Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Hulyo, 2012

HyperPanda Babies and others

Natapos na naman ang magdamag.  Hindi ko naman masasabi na naging mahimbing ang aking pagtulog dahil sa mga hinayupak na surot na ito. Nakagigigil, masarap tirisin at makitang sumirit ang dugong sinipsip nila mula sa akin. Kung hindi lang ako inaantok ay malamang na kumuha ako ng karayom at isa isa ko silang pagtutusukin hanggang sa magbulwakan ang kanilang lamang loob. Kung pwede lang siguro akong kasuhan ng murder ng mga surot na ito, malamang sa malamang na mahaba na ang aking sistensya sa dami ng napatay ko sa kanila. Siguro kung may magtatanong sa akin kung ano ang pinakaayaw ko sa Dubai bukod sa mga amoy kilikili, una na don ang mga surot. Oh sige ranking muna ng 10 Things that I hate in Dubai.  Teka hindi lang things, kasi pati hayop kinaiinisan ko.  Oo! Hayop! Hayop sa baho.  Ok eto na: 1. Surot 2. Mga amoy baktol 3. Mainit. 4. Sand Storm 5. Mayabang na gwardya na astang manager. 6. Curry, Masala (Amoy pa lang ayaw ko na, kainin pa kaya?) 7. Over-priced Fili...

Para!

Writer's block. Black and blank.  Yan ang pakiramdam ko ngayon. Hindi na ako makapagkwento ng buong sigasig tulad ng dati.  Na tila ba lahat ng kakulitan, yabang at angas sa pagsusulat ay lumipas na. Pero siguro nga, lumipas na.... Ang hirap...tatlong oras na ang lumipas ng simulan ko ang talata na nasa itaas at sa hanggang sa sumandaling ito, hinahanap ko pa din ang tema at patutunguhan ng sulating ito at may pangamba na muli ay mahulog sa draft at hindi na mai- publish .  Sige lang, hanggang may gana... tipa..tipa... sa laptop na animo'y kalan dahil sa init na binubuga. Tulala...Titig sa webcam window ...pinagmamasdan ang pagkisig at galaw ni BabyG mula sa kanyang higaan.  Umiyak si BabyG . Saklolo naman ang kanyang lola dala ang inuming gatas.  Pambihira ang gatas na ito. Bukod sa kaya nitong patahanin ang palahaw ni BabyG . Para itong alak na nakakalasing at pagkatapos ng pagdighay ay tulog na naman ang batang makulit. Nakakatuwa... Nakakamiss... Totoo i...