Let’s do it. May
katagalan na din ng huli akong maglagay ng bagong sulatin sa hindi-kagandahan-at-medyo-may-kabagalan-na-weblog
na ito. Ang totoo nyan, sawa na din ako
sa kalalagay ng mga entry na ukol sa aking pagbabalik. At sigurado din naman
akong sasabihin mo na “Welcome Back” at pagkatapos nun ay patay na naman muli
ang blog na ito. R.I.P.
Ooops, I’m Back! Oo nga! Bago ko makumpleto ang huling
pangungusap na itaas, kagagaling ko lang sa CR. Katatae ko lang! (tabi-tabi po
sa kumakain). Kaya sabi ko “I’m Back”.
Pero I’m SuperGulaman talaga, hindi ako nagpalit ng pangalan. Uminom lang kasi
ako ng tsaa na may gatas at maraming asukal.
Yung lasang kasing tamis ng arnibal na inilalagay sa taho. Medyo may
problema kasi ako sa sistema ng pag-inom at pagkain ko. Kapag uminom ako ng tubig o kahit na anong liquid.
Magbilang ka lng ng isa hanggang limang minute, sigurado takbo ako agad sa CR
para umihi. Tapos, sa pagkain naman, isa
hanggang tatlumpung minute, takbo muli sa CR para naman sa pagdumi. Hindi ko alam baka nakasanayan ko lang. Ayos lang naman yun, hindi naman siguro
nakakamatay ang ganun’g habit.
Sige kwentuhan kita, kahapon off ko at ang misis kong si
Grasya. So, ako ang chef ng bahay. Ang
sabi ng misis ko, magluto daw ako ng papaitan. Ako naman na
feeling-magaling-magluto-pero-hindi-naman ay nag-marunong. So kumpleto ng rekardo, onion, ginger, garlic,
green chili, pampapait, beef, at lemon. Ayun, successful naman ang kinalabasan
at naglasang papaitan talaga. Happy na
si misis sa aking masterpiece. After
nun, nagsandok na din ako sa bowl at kumain na din kaming dalawa. Pagkatapos kumain naisipan nyang ayusin na nmin
ang “Balikbayan Box”, para maipadala na sa susunod na araw. Ako naman bilang isang mabait-na-asawa (pagtulog)
ay inayos na din ang ilalaman ng box.
Matapos ang mahigit sa dalawang oras, natapos na din naman ang pag-aayos
nito. Pagdaka’y nagawi si misis sa kusina at nagulat sya sa kanyang nakita. Yung papaitan ko, naging mapait na talaga,
wala ng sabaw, sunog na. Nakalimutan
kong patayin ang apoy ng kalan, anak ng tokwa!
Pero hindi pa huli ang lahat, may ilang parte pa naman ang hindi
natutusta. Kinuha ko iyon at hiniwalay sa mga nasunog na karne. Hiwa ulit ng rekado, onion, garlic, capsicum.
Kuha ng kawali, lagay ang mantika, at sinimulan ko ulit mag-gisa. Binuhos ang naihiwalay na karne at nilagyan ng
pepper at oyster sauce. Ayun, beef stir
fry with oyster sauce. Oha! Kaya
pagdating ng mga hipag ko mula sa trabaho, ayun may ulam pa din kami.
Maiba naman, nag-renew na ako ulit ng kontrata so may visa
na akong bago. Pero ang sabi ng amo ko,
mag-resign na daw ako, wala daw akong silbi at hindi ko sya pinapayaman. Ang
sabi ko naman, i-terminate mo na lang ako at least ako naman ang yayaman. Para kaming naglalaro ng chess, magkamali
lang ng move, mate ka. Pero ang totoo nyan, gusto ko naman talagang mag-resign,
kaso wala pa akong malilipatan na medyo maganda ang sahod, kaya hintayan na
lang kami muna. Magtiis muna sya sa katamaran ko at magtitiis din ako ng onti sa
kabobohan at kabagalan nya. Hahayaan ko lang muna ang swerte kung
ma-teterminate ba ako o mag-reresign ako.
Kaya kabayan kung nasa Dubai ka at may alam kang trabaho na angkop sa
mga talents ko, share mo naman sa akin, promis hindi kita ipapahiya.
Ayan, tapusin ko muna ito. Sisimulan ko na din ang paggayak
at mamaya-maya lang nandyan na ang carlift.
Simula na naman ng trabahong-masaya-pero-hindi-sa-amo.
maraming bloggers sa dubai. si iyah nandyan, si unplog o mar verdan. nandyan sila
TumugonBurahinhonga...sana mabiyayaan ako ng tulong nila...ahehehe... :)
Burahinmalay mo diba. kontakin mo sila sa fb :D
BurahinIyah: https://www.facebook.com/iyah.diaz.752?fref=ts
Mar: https://www.facebook.com/Mar.Verdan?fref=ts
ayun...salamat po boss... :)
Burahin