Lulan ng pampublikong sasakyan, kipit ang kapirasong karton na kung tawagin ng karamihan ay "Nol Card" na nagsisilbing pasaporte mo sa paggala sa kalunsuran ng Dubai, hindi ko pa din maiwasang ikumpara at hanap-hanapin ang bayang pinagmulan. 23 August 2011, 11:30pm Ito ang araw at oras ng simulang lumapag mula sa himpapawid ang sinakyang salipawpaw (airplane) sa kalupaan ng mga Arabo. Ito din ang pagkakataon na simula akong humanga at sabihin sa sarili na "sana ganito din sa Pilipinas". Pero ano nga ba ang maganda sa Dubai? Mga gusali? Trabaho? Disiplina ng mga tao? Takot at paggalang sa mga alagad ng batas? Murang gasolina? High-tech na mga kagamitan at inprastraktura? At madami pang iba na wala sa Pinas. Nakakamangha (Nakamamangha??). Ito ang Dubai para sa akin sa unang linggo ng aking pananatili dito. Maganda ang kalunsuran maliban sa mga di kaaya-ayang amoy na kayang sumira ng iyong paniniwala ukol sa pagligo na tila ba nangungumbinsi na may kakulangan sa tub...
~Utak gulaman man kung ituring, Superhero naman ang dating!...Super Gulaman!~