Martes, Mayo 14, 2019

Wikipedia galit kay BONG REVILLA?

maraming memes na si Alyas Pogi.  Yung iba galit na galit. Yung iba chill lang.

Ako. No comment movement.

Ang hindi ko lang magets, bakit si wikipedia galit din sa kanya?

Sino kaya mag-eedit nito ulet?

Parang si Shanti Dope... Grabe...grabe... :)


[EDIT]: Naayos na na Wikipedia ang article.

Check this out.

IMAGE FROM WIKIPEDIA.COM

#May13
#Eleksyon2019
#Pilipinas
#BongRevilla

Lunes, Abril 29, 2019

Bawal Basahin ang Nakasulat Dito

"Bugtong-bugtong. Hindi tao, hindi hayop, wala ka nito, wala din ako, wala ang bawat Pilipino, ano ito?"

Sagot: Disiplina


Ano nga ba ang disiplina?

O mas maganda tanungin natin ang mga Pilipino.  Pero kahit anong hagilap nito, hindi ito makikita dahil wala ito sa bokabularyo ng Pilipino.  Aminin man natin o hindi, isa tayo sa madaming lahi sa buong mundo na wala nito. Kung sa ranking na 1-10 at 10 ang pinakamataas, malamang sa malamang ay 10.5 tayo sa kawalan ng disiplina.  Hindi ko naman sinasabi na lahat ng Pilipino ay ganito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi.  Maraming problema sa Pilipinas tulad ng basura sa estero, ilog at dagat, traffic sa lansanggan, mga taong walang trabaho, mabagal na proseso sa mga opisina pampubliko man o pribado, droga, korapsyon, prostitusyon, tsimosa sa kalye o social media, teenage pregnancy, squatter sa mga kalunsuran, sugal, babaero na hindi naman gwapo, mga siga sa kalye, rapist, lasenggero, holdaper, mamatay tao, magnanakaw na madalas na nagtratrabaho sa gobyerno, at tae ng aso sa kalsada.  At alam mo ang ugat nito, kawalan ng disiplina at paggalang sa kapwa. At alam mo din ba kung bakit tayo mahirap? At yun nga sisimulan nating isisi kung kani-kanino. Sa gobyerno, sa pulitika, sa sistema, sa magulang, sa pamilya, sa aso, sa daga, sa ipis pero hindi natin ituturo ang ating sarili.  At kung sakali man na aminin natin na tayo mismo ang problema, wala naman tayong ginawa para mabago ito at kung may gawin man, sa simula lamang iyon at muli na itong kakalimutan.

Hindi ko alam kung paano natin maitutuwid ang baluktot na ating na nakasanayan.  Kadalasan maririnig natin na dapat sa atin ito magmula, sa ating sarili. Oo, narinig lang natin, hindi natin ginagawa o isinasabuhay.  O kaya naman, gusto natin magbago pero hindi pa ngayon, at lilipas ang panahon, mananatili lang tayo sa bulok na gawi forever. Ganyan ang Pinoy, ikaw at ako.

Madaling matuto ang mga Pilipino, maka-adapt sa mabilis na takbo ng panahon.  Pero hindi nito iiwan ang masarap na nakasanayan.  Mabilis na paraan kahit bawal sa batas o masama sabi ng iba.  Natural na matigas ang ulo ng mga Pilipino simula pagkabata at pagtanda.  Vandalism sa banyo, pagtawid sa bawal tawiran, entry sa no entry, parking sa no parking area, swerving to the max sa kalsada, one lane pero nagiging multiple lane, loading sa no loading and unloading zone. Maraming batas at alituntunin sa Pilipinas, pero walang sumusunod dito katulad ng "Bawal Tumawid, May Namatay na Dito". At hindi ka pwedeng magalit sa kanila dahil magagalit din sila sa iyo. Hindi mo sila pwedeng turuan sa sarili nilang bansa, matigas ang ulo eh.

