Lumaktaw sa pangunahing content

Selda Uno Dise Otso

Ito na nga, pumasok na ako sa teritoryo ng Iran. Current destination, Kish Island, Iran. Pero sa totoo lng parang hindi naman ito kasing sama ng mga naririnig kong horror stories, yung tipong parang sa pelikulang Hostel. At kasing lungkot ng death penalty. Ang sabi nila, ang Kish daw ay kwento ng mga stranded na pilipino, kwento ng kalungkutan, kwento ng drugs, kwento ng prostitusyon, kwento ng rape, kwento ng suicide at kwento na bakit-ka-pupunta-sa-isla-ni-kamatayan. Pero sa tingin ko, kwento lang din yun kasi kahit naman saang lugar ay may mga kwentong tulad nyan. Mga malulungkot at nakakatakot na kwento pero mas marami pa ding magandang kwento dito, hindi lng puro ganun...promis!

Paglapag ng eroplano sa Isla, kapansin pansin, ang medyo malungkot at hindi komportableng pakiramdam. Lahat bago, isang pakikipagsapalarang parang welcome-to-the-land-of-the-dead.  Pagpasok sa terminal ng Kish, nagsimula ng magbihis ang mga kababaihan upang balutin ang kanilang mga ulo.  Isang kulturang kailangang sundin ng lahat ng pumapasok sa Islamic Republic of Iran. Ang sabi nila sa kwento, bawal daw kumausap ng babae sa Iran otherwise deported ka.  Ang nakakatuwa nun pagpila ko pa lang sa immigration, kinakausap na ako ng kabayan Filipina at nagtatanong kung saang Hotel daw ako mag che-check-in. Simple lang naman ang sagot ko, "Hindi ko pa alam eh, suggestion ng mga kasama ko sa bahay eh, Farabi or Venus, pero kung may ibang option eh dun ako sa other option".  Yumuko ako ng onti baka mapansin ako ng sekyu na miyembro ng tropa ni sanchai na nakikipag-usap sa babae, at bigyan ako ng redcard.  Pero wala, tuloy pa din sa kwento si Ate na may alam daw sya na magandang hotel dahil nakapag exit na sya noon. Suhestiyon nya, Fanoos Hotel.  Sagot ko, "ah, ok yan eh, cge sama ako".  Nauna si ate sa immigration sa pila, sumunod ako.  Hinintay nya ako sa labas, habang kinukuha ko ang bagahe ko. Paglabas pa lang kami ng terminal may mga driver na ng bus ang nagtatanong kung saan kaming hotel pupunta, si Ate ang sumagot. Pagsampa sa bus, nandun na din ang ilang mga kabayan. Naupo si ate sa bandang unahan ko, kinausap nya ang katabi nya. Ang sabi nung kausap nya, sa Ghoghnoos Hotel daw ay maganda. Tinanong ko din ang katabi ko, ang sagot nya  sa Goldies Hotel naman daw sila. Bumida ang kausap ni ate, sa Ghoghnous hotel daw, libre ang wifi na mabagal, pwedeng magluto, may basketball court na malapit, pwedeng lumabas anytime, walang surot, may tv cable na isa lang ang channel, at namalayan na lang namin na sumang-ayon na sa ghoughnoos hotel pumunta.  Saglit lng din, napuno na ang bus at umalis na kami sa paliparan. Nakakamangha din ang Isla dahil maganda din nman ito, parang Yas Island sa Abu Dhabi na onti lng ang tao. Huminto kami muna sa Farabi Hotel, pero walang bumaba, fully booked na daw kasi. May mamang sumakay ng bus, hinihingi ang mga passport namin, natakot ako. Pero normal lang daw naman yun, taga immigration pla yun. Katabi ng Farabi Hotel ang Immigration at Kish Airline ticketing office. Binigay naming lahat ang aming mga passport, at sinabi nya na makukuha nmin iyon sa Hotel na pupuntahan namin. Hindi ko alam kung pano ginawa, pero ang passport ko ay nandun na nga sa hotel na pupuntahan ko. Umalis na ang bus, huminto sa tapat ng Venus Hotel, ilan lang din ang bumaba. May sumakay na lalaking Iranian, namimilit na doon na magcheck-in, nang-uuto. Walang pumansin sa kanya sa mga naiwan sa bus, kabilang ako don.  Tinawag n lang namin ang driver na sa Ghoghnous Hotel na kami dalhin. Entrance ng Ghoughnous, parang pang Hostel ang dating, may ginagawa din kasing building sa tabi nito. Pumasok kami sa lobby. Ayus naman, nakangiti naman ang mga Iranian, tila natutuwa na marami silang iialay kay satanas ngayon. Biro lang, maayos nman ang ambiance pagpasok mo sa lobby, binigyan kami ng tig-iisang card upang i-fill-up. Binalik nmin at in-assign kami sa bawat kwarto. Hiwalay ang kwarto ng mga babae sa kwarto ng mga lalaki. Assigned room, Room 118. Magaan ang pagpasok sa kwarto, 9 kaming nag-occupy ng kwarto, lahat kasabay sa eroplano. Lahat bago. May budget pa ang mga yan...at bago pa....meaning wala pa silang dahilan para gumawa ng hindi maganda...Kumbaga sa computer...safe mode. Mukhang magiging ok nman ang lahat. Katulad ng bilin ng karamihan, sabay sabay kaming lumalabas, walang iwanan. Mga takot gawing alay pagkatapos ng alas dose ng gabi. Sa ngayon, kwentuhan muna kami, pataasan ng ihi, payabangan mode, sya nga pala yung isa naming kasama makakaalis n din kinabukasan. Ok ok, sino sino nga ba ang mga ito. I'll name it base sa mga maalala ko. Si ate na naghintay sa akin sa labasan ng airport ay si Karen. May kaibigan sya na naging kasa-kasama na din namin, Si Mae. Sa pagkaka-alam ko maraming may crush sa kanya sa batch namin.  Nakilala ko din yung mga kapangalan ko.  Take note, sa isang room, 3 kaming Boyet ang pangalan. Kaya naging B1, B2 at B3 ang tawagan. Ako ang naging si B2. Galing! Yung unang umalis ay si Joebert, Next naman ay si B1. Nakasama din namin si Jaime Angelo at ang mga kwento nya. Pero ang maganda dito, nandyan si Alladin, wala si Princess Jasmine. Nandyan din si Manay, ang cook namin. Ashley daw ang name nya, yun pala Arnold sya, mas macho pa ang pangalan sa amin. Ahehehe! Si Mike, Michael, at Mark ay kasama din sa tropa. At syempre si Gier, a.k.a Intoy, ang official pornographer, este official photographer ng 118. May nakalimutan pa ba ako? Parang wala na siguro. Pero sama ko na din sila Ajel, Vien, Mayora at Jennifer Anne Mora na nakilala ko makalipas ang ilang araw. 

