Lumaktaw sa pangunahing content

...Kapalaran Ayon sa Galaw ng Kalawakan (Ophiuchus)...

Nitong nakalipas na linggo, ginulatang tayong lahat ng isang nakakatakot na balita. Oo! Nakakatakot talaga. At ito ay ang pagsulpot ng Astrological Sign na kung tawagin ay "Ophiuchus". Ang totoo nyan hindi ko alam kung paano yan bigkasin. Kung kaya nga binibigkas ko lang yan katunog ng likidong lumalabas sa ilong sa wikang Ingles. Ophiuchus, Mucus, magkatunog. Kung silent "i" yan, yun ang hindi ko alam. Pero bakit nga ba nakakatakot? Simple lang, mantakin ba naman na sisingit yan sa ating nakasanayan na 12 zodiac o astrological signs. Ibig sabihin, magiging labingtatlo ng lahat yun. Ibig din sabihin, magbabago na din ang zodiac sign natin. Ibig sabihin, kung dating Cancer ka at ang ugali mo ay may pagka-moody, mag-iiba na yun at magiging kaugali mo na ang mga poging Gemini na tulad ko (self-proclaimed, bawal ang umangal). Ganito daw ang pagkakayos nun:

Pisces (March 13 - April 19)
Aries (April 20 - May 12)
Taurus (May 13 - June 20)
Gemini (June 21 - July 19)
Cancer (July 20 - August 11)
Leo (August 12 - September 17)
Virgo (Sepetember 18 - October 31)
Libra (November 1 - November 21)
Scorpius (November 22 - November30)
Ophiuchus (December 1 - December 18)
Sagittarius (December 19 - January 18)
Capricorn (January 19 - February 17)
Aquarius (February 18 - March 12)

Ang totoo nyan, matagal ng panahon ng banggitin ni Ptolemy ang Constellation Ophiuchus. Sa kanyang apatnapu't walong listahan ng konstelasyon kabilang dito ang Ophiuchus na kadalasan ay binabansagan ding "Serpentarius". Serpentarius, the serpent-bearer. Kung inyong mapapansin ang bawat Zodiac signs ay may katugmang Constellations o ang mga zodiac signs o astrological signs, o kung anu man ang tawag dyan ay ang mga constellation din mismo. Ang zodiac signs na ating alam sa kasalukuyan ay ayon sa paggalaw ng araw sa mga konstelasyon noon pang nakalipas na 2,500 na taon. At sa kadahilanang nagbabago na din ang paggalaw ng mundo at iba pang mga elemento sa kalawakan, dumaandaan na ang araw sa 13 konstelasyon at kabilang dito ang Ophiuchus. Kung dati-rating kasama ang Planetang Pluto sa solar system at ngayon ay hindi na, hindi na din iyon nakapagtataka sa mga pagbabago pa.

Tayong mga Pilipino ay aliw na aliw sa mga pang-uuto ng mga Astronomer at mga manghuhula. Dito sa bahay, kapag nagsasalita na si Zenaida Seba para basahin ang kapalaran o horoscope, siguradong hihinto sa mga ginagawa ang mga kapatid at nanay ko. Lalakasan ang volume ng TV upang malinaw na mapakinggan ang kapalaran, kasabay din nyon ang pang-aalaska ko. Tipong ganito yun:

Aries: magiging madilim ang iyong kapalaran na may kasamang pagkulog at pagkidlat sa umaga't hapon.
Taurus: matatae ka, magbaon ng maraming tissue.
Gemini: Mag-ingat, maghihiwalay na daw ang kambal sa iyong zodiac.
Cancer: Government Warning, Cigarette smoking is dangerous to your health. Nakaka-cancer.
Leo: Huwag magpalinlang sa mga mapagpanggap na Leo, hindi yan mga macho. Mga tiger yan, mga bading.
Virgo: Mawawala ka sa uso, lahat hindi na virgo, hindi na virgin.
Libra: Masasampal mo ang magtatanong sayo ng zodiac sign mo. Ang tanong nyang "Libra ka?" ay mapagkakamali mong "May bra ka?"
Scorpio: Uminom ng maraming tubig. Wala nyan sa disyerto.
Sagittarius: Mawawala na ang zodiac sign mo, ipapalit na sya kay kupido.
Capricorn: Mag-ingat sa pagkain ng mga berdeng pagkain, hindi lahat masustansya. Dahan-dahan sa pagkain ng lumot.
Aquarius: May nakaantabay na magandang kapalaran sayo kung sa Maynilad ka magtratrabaho.
Pisces: Wala kang kapalaran, matulog ka na lang.

