Lumaktaw sa pangunahing content

Job Hunting Tips and More in UAE: Trabaho sa Disyerto


At umabot ka din sa destinasyong iyong pinaka-aasam. Nakapahinga ka na din ng isang gabi, pero hindi pa ito ang panahon para maglibang, mamasyal o magliwaliw. Hindi muna ito ang pakay mo sa lugar na ito, kailangan mo muna na maghanap ng trabaho. So paano nga mag-hanap ng trabaho sa UAE? Sagot ko kayo dyan.  Just read, think, read and go out.


Mga Kailangan

1. Laptop at mabilis na Internet Connection
  • Mahalaga ito at dahil halos lahat ng kumpanya sa UAE ay through Email na ang pag-a-apply. At dahil bago ka lamang sa UAE at maaring wala ka pang dalang laptop, humiram muna sa kamag-anak, kaibigan,  o sino man na malapit sa iyo.  Mahirap mag-apply sa UAE kung wala ka nito.
2. Maayos na CV (Curriculum Vitae) o Resume.
  • kritikal ang bagay na ito, dito kasi nakasalalay ang pag-book sa iyo ng employer para sa interview.  Kung maaari lamang, gawin itong makatotohanan at tiyakin na akma ang mga nakasulat sa iyong kakayahan. Iwasan ang pamemeke ng mga impormasyon ukol sa iyo kung maaari lamang at kung hindi naman siguraduhin na kaya mo itong panindigan sa huli.
  • sa paggawa ng CV or Resume, tiyakin na ang focus nito ay ukol sa inaasam na trabaho. Kung sales ang gusto, siguraduhin na nakapaloob dito ay tungkol sa sales. Iwasan ang paghahalo ng iba't ibang expertise or focus.  Kung sales ang gusto mo huwag mo ng isulat ang experience mo ang ukol sa admin work etc. Bakit?  Dahil sa digital na tayo ngayon, ang mga employer ay kadalasan gumagamit ng technology sa pagsala at pagpili ng ie-entertain para sa interview.  Halimbawa sa Email lang nila na puno ng CVs at Resumes, gumagamit sila ng filter option sa pagpili ng mga CVs, and they will only spend at least 1 minute para sa isang CV.  For instance, gusto nila ng empleyado na may alam sa sales, they will just type some keywords na gusto nila and then they search for some CV.  And if they found na related naman ang experiences na nakasulat, they might book you for an interview at kung hindi ka naman mapili, try again ulet sa ibang company.  So kung sales ang target mo, make sure na yung mga info na nakapaloob na keywords dun ay related sa sales.  Halimbawa, inventory, marketing, supply, sales, cashier.. yung tipong mga ganyan.  Kasi kung hahaluan mo ng keywords na tulad ng typing, filing, paper works, etc, masisira ang focus ng CV mo.  Para mapadali ang pag-aaply, gumawa ng CV na iba't ibang ang focus, basta siguraduhin lamang na totoo at alam mo ang mga impormasyon na ilalagay mo. 

3. Cellphone
  • Alam mo na siguro kung bakit kailangan nito, aba kung hindi, assignment ko yan para sa iyo.
4. Dress-to-kill na damit para sa Interview
  • Mas bonggang damit, bonggang interview at malamang bonggang sahod din.  So magbihis ng ayon sa sahod na inaasam.
5. Lakas ng Loob at kapal ng mukha.

  • Dahil nandito ka na lang din naman, aba lubos-lubusin mo na.  Huwag ka ng mahiya pa. Walang hiyain ika nga.  Astang magaling, ayos lang yan, basta siguraduhin lang na kaya mo itong pangatawanan at panindigan.

