Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Setyembre, 2009

...Please Help...

" Thousands of candles can be lighted from a single candle, and the life of the candle will not be shortened. Happiness never decreases by being shared." ~Buddha ...naging kalunos-lunos ang hagupit ng bagyong "Ondoy" hindi lamang sa mga kalapit na probinsya ng metro manila ngunit maging sa metro manila mismo... nagmistulang mga dagat at ilog ang mga lugar na dati naman ay hindi inaabot ng tubig baha...sa katunayan mahigit sa 80% ng kalakhang maynila ay lubog sa baha... dahilan upang tulungan ang ating nangangailangan mga kababayan... sa mga nagnanais matulungan at gustong tumulong..narito po ang mga mahahalagang numero na maaari ninyong tawagan: Department of Social Welfare and Development Disaster Relief Operations, monitoring and Information Center (DROMIC), DSWD-NCR - 488-3199 (24hours) Crisis Intervention Unit (CIU), DSWD-NCR - 733 8635 (24 hours) Disaster Relief Operations, Monitoring and Information Center (DROMIC), DSWD-Central Office - 931 8101 to 05, loc...

...naaalala mo pa ba?...

... ilan taon na po kayo? ...ako? ...dalawapu't pitong gulang na po...tamang edad para sabihing... "ang tanda mo na, anime at cartoons pa din ang pinagkakaabalahan mo..." ... nakakatuwang isipin na ito pa din ang aking pinakakabalahan hanggang sa ngayon... kahit na anong kantyaw ang makuha ko sa aking mga kapatid, nanay at ibang mga kakilala, hindi ko pa din magawang iwanan ang napakasayang pagkakataon na ito... ang maging bata ng ilang saglit sa mabilis na pagtakbo ng panahon... ...bukod sa pinalaki ako ng aking magulang sa palo ng sinturon at tabo...totoong nakagisnan ko na din ang panonood ng mga sentai, anime at cartoons... alam kong ang ilan sa inyo sa ngayon ay hindi mapigilan ang panonood ng mga anime tulad ng naruto, bleach at one piece... kabilang ata ako dun... sa totoo lang epekto pa din ito siguro ng aking nakagawian noong bata pa ako, hindi ko pa din makaligtaan ang masasayang alaala ng panood ng ng mga super sentai...sige nga, sino nga ba ang makakalimot kay...

...bungo at buto...

"hindi ako pirata, ako ang simbulo nila..." ---SuperG ...mahigit sa dalawampu't pitong taon na din ang nakakalipas mula ng ipanganak ang superhero sa ilalim ng simbulo ng bungo at magkasalubong na buto... mga simbulong kinatatakutan ng ilan...dahil para sa kanila ito ay naglalarawan ng kamatayan at takot... mga simbulong naglalarawan ng kahinaan ng tao... ...ngunit magkagayun man...ang simbulong iyan ay ako... ako ang simbulong ito..hindi lang ako si SuperGulaman...hindi lang ako si bhoyet para sa ilan...sa simbulong iyan nakaukit ang aking tunay na pagkakakilanlan... ...hindi ko ito sinasabi upang katakatukan...hindi ko din sinasabi ito upang kagiliwan...bagkus ang simbulong iyan ang dahilan upang magbigay inspirasyon sa sangkatauhan... ang simbulong iyan para sa akin ay hindi simbulo ng kamatayan... kundi ito ay ang pagiging matatag sa pagharap sa mga pagsubok ng buhay...hindi ito simubulo ng takot...kundi simubulo ito ng tapang at tibay ng loob...hindi din ito simbul...