Lumaktaw sa pangunahing content

Tablahan Halalan 2022

At yun na nga, November 13 2021, nagfile na ang COC si Mayor Sara Duterte para sa pagtakbo bilang bise-presidente. 


Solve na sana ang lahat dahil BBM-Sara 2022 na. Pero bakit biglang nag-iba ang ihip ng hangin? At biglang gusto na ni PRRD na tumakbo ulet para sa National position pero lagi nyang bukang bibig na hindi na sya tatakbo dati. Ang siste at kwento ng mga maritess, may nagmamaniubra kay PRRD partikular sa PDP at kanyang gabinete at tinutulak nila ito na tumakbo bilang bise-presidente. Kaya nga weird na kakalabanin niya mismo ang anak nya sa pagka-bise. Ang sabi naman ng iba taktika lang daw yun. 

Ok. Theory tayo. 

Alam natin na malapit si Bong Go sa Pangulo. Pakiramdam ko nga mas close pa ito kumpara sa mga anak nyang si Sara at Baste. At hindi naman lingid sa lahat na may political ambition si Go base na din sa gabay ni PRRD. Tumakbo si Go bilang bise-presidente dahil ang akala nya at ni PRRD na hindi na tatakbo si Sara at mananatili na lang ang huli na maging Mayor ng Davao. Ngunit sa pag-uusap nila Sara at Bongbong Marcos at pinag-isipan din naman itong mabuti ni Mayor Sara, napagdesisyunan nya na tumakbo na bilang bise presidente. Ayaw ito ni PRRD. Bakit? Dahil kung sakali man dapat ay tumakbo si Sara bilang Presidente at si Go ang bise under PDP. Pero ayaw ni Sara ang PDP noon pa man. 

Eh anong nangyari? Dahil tumakbo na bilang bise-presidente si Sara para sa Lakas, inatras na din ni Bong Go ang pagtakbo sa parehong posisyon. At ito ang hindi nagustuhan ni PRRD at inisip na namanipula sila ng Marcos which is technically ay hindi naman dahil mismong si Sara ang nagbigay ng go signal kay Bongbong na tumakbo bilang Presidente. So bilang bawi nila PRRD, inilabas na lahat ang baraha, pinatakbo nya si Bong Go bilang presidente at sya daw, si PRRD bilang bise. Malalaman natin yan bukas November 15 kung matutuloy. 

Happy na ang mama nyong Yonko (si Big Mom Charlotte Linlin na color pink kasama si Napoleon, Prometheus at Zeus) sa mga nangyayari dahil may chance na sila na makalusot dahil sa gusot na ito. Matakot kayo dyan dahil kukunin nyan ang mga kaluluwa nyo. 

Pero alam nyo ba kung bakit ayaw ni Sara sa PDP-Laban? Baka hindi lang dahil sa founder nila (PDP) kundi dahil na din sa mga ibang tao dito na doble-kara matupad lang ang ambisyon politikal. Hindi ko lang alam kung si PRRD ang pumilit na tumakbo si Bong Go bilang Presidente or baka naman other way around. Hindi natin alam. Pero sana lang, for Bong Go, out of delikadesa at umatras na nga din siya bilang bise. Umatras na lang din sya ng tuluyan para hindi na magkabanggaan ang magkapamilya. Ang sabi nga ng pangulo, may prinsipyo sya. Kaya pag sinabi nyang susuportahan ka nya, susuportahan ka nya all the way. Pero sana lang onting konsensya naman. Para sa bayan. 

Sana taktika lang yan at mali ang theory ko. Pakialamero lang. 

#Halalan2022 
#SaraDuterte
#Bise 
 #BongGo 
 #PRRD 
 #Tablahan


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu...

..regalo...

Paalala: ooooppssss...bago po tayo magbasa, paki-play muna ang youtube video sa gilid, para may background tayong musika... ...kanina pa ako nakaharap sa monitor ng computer ko...nag-iisip kung ano ang maaari kong maibahagi sa inyo...gusto kong sanang ikwento ang pakikipaglaban ng mga espesyal na numero na nasa utak ko, ito ang mga numerong itinago sa kaaramihan ng tao, mga numerong pinalayas sa mundo at siniksik sa maliliit na espasyo...ngunit tila ba hindi ito angkop sa panahon na ngayon, hindi matalo ng utak ang bugso ng damdamin ko...tila ba umaayon ito sa araw ng mga puso...hindi ko alam baka sa ibang araw ko na lang sila maipagsigawan...ang sabi ng puso ko...ito ang i-blog mo... ang themesong nang buhay mo...ha? themesong...wala ako nun...kahit kami ni Grasya walang themesong eh... hindi ito bola...hindi stir...limang taon na kami pero themesong wala kami...mahilig ako sa musika...rnb, pop, love songs, blue songs, alternative, rap, rock, emo, country songs, noise ...o kahit ano.....

Bawal Basahin ang Nakasulat Dito

"Bugtong-bugtong. Hindi tao, hindi hayop, wala ka nito, wala din ako, wala ang bawat Pilipino, ano ito?" Sagot: Disiplina Ano nga ba ang disiplina? O mas maganda tanungin natin ang mga Pilipino.  Pero kahit anong hagilap nito, hindi ito makikita dahil wala ito sa bokabularyo ng Pilipino.  Aminin man natin o hindi, isa tayo sa madaming lahi sa buong mundo na wala nito. Kung sa ranking na 1-10 at 10 ang pinakamataas, malamang sa malamang ay 10.5 tayo sa kawalan ng disiplina.  Hindi ko naman sinasabi na lahat ng Pilipino ay ganito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi.  Maraming problema sa Pilipinas tulad ng basura sa estero, ilog at dagat, traffic sa lansanggan, mga taong walang trabaho, mabagal na proseso sa mga opisina pampubliko man o pribado, droga, korapsyon, prostitusyon, tsimosa sa kalye o social media, teenage pregnancy, squatter sa mga kalunsuran, sugal, babaero na hindi naman gwapo, mga siga sa kalye, rapist, lasenggero, holdaper, ...