Application
Handa ka na nga sa mga kailangan, pero alam mo ba kuing saan mag-a-apply?  Sa totoo lang maraming paraan.  
        • Shot-gun method - Pwede yung tinatawag kong "shot-gun method", yung tipong maglilibot ka sa buong UAE, at ipapamudmod ang CV mo sa bawat kumpanya o stalls na madaanan mo. Ginawa ko ito dati, pumapasyal ako sa mall, at duon ako nagbibigay ng mga CV.  Dito kailangan mo ng at least 100 CV na maibibigay sa iba't ibang stalls. Ang turn-out 2-3 calls per 100CV.  Shot-gun method, mas maraming CV na maibigay, mas maraming tawag. At dahil nasa labas ka na din ng bahay, subukan mong tumingin din sa mga post sa mga gilid ng supermarket, stalls, etc.  Malay mo hiring sila. Ang drawback lang nito, kakailanganin mo ng maraming hardcopy ng CV mo at pamasahe syempre.  Siguraduhin na laging may laman ang NOL card at may load ang cellphone.
        • Referral - parang networking lang, pero sa totoo lang ito ang pinakamabisang paraan ng pag-apply sa UAE.  Kung may kakilala ka na naghahanap ng empleyado at tugma sa kakayahan mo, aba swerte mo na yan grab mo na.
        • Walk-in -  Hindi madali ang mga walk-in interviews unless swerte ka at angat ka talaga sa iba. Dahil kadalasan pinuputakte ito ng mga nag-a-apply.  Pahabaan ng pila, patagalan sa linya, payabangan at literal na tyagaan. 
        • Online application - usually email at websites ang pinaka-common na paraan sa pag-a-apply sa UAE. Kadalasan, dubizzle.com, monstergulf at gulfnews, ang madalas na binibisita ng mga nag-a-apply.  Para sa akin, kung magtya-tyaga ka lang sa pag-a-apply sa ganitong paraan, makakakuha ka din agad ng mga interviews.  At kung may mga interviews ka, mas mataas ang chance na magkakatrabaho ka na. In these 3 websites, mas prefer ko ang gulfnews, crowded na din kasi ang dubbizle, at least sa gulfnews medyo onti lng ang kompetensya. Maaari nyo din subukan ang pag-apply sa sa government companies lalung-lalo na sa mga OIL and GAS tulad ng NPCC, BOROUGE, GASCO, ZADCO, ADGAS, NDC, TAKREER, ADMA, FERTIL  at NMDC.  Maaari nyo din bisitahin ang mga freezones sa UAE.  Be creative, search nyo yan sa google then pumunta lang sa mga websites nila.  Hanapin ang career or contact options. Subukang kunin ang kanilang email's at doon mag-apply
        • Application by luck - ito yung nakahanap ka ng trabaho na wala ka nmn ginagawang effort.  Yung tipong sinabi lang sa iyo na hired ka na kasi ang pogi mo. Swerte.
        The Interview

        Sa interview kailangan na bongga talaga.  Astig sa porma at dapat astig sa pagsagot sa mga katanungan sa interview.  Kung lalaki ka at magagawa mong magbihis with coat and tie, aba gawin mo.  Dito minsan sindakan lang din yan.  Umaayos ka ng porma para pagkatiwalaan ka nila.  Ayusin ang pagsagot at makinig ng mabuti. Huwag maging overconfident, dapat swabe lang.  Hanggat maaari huwag na huwag male-late sa interview.  Be on time.  Madali lang naman maghanap ng mga lugar dito sa UAE.  May google map naman.  Kadalasan nasa google map na din ang bus na sasakyan mo at timings nito or pwede ka din naman na tumawag sa RTA using their freeline 8009090.  Katulad ng sinabi ko kanina, tiyakin na may load ka at load din ang iyong NOL card.  Magbaon din ng onting pera for emergency reasons.

        During the interview, wag kang kabahan, be confident.  Usually english ang conversation pero wag mabahala kung hindi ka mahusay dito.  Ayus lang ang barok english basta nauunawaan ka ng kausap.  Pero kung may baon ka naman palang maayos na English, aba pagyabang mo na yan. Magdetalye lang ng ilang bagay ukol sa iyo, hayaan mo silang mag-tanong sa iyo at sagutin lamang ito ng tama at hindi gaanong kahabaan, be precise. Make it clear kung ano ang gusto mong maging trabaho sa kanila, walang ligoy.  At kung sakali naman na tatanungin ka nila about sa expected salary, sagutin ito with ranges, don't give exact amount.  Reason, para makapag-adjust ka at sila sa maaaring maging sahod mo.  Ang usual na interview ay nagtatapos sa "Do you have any questions?".  Sumagot ng yes, at itanong kung tanggap ka na, kelan ka magsisimula at ano pang formalities ang kailangan.  At kung sabihin nila na ire-review pa nila ang application mo and they will call you back,  humingi ka ng number na pwede mong i-follow up. And kung ano man ang result proceed sa susunod na interview sa iba pang kumpanya.  Mas maraming interviews, mas maraming options, mas maganda.  Sya nga pla sikapin din na masanay ang iyong tenga sa pakikinig sa accent at actions nila, in this way mas madali kayong magkakaintindihan.  Hindi lahat ng pa-iling ng mga Indians ay "no" ang ibig sabihin, madalas "yes" pala ang ibig sabihin nun.

