Lumaktaw sa pangunahing content

Year of the Metal Rat at COVID-19

Year 2020 a.k.a Year of the Metal Rat

https://ucnj.org/coronavirus-update/
Image is for presentation only
No Copyright Infringement Intended
Image Source: https://ucnj.org/coronavirus-update/
Madaming tao ang nabulaga (nagulat) sa pagpasok ng taong ito 2020.  Kaliwa't kanan ang mga sakuna at kaganapan ang naranasan hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Hindi lang ang karanasan ukol sa hiwalayang Nadine Lustre at James Reid, may mga mas malalim pa. Nariyan ang pagputok ng bulkan Taal sa Pilipinas, bushfire sa Australia, baha at ulan sa Middle East at Indonesia, lindol sa Turkey at Caribbean, pagkamatay ni Kobe Brant at anak nya, riot sa India, pag-atake ng mga balang sa Africa, tensyon sa pagitan ng IRAN at America at ang pinakamatindi sa lahat ang banta ng Novel Corona Virus (COVID19) sa sangkantauhan.

December 31, 2019; 6:45pm nasa bus ako mula Abu Dhabi patungong Dubai. May dalawang pinoy akong nakasabay. Naupo sila sa aking unahan habang napapalitan ng komento ukol sa Year of the Metal Rat.

    Kabayan 1: Naku! Year of the Rat pala ngayon. Malas.
    Kabayan 2: Bakit naman?
    Kabayan 1: Yung buhay natin parang buhay daga. Mahirap.
    Kabayan 2: Hindi naman siguro.

Totoo, hindi naman siguro. At yun din ang paniniwala ko. Hindi naman nakabase sa taon ang ating hinaharap, nasa atin mismo yun kung paano natin gagawing swerte o malas ang ating kinabukasan.  Pero para maging patas, ano nga ang sinasabi ng mga tala ukol sa taong ito. Ang sabi sa thechinesezodiac.org/horoscope-2020, 

The Year of the Metal Rat 2020 will be a year of new beginnings!

dagdag pa nito:

According to the 2020 Chinese horoscope, the Lunar New Year starts on Saturday, January 25th and ends on February 11th, 2021. The Rat is the first sign from the 12 animals cycle of the Chinese Astrology, and for this reason, 2020 is considered a year of new beginnings and renewals.  

-https://www.thechinesezodiac.org/horoscope-2020/


Ngunit sa kasalukuhan kalagayan natin ngayon totoo nga ba ito? Mula sa mga kaganapan at sakuna na kinakaharap ng sangkatauhan hindi mo maiiwasan na mag-isip na ito na nga ba ang panahon para magbago ang lahat.  Matagal ng umiiyak ang mundo sa unti-unti nitong pagkawasak dulot ng mga maling ginagawa ng sangkatauhan. At ngayon sa pagkalat ng sakit (COVID19), nagsimula ng makidigma ang kalikasan laban sa sangkatauhan.  Isang digmaan na hindi nangangailan ng baril, bomba o tangke upang mapuksa. Kundi ang armas ng kalinisan, pakikiisa, mabuti at tunay pakikipagkapwa-tao, tulungan at pag-ibig.  Baka nga ang taong ito ay isang malaking reset button para sa lahat.

Sa kabila ng takot o pangamba at kamatayan na dulot ng sakit na ito, maraming magandang bagay o epekto ang namulat para sa lahat, sa buong mundo lalong lalo na sa mga Pilipino. Ilan sa mga ito:

