Lumaktaw sa pangunahing content

Bawal Basahin ang Nakasulat Dito

"Bugtong-bugtong. Hindi tao, hindi hayop, wala ka nito, wala din ako, wala ang bawat Pilipino, ano ito?"

Sagot: Disiplina


Ano nga ba ang disiplina?

O mas maganda tanungin natin ang mga Pilipino.  Pero kahit anong hagilap nito, hindi ito makikita dahil wala ito sa bokabularyo ng Pilipino.  Aminin man natin o hindi, isa tayo sa madaming lahi sa buong mundo na wala nito. Kung sa ranking na 1-10 at 10 ang pinakamataas, malamang sa malamang ay 10.5 tayo sa kawalan ng disiplina.  Hindi ko naman sinasabi na lahat ng Pilipino ay ganito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi.  Maraming problema sa Pilipinas tulad ng basura sa estero, ilog at dagat, traffic sa lansanggan, mga taong walang trabaho, mabagal na proseso sa mga opisina pampubliko man o pribado, droga, korapsyon, prostitusyon, tsimosa sa kalye o social media, teenage pregnancy, squatter sa mga kalunsuran, sugal, babaero na hindi naman gwapo, mga siga sa kalye, rapist, lasenggero, holdaper, mamatay tao, magnanakaw na madalas na nagtratrabaho sa gobyerno, at tae ng aso sa kalsada.  At alam mo ang ugat nito, kawalan ng disiplina at paggalang sa kapwa. At alam mo din ba kung bakit tayo mahirap? At yun nga sisimulan nating isisi kung kani-kanino. Sa gobyerno, sa pulitika, sa sistema, sa magulang, sa pamilya, sa aso, sa daga, sa ipis pero hindi natin ituturo ang ating sarili.  At kung sakali man na aminin natin na tayo mismo ang problema, wala naman tayong ginawa para mabago ito at kung may gawin man, sa simula lamang iyon at muli na itong kakalimutan.

Hindi ko alam kung paano natin maitutuwid ang baluktot na ating na nakasanayan.  Kadalasan maririnig natin na dapat sa atin ito magmula, sa ating sarili. Oo, narinig lang natin, hindi natin ginagawa o isinasabuhay.  O kaya naman, gusto natin magbago pero hindi pa ngayon, at lilipas ang panahon, mananatili lang tayo sa bulok na gawi forever. Ganyan ang Pinoy, ikaw at ako.

Madaling matuto ang mga Pilipino, maka-adapt sa mabilis na takbo ng panahon.  Pero hindi nito iiwan ang masarap na nakasanayan.  Mabilis na paraan kahit bawal sa batas o masama sabi ng iba.  Natural na matigas ang ulo ng mga Pilipino simula pagkabata at pagtanda.  Vandalism sa banyo, pagtawid sa bawal tawiran, entry sa no entry, parking sa no parking area, swerving to the max sa kalsada, one lane pero nagiging multiple lane, loading sa no loading and unloading zone. Maraming batas at alituntunin sa Pilipinas, pero walang sumusunod dito katulad ng "Bawal Tumawid, May Namatay na Dito". At hindi ka pwedeng magalit sa kanila dahil magagalit din sila sa iyo. Hindi mo sila pwedeng turuan sa sarili nilang bansa, matigas ang ulo eh.

Kung mapupunta ka sa ibang bansa, makikita mo ang kagandahan ng epekto ng mga taong may displina, paggalang sa batas at kapwa. Pero paano natin puputulin ang baluktot na nakasanayan?  Pagpapatupad ng mahigpit sa pagpapairal ng mga batas? CHR hello.  Para tayong mga spoiled brats sa tigas ng ulo na hindi pwedeng pagsabihan. Na agarang magpapasaklolo sa Bantay Bata 163 na inaabuso tayo. Kaya ang resulta, wala na tayong dispilina, wala ng kinakatakutan. Hindi tulad noon na isang sitsit lang ng tatay mo, alam mo na.  Baka panahon na nga na maging tulad tayo ng Saudi Arabia sa pag-papairal ng batas. Corporal punishment sa mga lalabag. Putol daliri sa mangungupit, putol ulo sa magnanakaw sa gobyerno at putol **** sa mga nanggagahasa.

Siguro dapat ko na din tigilan ang pag-ihi sa pader na may nakasulat na "Bawal umihi dito, pag walang nakatingin". Sa palagay nyo, bukas na lang?


Natapos mong basahin? Sabi ko na nga ba eh. Pilipino ka nga. Tigas ng ulo. 

#Pilipino
#Disiplina
#Pilipinas

Mga Komento

  1. Hahaha hindi ko na nga dapat babasahin kaso lang blog post kasi haha

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu...

..regalo...

Paalala: ooooppssss...bago po tayo magbasa, paki-play muna ang youtube video sa gilid, para may background tayong musika... ...kanina pa ako nakaharap sa monitor ng computer ko...nag-iisip kung ano ang maaari kong maibahagi sa inyo...gusto kong sanang ikwento ang pakikipaglaban ng mga espesyal na numero na nasa utak ko, ito ang mga numerong itinago sa kaaramihan ng tao, mga numerong pinalayas sa mundo at siniksik sa maliliit na espasyo...ngunit tila ba hindi ito angkop sa panahon na ngayon, hindi matalo ng utak ang bugso ng damdamin ko...tila ba umaayon ito sa araw ng mga puso...hindi ko alam baka sa ibang araw ko na lang sila maipagsigawan...ang sabi ng puso ko...ito ang i-blog mo... ang themesong nang buhay mo...ha? themesong...wala ako nun...kahit kami ni Grasya walang themesong eh... hindi ito bola...hindi stir...limang taon na kami pero themesong wala kami...mahilig ako sa musika...rnb, pop, love songs, blue songs, alternative, rap, rock, emo, country songs, noise ...o kahit ano.....