Kung mapupunta ka sa ibang bansa, makikita mo ang kagandahan ng epekto ng mga taong may displina, paggalang sa batas at kapwa. Pero paano natin puputulin ang baluktot na nakasanayan?  Pagpapatupad ng mahigpit sa pagpapairal ng mga batas? CHR hello.  Para tayong mga spoiled brats sa tigas ng ulo na hindi pwedeng pagsabihan. Na agarang magpapasaklolo sa Bantay Bata 163 na inaabuso tayo. Kaya ang resulta, wala na tayong dispilina, wala ng kinakatakutan. Hindi tulad noon na isang sitsit lang ng tatay mo, alam mo na.  Baka panahon na nga na maging tulad tayo ng Saudi Arabia sa pag-papairal ng batas. Corporal punishment sa mga lalabag. Putol daliri sa mangungupit, putol ulo sa magnanakaw sa gobyerno at putol **** sa mga nanggagahasa.

Siguro dapat ko na din tigilan ang pag-ihi sa pader na may nakasulat na "Bawal umihi dito, pag walang nakatingin". Sa palagay nyo, bukas na lang?


Natapos mong basahin? Sabi ko na nga ba eh. Pilipino ka nga. Tigas ng ulo. 

#Pilipino
#Disiplina
#Pilipinas

Lunes, Abril 22, 2019

Aroy Dee


Kahapon. Teka nung isang araw pala yun. Naglalakad kami ng misis ko sa likod ng mga nagtataasang gusali ng mga kompanya ng gobyerno sa lugar na ito upang bumili ng mga ilang piraso ng damit sa medyo-hindi-kamahalan-na-tindahan na mukhang orihinal pero hindi. Alam mo ba kung saan ang tindahang iyon? Basta dyan lang yun sa malapit. 


Habang abala ang misis ko sa pagpili ng damit, lumabas ako sa tindahan ng damit at nagmuni-muni habang binabasa ang mga pangalan ng mga establisyemento na nakapaligid.  Sinusubukan ko kung marunong pa din akong magbasa. Natuwa naman ako at marunong pa din naman pala ako. TTTTT...Tee breyk, PPPPP.. Panaderya. MMM...Meri Brawn. Beri gud. Kids, counting numbers naman sa susunod ha?

"Tea Break, Panaderia, Mary Brown, Wang's Kitchen" Ooopps, kainan to lahat ah? Kakakain ko lang, kainan na naman. Nakakatuwa nga eh, bawat resto, may gimik, may pailaw, offer, may free taste, may free delivery, may libre lang. At meron ding restong mahal pero hindi naman masarap. Ito yung, wag na lang baka isipin nila naninira tayo ng reputasyon. At may resto ding tawag pansin sa lahat. Bukod sa mailaw ang resto, masaya din ang pangalan. Aroy Dee. 

Gumana ng konti ang baterya ng kalokohan sa aking kukote. May kwentong nabuo sa utak ko na posibleng alamat ng restong ito, napangiti ako ng bahagya. Share ko sa iyo.

"May dalawang mag-asawa. Si Dodong at Si Inday. Maagang umuwi si Dodong mula sa opisina. Naabutan nya si Inday na nakatutok sa Telebisyon at nanonood ng paborito nitong Teleserye na ang title ay Kabit. At dahil na-miss nya si Inday sa maghapon, naisipan niya itong kulitin at kilitiin. Ngunit sa di inaasahang pagkakataon, nagkauntugan sila.  Nasaktan si Inday at napahiyaw ng "Aroy Dee". The End.

May isa pang version ang kwento pero para na din sa kapakanan ng mga batang mambabasa at baka ma-MTRCB tayo kahit hindi naman ito pelikula o teleserye sa telebisyon,, wag na lang. At alam kong alam mo na din yun.  Basta.

Kapag naisip mo yung naisip ko, pihadong mapapangiti ka. Promise.

#AroyDee
#ThaiRestaurant
#food

Linggo, Abril 14, 2019

Yun Lang


May naisip ako. Pero parang wala. Mapapailing ka na lang at mapapatanong kung talagang may silbi ba ang laman na nasa iyong bungo. Nasa pagitan ako ng pag-iisip at hindi pag-iisip. Baka nga "at" iyon, pero hindi tayo sigurado. Ano nga ba?