Hindi naman sa hindi ako naniniwala sa horospocs este horoscopes na yan, hindi ko lang kasi matanggap na ang kapalaran ng bilyon-bilyong tao sa mundo ay 12 o 13 lang. Hindi ko kasi mapaniwalaan na ang mga  kulay at numero na binibigay nila ay maswerte nga talaga. Kung totoo yun, tataya na ako sa jueteng, ending, lotto, sakla, pekwa, bingo at color game sa mga peryahan.  Kung mangyaring totoo ang mga horoscopes, magkakaroon ng malaking problema sa ekonomiya, sa stock market.  Mamumulubi na ang PCSO at lahat ay magiging magaling sa arithmetic, astronomy, palmistry at color combination.

Noong ginawa ko ang akdang ukol sa Global Warming, sinabi ko na posibleng cycle lamang ang lahat.  Na ang global warming ay posibleng walang kinalaman sa mga aktibidad ng tao at ito ay isang "natural phenomenon" lamang. Mga panyayaring hindi kayang kontrolin ng tao. Kung ganun, posible na ang mga nararanasan natin pagbabago ngayon sa mundo ay epekto ng natural na galaw ng mundo at ng mga elemento sa kalawakan. Ang pagdaan ng araw sa ika-13 konstelasyon, ang pagkawala ng pluto sa solar system, ang pagbabago ng galaw ng mundo ay ang mga posibleng dahilan ng iba't ibang pagbabago na nararanasan natin ngayon.  Ilan lamang dito ang patuloy na pag-ulan sa ilang parte ng Pilipinas, pag-baha sa ibang bansa dulot ng malakas na ulan, labis na init sa ilang mga lugar na noon man ay hindi pa nakakaranas ng ganoong sistema.  Nakakatakot, nakaka-alarma (lalo na sa mga naniniwala sa 2012). Pero alam mo ba ang kahihinatnan ng lahat na mga panyayaring ito? Hindi.

Sa totoo lang, hindi ko din naman talaga alam kung ano ang hinaharap.  Walang nakakaalam nun, kahit ang mga tala sa kalawakan, hindi nila masasabi kung ano ang ating magiging kapalaran.  Katulad nga ng laging sinasabi ni Zenaida Seba, "hindi hawak ng mga bituin ang ating mga kapalaran, gabay lamang sila, meron tayong free will, gamitin natin ito." 

Mga Komento

  1. base!

    Libra: Masasampal mo ang magtatanong sayo ng zodiac sign mo. Ang tanong nyang "Libra ka?" ay mapagkakamali mong "May bra ka?" (natawa ako dito)

    nice one SuperGulaman!

    TumugonBurahin
  2. Taurus: matatae ka, magbaon ng maraming tissue.

    TumugonBurahin
  3. @Bing and Kiko
    ahehehe....effective daw everyday ang horoscope na yan... ahahahah... :)

    TumugonBurahin
  4. Katulad nga ng laging sinasabi ni Zenaida Seba, "hindi hawak ng mga bituin ang ating mga kapalaran, gabay lamang sila, meron tayong free will, gamitin natin ito." ---agree!=)

    anyway..di rin ako naniniwala sa horoscpoes pero di ko maiwasanag tingnan minsan ang horoscopes ko sa dyaryo hehehe

    TumugonBurahin
  5. ayuz ang husay mo talaga isa kang alamat!

    TumugonBurahin
  6. naks! so pinpanood mo ang umagang kay ganda dahil kay madam zeba. hehehe. ibang klase ka talagang magsulat super g! :)

    TumugonBurahin
  7. @♥superjaid♥
    ahehehe...nakakatuwa pa din nu ang minsang pagsulyat natin saglit sa ating kapalaran... :)

    @jedpogi
    ahehehe...trivia kuno kuno lang yan...kuya khem version...ang mapang-uto at mapanlinlang version... ahahaha... :)

    @Bino
    ahehehe...hindi nga eh... pinakikinggan ko lang ang TV namin... ahahaha...nakatalikod kasi ako s TV kapag nasa harap ako ng PC ko... ahehehe... :)

    TumugonBurahin
  8. fave ko yung linya ni zenaida seba. hehehe. lulong ako sa horoscope dati. inaabangan sa tv. hmm.. sa pagdagdag ng new zodiac, madadagdagan din kaya sa tv?

    TumugonBurahin
  9. nakilala ko lang si zenaida seba dahil kay khantotantra..

