Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Philippines National Election 2022

Last post bago ko isara ang blog na ito. At magbilang na din tayo ng sisiw habang hindi pa napipisa ang itlog. Mainit pa sa fire ang huntahan ukol sa eleksyon sa Pinas. Naglalagablab ang bawat isa sa mga opinyon kung sino nga ba ang mananalo sa pagka-pangulo. Real talk, tapos na ang laban, nanalo na si Bongbong Marcos Jr. o BBM sa karerang ito. Maliban na lang kung sya madadaya, madidisqualify o mamamatay. Yes. At base yan sa science at statistics. Hindi yan base sa kahit anong grand rally, google trends at mga fake news na gustong manipulahin ang desisyon ng mga mamamayan. Sa mga pink dyan o dilaw, masakit ang katotohanan na hindi nyo na kayang #ipanalonana10ito. Sa serye ng eleksyon na ito totoong maraming mayayamang angkan o negosyante ang sumusuporta kay Leni tulad ng Lopez at iba pang mga dayuhan partikular sa Amerika at isama na din natin ang mga makakaliwang grupo at organisasyon. Alam nyo na yun! Ang daming funds, balato naman. Pero wala, talo pa din at huli na ang lahat.  ...
Mga kamakailang post

Kape ba?

Para saan ka bumabangon o natutulog? Hindi ko lang talaga alam kung masarap ba itong isabay sa pandesal. :) Credit: Image from carousell.ph No copyright infringement intended.

Tablahan Halalan 2022

At yun na nga, November 13 2021, nagfile na ang COC si Mayor Sara Duterte para sa pagtakbo bilang bise-presidente.  Solve na sana ang lahat dahil BBM-Sara 2022 na. Pero bakit biglang nag-iba ang ihip ng hangin? At biglang gusto na ni PRRD na tumakbo ulet para sa National position pero lagi nyang bukang bibig na hindi na sya tatakbo dati. Ang siste at kwento ng mga maritess, may nagmamaniubra kay PRRD partikular sa PDP at kanyang gabinete at tinutulak nila ito na tumakbo bilang bise-presidente. Kaya nga weird na kakalabanin niya mismo ang anak nya sa pagka-bise. Ang sabi naman ng iba taktika lang daw yun.  Ok. Theory tayo.  Alam natin na malapit si Bong Go sa Pangulo. Pakiramdam ko nga mas close pa ito kumpara sa mga anak nyang si Sara at Baste. At hindi naman lingid sa lahat na may political ambition si Go base na din sa gabay ni PRRD. Tumakbo si Go bilang bise-presidente dahil ang akala nya at ni PRRD na hindi na tatakbo si Sara at mananatili na lang ang huli na maging M...

Yolo daw.

You only live once???

Kopya pa more

A pen is mightier that the sword.

STAY AT HOME

Image is for presentation only No Copyright Infringement Intended Image Source:  https://www.mymcmedia.org Noong wala pa ang COVID-19, maraming problema ang Pilipinas. Ilan sa mga ito ang traffic, krimen, price hike (oil, water, electricity, etc), at syempre ang mga Pilipino.  Yes, tama po, ang mga Pilipino po ang isa sa pinakamalaking problema ng bansa ( Proof. ).  Sa katunayan, noong simulang dumating ang COVID-19 sa bansa, halos lahat ng problema ay nasolusuyan (traffic, krimen, price hike (oil, water, electricity, etc),  maliban na lang sa mga Pilipino na ang katigasan ng ulo ay walang katulad sa buong universe. Kaya hindi maikakaaila na ang lahat ay humihingi ng pagbabago. Hindi ito madali. Inuulit ko, hindi ito madali. Kaya mo ba itong simulan sa iyong sarili? Kung gaano ito kahirap na hingin sa iba ay mas lalong mahirap itong gawin para sa ating sarili.  Lalo na kung nakasanayan na natin ang paggawa ng mali. |At kinukunsinti ito ng kulturang...

Year of the Metal Rat at COVID-19

Year 2020 a.k.a Year of the Metal Rat Image is for presentation only No Copyright Infringement Intended Image Source: https://ucnj.org/coronavirus-update/ Madaming tao ang nabulaga (nagulat) sa pagpasok ng taong ito 2020.  Kaliwa't kanan ang mga sakuna at kaganapan ang naranasan hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Hindi lang ang karanasan ukol sa hiwalayang Nadine Lustre at James Reid, may mga mas malalim pa. Nariyan ang pagputok ng bulkan Taal sa Pilipinas, bushfire sa Australia, baha at ulan sa Middle East at Indonesia, lindol sa Turkey at Caribbean, pagkamatay ni Kobe Brant at anak nya, riot sa India, pag-atake ng mga balang sa Africa, tensyon sa pagitan ng IRAN at America at ang pinakamatindi sa lahat ang banta ng Novel Corona Virus (COVID19) sa sangkantauhan. December 31, 2019; 6:45pm nasa bus ako mula Abu Dhabi patungong Dubai. May dalawang pinoy akong nakasabay. Naupo sila sa aking unahan habang napapalitan ng komento ukol sa Year of the Metal ...