Alam mo ba yung pakiramdam na may gusto kang gawin pero hindi mo magawa kasi hindi mo maisip kung ano yun? Yung tipong gusto mong bumait pero di mo magawa, nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa. Kanta ba yun? Ano nga ba?

Alam mo ba yung pakiramdam na gumagawa ka ng entry sa blog pero hanggang ngayon hindi mo pa alam ang topic, yung tipong hindi mo din alam kung saan ka dadalhin ng tipada ng mga titik sa keyboard. Maging ang title ay mistula pa ding sandstorm sa labo nito sa utak mo. O baka naman hindi ko din ito matapos o pwede ko na din naman na tapusin ngayon kasi wala na akong maisip. O di kaya ay pahabain sa mga walang kwentang titik tulad nito, MEMA lang. Mema. Memasabi lang.

Sige na nga tatapusin ko na at alam kong alam mo din na wala naman talaga akong ibig sabihin sa mga sinasabi ko, pero hindi ko din alam kung bakit nasa dulo ka na nito at patuloy mo pa din syang binabasa. Natatawa o naiinis ka na yata na tila ba ninanakaw ko ang oras mo na hindi mo namamalayan. Malay mo, nag-trip lang ako. At hindi lang ikaw ang biktima. Ako din sa sarili kong mundo
.

Tapos.

#anodaw
#unlang
#maguloparang****
#mema

Huwebes, Marso 28, 2019

Solusyon na Tatapos sa Problema ng Pilipinas


Kahit saan mang dako ng mundo hindi matatawaran ang kayabangan at katigasan ng ulo ng mga Pilipino.  Sa katunayan, wala itong katulad sa buong Universe.  Masakit tanggapin ang katotohanang ito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi. Ang kawalang disiplina ay tila ba natural na lamang sa ating sistema at di alintana ang masamang epekto nito sa sarili, sa iba, at maging sa kalikasan.

Umiiyak na ang Pilipinas, nasasaktan. Isa lang naman ang solusyon at tatapos sa problema ng bansa, alisin ang problema ng bansa, Alam mo kung ano? Alisin ang mga Pilipino sa Pilipinas.  Sa panahong wala na ang Pilipino sa Pilipinas, wala na ang:
  1. pasaway na Pilipino na nagtatapon ng basura sa lansangan, dagat o maging ilog man.
  2. pasaway na Pilipino na hindi ginagalang ang batas trapiko.
  3. pasaway na Pilipino na hindi tumatawid sa tamang tawiran.
  4. pasaway na Pilipino na mahilig sa chismis at magkalat ng di totoong balita.
  5. pasaway na Pilipino na inuuna ang sarili, makalamang lamang sa iba.
  6. pasaway na Pilipino na nangungulibat sa kaban ng bayan.
  7. pasaway na Pilipino na nalululong sa masamang bisyo.
  8. pasaway na Pilipino na umaabuso sa kabataan at kababaihan o maging sa kalalakihan.
  9. pasaway na Pilipino na hindi iginagalang ang batas.
  10. pasaway na Pilipino na hindi iginagalang ang sarili. 
Ilan lamang ang mga iyan, sa mga suliranin na matatapos kung wala na ang mga Pilipino sa bansa at siguradong madami pang magandang epekto ang magaganap kung ganap ng aalisin ang Pilipino sa bansa. At sigarado wala ka na din.  Wala na din ako.

Sa Pilipinas, kaliwa's kanan ang problema. Maraming mungkahi at posibleng solusyon ang iniisip at ginagawa ngunit tila ba na wala itong positibong epekto at lumalala lamang ang problema. Maraming nagmagaling. Namulitika. Na kesyo sila ang tama, at dapat ganito, hindi ganyan.  Dapat siya ang paniwalaan, hindi sila. Pero para saan? Para sa pera. Para sa pangalan. Para sa sariling interes. Wala na ang mga bayani.  Kung meron man, nasa telebisyon na lang o Mobile Legends na lang yan. Wala na ang Pilipinong totoong may malasakit sa bayan. Kung maka-facebook, akala mo totoong nagmalasakit sa dami ng likes. Pero hindi, dahil kung hindi yan para sa negosyo, sariling interes o pagkakakitaan, fake news yan.

