Lumaktaw sa pangunahing content

Super Gulaman sa Bayan ng mga Arabo (Part 1)

Lulan ng pampublikong sasakyan, kipit ang kapirasong karton na kung tawagin ng karamihan ay "Nol Card" na nagsisilbing pasaporte mo sa paggala sa kalunsuran ng Dubai, hindi ko pa din maiwasang ikumpara at hanap-hanapin ang bayang pinagmulan.

23 August 2011, 11:30pm

Ito ang araw at oras ng simulang lumapag mula sa himpapawid ang sinakyang salipawpaw (airplane) sa kalupaan ng mga Arabo. Ito din ang pagkakataon na simula akong humanga at sabihin sa sarili na "sana ganito din sa Pilipinas". Pero ano nga ba ang maganda sa Dubai? Mga gusali? Trabaho? Disiplina ng mga tao? Takot at paggalang sa mga alagad ng batas? Murang gasolina? High-tech na mga kagamitan at inprastraktura? At madami pang iba na wala sa Pinas.

Nakakamangha (Nakamamangha??). Ito ang Dubai para sa akin sa unang linggo ng aking pananatili dito. Maganda ang kalunsuran maliban sa mga di kaaya-ayang amoy na kayang sumira ng iyong paniniwala ukol sa pagligo na tila ba nangungumbinsi na may kakulangan sa tubig sa lugar na ito.  Pero hindi, malakas ang daloy ng tubig sa bansang ito. May sariling paraan ang mga arabo sa pag-ipon ng daang libong metriko ng tubig na umaagas sa mga bahay sa kalunsuran.  Sa paanong paraan? Yun ang hindi ko alam. Sa katunayan, kapansin- pansin ang tila ba pagiging kulay luntian ng disyerto dahil sa punong alanganing Niyog o Kawayan (Dates daw yun sabi sa chismiz.).  Bukod pa dun, nagkalat din ang bermuda grass na pinapanatiling basa upang yumabong sa kabila ng matinding sikat ng araw.  Ang sabi sa chismiz, mula daw sa dumi ng tao ang tubig na pinadidilig dito. Minsan nga gusto kong tikman ang lasa ng tubig upang mapatunayan ang mga haka-haka.

Kung gusali naman ang usapan, mahihiya ang mga nagtataasang kahon na animo'y mga nakatayong kabaong ng Makati kumpara sa mga gusali sa Dubai. Sa Dubai, hindi uso ang puro kahon na tema, kailangan may art at dapat kalidad ang gusali.  Bakit? Aba, eh sa ibabaw kaya yan ng buhangin itatayo.  Hindi din uso ang pagtitipid ng materyales, pakapalan nga ng dingding ang labanan dito, syempre at dahil disyerto dito maraming supply ng buhangin na pwedeng ihalo sa semento.  Sa gabi, kapansin pansin ang liwanag na mula sa nagtataasang gusali ng dubai, iba-iba na umaayon sa disenyo ng inprastraktura, may bilog, patulis, parisukat, may hugis pyramid, may gusaling animo'y may malaking golf ball sa tuktok (etisalat),  at madami pang iba na sasabihing mong "ang yaman talaga nila".

