Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Pebrero, 2012

Super Gulaman sa Bayan ng mga Arabo (Part 2)

Other Me: Helo Roger, Haw ar yu? Me: I'm Good, How about you? Other Me: Good. Same same. Me: Damn! Para akong tanga. (*Ngingiti na katulad ng mga takas galing mental*) Ganito ako minsan, tamang trip na kausapin ang sarili sa tono ng mga "Pana"**.  Mga tono na hanggang sa ngayon ay hindi pa din gamay ng aking tenga.  Lagpas limang buwan na din ako sa bayan ng mga Arabo, at nakakatuwang isipin na kahit papano ay pamilyar na din ako sa kalakaran sa bayan ng mga arabo. Medyo pamilyar na pero nangangapa pa din...nakakatuwa, nakakabaliw, nakaka-aliw parang mental hospital. Sabi nga ng karamihan, "pasasaan at masasanay ka din." Ok na sana ang lahat ngunit bakit? Bakit sa araw-araw na pagkakataon kahit mga kapwa Pinoy laging ganun? Lagi na lang akong napagkakamalan na nagmula sa bayan ng mga "Pana"...Kung hindi naman mapagkakamalan akong Arabo, Nepali o di kaya'y nilalang mula sa Sudan. Isang customer na "pana"... "Have we seen each other...