Apat na libo, dalawang daan, siyamnapu't pitong milya ang distansya ko ngayon mula sa lugar na kinalakihan, lugar na nakasanayan at lugar na muli kong babalikan. Ika nga nila, "There is no place like home." Kung kaya nga kahit na anong ayos ng sistema dito sa Dubai, mas nanaisin ko pa din balikan ang magulong buhay sa Pinas. Sabagay ilang taon lang din naman, kayang-kaya natin yan aking WonderG para na din sa ating padating na BabyG. Minsan may mga punto na hahanap-hanapin mo pa din ang magulong lansangan ng EDSA, makakapal na usok mula sa tambutso ng mga sasakyan, mga buwis-buhay na pagsampa sa rumaragasang hari ng kalsada--ang paborito kong Jeepney ng Pinas, mga mandurukot sa Quiapo, isnatser sa Divisoria at mga tulo-laway na katabi sa Jeep. Pero sa Pinas, impeyrnes (imfairness or unfairness??) chamba lang ang magkaroon ng katabing amoy tinapay, tinapay na kung tawagin ay putok . Pero dito sa Dubai, kahit mukhang malinis, amoy "undefined micro-organism" pa d...
~Utak gulaman man kung ituring, Superhero naman ang dating!...Super Gulaman!~