2nd day inaantok pa din ako pagkagising. Pero katulad ng napag-usapan, fishing daw ngayon. Medyo puyat din kasi ako kagabi. Bakit? Ito ang ayaw ko sa pagtulog. Contest sa paghilik. Dolby sorround pa..2.0... sa tantsa ko 3am n akong nakatulog nun. Though malakas din naman akong humilik, kaso yun nga lang nauuna silang makatulog, kaya sa susunod kailangan maunahan ko sila. Wahehehe. 

Pagkatapos mangisda, wala naman kaming nahuli, kaya ang siste, diretso sa palengke para bumili ng isdang kakainin. Ang galing talaga namin.  Whooohohoho! Dumaan na din kami sa mall para sa mga ilang bagay na kakailanganin na mostly ay para sa pagluluto. Well, nakakatuwa lng din ang pera dito....bumili ako ng tsinelas worth 36000, lunchbox worth 18000, gunting worth 4000....asteeeg! 

Pabilisin ko ng onti ang kwento.  Marami ng umalis sa batch.  Sa totoo lang habang pinagpapatuloy ko ang pagsusulat nito, nasa ibang kwarto na kami ngayon. Room 134. Dalawa na lng kami ni Mike na natitira kaya ayun lipat kami sa ibang kwarto. So far, nakaka-20 araw na kami. Nanalangin na sana ay dumating na ang Visang pinakakaasam.  

On 21st day, mukhang maiiwan na talaga ako. Lumabas na din ang visa ni Mike. Well, ayuz lang din naman na sana lumabas na din kinabukasan ang aking visa. Pero hindi ko pa din alam ang mga pagkakataon, malay mo.  Sa totoo lang hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon.    Sa isang banda, nakakatuwa din naman.  Isa itong karanasang hindi mo malilimutan. Karanasang hindi mo alam ang hinaharap, karanasang hindi mo kontrolado. Karanasang susubukan ang iyong pasensya at husay ng paghihintay. Exciting? Oo. Nakakatakot? Oo. Sa laki na ng bayarin sa hotel nakakatakot talaga. Pero kung yung takot na mapapahamak ka sa lugar na ito dahil sa krimen ay hindi naman talaga totoo. Maganda naman sa Kish, maganda din naman ang sistema. Mas magulo at mas nakakatakot pa nga ang sistema ng Maynila kung tutuusin.  Wag kang matakot sa sinasabi ng iba na kapag napunta ka sa Kish ay katapusan mo na.  Na tipong kailangan praning ka sa pag-iingat ng gamit mo.  Oo siguro, pero hindi sa lahat ng pagkakataon.  

