Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Enero, 2011

...Kapalaran Ayon sa Galaw ng Kalawakan (Ophiuchus)...

Nitong nakalipas na linggo, ginulatang tayong lahat ng isang nakakatakot na balita. Oo! Nakakatakot talaga. At ito ay ang pagsulpot ng Astrological Sign na kung tawagin ay "Ophiuchus". Ang totoo nyan hindi ko alam kung paano yan bigkasin. Kung kaya nga binibigkas ko lang yan katunog ng likidong lumalabas sa ilong sa wikang Ingles. Ophiuchus, Mucus, magkatunog. Kung silent "i" yan, yun ang hindi ko alam. Pero bakit nga ba nakakatakot? Simple lang, mantakin ba naman na sisingit yan sa ating nakasanayan na 12 zodiac o astrological signs. Ibig sabihin, magiging labingtatlo ng lahat yun. Ibig din sabihin, magbabago na din ang zodiac sign natin. Ibig sabihin, kung dating Cancer ka at ang ugali mo ay may pagka-moody, mag-iiba na yun at magiging kaugali mo na ang mga poging Gemini na tulad ko (self-proclaimed, bawal ang umangal). Ganito daw ang pagkakayos nun: Pisces (March 13 - April 19) Aries (April 20 - May 12) Taurus (May 13 - June 20) Gemini (June 21 - July 19) C...

...Usapang ChikenJoy...

[Paunawa: May ilang bahagi sa akdang ito na hindi angkop sa mga batang mambabasa, pantubay ng magulang ay kailangan.] isa sa pinaka-paboritong kong fastfood ay ang Jollibee... at wala ding katulad ang linamnam ng kanilang Chickenjoy...kahit hindi ko masyadong gusto ang breast part ng chicken nila, paborito ko pa din ang mga manok dito, pero bakit nga ba? simple lang..ganito kasi yun...sige basa.. SuperGulaman: bakit daw hindi masarap ang breast ng chicken?... SuperGulaman: :) Kaopismeyt (Insert Name Here): dahil hindi totoong breast Kaopismeyt (Insert Name Here): hahahahahah SuperGulaman: ahehehe...pwede... Kaopismeyt (Insert Name Here): dahil healthy at walang fats.. Kaopismeyt (Insert Name Here): peace.. SuperGulaman: ahehehe... kasi nga walang nipple.... SuperGulaman: :)) Kaopismeyt (Insert Name Here): hahahah SuperGulaman: :)) SuperGulaman: Eh bakit yung wings naman masarap??... Kaopismeyt (Insert Name Here): :) Kaopismeyt (Insert Na...

...Makulay na Paglalaro ng mga Salita...

Ang sabi nila may iba't ibang kulay daw ang kombinasyon at paglalaro ng salita. Nakabatay daw iyon sa kung anong emosyon ang maaaring mabuo natin dito. Pula ang kulay kung galit o pag-ibig ang tinetema ng bawat kataga. Asul naman ang kulay kung ang mga salita ay nagpapahayag ng kalungkutan o kapayapaan. Puti naman daw kung ito ay tumutukoy sa kalinisan at kabanalan. Pero sa totoo lang, ako lang ang may sabi nun. Ahahaha...:) Pero sa seryosong dahilan posible ngang magkaroon ng kulay ang bawat katagang namumutawi sa ating mga labi. Maaaring ang maging kulay nito ay itim sa tuwing tayo ay nagpapahayag na kamatayan o kasamaan. Sa kabilang banda, kulay berde naman para sa salitang may bahid kapilyuhan. At sa lahat ng mga kulay sa paglalaro ng salita, ang kulay berde (hindi luntian, positibo kasi ang dating sa akin ng kulay na lutian) ang pinakamasaya sa paglalaro ng mga salita. Bagamat hindi palasak ang paglalarawan ng mga salita sa medyo may kaselanang usapan, ang kulay berdeng ...