  1. Nakahinga ang mundo sa lumalang pulusyon. - Dahil sa pag-issue ng lockdown at pagsasara ng mga ibat-ibang establisyemento, pagtigil ng transportasyon, pagsasara ng mga planta sa iba't ibang panig ng mundo, bahagyang naibsan natin ang pagkasira ng ozone layer, nakatulong sa ating Greenhouse gas at nakabawas sa patuloy na pag-init ng mundo dahil sa labis na paggamit natin ng enerhiya. At sa nalalapit na Earth Hour (https://www.earthhour.org/take-part), sana makiisa ang lahat.
  2. Naging health at hygiene conscious ang mga tao. Simple lang naman ang paraan para makaiwas o hindi ka mamatay sa sakit na ito (COVID19), maging malinis at maging malusog.  Tamang eherisisyo, pagkain ng prutas at gulay, maging malinis sa paligid. At syempre umiwas sa mga toxic na tao, literally (COVID19 virus carrier) and emotionally (negative people).
  3. Nawala ang traffic.  Yes, you heard me right. Wala ng traffic sa Metro Manila. Ilang paraan na din ang ginawa para mawala ng traffic sa Metro Manila. Na tila ba nasagot na kahilingan ng MMDA.  Nawala na ang mga traffic violators, pasaway na driver, pasaway na mga pasahero at pasaway na mga pedestrian.
  4. Nabawasan ang krimen at prostitusyon. Natutong mag-holiday ang mga kriminal. Takot din pala sa salot (COVID19) ang mga salot ng lipunan. Yung mga adik kaya, nag-holiday din ba? O baka naman laging high sa mga bahay nila?
  5. Nabawasan bahagya ang katigasan ng ulo ng mga Pilipino. Oo kahit papano medyo natino naman ang ilan, ngunit sabi ko nga, likas talaga sa Pinoy ang katigasan ng ulo. Wala eh, pinoy tayo. Isipin nyo na lang, na halos ng solusyon sa problema ginawa naman ng gobyerno, pero wala din yan, walang epekto ang sabi ng toxic na Pilipino. Iniisip na mali ang paraan ng solusyon, sila ang tama, sila na nagmarunong. Na kesyo hindi naman daw nga sila namatay sa COVID19, namatay naman daw sila sa gutom. E di kayo na pumili, kumain at magtrabaho ka ngayon ng isang buwan at mabura ang iyong angkan sa kasaysayan dahil sa katigasan ng ulo mo. At ang malala, may nag-rally pa, dyosmiyo marimar. Break naman please. Pero hindi kaya na tama sila, hindi kaya tayo talaga ang problema? Ang Pilipino mismo ang problema. https://supergulaman.blogspot.com/2019/03/solusyon-na-tatapos-sa-problema-ng.html
  6. Oras at panahon para sa pamilya. Sa mga bread winner, madalas stress ang mga yan sa walang humpay na pagtratrabaho para lang sa pamilya at madalas wala ng panahon para kamustahin at makipag-bonding sa anak, kapatid, asawa o magulang. Dahil sa lockdown, ang oras ay huminto, nabawasan o di man nawala ang stress ng trabaho at muli napalapit sa pamilya. Marami sa manggagawang pinoy na tila ba nabunutan ng tinik at nakapagpahinga sa walang humpay na trabaho. Bawas ang kita pero ayos lang, kasama mo naman ang pamilya.
  7. Naging madasalin ang tao.  Dahil sa takot at pangamba sa kalusugan, marapat lamang na humingi ng tulong sa ITAAS na kahit kailan ay hindi ka NIYA pababayan. 
  8. Naging mas mahalaga ang kalusugan kaysa pera.  Dahil sa pangamba at takot sa COVID19, maraming trabaho o negosyo ang isinantabi muna kaysa sa kikitaing pera kapalit ng kalitasan laban sa COVID19.  Pero hindi naman talaga maiiwasan lalo na ng masang hikahos sa buhay, na pera ang mas mahalaga kaysa kalusugan. Katwiran nila, "dati na kaming salat para maayos na kalusugan, ngayon pa ba? Hindi mabibigyan ng laman ang aming mga sikmura sa takot sa COVID19". Sana maintindihan nila at mabago ang kultura at paniniwalang baluktot na ito na kahit kaunti ay magtiwala sa kinuukulan na sila ay matutulungan.  At sana din, sa mga kinauukulan, ngayon nila patunayan na hindi nila pababayaan ang masang nasa kahirapan. At sana din sa mga Pilipinong buktot ang isipan at gawi na syang umaabuso sa sitwasyon ngayon (overpricing, hoarding of essential items to fight COVID19), magsitino kayo. Alam nyo naman ang karma parang virus yan, malakas ang tama.   
  9. Nabawasan ang palulustay ng pera sa mga walang katuturang bagay. At sa kadahilang hindi natin alam kung saan patungo tayo ngayon, marami ang nag-iisip na isantabi muna ang luho bagkos ay unahin ang mga bagay na talagang kailangan lang para mabuhay.
  10. Nawala ang pulubi at namamalimos sa kalsada. Dahil sa lockdown sa Pinas, paunti-unti sinasagip ng LGUs ang mga pulubi sa kalsada dahil sa banta ng COVID19. Sana i-rehabilitate na sila ng tuluyan para hindi na sila muling bumalik sa lansangan.
  11. Nabuhay ng bahagya ang makikipagkapwa-tao at nabawasan ang pagiging makasarili ng ilan. Sana totoo ito sa Pinas, na hindi na sarili o pamilya lamang ang iniintindi kundi ang lahat ng posibleng maapektuhan ng mga bagay ng ating ginawa.  Matuto na tayong makiisa at kahit paunti-unti o maliit man, may nagawa tayong paraan laban sa virus na ito.

