Lumaktaw sa pangunahing content

Super Gulaman sa Bayan ng mga Arabo (Part 2)

Other Me: Helo Roger, Haw ar yu?
Me: I'm Good, How about you?
Other Me: Good. Same same.
Me: Damn! Para akong tanga. (*Ngingiti na katulad ng mga takas galing mental*)

Ganito ako minsan, tamang trip na kausapin ang sarili sa tono ng mga "Pana"**.  Mga tono na hanggang sa ngayon ay hindi pa din gamay ng aking tenga.  Lagpas limang buwan na din ako sa bayan ng mga Arabo, at nakakatuwang isipin na kahit papano ay pamilyar na din ako sa kalakaran sa bayan ng mga arabo. Medyo pamilyar na pero nangangapa pa din...nakakatuwa, nakakabaliw, nakaka-aliw parang mental hospital.

Sabi nga ng karamihan, "pasasaan at masasanay ka din." Ok na sana ang lahat ngunit bakit? Bakit sa araw-araw na pagkakataon kahit mga kapwa Pinoy laging ganun? Lagi na lang akong napagkakamalan na nagmula sa bayan ng mga "Pana"...Kung hindi naman mapagkakamalan akong Arabo, Nepali o di kaya'y nilalang mula sa Sudan.

Isang customer na "pana"...
"Have we seen each other in Bombay?" tapos nakipag-shake hands pa.

Patay tayo dyan, feeling ko "panang-pana" talaga ang dating ko, kulang na lang siguro ay konting iling ng ulo.  Pero para malinaw wala naman akong galit sa kahit anong lahi o hinanakit sa kultura at ugali nila. Ang hindi ko lang mapagtanto ay kung bakit ang lahat ay madalas na mapagkamalan na hindi ako Pinoy? Pinoy po ako and proud to be. Wag nyo po sana akong i-discriminate kasi po, mabango po ako 99.9%.

Sa ngayon, ang dami ko ng bagong natutunan, mga bagong karanasan at sigurado akong marami pang matutunan at mararanasan. Hinay-hinay lang...:)

**Ang salitang "Pana" ay isang Filipino slang sa UAE na tumutukoy sa mga Indian upang hindi nila matukoy o malaman na sila ang tema ng pinag-uusapan. Pero sa ngayon mukhang alam na din nila ito kaya oibang termino na naman ang nalikha..."anaps"

Mga Komento

  1. LOL natawa ako..akala ko dito ka sa KSA. hehe. Itik ang mas gamit namin salita dito pag indian ang pinaguusapan namin..hehe

    TumugonBurahin
  2. kalat na talaga ung saliang pana. hehehe. ibang term na dapat :)

    TumugonBurahin
  3. anaps lol...
    have we seen each other in Bombay??lol natawa ako dito,,,adik c kuya?haha
    sa susunod pag napagkamalan kang pana ipa amoy mo sarili mo sa knila at sabihing amoy pinoy dba?lol..

    enjoy lng jan super g...and ur other me?haha

    TumugonBurahin
  4. natawa ako sa sinabi ni Akoni na Itik ang tawag kung indian ang pinag uusapan....

    TumugonBurahin
  5. Sabi ko sayo kuya eh, kulay pa lang, panang pana kana! bwahahaha!

    TumugonBurahin
  6. EB na nga tayo para makilatis ko kung mukhang pana ka nga talaga! hahahah! Dami akong friends na pana! hehehehe!

    saan ka ba dito?

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu...

..regalo...

Paalala: ooooppssss...bago po tayo magbasa, paki-play muna ang youtube video sa gilid, para may background tayong musika... ...kanina pa ako nakaharap sa monitor ng computer ko...nag-iisip kung ano ang maaari kong maibahagi sa inyo...gusto kong sanang ikwento ang pakikipaglaban ng mga espesyal na numero na nasa utak ko, ito ang mga numerong itinago sa kaaramihan ng tao, mga numerong pinalayas sa mundo at siniksik sa maliliit na espasyo...ngunit tila ba hindi ito angkop sa panahon na ngayon, hindi matalo ng utak ang bugso ng damdamin ko...tila ba umaayon ito sa araw ng mga puso...hindi ko alam baka sa ibang araw ko na lang sila maipagsigawan...ang sabi ng puso ko...ito ang i-blog mo... ang themesong nang buhay mo...ha? themesong...wala ako nun...kahit kami ni Grasya walang themesong eh... hindi ito bola...hindi stir...limang taon na kami pero themesong wala kami...mahilig ako sa musika...rnb, pop, love songs, blue songs, alternative, rap, rock, emo, country songs, noise ...o kahit ano.....

Bawal Basahin ang Nakasulat Dito

"Bugtong-bugtong. Hindi tao, hindi hayop, wala ka nito, wala din ako, wala ang bawat Pilipino, ano ito?" Sagot: Disiplina Ano nga ba ang disiplina? O mas maganda tanungin natin ang mga Pilipino.  Pero kahit anong hagilap nito, hindi ito makikita dahil wala ito sa bokabularyo ng Pilipino.  Aminin man natin o hindi, isa tayo sa madaming lahi sa buong mundo na wala nito. Kung sa ranking na 1-10 at 10 ang pinakamataas, malamang sa malamang ay 10.5 tayo sa kawalan ng disiplina.  Hindi ko naman sinasabi na lahat ng Pilipino ay ganito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi.  Maraming problema sa Pilipinas tulad ng basura sa estero, ilog at dagat, traffic sa lansanggan, mga taong walang trabaho, mabagal na proseso sa mga opisina pampubliko man o pribado, droga, korapsyon, prostitusyon, tsimosa sa kalye o social media, teenage pregnancy, squatter sa mga kalunsuran, sugal, babaero na hindi naman gwapo, mga siga sa kalye, rapist, lasenggero, holdaper, ...