Lumaktaw sa pangunahing content

Introducing: Ang Anak ni SuperGulaman

"Nakabalik ako sa lugar ngunit hindi sa parehong pagkakataon." Ilang buwan na nga ba ang nakalipas buhat ng iwan ko ang lugar na kinalakihan? Ilan buwan na nga ba ang nakalipas subukan kong ibahin ang pare-parehong takbo ng buhay? Ahhh...halos labingdalawang buwan na...isang taon na.

Ang bilis ng takbo ng panahon parang kelan lang ng buong sipag si SuperGulaman na sumisirko sa mundo ng blogesperyo. Kwento ng kalokohan, kwento ng saya, kwento ng lungkot, kwento ng laman ng utak, kwento ng pag-ibig, kwento ng pangungulila, kwento ng bayan, kwento ng pinoy, kwento para sa pinoy, kwento ng buhay, at kwento ng walang limitasyong imahinasyon. Lahat ng iyan ay tinema ni Supergulanan sa halos isang dekadang blog na ito. Pero nasaan na nga ba sya? O natatandaan nyo pa ba sya?  May alam ka pa ba sa kwento ng buhay nya?

Ako si SuperGulaman....SuperG ang tawag ng ilan.  Bhoyet para sa kanyang pamilya at mga kaibigan.  Mahal naman para sa kanyang WonderG at Daddy na din para sa kanyang BabyG.  Welcome to the world Gelika Bless! Say hi to all your fans.  Dapat magmana ka din kay daddy at mommy...mga artistahin! Ahehehe.

Sabi nga nila, kung gaano ka kasaya nung nagmahal ka ng isa, paano pa kaya kung dalawa na sila.  Tama hindi ba? Kaya nga WonderG at BabyG, sobrang mahal kayo ni SuperG.

Padating na ako anak, domestic airport na ako... ^_^

Mga Komento

  1. congrats sa iyo!!! masaya ang mayroong anak :D

    TumugonBurahin
  2. wow! may baby G nah... so happy for u kuyahh!!!... *hugz*... akoh ren next year! lol... take care kuyah... Godbless!

    TumugonBurahin
  3. ganda ni baby g!
    congrats super g!
    na-miss ko tumambay dito..

    TumugonBurahin
  4. wow. congrats!
    tama yan! wag sayangin ang genes!
    sabi nga ni Lord, "be fruitful, multiply and have dominion"

    TumugonBurahin
  5. another angel was born. CONGRATS super g :)

    TumugonBurahin
  6. Congrats! Nawa's na lumaking malakas at mabuting bata ang anak mo SuperG.

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu...

..regalo...

Paalala: ooooppssss...bago po tayo magbasa, paki-play muna ang youtube video sa gilid, para may background tayong musika... ...kanina pa ako nakaharap sa monitor ng computer ko...nag-iisip kung ano ang maaari kong maibahagi sa inyo...gusto kong sanang ikwento ang pakikipaglaban ng mga espesyal na numero na nasa utak ko, ito ang mga numerong itinago sa kaaramihan ng tao, mga numerong pinalayas sa mundo at siniksik sa maliliit na espasyo...ngunit tila ba hindi ito angkop sa panahon na ngayon, hindi matalo ng utak ang bugso ng damdamin ko...tila ba umaayon ito sa araw ng mga puso...hindi ko alam baka sa ibang araw ko na lang sila maipagsigawan...ang sabi ng puso ko...ito ang i-blog mo... ang themesong nang buhay mo...ha? themesong...wala ako nun...kahit kami ni Grasya walang themesong eh... hindi ito bola...hindi stir...limang taon na kami pero themesong wala kami...mahilig ako sa musika...rnb, pop, love songs, blue songs, alternative, rap, rock, emo, country songs, noise ...o kahit ano.....

Bawal Basahin ang Nakasulat Dito

"Bugtong-bugtong. Hindi tao, hindi hayop, wala ka nito, wala din ako, wala ang bawat Pilipino, ano ito?" Sagot: Disiplina Ano nga ba ang disiplina? O mas maganda tanungin natin ang mga Pilipino.  Pero kahit anong hagilap nito, hindi ito makikita dahil wala ito sa bokabularyo ng Pilipino.  Aminin man natin o hindi, isa tayo sa madaming lahi sa buong mundo na wala nito. Kung sa ranking na 1-10 at 10 ang pinakamataas, malamang sa malamang ay 10.5 tayo sa kawalan ng disiplina.  Hindi ko naman sinasabi na lahat ng Pilipino ay ganito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi.  Maraming problema sa Pilipinas tulad ng basura sa estero, ilog at dagat, traffic sa lansanggan, mga taong walang trabaho, mabagal na proseso sa mga opisina pampubliko man o pribado, droga, korapsyon, prostitusyon, tsimosa sa kalye o social media, teenage pregnancy, squatter sa mga kalunsuran, sugal, babaero na hindi naman gwapo, mga siga sa kalye, rapist, lasenggero, holdaper, ...