Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Marso, 2020

Year of the Metal Rat at COVID-19

Year 2020 a.k.a Year of the Metal Rat Image is for presentation only No Copyright Infringement Intended Image Source: https://ucnj.org/coronavirus-update/ Madaming tao ang nabulaga (nagulat) sa pagpasok ng taong ito 2020.  Kaliwa't kanan ang mga sakuna at kaganapan ang naranasan hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Hindi lang ang karanasan ukol sa hiwalayang Nadine Lustre at James Reid, may mga mas malalim pa. Nariyan ang pagputok ng bulkan Taal sa Pilipinas, bushfire sa Australia, baha at ulan sa Middle East at Indonesia, lindol sa Turkey at Caribbean, pagkamatay ni Kobe Brant at anak nya, riot sa India, pag-atake ng mga balang sa Africa, tensyon sa pagitan ng IRAN at America at ang pinakamatindi sa lahat ang banta ng Novel Corona Virus (COVID19) sa sangkantauhan. December 31, 2019; 6:45pm nasa bus ako mula Abu Dhabi patungong Dubai. May dalawang pinoy akong nakasabay. Naupo sila sa aking unahan habang napapalitan ng komento ukol sa Year of the Metal Rat.