Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa 2019

Public Service: JOB VACANCY (UAE, MUSSAFAH, ABU DHABI)

We are in need of the following: (URGENT HIRING) Secretary: Admin & Office Assistant, knowledge of MS OFFICE required for a company in Mussafah, Abu Dhabi. Sales Engineer: For sales support and office assistant, preparing quotations for technical industrial products/parts, required for a company in Mussafah, Abu Dhabi. Knowledge of MS OFFICE is a must. Please send your updated CV at: jobsinfojob@yahoo.com Salary: Upon Interview (Note: Only for UAE-based applicants.  Please don't apply if you are not in the UAE)

Wikipedia galit kay BONG REVILLA?

maraming memes na si Alyas Pogi.  Yung iba galit na galit. Yung iba chill lang. Ako. No comment movement. Ang hindi ko lang magets, bakit si wikipedia galit din sa kanya? Sino kaya mag-eedit nito ulet? Parang si Shanti Dope... Grabe...grabe... :) [EDIT]: Naayos na na Wikipedia ang article. Check this out. IMAGE FROM WIKIPEDIA.COM #May13 #Eleksyon2019 #Pilipinas #BongRevilla

Bawal Basahin ang Nakasulat Dito

"Bugtong-bugtong. Hindi tao, hindi hayop, wala ka nito, wala din ako, wala ang bawat Pilipino, ano ito?" Sagot: Disiplina Ano nga ba ang disiplina? O mas maganda tanungin natin ang mga Pilipino.  Pero kahit anong hagilap nito, hindi ito makikita dahil wala ito sa bokabularyo ng Pilipino.  Aminin man natin o hindi, isa tayo sa madaming lahi sa buong mundo na wala nito. Kung sa ranking na 1-10 at 10 ang pinakamataas, malamang sa malamang ay 10.5 tayo sa kawalan ng disiplina.  Hindi ko naman sinasabi na lahat ng Pilipino ay ganito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi.  Maraming problema sa Pilipinas tulad ng basura sa estero, ilog at dagat, traffic sa lansanggan, mga taong walang trabaho, mabagal na proseso sa mga opisina pampubliko man o pribado, droga, korapsyon, prostitusyon, tsimosa sa kalye o social media, teenage pregnancy, squatter sa mga kalunsuran, sugal, babaero na hindi naman gwapo, mga siga sa kalye, rapist, lasenggero, holdaper, ...

Aroy Dee

Kahapon. Teka nung isang araw pala yun. Naglalakad kami ng misis ko sa likod ng mga nagtataasang gusali ng mga kompanya ng gobyerno sa lugar na ito upang bumili ng mga ilang piraso ng damit sa medyo-hindi-kamahalan-na-tindahan na mukhang orihinal pero hindi. Alam mo ba kung saan ang tindahang iyon? Basta dyan lang yun sa malapit.  Habang abala ang misis ko sa pagpili ng damit, lumabas ako sa tindahan ng damit at nagmuni-muni habang binabasa ang mga pangalan ng mga establisyemento na nakapaligid.  Sinusubukan ko kung marunong pa din akong magbasa. Natuwa naman ako at marunong pa din naman pala ako. TTTTT...Tee breyk, PPPPP.. Panaderya. MMM...Meri Brawn. Beri gud. Kids, counting numbers naman sa susunod ha? "Tea Break, Panaderia, Mary Brown, Wang's Kitchen" Ooopps, kainan to lahat ah? Kakakain ko lang, kainan na naman. Nakakatuwa nga eh, bawat resto, may gimik, may pailaw, offer, may free taste, may free delivery, may libre lang. At meron ding restong mahal pero...

Yun Lang

May naisip ako. Pero parang wala. Mapapailing ka na lang at mapapatanong kung talagang may silbi ba ang laman na nasa iyong bungo. Nasa pagitan ako ng pag-iisip at hindi pag-iisip. Baka nga "at" iyon, pero hindi tayo sigurado. Ano nga ba? Alam mo ba yung pakiramdam na may gusto kang gawin pero hindi mo magawa kasi hindi mo maisip kung ano yun? Yung tipong gusto mong bumait pero di mo magawa, nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa. Kanta ba yun? Ano nga ba? Alam mo ba yung pakiramdam na gumagawa ka ng entry sa blog pero hanggang ngayon hindi mo pa alam ang topic, yung tipong hindi mo din alam kung saan ka dadalhin ng tipada ng mga titik sa keyboard. Maging ang title ay mistula pa ding sandstorm sa labo nito sa utak mo. O baka naman hindi ko din ito matapos o pwede ko na din naman na tapusin ngayon kasi wala na akong maisip. O di kaya ay pahabain sa mga walang kwentang titik tulad nito, MEMA lang. Mema. Memasabi lang. Sige na nga tatapusin ko na at alam kong ala...

Solusyon na Tatapos sa Problema ng Pilipinas

Kahit saan mang dako ng mundo hindi matatawaran ang kayabangan at katigasan ng ulo ng mga Pilipino.  Sa katunayan, wala itong katulad sa buong Universe.  Masakit tanggapin ang katotohanang ito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi. Ang kawalang disiplina ay tila ba natural na lamang sa ating sistema at di alintana ang masamang epekto nito sa sarili, sa iba, at maging sa kalikasan. Umiiyak na ang Pilipinas, nasasaktan. Isa lang naman ang solusyon at tatapos sa problema ng bansa, alisin ang problema ng bansa, Alam mo kung ano? Alisin ang mga Pilipino sa Pilipinas.  Sa panahong wala na ang Pilipino sa Pilipinas, wala na ang: pasaway na Pilipino na nagtatapon ng basura sa lansangan, dagat o maging ilog man. pasaway na Pilipino na hindi ginagalang ang batas trapiko. pasaway na Pilipino na hindi tumatawid sa tamang tawiran. pasaway na Pilipino na mahilig sa chismis at magkalat ng di totoong balita. pasaway na Pilipino na inuuna ang sarili, makalamang lam...

Lapis

Sinubukan isulat sa papel. Gumuhit. Binura Bumakat ang marka ng ginuhit at muling inihagod ang panulat sa papel. Sinubukan ang hamon ng tadhana. Iginuhit ang direksyon ng buhay. Pinilit baguhin. Nabigo o nagtagumpay-- hindi ko alam. At muling sisimulan ang pagguhit sa direksyon ng buhay kasabay ng marka ng nakaraan. #lapis #ulit-uli