Tatapusin ko na muna ang entry na ito.  Hindi sa dahil tinatamad ako, hindi din sa dahil wala na akong kwento.  Kundi gusto ko muna na mag-muni-muni sa visa ko na sana ay dumating na.  Gusto din mag-muni-muni sa misis kong sobrang na miss ko na. Miss ko na talaga ang mabigat mong pagdantay sa pagtulog natin.  Hays sana.

Oooops, bumalik na naman ang kwento ko.  It is my 34th day in Kish...feeling alone and desserted.  Pero hindi naman, medyo nalulungkot lang din.  Umalis na din kasi yung mga taong medyo nakakausap ko ukol sa patagalan sa pag stay Kish.  Medyo madami na din kasi silang sabay sabay umalis. And still nandito pa din ako. I have to admit, namimiss ko din talaga sila since wala naman akong choice kundi mag-emo mode. 

Today is my 42nd day in Kish. And I am missing my wife so bad.  Gusto ko na talagang bumalik sa piling nya. Makasama syang muli.  Miss n miss ko na sya.  Miss ko na ang Grasya ng buhay ko.  Nami-miss ko yung mga gabing nandyan lang sya sa tabi ko at kahit nahihirapan sya sa lakas ng hilik ko ay prenteng-prente pa din syang nakasanday sa mga hita ko.  Namimiss ko yung panonood namin ng teleserye sa madaling araw habang kumakain ng hapunan.  Hapunan sa madaling araw.  Dawn snack meron kayang ganun? Hinahanap ko yung mga simangot nya, yung reklamo nya sa roster ng mga katrabaho nya. Yung higpit ng yakap nya. Yung lambing nya.  Yung pag-aalaga nya. Yung pagmamahal nyang walang katulad.  I love her so much, sana dumating na ang visa ko.  While doing this I really want to cry but no, I am tough guy.  Hindi naman sa hindi ako sanay sa matagal na paghihintay, kung 7 taon nga nagawa magtiis at maghintay, ito pa kaya.  Pero iba pa rin pla kapag wala kang kapamilya sa paligid mo.  Mahirap, nakakabagot, nakaka
lungkot.

Sa siste ng mga kwento ko parang hindi na dapat selda uno dise otso ang title ng entry na ito. Sa inip ko laging ganito na ang motto ko, "Tomorrow is another day!" Pampalakas loob para sa hinaharap. Visa nasaan ka na kaya?

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu...

..regalo...

Paalala: ooooppssss...bago po tayo magbasa, paki-play muna ang youtube video sa gilid, para may background tayong musika... ...kanina pa ako nakaharap sa monitor ng computer ko...nag-iisip kung ano ang maaari kong maibahagi sa inyo...gusto kong sanang ikwento ang pakikipaglaban ng mga espesyal na numero na nasa utak ko, ito ang mga numerong itinago sa kaaramihan ng tao, mga numerong pinalayas sa mundo at siniksik sa maliliit na espasyo...ngunit tila ba hindi ito angkop sa panahon na ngayon, hindi matalo ng utak ang bugso ng damdamin ko...tila ba umaayon ito sa araw ng mga puso...hindi ko alam baka sa ibang araw ko na lang sila maipagsigawan...ang sabi ng puso ko...ito ang i-blog mo... ang themesong nang buhay mo...ha? themesong...wala ako nun...kahit kami ni Grasya walang themesong eh... hindi ito bola...hindi stir...limang taon na kami pero themesong wala kami...mahilig ako sa musika...rnb, pop, love songs, blue songs, alternative, rap, rock, emo, country songs, noise ...o kahit ano.....

Bawal Basahin ang Nakasulat Dito

"Bugtong-bugtong. Hindi tao, hindi hayop, wala ka nito, wala din ako, wala ang bawat Pilipino, ano ito?" Sagot: Disiplina Ano nga ba ang disiplina? O mas maganda tanungin natin ang mga Pilipino.  Pero kahit anong hagilap nito, hindi ito makikita dahil wala ito sa bokabularyo ng Pilipino.  Aminin man natin o hindi, isa tayo sa madaming lahi sa buong mundo na wala nito. Kung sa ranking na 1-10 at 10 ang pinakamataas, malamang sa malamang ay 10.5 tayo sa kawalan ng disiplina.  Hindi ko naman sinasabi na lahat ng Pilipino ay ganito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi.  Maraming problema sa Pilipinas tulad ng basura sa estero, ilog at dagat, traffic sa lansanggan, mga taong walang trabaho, mabagal na proseso sa mga opisina pampubliko man o pribado, droga, korapsyon, prostitusyon, tsimosa sa kalye o social media, teenage pregnancy, squatter sa mga kalunsuran, sugal, babaero na hindi naman gwapo, mga siga sa kalye, rapist, lasenggero, holdaper, ...