Lumaktaw sa pangunahing content

STAY AT HOME

Image is for presentation only
No Copyright Infringement Intended
Noong wala pa ang COVID-19, maraming problema ang Pilipinas. Ilan sa mga ito ang traffic, krimen, price hike (oil, water, electricity, etc), at syempre ang mga Pilipino.  Yes, tama po, ang mga Pilipino po ang isa sa pinakamalaking problema ng bansa (Proof.).  Sa katunayan, noong simulang dumating ang COVID-19 sa bansa, halos lahat ng problema ay nasolusuyan (traffic, krimen, price hike (oil, water, electricity, etc),  maliban na lang sa mga Pilipino na ang katigasan ng ulo ay walang katulad sa buong universe.

Kaya hindi maikakaaila na ang lahat ay humihingi ng pagbabago. Hindi ito madali. Inuulit ko, hindi ito madali. Kaya mo ba itong simulan sa iyong sarili? Kung gaano ito kahirap na hingin sa iba ay mas lalong mahirap itong gawin para sa ating sarili.  Lalo na kung nakasanayan na natin ang paggawa ng mali. |At kinukunsinti ito ng kulturang sinusunod ng karamihan. Kultura na ang Pilipino ang kawalang ng disiplina, katigasan ng ulo o pagiging pasaway. Hindi ako manghihingi ng paumanhin sa iyo, ito ang totoo.  Hindi ko nga lang alam kung paano tayo naging ganito. Dahil ba sa ganito tayo pinalaki ng ating magulang? Siguro. At alam ko din, matapos mong basahin ang mga ito, parang wala lang, yung tipong pinagalitan ng magulang pero walang pakialam, hindi na tinatablan ng hiya at kakapalan ng mukha sa tigas ng ulo. Sana tablan ka at sana mali ako. 

At sa kabila ng kinakaharap natin na COVID-19, nanatiling katigasan pa din ng ulo ng mga Pilipino ang problema. Sa katunayan, hindi lang tulad ng dati na nasa kanto lang ang mga pasaway, pero ngayon kahit mga edukado sila ang mga numero uno sa katigasan ng ulo. Digital na din ang kayabangan at pagiging oportunista, ayaw na ng mga tao ang nahihirapan at lahat sila ang matatalino at tama na tila ba spoiled brats na walang galang, bastos at makasarili.  Ganito na nga yata sa Pilipinas hindi na katulad dati na maski papaano ay makakadama ka ng konting hinanakit ng tao at pakikipagkumbaba para sa bayan.

Ang mga opotunistang polpolitiko ay ginagamit ang sitwasyon para maiangat ang posisyon. Ang mga maliliit ay nagpapagamit kapalit ng kapiranggot na tulong at sinusuway ang utos ng gobyerno na manatili sa bahay. Kaya ang resulta. Delubyo.  Delubyo sa gitna ng delubyo.  Nanawagan na suwayin ang utos ng gobyerno at gawing dahilan ang kumakalam na sikmura. Ang sabi nila, "hindi nga kami mamatay sa COVID-19, mamatay kami sa gutom".  Totoo man o hindi, kahit ngayon lang marapat lamang na sumunod tayo sa utos.  Kahit kayo, may nabalitaan na ba kayong namatay na kapitbahay nyo sa gutom? Wala hindi ba, dahil ang totoo hindi kayo nagugutom, sadya lang matigas ang ating ulo, kaya ganito, kaya ganyan, kaya puro dahilan. May pang-facebook ka nga, internet at cellphone tapos kung magwala ka sa kalsada kala mo nagugutuman ka talaga. Don't me!.

Kaya sa mga sandaling ito, sana pakiusap. Makinig po tayo. Please stay at home.

Maraming ng namatay, totoo na yan at alam kong alam nyo yan.

Tandaan mo, hindi lang ikaw ang posibleng mamatay dahil sa katigasan ng ulo mo. Buong pamilya mo, anak mo o maging magulang mo.

Matakot ka para sa kanila, para sa kinabukasan nila.  Makiisa, tumulong para sa bansa.
.
Stay at home.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu...

..regalo...

Paalala: ooooppssss...bago po tayo magbasa, paki-play muna ang youtube video sa gilid, para may background tayong musika... ...kanina pa ako nakaharap sa monitor ng computer ko...nag-iisip kung ano ang maaari kong maibahagi sa inyo...gusto kong sanang ikwento ang pakikipaglaban ng mga espesyal na numero na nasa utak ko, ito ang mga numerong itinago sa kaaramihan ng tao, mga numerong pinalayas sa mundo at siniksik sa maliliit na espasyo...ngunit tila ba hindi ito angkop sa panahon na ngayon, hindi matalo ng utak ang bugso ng damdamin ko...tila ba umaayon ito sa araw ng mga puso...hindi ko alam baka sa ibang araw ko na lang sila maipagsigawan...ang sabi ng puso ko...ito ang i-blog mo... ang themesong nang buhay mo...ha? themesong...wala ako nun...kahit kami ni Grasya walang themesong eh... hindi ito bola...hindi stir...limang taon na kami pero themesong wala kami...mahilig ako sa musika...rnb, pop, love songs, blue songs, alternative, rap, rock, emo, country songs, noise ...o kahit ano.....

Bawal Basahin ang Nakasulat Dito

"Bugtong-bugtong. Hindi tao, hindi hayop, wala ka nito, wala din ako, wala ang bawat Pilipino, ano ito?" Sagot: Disiplina Ano nga ba ang disiplina? O mas maganda tanungin natin ang mga Pilipino.  Pero kahit anong hagilap nito, hindi ito makikita dahil wala ito sa bokabularyo ng Pilipino.  Aminin man natin o hindi, isa tayo sa madaming lahi sa buong mundo na wala nito. Kung sa ranking na 1-10 at 10 ang pinakamataas, malamang sa malamang ay 10.5 tayo sa kawalan ng disiplina.  Hindi ko naman sinasabi na lahat ng Pilipino ay ganito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi.  Maraming problema sa Pilipinas tulad ng basura sa estero, ilog at dagat, traffic sa lansanggan, mga taong walang trabaho, mabagal na proseso sa mga opisina pampubliko man o pribado, droga, korapsyon, prostitusyon, tsimosa sa kalye o social media, teenage pregnancy, squatter sa mga kalunsuran, sugal, babaero na hindi naman gwapo, mga siga sa kalye, rapist, lasenggero, holdaper, ...