        Day 2. Goodluck!

        1.  NAIA Terminal 101 for First Timers Flying in Dubai:  Lipad na Super Inggo
        2.  How to Pass the Immigration and Avoid Getting Offloaded: Lumusot sa mga Lulusutan
        3.  Job Hunting Tips and More in UAE:  Trabaho sa Disyerto
        (Disclaimer: Ang mga nabanggit sa itaas ay "for information dissemination only". The views and opinions expressed are my personal experiences, views and opinions. The information contained in this entry is for general information purposes only. The information provided does not make representations or warranties of any kind, express or implied, about the completeness, accuracy, reliability, suitability with respect to the information contained on the entry for any purpose. Any reliance you place on such information is therefore strictly at your own risk.)


        #OFW
        #BagongBayani
        #NAIA
        #firsttime
        #UAE
        #JobHunting
        #workabroad

        Mga Komento

        Mag-post ng isang Komento

        Mga sikat na post sa blog na ito

        ...Jeepney...

        ...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu...

        ..regalo...

        Paalala: ooooppssss...bago po tayo magbasa, paki-play muna ang youtube video sa gilid, para may background tayong musika... ...kanina pa ako nakaharap sa monitor ng computer ko...nag-iisip kung ano ang maaari kong maibahagi sa inyo...gusto kong sanang ikwento ang pakikipaglaban ng mga espesyal na numero na nasa utak ko, ito ang mga numerong itinago sa kaaramihan ng tao, mga numerong pinalayas sa mundo at siniksik sa maliliit na espasyo...ngunit tila ba hindi ito angkop sa panahon na ngayon, hindi matalo ng utak ang bugso ng damdamin ko...tila ba umaayon ito sa araw ng mga puso...hindi ko alam baka sa ibang araw ko na lang sila maipagsigawan...ang sabi ng puso ko...ito ang i-blog mo... ang themesong nang buhay mo...ha? themesong...wala ako nun...kahit kami ni Grasya walang themesong eh... hindi ito bola...hindi stir...limang taon na kami pero themesong wala kami...mahilig ako sa musika...rnb, pop, love songs, blue songs, alternative, rap, rock, emo, country songs, noise ...o kahit ano.....

        Bawal Basahin ang Nakasulat Dito

        "Bugtong-bugtong. Hindi tao, hindi hayop, wala ka nito, wala din ako, wala ang bawat Pilipino, ano ito?" Sagot: Disiplina Ano nga ba ang disiplina? O mas maganda tanungin natin ang mga Pilipino.  Pero kahit anong hagilap nito, hindi ito makikita dahil wala ito sa bokabularyo ng Pilipino.  Aminin man natin o hindi, isa tayo sa madaming lahi sa buong mundo na wala nito. Kung sa ranking na 1-10 at 10 ang pinakamataas, malamang sa malamang ay 10.5 tayo sa kawalan ng disiplina.  Hindi ko naman sinasabi na lahat ng Pilipino ay ganito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi.  Maraming problema sa Pilipinas tulad ng basura sa estero, ilog at dagat, traffic sa lansanggan, mga taong walang trabaho, mabagal na proseso sa mga opisina pampubliko man o pribado, droga, korapsyon, prostitusyon, tsimosa sa kalye o social media, teenage pregnancy, squatter sa mga kalunsuran, sugal, babaero na hindi naman gwapo, mga siga sa kalye, rapist, lasenggero, holdaper, ...