Lumaktaw sa pangunahing content

Buhay sa Dubai (From Writer-Researcher to Toshiba Promoter)

Apat na libo, dalawang daan, siyamnapu't pitong milya ang distansya ko ngayon mula sa lugar na kinalakihan, lugar na nakasanayan at lugar na muli kong babalikan. Ika nga nila, "There is no place like home." Kung kaya nga kahit na anong ayos ng sistema dito sa Dubai, mas nanaisin ko pa din balikan ang magulong buhay sa Pinas.  Sabagay ilang taon lang din naman, kayang-kaya natin yan aking WonderG para na din sa ating padating na BabyG.

Minsan may mga punto na hahanap-hanapin mo pa din ang magulong lansangan ng EDSA, makakapal na usok mula sa tambutso ng mga sasakyan, mga buwis-buhay na pagsampa sa rumaragasang hari ng kalsada--ang paborito kong Jeepney ng Pinas, mga mandurukot sa Quiapo, isnatser sa Divisoria at mga tulo-laway na katabi sa Jeep. Pero sa Pinas, impeyrnes (imfairness or unfairness??) chamba lang ang magkaroon ng katabing amoy tinapay, tinapay na kung tawagin ay putok. Pero dito sa Dubai, kahit mukhang malinis, amoy "undefined micro-organism" pa din.  Yung tipo ng bacteria na hindi kayang i-classify ng mga scientists dahil sa labis na kabantutan.  Yung tipo ng amoy na kayang painitin ang ulo mo, mamantal ang buong katawan at magkulay barney ka, yung amoy na dumidikit sa balat, pumapasok sa pores, at sumisira ng respiratory at digestive systems mo.  Ganun sila dito, swertehan na lang kung maligo sila. yung swerte na yun ay katumbas ng chance mong manalo sa lotto na 6/55.  Tapos ang masaklap pa dun, aakalain pa ng lahat na kabilang ka sa mga yun, kawawang SuperGulaman, laging biktima ng diskriminasyon.  Pero magkagayun man, paunti-unti nasasanay na din ako sa bago kong mundo. 

From writer-researcher to promoter.  Swabe di ba? Malayo sa trabahong nakasanayan ko ng halos pitong taon.  Promoter ng laptop, taga-benta ng laptop, salesman ng laptop, yan ang trabaho ko ngayon, mambola. Kung sakaling gusto nyong magpabola, pasyalan nyo lang ako sa Geant Ibn Battuta.  Bebentahan ko kayo ng laptop na hindi madaling masira--Toshiba.

Customer: What is good in Toshiba laptops?
SuperGulaman: Not just good. But the best thing in Toshiba Laptops is "You don't have to buy new laptop for the next coming years".
Customer: Ok, Give me 10 of this.

Fujitsu Promoter: Fujitsu is the world's number one laptop.
SuperGulaman: Ok. then Toshiba is ranked zero. We are the world's number zero laptop....:)

Since nandito na lang din naman ako, babatiin ko na din ang katropa ni Super Gulaman sa Geant.  Si James ng MSI , si Aaliyah ng Samsung, Si Kat ng ASUS, si Rem ng Sitecom, si Kat ulet ng Altec Lansing at ang kupal ng Fujitsu babatiin ko na din, hinayupak ka nalingat lang ako sandali sinulot mo ang customer ko. Nawa'y wala silang pasisihan sa waterproof mong laptop na ang totoo'y spillproof lang yan. Ahehehe, baka mahalatang may grudge ako ah.  Batiin ko na din si Mang Dennis, salesman ng Geant, hinay-hinay lang sa pagbenta ng Sony, tutulungan ka din nmin dyan, sayang ang 50 AED.  Basta pag-off ko, bentahan mo lang ako. Sa ngayon wag muna, paubos na ang stocks ko, baka isipin ng kinauukulan bolero talaga ako at itaas ang target ko sa isang buwan.

Chika-chika aw...^_^



Mga Komento

  1. hey nice to know nandito ka na rin, hehehe

    TumugonBurahin
  2. Salamant sa post mong ito......kung sakali bibili ako ng laptop ay toshiba na lang.....

    TumugonBurahin
  3. Wow, bagong buhay! Congrats na rin sa parating na baby. U

    Nai-imagine ko ang mga naaamoy mo riyan, whew! =,{

    TumugonBurahin
  4. @duboy
    yeah yeah...mejo nag-aadjust pa eh...hirap tumayming para maka-blogs...:)

    @Arvin
    ahehehe...oks yan basta sa akin ka bumili...ahehehe..musta nmn parekoy...:)

    @Doc
    Hi doc, ahehehe...long time no talk...ahehehe...mejo busy pa eh..hindi pa kasi ako sanay...pagsanay na ako lagi na ako ulet dito....:)

    TumugonBurahin
  5. it goods think because you have great think and job also so i like it.

    escorts in kanpur

    TumugonBurahin
  6. lahat tayo kaya magtiis for our family no..hehe

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu...

..regalo...

Paalala: ooooppssss...bago po tayo magbasa, paki-play muna ang youtube video sa gilid, para may background tayong musika... ...kanina pa ako nakaharap sa monitor ng computer ko...nag-iisip kung ano ang maaari kong maibahagi sa inyo...gusto kong sanang ikwento ang pakikipaglaban ng mga espesyal na numero na nasa utak ko, ito ang mga numerong itinago sa kaaramihan ng tao, mga numerong pinalayas sa mundo at siniksik sa maliliit na espasyo...ngunit tila ba hindi ito angkop sa panahon na ngayon, hindi matalo ng utak ang bugso ng damdamin ko...tila ba umaayon ito sa araw ng mga puso...hindi ko alam baka sa ibang araw ko na lang sila maipagsigawan...ang sabi ng puso ko...ito ang i-blog mo... ang themesong nang buhay mo...ha? themesong...wala ako nun...kahit kami ni Grasya walang themesong eh... hindi ito bola...hindi stir...limang taon na kami pero themesong wala kami...mahilig ako sa musika...rnb, pop, love songs, blue songs, alternative, rap, rock, emo, country songs, noise ...o kahit ano.....

Bawal Basahin ang Nakasulat Dito

"Bugtong-bugtong. Hindi tao, hindi hayop, wala ka nito, wala din ako, wala ang bawat Pilipino, ano ito?" Sagot: Disiplina Ano nga ba ang disiplina? O mas maganda tanungin natin ang mga Pilipino.  Pero kahit anong hagilap nito, hindi ito makikita dahil wala ito sa bokabularyo ng Pilipino.  Aminin man natin o hindi, isa tayo sa madaming lahi sa buong mundo na wala nito. Kung sa ranking na 1-10 at 10 ang pinakamataas, malamang sa malamang ay 10.5 tayo sa kawalan ng disiplina.  Hindi ko naman sinasabi na lahat ng Pilipino ay ganito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi.  Maraming problema sa Pilipinas tulad ng basura sa estero, ilog at dagat, traffic sa lansanggan, mga taong walang trabaho, mabagal na proseso sa mga opisina pampubliko man o pribado, droga, korapsyon, prostitusyon, tsimosa sa kalye o social media, teenage pregnancy, squatter sa mga kalunsuran, sugal, babaero na hindi naman gwapo, mga siga sa kalye, rapist, lasenggero, holdaper, ...