Lumaktaw sa pangunahing content

...naaalala mo pa ba?...

... ilan taon na po kayo? ...ako? ...dalawapu't pitong gulang na po...tamang edad para sabihing..."ang tanda mo na, anime at cartoons pa din ang pinagkakaabalahan mo..."... nakakatuwang isipin na ito pa din ang aking pinakakabalahan hanggang sa ngayon... kahit na anong kantyaw ang makuha ko sa aking mga kapatid, nanay at ibang mga kakilala, hindi ko pa din magawang iwanan ang napakasayang pagkakataon na ito... ang maging bata ng ilang saglit sa mabilis na pagtakbo ng panahon...

...bukod sa pinalaki ako ng aking magulang sa palo ng sinturon at tabo...totoong nakagisnan ko na din ang panonood ng mga sentai, anime at cartoons... alam kong ang ilan sa inyo sa ngayon ay hindi mapigilan ang panonood ng mga anime tulad ng naruto, bleach at one piece... kabilang ata ako dun... sa totoo lang epekto pa din ito siguro ng aking nakagawian noong bata pa ako, hindi ko pa din makaligtaan ang masasayang alaala ng panood ng ng mga super sentai...sige nga, sino nga ba ang makakalimot kay alexis bilang shaider? at kay annie na tuwang-tuwa ka sa twing tumatambling ito?...hindi mo pa din makakalimutan ang kanta ng mga alagad ni Puma Lay Ar na shigi-shigi...sa aking palagay, kilala mo pa din si pibo ng bioman...siguro naalala mo din na namatay ang unang yellow four... si gorgom ng mask rider black kilala mo pa ba... bukod sa mga iyan, alam kong naaliw ka din kay machine man na namamasyal pa bago mag-transform...nakakatuwa din ang kanyang plastik cover na kapa at ang kanyang bolang si buknoy.... alam kong alam nyo pa din ang kantang..."Humanda na kayo kampon ng kadiliman Oras na ng pagtutuos kasamaan niyo'y dapat matapos... Narito na sila Bayaning tagapagtanggol Sa masama'y lilipol..."... tama! mula yan sa paborito kong Maskman..na minsan kung banggitin natin ay "MaskUman"... at hindi pa iyan jan magtatapos dahil, ang iba sa atin at malamang tulad ko din ay hindi pinaligtas ang UltraMan...madaming klase yan...Ultraman Ace, Ultraman King, Ulatraman Zopi, at madami pa ang angkan nyan...sama-sama nilang nilalaban ang mga dambuhala na sumasakop sa earth...aliw!...oo nga pla, si poseidon naalala mo pa?...ang jetman? and turbo rangers? hanggang dumating na tayo sa edition ng mga power rangers na sangkatutak na din ang versions...

...hindi natin napapansin na noon pa man matindi talaga ang attachment ng mga panoorin ito mula sa bansang hapon sa mga 80s at 90s babies sa Pilipinas... hindi lang sa mga sentai na panoorin, isama natin ang anime... sigurado ako kilala nyo naman ang Voltes V...hindi yan kamag-anak ni Gary V o Michael V...pero alam kong kilala nyo sila... naaalala nyo pa din siguro si Daimos na may kakaibang boobs... at ang iba't ibang edition ng Voltron na kilala sa tagline na "Voltron Defender of the Universe"... pero hindi pa dyan nagtatapos ang pagpapakilala ng bansang hapon sa kanilang malikhaing gawa...sumunod-sunod ng lumabas ang Japanese Manga... Yakitate Japan, Evangelion, Saber Marrionette (peborit ko ito), Zenki (dakilang Vadjula palayain mo ang iyong alagad na si Zenki, Vadjulla, maharu..sumskala...*yan ang naaalala ko dun pero inde ko alam ang ibig sabihin nung mga huling salita doon*), Ranma1/2, Samurai X, SlumDunk, Prince of Tennis, Dragon Ball Z, Ghost Fighter (si Eugune o kilala sa tawag na Yusuke), Lupin III, Vash Stampede ng Trigun, Sena ng Eyeshield21, Law of Euki...Sailor moon, magic rayearth, uggghhh...ang dami pa kaso hindi ko na matandaan ang title ng iba...

