Image Credit: seattlestravels.com |
Pumailang-lang naman ang guni-guni sa
kawalan. Nagmumuni-muni ng mga kaganapan
sa buhay habang lulan ng rumaragasang sasakyan.
Hindi alintana ang bangis at panganib na dala ng mabilis na yugto at
agos ng buhay.
Bingi na sa saliw ng musika na tila ba
nagpapalungkot at napapabagal sa mga tanawing mabilis na nadadaanan. Hindi ko kasi maintindihan. Hikab muli
ako. Tunganga.
Tahimik na sinipat ang mga katabi sa
upuan at nakinig ng bahagya sa kanilang mga huntahan. Ngunit tila ba hindi
maunwaan ang mga salitang namumutawi sa kanilang mga labi. Gusto kong makisali sa kanilang kwentuhan at
makipaglokohan pero hindi pa ganap na bumaba ang tama ko sa utak. Hikab muli
ako. Tunganga.
Naalala ko ang kanta ng Parokya. Sinikap na patugtugin sa utak.
♬♬ Tuloy ang biyahe
Walang ibang iniisip
Kundi ang magpahangin
At pagtripan ang mga
sari-saring tanawin
Sayang ang buhay
Kung 'di mo sulitin ang
saya at saysay
Pano kung bukas ay bigla
kang mamatay?
-Parokya ni Edgar (Iisa Lang)-♬♬
Hikab muli ako. Tunganga.
Opisina na.
Napangiti ako.
Huwebes ngayon. Dahil malamang.
Hikab muli ako. Tunganga.
#Thursday
#Bored
#Fridaykasibukas
#dayoff
iba talaga pag may trabaho....kahit umuulan at matrapik ay papasok talaga...nice quotes....share ko sa fb ang quotes at ang pic...
TumugonBurahin