    TumugonBurahin
  10. hindi ako naniniwala sa horoscope, tama ka, wala naman nakakaalam ng kinabukasan, hula... ibig sabihin, maaring totoo o maaring hindi.. yan ang hula..

    nice parekoy... capricorn na pala ko..

    TumugonBurahin
  11. @khantotantra
    ahehehe...ako din yan line na yun..gusto kong makinig sa horoscope kahit hindi nmn din ako naniniwala...

    @EssayThesis
    thanks... :)

    @Kazumi Fuyu
    woooahhh...salamat po sa pagdaan... :)

    @ISTAMBAY
    ahehehe...ako din hindi naniniwala sa mga ganyan pero minsan masarap utuin ang sarili... :)

    TumugonBurahin
  12. ehem... EssayThesis (gem) hello... wow super G dumarami ng fans mo (pamaypay) magbenta na tau.. hehehehe horoscopes... hmmm yan ang unang binabasa ko sa dyaryo kasi maikli ang entry at mukhang nang uuto kaya pinatulan ko... pero amaze ako sa kung papaanong humanap ang mga eksperto ng mga "cause-and-effect relationship" sa buhay ng tao... yoko na, maxado ng mahaba to' geezzz... keep it up 'bro! (imaginin- mo n lang n kumakanta si Santino) (>_<)

    TumugonBurahin
  13. sobrang naaning ako ng malaman kong hindi na pala ako Aries...huhuhu BAKET???!!!

    Biglang na putol ang sungay ko...from Aries Now "PIECES" ay Pisces pala

    TumugonBurahin
  14. @Arvin U. de la Peña
    ahehehe..salamt sa pagbisita

    @Captain Youni
    ahehehe...close din kayo ni essaythesis?...ahahaha... :)

    @tekamots
    ahahaha..uu nga nu...wrong spelling ako dun ah...ahahaha...tama nmn sa una...ahehehe pero pareho nmn ata ng bigkas... ahahaha... :)

    TumugonBurahin
  15. gago ka pla puro ka gaguhan ginagawa mo

    TumugonBurahin
  16. wow huh...baliw kau...

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu...

..regalo...

Paalala: ooooppssss...bago po tayo magbasa, paki-play muna ang youtube video sa gilid, para may background tayong musika... ...kanina pa ako nakaharap sa monitor ng computer ko...nag-iisip kung ano ang maaari kong maibahagi sa inyo...gusto kong sanang ikwento ang pakikipaglaban ng mga espesyal na numero na nasa utak ko, ito ang mga numerong itinago sa kaaramihan ng tao, mga numerong pinalayas sa mundo at siniksik sa maliliit na espasyo...ngunit tila ba hindi ito angkop sa panahon na ngayon, hindi matalo ng utak ang bugso ng damdamin ko...tila ba umaayon ito sa araw ng mga puso...hindi ko alam baka sa ibang araw ko na lang sila maipagsigawan...ang sabi ng puso ko...ito ang i-blog mo... ang themesong nang buhay mo...ha? themesong...wala ako nun...kahit kami ni Grasya walang themesong eh... hindi ito bola...hindi stir...limang taon na kami pero themesong wala kami...mahilig ako sa musika...rnb, pop, love songs, blue songs, alternative, rap, rock, emo, country songs, noise ...o kahit ano.....

Bawal Basahin ang Nakasulat Dito

"Bugtong-bugtong. Hindi tao, hindi hayop, wala ka nito, wala din ako, wala ang bawat Pilipino, ano ito?" Sagot: Disiplina Ano nga ba ang disiplina? O mas maganda tanungin natin ang mga Pilipino.  Pero kahit anong hagilap nito, hindi ito makikita dahil wala ito sa bokabularyo ng Pilipino.  Aminin man natin o hindi, isa tayo sa madaming lahi sa buong mundo na wala nito. Kung sa ranking na 1-10 at 10 ang pinakamataas, malamang sa malamang ay 10.5 tayo sa kawalan ng disiplina.  Hindi ko naman sinasabi na lahat ng Pilipino ay ganito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi.  Maraming problema sa Pilipinas tulad ng basura sa estero, ilog at dagat, traffic sa lansanggan, mga taong walang trabaho, mabagal na proseso sa mga opisina pampubliko man o pribado, droga, korapsyon, prostitusyon, tsimosa sa kalye o social media, teenage pregnancy, squatter sa mga kalunsuran, sugal, babaero na hindi naman gwapo, mga siga sa kalye, rapist, lasenggero, holdaper, ...