Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Marso, 2015

Selda Uno Dise Otso

Ito na nga, pumasok na ako sa teritoryo ng Iran. Current destination, Kish Island, Iran. Pero sa totoo lng parang hindi naman ito kasing sama ng mga naririnig kong horror stories, yung tipong parang sa pelikulang Hostel. At kasing lungkot ng death penalty. Ang sabi nila, ang Kish daw ay kwento ng mga stranded na pilipino, kwento ng kalungkutan, kwento ng drugs, kwento ng prostitusyon, kwento ng rape, kwento ng suicide at kwento na bakit-ka-pupunta-sa-isla-ni-kamatayan. Pero sa tingin ko, kwento lang din yun kasi kahit naman saang lugar ay may mga kwentong tulad nyan. Mga malulungkot at nakakatakot na kwento pero mas marami pa ding magandang kwento dito, hindi lng puro ganun...promis! Paglapag ng eroplano sa Isla, kapansin pansin, ang medyo malungkot at hindi komportableng pakiramdam. Lahat bago, isang pakikipagsapalarang parang welcome-to-the-land-of-the-dead.  Pagpasok sa terminal ng Kish, nagsimula ng magbihis ang mga kababaihan upang balutin ang kanilang mga ulo.  Isa...