...ang totoo nyan hindi lang naman mula sa bansang hapon ang mga panoorin ating kinagiliwan noon.... syempre...iba din ang tirada ng Looney Toons, ang klasik na Popeye the sailor man toootoot! may tootoot talaga yun...sina Daisy at Donald Duck, Flintstones, Road Runner, Woody Wood pecker, Pokemon (japan galing ito), Roger Rabbit, Tazmanian devil at syempre sina Mickey Mouse hindi natin na makakaligtaan sa listahan... pero bukod kina Winnie the Pooh at Barney na kilala ngayon...naalala nyo pa din ba kung gaano naging sikat ang marvel superheroes...sina mighty mouse este Mighty Thor at ang Justice League...syempre nandyan din ang X-Men...isasama ko na din sina Blue Blink, Remi, Nelo ng Dog of Flanders, Heidi, Von Trapp Family, Adventures of Huckleberry Finn kasama nya si Tom Sawyer, si Mary at ang Lihim na Hardin, Si Julio at Julia ang kambal ng tadhana, Peter Pan, Princess Sarah...alam kong madami ka pang idadagdag dyan... oo nga pala, naalala nyo pa din siguro si Conan The Barbarian? Si He-Man at She-Ra, pamilyar ka pa din ba? eh bukod kina Michaelangelo, Leanardo, Rafael at Donatello ng Ninja Turtles, kilala mo pa din ba ang Ghost Busters? ang malupit dyan hindi ko pa din makakaligataan si Wally ng "where's wally?" dahil ilang beses na akong na-late sa klase dahil sa kahahanap sa kanya...

sa mga pinagkaabalahan ko noong bata pa ako...masisisi nyo ba ako kung bakit hanggang sa ngayon patuloy pa din ang aking pagsubaybay sa buhay ni Naruto at ni Ichigo ng Bleach?... pero hindi lang yun, pati ang buhay ni Luffy ng One Piece ay susubaybayan ko na din (*episode 384 na ako...onti na lang maabutan ko na ang latest episode na 417*)...

oo nga pala...baka sabihin nyo hindi ako nanood ng mga panooring pilipino...syempre hindi ko din yan pinaligtas...mula sa paglipad sa pelikula nila Lito Lapid, kakaibang aksyon ni FPJ, agimat ni Ramon Revilla, Petrang Kabayo ni Roderik, Inday-inday sa Balitaw nila Maricel (ang pinakaunang pasok ko sa sinehan, 5 years old ata ako) at madami pang iba...syempre sa telebisyon hindi ko din makakaligtaan ang seryeng Agila dahil pinapatulog na ako ng nanay ko pagkatapos nun... ang Ana Luna na sobrang tagal bago matapos...ang nagtatago este nawawalang diary ni Mara Clara...ang heredero...ang batang gubat na si Ula...lahat yan naging parte ng aking pagkabata...

nakakatuwang isipin na ang mga iyan ay naging bahagi ng aking dalawampu't pitong taon sa mundong ito... mga panooring naging bahagi ng aking pagkatao...mga panooring produkto ng malawak na imahinasyon... imahinasyong puno ng mga pangarap...pangarap na nagbibigay halaga sa ating pagkatao...





Mga Komento

  1. at ngayon may pangdagdag na kame sa listahan na yan...ang pagsubaybay kay SUPERGULAMAN...man..man..man...(may echo pa yan ah...ahahaha)

    TumugonBurahin
  2. astig k talaga supie! hehehe.. ako din kahit sinasabihan ako n matanda na para sa cartoons cartoons, oks lang. sinsabi ko "di pa naman ako lagpas sa kalendaryo ah!" hahaha:)) namimiss ko na yung ibang anime. may pasok kc eh. panira talaga ng panood ang eskwela. haha

    TumugonBurahin
  3. hahah hay nkow pow parekoyski nanoud pa dn akow nang anime , naadik na dn akow sa japanese songs lols. naalala kow dati kailangan kowng umuwi nang bahay early para mapanoud lang ung ghost fighter hahaha,at ngayon di ko pa dn pala natapos ung one piece, wakakness. ang haba kasi

    TumugonBurahin
  4. @DETH
    ahahaha...at dinagdag tlaga ako...ahahaha..uu nga magmumukha na akong anime sa mga pinaggagawa ko... ahahaha...

    @kox
    ahehehe...ako siguro kahit umabot ako sa 30s hindi ko na yun maaalis...kahit cguro may anak na ako...ayuz na ayuz yun pra sa bonding... ahehehe... :)

    @Amorgatory
    ahehehe...kayang kaya habulin ang ne piece...ahahaha...ako nga simula episode 1...ahehehehe....pero maabutan ko na ang latest...weepeee... ;)

    TumugonBurahin
  5. wow.. parekoy.
    halos magkasabayan pala tayo sa pagsubaybay ng mga yan!

    hindi ko nga lang masyadong nasundan ang ilan sa mga nasabi mo kase maslate akong ipinanganak sayo.
    pero majority eh nasundan ko pero karamihan hindi ko nasundan ang katapusan! waaaaaaaaahhhh
    sobrang dami kase.

    teka, parekoy parang nakaligtaan mo yung HunterXhunter ahhh(parang hindi naanggit? lols).. isa pang astig yun!

