aba, inagaw nya...at yun na nga nagsimula na ang kakaibang laro...agawan ng bola..pagalingan sa pag

...seryosong usapan...

"Hala! 19 years old na ako...hindi pa din ako registered voter"...yan ang sabi ng nakababatang kapatid ko nun isang araw... natawa lng ako sa hirit nya...kaya ang sabi ko, "kung ako nga ay beinte-sais anyos na pero hindi pa din rehistrado, wala namang nakukulong kung hindi ka boboto eh"... mamaya-maya lang sumabad na ang ate ko..."diyan ka magaling, reklamo kayo ng reklamo sa gobyerno na palpak ang sistema, ei hindi naman kayo bumoboto!"... pero hindi na ako nakipagtalo nun kahit na ayaw ko talagang bumoto o magparehistro man lang...sa Metropolitan Trial Court kasi nag-tratrabaho ang ate ko...sa madaling sabi, sa gobyerno siya nagtratrabaho kung kaya ganun na lang kung paano nya ipagduldulan sa mukha ko ang "right of suffrage"... bakit nga ba ayaw kong bumoto o magparehistro man lang?... siguro ayaw ko ng pila...pero kung pila lang ang issue, sanay ako dyan...graduate kaya ako ng PUP ( P ila U li P ila)... simula sa entrance exam, bayaran ng tuit

2009 Frog Princess Special "I Heart this Blog" Award

....akin pong muling pinapasalamat ang nag-iisang prinsesa ng palaka na si Aian pra napakagandang award na ito.... nawa'y matagpuan mo na ang iyong toad prince... :) ...well, at dahil hindi ito pwedeng ipasa sa iba, mainggit na lng keo...ahahaha... juks... pero pero pra sa masugid kong tagasunod..meron ba? at kapwa ko bolero...este blogero pla...twing sabado ng gabi na po ako muling magpopost ng bagong entry...sa kadahilang mejo nag bubusi-busihan ako sa trabaho at mejo nagiging busy din ako sa pag-update ng aking anime blog ( narutomaxx ), mejo madami din po kasing request ang aking mga viewers... ipagpa-umanhin nyo po ang aking manaka-nakang pagbisita sa inyong mga blogs..hayaan nyong papasyalan ko kayong lahat tuwing sabado... uu nga pla...paminsan-minsan din mag-popost ako ng bagong entry khit hindi pa sabado kapag hindi gaanong busy ang sistema ng aking utak... Aian salamat muli sa award na ito... :D

...kalma lang boss!...

stressed out ka na ba?... kung estudyante ka man or isang empleyado, malamang nakakaranas ka din minsan ng ganitong mga pagkakataon... pero teka umabot ka na ba sa matinding level... un level na minsan hindi mo na naiintidihan ang iyong sarili at and ibang tao... yung tipong lahat ng lumapit sa iyo ay gusto mong ibalibag paitaas at pasabugan ng nuclear weapon... ahehehe... inaanyayahan ko po kayong lahat na panoorin ang mga sumusunod na video clips... hindi ko alm kung matatawa ako o maawa sa mga taong ito.... pero sana hindi tayo umabot sa ganitong pagkakataon... kalma lang boss, mag-ehersisyo.... ngumiti at hayaang ang problema ang mamroblema sa iyo! note: ang inyong natunghayaan ay babala para lahat! relax!...

...first time mo?...

unang araw ng taon ng 2009...mga tsong, happy new year!...parang kailan lang ng magsimulang lumarga ang taong 2008 at ngayon 2009 na pala, hindi pa din ako registered voter...ahahaha... pero bago ang lahat, gusto ko munang abusuhin ang pagkakataon ito na kayong lahat ay batiin ng Happy New Year! unang araw ng taon, isang magandang simula ng pagbabago...unang simula ng mga magagandang pagkakataon...wag nating sayangin, bagkus tayo ay tumindig ng may tatag at sigla para sa hinaharap... ang bilis talaga ng panahon...eh anu naman kung mabilis ang panahon? kung sabagay bumilis man o bumagal ang panahon..hindi naman natin ito mamamaniobra...hindi natin ito mapapatakbo ng ayon sa ating gusto...pero malaki talaga ang epekto ng mabilis ng takbo ng panahon para sa akin..ewan ko lng sa inyo... minsan kasi nangangahulugan ito takot... oo tama! takot! maraming takot o fear ang meron ang bawat isa sa atin...takot sa pag-iisa, takot sa pagtanda, at takot sa kamatayan...ang lahat ng mga takot na iyan