Trabaho.  Karamihan ng mga kababayang natin na tumutungo dito, isa lamang ang pakay-- trabaho. Ako? Hindi ito ang pakay ko noong nasa Pinas pa ako kung bakit ako pupunta dito.  May maganda akong trabaho noon sa Pinas na ang tanging ginagawa ko lang ang matulog sa bahay at tumitig sa harap ng monitor ng computer hanggang sa umusbong ang ideya sa aking kukote.  Online Writer-Researcher yan ang trabahong iniwan ko para sa kaligayahan ng puso ko.  Oo, pag-ibig ang pakay ko dito na unti-unting nadadagan ng ilang aspeto tulad ng para sa kinabukasan at para sa kasalukyan.  Ang totoo nyan, ipinusta ko na lahat ang 8 taong buhay ko sa Pinas para makapiling lang ang aking Grasya at ang grasyang magmumula sa kanyang sinapupunan. Puspos sa paghahanap ng trabaho, ilang araw na lang paso na Visa ko. Pumunta ako sa mall, "Can I drop my CV here?", ganyan ang linya ko sa mga tindahan. Pag-uwi naman sa bahay, forward CV, gulfnews, duzzible, JAFZA etc etc. Hintay ng tawag para sa interview.  Sa dami ng nabigyan ng CV, may mga 2-3 tatawag para sa interview. Halos lahat ng iyon pre-presyuhan ka na base sa kakayahan mo. Nasa iyo na kung tatanggapin mo o hindi.  Ito ang maganda sa Dubai, hindi gaano kahalaga na malaman kung ano ang tinapos mo at saang paaralan ka nagmula. Hindi uso ang tanong na "ano ang tinapos mo?", ang labanan dito ay "ano ang alam mo?" Back to zero, ito ako ng simulan kong pagulungin ang akin buhay sa mundo ng mga arabo.  Hindi naglaon, nakahanap din ako ng trabaho bilang sekretarya sa isang probinsya sa UAE-- sa Sharjah.  Sinubukan ko ng ilang araw, kayang-kaya naman pala. Madali lang maging alipin ng General Manager, Deputy Manager at Project Manager. Simple lang naman ang gagawin mo, kung ano ang kailangan nila bigay lang.  Pero makalipas ang 13 days umayaw na ako.  Bakit? Isipin mo na lang na kailangan mong mag-ala-GM dahil kailangan.  Ang masaklap dun, 100% mas malaki ang sahod nya kumpara sa iyo. Wala pa dun ang mayayabang na "Pana", na akala mo "Perfect English" ang salita at alam na alam ang trabaho nila, yun pala puro palusot lang sa maghapon lumipas lang ang oras (walang discrimination yan, napansin ko lang). Ugali nilang magmagaling, umako na alam ang lahat, laitin ka sa harapan ng mga big bosses pero sa akin din pala lahat ipapasa dahil tanging ako lamang ang nakakaalam. Pero hindi yun ang dahilan kung bakit ako umalis, dahil sa ngayon mas kailangan ako ng Grasya ko sa Dubai, hindi sa malayong probinsya ng Sharjah.

Sa ngayon, tambay na naman ako sa bahay, walang trabaho, naghihintay ng kapalaran sa isang magandang kumpanya sa Dubai.  On Employment Visa processing na daw, kailangan mag-exit sa Dubai, hindi daw pwede sa Kish, sa Pilipinas daw.  Ang sa akin lang, kahit naman saan basta makapiling lang ang aking Grasya at ang aming supling sa kanyang sinapupunan.

(itutuloy...)

(Note: Ang sulating ito ay ayon lamang sa opinyon at sariling karanasan ng may-akda.  Hindi ito naglalayon na manira o mang-alipusta ng sinuman o ng mga bansa. Siniguro din ng may akda na walang nasangkot na "ilang na mga hayop" (endangered species) sa paglikha ng sulating ito. Salamat po sa pag-unawa.)



Mga Komento

  1. makakahanap ka rin dyan pare. wag mawalan ng pag-asa :D

    TumugonBurahin
  2. nakakamangha nga ba? oo maganda nga yung mga buildings, mayaman sa oil ang middle east.. kaya lang kung sa ugali.. iba talaga ang pinoy.. nasa jordan din ako, pero masasabi kong wala man tayo katulad ng meron ang middle east, pero proud akong pinoy ako at hindi ko kasing ugali ang mga ungas na arabo..