    TumugonBurahin
  6. ah kaya pala..kaya pala..kaya pala si Supergulaman ka..naadik din ako sa mga yan..pero ng tumuntong ako ng 25 ayaw ko na..nahihiya na ako..kaya ang pinapanood ko na lang ngayon si Tom and Jerry na lang..hehe

    TumugonBurahin
  7. @Kosa
    uu nga no parekoy...pero syempre peborit ko din yun...1st year college na ata ako nun...si kilua, gon at kurapika..ay si leorio din pala mga astig... ahehehe... ;)

    @RUEL
    ahehehe...tom&jerry..peborit yan ng mga bata at isip-bata dito...ahahaha...pambihira yan pusa at daga na yan... ahehehe... :D

    TumugonBurahin
  8. Syempre count me in sa pag papanood ng mga yan :-D Nnakaka aliw mag flashback lalong lalo na ang pag tumbling ni Annie na kita ang dilaw nyang panty lolz

    TumugonBurahin
  9. di ko na naabutan ung ibang animé, lalo na ung mga may man sa dulo, haha pero adik din ako sa animé nun at gang ngayon lalo na sa paborit kong fushigi yuugi, na di mo naman nabanggit,at yung yamato nadeshiko the wallflower, haha Ü

    TumugonBurahin
  10. @Jepoy
    ahehehe...sabi ko na nga ba...hindi tlaga makakalimutan ang yellow na panty na yun... ahahaha... :D

    @♥superjaid♥
    yeah....napanood ko yan fushigi yuugi...kaso yung isa inde ko ata alam...ahehehe...bka dahil masyadong girly kaya inde ko alam... yung fushigi yuugi meron nga din yun bahid ng kabadingan... ahahaha....yung akazuken chacha...ayuz din yun...:D

    TumugonBurahin
  11. parang bata lang ah...

    hehehehe...

    sana nga magkaron ng SuperGulaman play cards, mala-collector's item! lolz!

    malay natin db? pwede? pwede!!!

    TumugonBurahin
  12. bro masarap ding manood ng hentai.

    nakapanood nga ako ng dragon ball-z and sailor mood girls eh

    wahehe! peace!

    TumugonBurahin
  13. Wahaha, Where's Wally? Naalala ko tuloy, aso nga ba yun? Magkasing edad lang tayo at di nagkakalyao ang betday natin kaya naka-relate ako ng todo sa lahat ng binanggit mo pwera n lang yung Eyeshield21.. Never heard.. wheheh

    Sarap maging bata at magpakabata noh?...

    Nagugulat kung minsan yung mga kakilala ko lalo na lalake pag nalalaman nilang anime lover din ako.. unusual daw para sa tulad ko.. he hanu ngayon> lolz

    Teka, nabanggit mo ba si Tom sawyer and Huckleberry Finn? One of the best mga yun!

    Cheers!

    TumugonBurahin
  14. Meron nga, di ko nakita naduling akech..

    Super Hentai ba yung nabasa ko? tsk.. naduduling na nga ata ako..

    Wahahahaha!

    Peace SuperG!

    TumugonBurahin
  15. @A-Z-E-L
    aha! maganda yun ah...cge cge.... ahahaha... :D

    @abe mulong caracas
    aheks....iba yun....iba ang hentai sa sentai.... ahehehe... pero maganda yun ah... ahahaaha... :D

    @dylan dimaubusan
    aheheeh...maganda yung eyeshield21....testing mu... :) ... uu nga pala nakalimutan ko ilagay ang flame of recca... ahehehe..dun galing ang name na dylan... :)

    pero dito sa ofiz 80% ng empleyado anime addict este lover...kung ganu ako kaadik mukhang mas malala sila... :D

    TumugonBurahin
  16. hahaha di ko alam icocomment ko kasi malalaman nityo na yung edad ko.... pero aaminin ko sa iyo parekoy na halos sabay tayo sa panunuod ng mga cartoons...

    lalo na yung may mga "man" sa dulo..... teka sino ka ba? si red1 o green2? hahahaha

    miss ko na ang mga cartoons ah.... sa araw kasi tulog ako dahil takot ako sa liwanag... epekto yata ito ng trabaho ko....

    astig itong post mo... bigla ako bumalik sa nakaraan ah...

    TumugonBurahin
  17. wala eh hanggang batibot kapasidad ng pang unawa, nuon at ngayon pero adik ako sa final fantasy hehehe, may translator nga lang waaaaahhh

    TumugonBurahin
  18. @saul krisna
    si blue 3 ako tol... ahehehe...