Sa mga sinabi ko sa itaas, alam ko gets nyo ako. Stay safe, do social distance, be kind, love each other, listen to government, be patient and kind and don't forget to wash your hands always. 

- And after all of this reset, soon the sleeping giant will rise and dominate the world, hopefully for better. -SuperG


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu...

..regalo...

Paalala: ooooppssss...bago po tayo magbasa, paki-play muna ang youtube video sa gilid, para may background tayong musika... ...kanina pa ako nakaharap sa monitor ng computer ko...nag-iisip kung ano ang maaari kong maibahagi sa inyo...gusto kong sanang ikwento ang pakikipaglaban ng mga espesyal na numero na nasa utak ko, ito ang mga numerong itinago sa kaaramihan ng tao, mga numerong pinalayas sa mundo at siniksik sa maliliit na espasyo...ngunit tila ba hindi ito angkop sa panahon na ngayon, hindi matalo ng utak ang bugso ng damdamin ko...tila ba umaayon ito sa araw ng mga puso...hindi ko alam baka sa ibang araw ko na lang sila maipagsigawan...ang sabi ng puso ko...ito ang i-blog mo... ang themesong nang buhay mo...ha? themesong...wala ako nun...kahit kami ni Grasya walang themesong eh... hindi ito bola...hindi stir...limang taon na kami pero themesong wala kami...mahilig ako sa musika...rnb, pop, love songs, blue songs, alternative, rap, rock, emo, country songs, noise ...o kahit ano.....

Bawal Basahin ang Nakasulat Dito

"Bugtong-bugtong. Hindi tao, hindi hayop, wala ka nito, wala din ako, wala ang bawat Pilipino, ano ito?" Sagot: Disiplina Ano nga ba ang disiplina? O mas maganda tanungin natin ang mga Pilipino.  Pero kahit anong hagilap nito, hindi ito makikita dahil wala ito sa bokabularyo ng Pilipino.  Aminin man natin o hindi, isa tayo sa madaming lahi sa buong mundo na wala nito. Kung sa ranking na 1-10 at 10 ang pinakamataas, malamang sa malamang ay 10.5 tayo sa kawalan ng disiplina.  Hindi ko naman sinasabi na lahat ng Pilipino ay ganito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi.  Maraming problema sa Pilipinas tulad ng basura sa estero, ilog at dagat, traffic sa lansanggan, mga taong walang trabaho, mabagal na proseso sa mga opisina pampubliko man o pribado, droga, korapsyon, prostitusyon, tsimosa sa kalye o social media, teenage pregnancy, squatter sa mga kalunsuran, sugal, babaero na hindi naman gwapo, mga siga sa kalye, rapist, lasenggero, holdaper, ...