Isipin nyo na lang, na halos ng solusyon sa problema ay nagawa na, pero wala din, walang epekto. Iniisip na mali ang paraan ng solusyon, sila ang tama, sila na nagmarunong.  Pero hindi kaya... Hindi kaya tayo talaga ang problema? Ang Pilipino mismo ang problema.

Kung feel mong mag-suicide para makabawas sa problemang dinadala ng Pilipinas, hindi na kita muna pipigilan. Alam mo kung bakit? Dahil nga kasi Pilipino ka na kahit alam nyo na ang solusyon sa problema, at alam kong sa tigas ng ulo nyo hindi nyo susundin ang iminumungkahi ko.

Pinoy hindi lang tama na mag-isip ka. Umaksyon ka din.

"Huwag mong pilitin na maging rosas ang tae para bumango ang paligid.  Kahit anong mahika ang gawin nyo o buhusan yan ng pabango, tae pa din yan, mabaho. Simple lang naman di ba? Alisin nyo mabaho, alisin ang tae."

#Pilipinas
#solusyon
#Pinoy

Buksan!

Iba pang Kwento!

....langit.lupa.impyerno.... ...Wanted Real Pinoy... #itsmorefuninthephilippines #NBAFinals2014 20 Reasons why I like Philippines over UAE 2010 Philippine Election Inital Results 2010 Philippine Election Initial Results [Latest] 2016 3:06pm A Kish to Remember A Message from Mark Zuckerberg to Philippine users of Facebook Absolute Value Abu dhabi adik [dahil] sa'yo after 15 years after 45 days after 7 years...0307 becomes 0614 agosto para sa pilipino aheks akalain mo yun ako ako ito ako ito 1 ako ito 2 ako ito 3 alaala ng nakalipas albularyo alibata All Saint's Day All Soul's Day alyssa bernal Alyssa Bernal (part 2) an act of love Andrea Corr's State of Independence Anime ano daw? ano na ano sa palagay mo? ang pagbabalik ang panyo ang tunay na siga apila para sa masa Aroy Dee aswan (bilang isa) Aurora Avoid Negativity Award babae babae ka lalaki ako babae sa jeep babalik ka din BabyG back to work Bago ito Bagong Bayani BagongBayani balanse baliktad ba? baliw batas ng tao bayani berna bidaman Big Job Billy Crawford bilog o tatsulok blogging tips 101 (for pinoy bloggers) Bong Revilla bored buhay buhay mo buhay ko buhay nating lahat Buhay OFW: Pangarap sa mga Sulok ng Kahon; OFW Buhay sa Dubai (From Writer-Researcher to Toshiba Promoter) Bukang-Liwayway bungo at buto Change is Coming chess Chip Tsao Coleen Garcia college contest Cory Aquino dies couple Crucifixion dalaw dalawang daan siyamnapu't apat na araw day-off Department of Tourism desisyon destinasyon Digong disiplina dos Duality Dubai Dupe Tara Lakad Tayo Duterte EASY $5 GIVEAWAY Eleksyon 2019 Endorsers??? etiquette etong sa'yo...raygun exam day Exit Eye Test? Malabo na ba ang iyong mata? facebook Facebook (Pesbuk) facebook sharing facebook user FAQ's first time mo? firsttime flesh-eating disease Fliptop food Friendship from facebook fun Funny Exam Answers game Game 1 Game 3 Gatorade get real gintuang sundang global warming a warning? google payout guro gusto mong mamatay? halimaw hanggang Happy Father's Day happy hatchday Heat vs. Spurs hiatus higante Hikab muli ako. Tunganga History of Super Gulaman Hoi Hoi HyperPanda Babies and others i love this day i love you ibigay ang hilig ikalawang ginto imahinasyon immigration Inang OFW Indian Init Introducing: Ang Anak ni SuperGulaman Iran Irrationalget isang madugong labanan isang malaking pagbabago isang pagbabalik tanaw isang