Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Abril, 2019

Bawal Basahin ang Nakasulat Dito

"Bugtong-bugtong. Hindi tao, hindi hayop, wala ka nito, wala din ako, wala ang bawat Pilipino, ano ito?" Sagot: Disiplina Ano nga ba ang disiplina? O mas maganda tanungin natin ang mga Pilipino.  Pero kahit anong hagilap nito, hindi ito makikita dahil wala ito sa bokabularyo ng Pilipino.  Aminin man natin o hindi, isa tayo sa madaming lahi sa buong mundo na wala nito. Kung sa ranking na 1-10 at 10 ang pinakamataas, malamang sa malamang ay 10.5 tayo sa kawalan ng disiplina.  Hindi ko naman sinasabi na lahat ng Pilipino ay ganito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi.  Maraming problema sa Pilipinas tulad ng basura sa estero, ilog at dagat, traffic sa lansanggan, mga taong walang trabaho, mabagal na proseso sa mga opisina pampubliko man o pribado, droga, korapsyon, prostitusyon, tsimosa sa kalye o social media, teenage pregnancy, squatter sa mga kalunsuran, sugal, babaero na hindi naman gwapo, mga siga sa kalye, rapist, lasenggero, holdaper, ...

Aroy Dee

Kahapon. Teka nung isang araw pala yun. Naglalakad kami ng misis ko sa likod ng mga nagtataasang gusali ng mga kompanya ng gobyerno sa lugar na ito upang bumili ng mga ilang piraso ng damit sa medyo-hindi-kamahalan-na-tindahan na mukhang orihinal pero hindi. Alam mo ba kung saan ang tindahang iyon? Basta dyan lang yun sa malapit.  Habang abala ang misis ko sa pagpili ng damit, lumabas ako sa tindahan ng damit at nagmuni-muni habang binabasa ang mga pangalan ng mga establisyemento na nakapaligid.  Sinusubukan ko kung marunong pa din akong magbasa. Natuwa naman ako at marunong pa din naman pala ako. TTTTT...Tee breyk, PPPPP.. Panaderya. MMM...Meri Brawn. Beri gud. Kids, counting numbers naman sa susunod ha? "Tea Break, Panaderia, Mary Brown, Wang's Kitchen" Ooopps, kainan to lahat ah? Kakakain ko lang, kainan na naman. Nakakatuwa nga eh, bawat resto, may gimik, may pailaw, offer, may free taste, may free delivery, may libre lang. At meron ding restong mahal pero...

Yun Lang

May naisip ako. Pero parang wala. Mapapailing ka na lang at mapapatanong kung talagang may silbi ba ang laman na nasa iyong bungo. Nasa pagitan ako ng pag-iisip at hindi pag-iisip. Baka nga "at" iyon, pero hindi tayo sigurado. Ano nga ba? Alam mo ba yung pakiramdam na may gusto kang gawin pero hindi mo magawa kasi hindi mo maisip kung ano yun? Yung tipong gusto mong bumait pero di mo magawa, nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa. Kanta ba yun? Ano nga ba? Alam mo ba yung pakiramdam na gumagawa ka ng entry sa blog pero hanggang ngayon hindi mo pa alam ang topic, yung tipong hindi mo din alam kung saan ka dadalhin ng tipada ng mga titik sa keyboard. Maging ang title ay mistula pa ding sandstorm sa labo nito sa utak mo. O baka naman hindi ko din ito matapos o pwede ko na din naman na tapusin ngayon kasi wala na akong maisip. O di kaya ay pahabain sa mga walang kwentang titik tulad nito, MEMA lang. Mema. Memasabi lang. Sige na nga tatapusin ko na at alam kong ala...