Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Agosto, 2015

Job Hunting Tips and More in UAE: Trabaho sa Disyerto

At umabot ka din sa destinasyong iyong pinaka-aasam.  Nakapahinga ka na din ng isang gabi, pero hindi pa ito ang panahon para maglibang, mamasyal o magliwaliw. Hindi muna ito ang pakay mo sa lugar na ito, kailangan mo muna na maghanap ng trabaho. So paano nga mag-hanap ng trabaho sa UAE ? Sagot ko kayo dyan.   Just read, think, read and go out. Mga Kailangan 1. Laptop at mabilis na Internet Connection Mahalaga ito at dahil halos lahat ng kumpanya sa UAE ay through Email na ang pag-a- apply . At dahil bago ka lamang sa UAE at maaring wala ka pang dalang laptop , humiram muna sa kamag-anak, kaibigan,  o sino man na malapit sa iyo.  Mahirap mag- apply sa UAE kung wala ka nito. 2. Maayos na CV (Curriculum Vitae) o Resume. kritikal ang bagay na ito, dito kasi nakasalalay ang pag- book sa iyo ng employer para sa interview.  Kung maaari lamang, gawin itong makatotohanan at tiyakin na akma ang mga nakasulat sa iyong kakayahan. Iwasa...