pasasalamat isang sulyap sa kahapon kasalukuyan at hinaharap It's more fun in the Philippines ITCHY jeepney Job Hunting tips juan kalaro kaliwa kanan kalma lang boss kalsadang mabato Kapalaran Ayon sa Galaw ng Kalawakan (Ophiuchus) kape sa tanghali Kapitan Sino? kasinungalingang mapanlinlang katapatan katinuan katinuan...gustong magpakilala katotohanan Kawhi Leonard kisame Kish kulay kuro-kuro sa bayan ni juan lapis laro laro tayo Learning Japanese (for pinoy) lebron james life Life is a Piece of Cake Ligo na U Lapit na Me lilok (complete) lilok 1 lilok 2 lilok: ang pagpapatuloy [1] lilok: ang pagpapatuloy [2] lilok: ang pagpapatuloy [3] lilok: ang pagwawakas limang minuto...3 miskols...ang umaga ni supergulaman Link Exchange and Other Concerns lunes mag-enjoy kay enjoy magdasal daw twing umaga sabi ng grasya magulo mahika ng mga kulay Makulay na Paglalaro ng mga Salita malungkot masaya mataba payat Manny "Pacman" Pacquiao Vs Antonio Margarito mapalad ka.. ikaw mapalad silang wala sa katinuan math Math is Life mcarthur mensahe mga hindi dapat gawin sa facebook minsan lang mismo mmda Mmm Sarap mobile legends musika at ganda naaalala mo pa ba? NAIA NAIA' firsttime NBA All Stars VS Smart Gilas (Philippines) NBA Finals NBA Finals 2014 new design Nonito Donaire Knocks Out Fernando Montiel numero OFW ouch our life Pa-digits Digits Pa Kasi pag-uuri Panahon na Naman [ng Pag-ibig?] Pananabik sa Tag-init Pangasinan pangpasaya Para patay na nabuhay peace be w/ you pelikula Philippine Grand Lotto 6/55 Pi Pilipinas Pilipinas: Sa Pagkakakilanlan pilipino Pinoy Version of some Hollywood Movies please help praning Prayer in Mathematics Propesiya at Pilipinas Prophecy Proud to be Pinoy punto ko punto mo Puso ng mga Halimaw Puting Damit random. mema Rapido Vs Smugglaz realtalk regalo Reproductive Health Bill REULEAUX TRIANGLE: ROLLING TRIANGLES Rubber Sadhu Sundar Selvaraj salamat sampung taon sayang school Selda Uno Dise Otso seryosong usapan showtime Si Mara at Pamela siga o adik silbi simbulo sino ang tamad? Sino si Santa Claus? sintang paaralan Sistema ng Numero Sistema ng Tao skin makati SONA 2011 TRAFFIC RE-ROUTING SCHEME and MORE sorpresa streetfight Stretch Marks subic sulat kamay Sumusungaw na Chatbox Super Super G sa PBB? super G turning super busy Super Gulaman sa Bayan ng mga Arabo (Part 1) Super Gulaman sa Bayan ng mga Arabo (Part 2) supernatural ta tagapagpalaganap ng pag-ibig tamang trip tamang trip (ikalawang pasabog) Tanong Ko Sagot Mo tanong lang Tangent Line tao tao tao saan ka gawa? tatsulok tayo... Thai Restaurant The 2010 Oscar Winners The BENEFITS of SEX The Five Love Languages the golden rule the reunion The True Story of Manny "Pacman" Pacquiao thursday time for sale Time Travel Times of Your Life Tingi Culture Toshiba Toshiba Champs Toshiba’s Wet and Wild Adventure in Atlantis Trabaho ba ang hanap mo? Twitter UAE UFC Ulam at Kanin uri ng mundo usapang buhay Usapang ChikenJoy usapang itlog at manok usapang kadiri usapang kadiri (Part 2) utak wala wala akong medyas wala lang wala naman kaming napala walong palakaibigang adik weed user who are your customers? WiFi Won over Antonio Margarito world peace Zamboanga del Sur
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...