    @SEAQUEST
    ay uu nga no nakalimutan ko yan batibot...atpb, sineskwela...ahehehe...oks din yan final fantasy..kaso madami yan series.. :)

    TumugonBurahin
  19. hahaha favorite ko ang bagong yellow 4, at i pretend to be sailor venus...minsan pa napapanaginipan ko na ako sila.. nyikes!.. nakakahool rin si luffy muntik-muntikan akong malate sa work dahil sa kanya kaya tinigil ko na lang hehehe..

    TumugonBurahin
  20. @Niqabi
    bakit mo tinigilan si luffy... habol ka pa habang hindi pa dumadami ng todo ang episodes..ma-lalate ka na ng sobra...ahehehe.. ;)D

    TumugonBurahin
  21. PEDE BANG ISALI SI CHIN CHAN DYAN, ADIK KASI YUN, UNG BASTOS NA BATA...HEHEHE..

    ANYWAYS, NAALALA KO PA ANG NAGDAAN...TONENENENENGGGG...DEAR ATE CHARO...HEHEHE...FAVE KO SA LAHAT ONE PIECE AT SIEMPRE SHAIDER...LAST WEEK KO NGA LANG NAPANOOD YUNG LAST EPISODES NUN, AFTER ALMOST 20 YEARS...LOLZ...KASE NUNG FINAL EP. NAWALA ANG CHANNEL 5 SA FARMVILLE, KAYA HAYUN SA FARM NA KAMI NAGSISHIGI SHIGI...LOL

    TumugonBurahin
  22. @SCOFIELD JR.
    parekoy..sabi sa manga...nitong buwan lang na ito pumanaw na ang writer ng shin chan...tsk! tsk!...

    ...ayan isa pa itong adik sa fesbuk...aheks.. ;)

    TumugonBurahin
  23. ganda ng blog. siguro kang daimos at voltes v ako nagsimula. ehheh
    pero kahit na. sarap pa rin balikan ung unang nood ko ng anime. siguro herculies yon(cartoons pala ito. sori. heheh)pero kahit na umabot ako ng 80 yrs old, manonood pa rin ako.(hindi lng ako magpapabuking para hindi mahalata). eheheh
    ganda ng blog ^_^

    TumugonBurahin
  24. boss. ako pala c anthony. ni like kita sa fb hehehehehe

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu...

..regalo...

Paalala: ooooppssss...bago po tayo magbasa, paki-play muna ang youtube video sa gilid, para may background tayong musika... ...kanina pa ako nakaharap sa monitor ng computer ko...nag-iisip kung ano ang maaari kong maibahagi sa inyo...gusto kong sanang ikwento ang pakikipaglaban ng mga espesyal na numero na nasa utak ko, ito ang mga numerong itinago sa kaaramihan ng tao, mga numerong pinalayas sa mundo at siniksik sa maliliit na espasyo...ngunit tila ba hindi ito angkop sa panahon na ngayon, hindi matalo ng utak ang bugso ng damdamin ko...tila ba umaayon ito sa araw ng mga puso...hindi ko alam baka sa ibang araw ko na lang sila maipagsigawan...ang sabi ng puso ko...ito ang i-blog mo... ang themesong nang buhay mo...ha? themesong...wala ako nun...kahit kami ni Grasya walang themesong eh... hindi ito bola...hindi stir...limang taon na kami pero themesong wala kami...mahilig ako sa musika...rnb, pop, love songs, blue songs, alternative, rap, rock, emo, country songs, noise ...o kahit ano.....

Bawal Basahin ang Nakasulat Dito

"Bugtong-bugtong. Hindi tao, hindi hayop, wala ka nito, wala din ako, wala ang bawat Pilipino, ano ito?" Sagot: Disiplina Ano nga ba ang disiplina? O mas maganda tanungin natin ang mga Pilipino.  Pero kahit anong hagilap nito, hindi ito makikita dahil wala ito sa bokabularyo ng Pilipino.  Aminin man natin o hindi, isa tayo sa madaming lahi sa buong mundo na wala nito. Kung sa ranking na 1-10 at 10 ang pinakamataas, malamang sa malamang ay 10.5 tayo sa kawalan ng disiplina.  Hindi ko naman sinasabi na lahat ng Pilipino ay ganito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi.  Maraming problema sa Pilipinas tulad ng basura sa estero, ilog at dagat, traffic sa lansanggan, mga taong walang trabaho, mabagal na proseso sa mga opisina pampubliko man o pribado, droga, korapsyon, prostitusyon, tsimosa sa kalye o social media, teenage pregnancy, squatter sa mga kalunsuran, sugal, babaero na hindi naman gwapo, mga siga sa kalye, rapist, lasenggero, holdaper, ...