    TumugonBurahin
  3. @Bino
    oo parekoy...salamat, kaya yan syempre...:)..sabi nga nila, mawalan ka man ng pag-asa, wala kang magagawa, kailangan mong magkaroon...kung ang bagyo nga may pag-asa, tao pa kaya...:)

    @Jennifer
    yeah right..maganda nga din talaga dito, pero hahanap-hanapin mo din tlaga ang Pinas..at ease kasi tayo dun...sa ugali nmn ng tao..parehong may good at negative sides...siguro sa akin ang problema tlaga is yung familiarity, habits at discrimination...:)

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...ibigay ang hilig...

isang mapagpalayang araw sa inyong lahat...nandito na naman po ang inyong superhero na si SuperGulaman na walang inatupag kundi mambulabog sa inyong natutulog na mundo... bulaga! nitong mga nakalipas na araw, medyo naging isnabero ako sa mga tags at awards na pinukol sa akin...pasensya na po medyo naging busy kasi ang inyong poging Superhero (ahem!) at nagkakaroon din kasi ako ng maliliit na problema kaya medyo na de-depress din ako, lalo na sa pagkawala ng aking medyas at tsinelas (hindi ako maka-move on... ahahaha!...)... pero syempre kunyari lang na nadedepress ako o bisi-bisihan dahil alam nyo naman gusto ko lang bigyan ng dahilan ang aking katamaran... ahahaha... at para hindi na magtampo ang aking magaganda at poging katropa...ito na po at ginawa ko na... ibigay ang hilig... bilang panimula, pasasalamatan ko na si Stacey ng Stacey Avenue para sa "The Perpetual Smiling Blogger Award" na ito...hindi ko lang din alam kung magkakapatid sila ni Mike at Mon, mga Avenue kasi...

...babae...

....ang sulating ito ay hinahandog sa lahat ng kababaihan.... (boys behave muna, sila ang bida ngayon...aheks!) Babae, babae kamusta ka na? kamusta na ang buhay mo sa mundo?... kamusta na ang kalagayan mo?... alam mo sobrang hinangaan kita sa lahat ng pagkakataon... ang dami mo ng ginawa para sa sangkatauhan sa kabila ng iyong mga kahinaang taglay... bagkus na sumuko, ito ka at pinagpapatuloy ang laban... kamusta na nga pala ang iyong pinakamamahal na si lalaki? alam kong sobrang saya mo noon ng makilala mo sya... halos sya na nga ang naging mundo... ibinigay mo ang lahat ng naisin nya pati nga kaluluwa mo halos pag-aari na nya... kung sabagay umiibig ka kaya lahat ng sa iyo ay ibinahagi mo sa kanya at halos wala na ngang matira eh...hindi naman kita pwedeng sisihin dahil kitang-kita ko sa iyong mata ang lubusang kasiyahan at masaya akong nakikita ka din na masaya...pero ano na nga ba ang nangyari?...matapos ang ilang taon ng pagsasama, ito ka kapiling na lamang ang iyong anak at iniwa...

..numero...

[oooopppsss...wag mo po munang pindutin ang back button o ang eks button...basa po muna tayo...wag pong mag-alala ang susunod na aking ibabahagi ay hindi nakakapagpadugo ng ilong...enjoy.. ^_^] ....sa basketball court.... [ Xiantao: yet,di ba may alam ka sa thesis?.. tulungan mo naman ako.... Ako: Oo ba...walang problema...anu ba title ng thesis mo? Xiantao: Wala pa nga eh, ei yung sa iyo ano ba ang title ng thesis mo? Ako: ei hindi yun makakatulong sa pag-iisip ng title mo kung sasabihin ko man yung title ng thesis ko... Xiantao: ano ba kasi yun ? Ako: (*peste ito at talagang pinilit ako*) ang kulit... "Characterization of Non-associative Finite Invertible Loops of Order 7 with 5 and 7 Self-inverse Elements" Xiantao: ha? (*tulala na parang nabigla*)... ano ba ang course mo? Ako: BS Mathematics... Xiantao: Wow! kaya naman pala eh... eh di ang galing mo pala sa numbers? Ako: bobo ako sa numbers, mahina ako sa arithmetic... Xiantao:????? (*napakunot noo na lang sya at napakamo...