Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Oktubre, 2016

Buhay OFW: Pangarap sa mga Sulok ng Kahon

Martes ng madaling-araw. Napabalikwas habang mahimbing na natutulog. Bahagyang ibinaba ang hitang nakadantay sa katawan at tsaka hinagilap ang cellphone, tinignan ang oras. Kinse-minutos pa bago mag-alas singko ng umaga.  Balik ulit sa higaan. Pumikit. Saglit lang nagsimula ng manggising ang cellphone ko. Bumangon na akong muli. Pupungas-pungas habang kinakapa ang tasang nasa ilalim lang din ng aming higaan.  Kumuha ng tubig na nasa gilid lang din ng higaan at tsaka ibinuhos sa (katabi, joke lng) lagayan ng initan ng tubig. Ganito sa abroad lalo na sa mga nasisimula pa lang at hindi naman kalakihan ang sahod. Buhay-double deck, buhay partition, buhay curtition. Buhay kahon. Mga buhay sa sulok ng kahon. Pero mas ok na yun kaysa umuwing walang buhay na nasa kahon. Ito ang mga karanasang hindi kailanman naiintindihan ng mga nasa Pilipinas lalo na kung hindi pa nila ito nararanasan. Ang akala ng lahat madali lang ang kumita at magtrabaho sa abroad, yung kasing dali na paran...

Rapido Vs Smugglaz

Rapido Vs Smugglaz Video Credit:  https://www.youtube.com/watch? v =a4bo-nYRxSo #rapido #inc #isabuhay #smugglaz #fliptop