Lumaktaw sa pangunahing content

HyperPanda Babies and others

Natapos na naman ang magdamag.  Hindi ko naman masasabi na naging mahimbing ang aking pagtulog dahil sa mga hinayupak na surot na ito. Nakagigigil, masarap tirisin at makitang sumirit ang dugong sinipsip nila mula sa akin. Kung hindi lang ako inaantok ay malamang na kumuha ako ng karayom at isa isa ko silang pagtutusukin hanggang sa magbulwakan ang kanilang lamang loob. Kung pwede lang siguro akong kasuhan ng murder ng mga surot na ito, malamang sa malamang na mahaba na ang aking sistensya sa dami ng napatay ko sa kanila. Siguro kung may magtatanong sa akin kung ano ang pinakaayaw ko sa Dubai bukod sa mga amoy kilikili, una na don ang mga surot. Oh sige ranking muna ng 10 Things that I hate in Dubai.  Teka hindi lang things, kasi pati hayop kinaiinisan ko.  Oo! Hayop! Hayop sa baho.  Ok eto na:

1. Surot
2. Mga amoy baktol
3. Mainit.
4. Sand Storm
5. Mayabang na gwardya na astang manager.
6. Curry, Masala (Amoy pa lang ayaw ko na, kainin pa kaya?)
7. Over-priced Filipino Goods. (5 pirasong tuyo = 9 AED or 99 PHP??? Come on?!)
8. Non-sense policies (tulad ng bawal mag-sipilyo sa public toilet! pero maghugas ng paa sa lababo pwede.)
9. Tanong na walang kwenta. (Do you have wireless cable??? HUWAAAT?!! Hindi ko alam sa Year 3001 baka meron na nun.)
10. Mga Pilipinong umaastang hindi Pilipino sa isip, salita at gawa. (Subukan nyo lang umuwi sa Pinas, ihahagis ko kayong lahat sa Pacific Ocean.)

Pero bukod sa mga yan marami din naman akong dapat ikatuwa sa pagpunta ko dito. Bukod sa kasama ko si WonderG, meron din akong mga SuperFriends. As in friendS kasi medyo dumadami na sila dahil sa paglipat-lipat ko ng outlet.  Well, nasaan na ba ako ngayon? Sa HyperPanda DFC.  Kung alam mo yun, aba bisitahin nyo naman si SuperGulaman at makipagbaliktaktakan parang "The Buz"...ahahaha!. Balik tayo sa aking mga SuperFriends sa office automation ng Hyperpanda.  Ang sabi ko noon una ipakikilala ko sila sa inyo.  Mapangahas kong binalak na i-post ang mga larawan nila isa-isa dito pero wag na lang baka matunton sila ng kanilang pinagkakautangan (Pero ang totoo nyan wala akong mga pictures nila, hindi pa kami lahat friends sa FB..add nyo na kasi ako bhoyet31@yahoo.com). So ganito na lang, pakikilala ko sila batay sa pagkakaalam ko, yung hindi ko alam problema nyo lng muna yun ok? O sige eto na! Oppsss.. office automation lang muna ha? yung mga taga-ibang department tsaka na muna.

1. Chad. Richard ang real name, pwede ding tawagin chaddy. Promoter ng BENQ na inuto ng kanyang amo na magbakasyon sa Taiwan ng 3 taon este 3 araw.  Ang siste, abunohan daw nya muna ang visa nya, ayun nakabalik na sya hindi pa din bayad.  Pero naniniwala pa din sya na babayaran sya ng kanyang amo.  Hindi yata "tiwala" ang kailangan "Pananalig" dapat.  Ahahaha. Sabi nya maganda daw ang BENQ camera, naniniwala naman ako, hindi nga?

2. Vanessa. Lab team ni King. Promoter ng Touchmate. Sabi nya, No. 1 company ang Touchmate sabay turo sa Tagline ng company (Professinol Range of Desktops and Notebooks).  Oo, as in PROFESSINOL!  Kasalukuyan syang naglalaro ng NBA2K12.

3. Errol a.k.a. King. Lab team ni Vanessa.  Hindi daw sya babaero, nagkataon lang na maraming nahuhumaling sa alindog nya. Note: Lab team nya lng si Vanessa hindi jowa.  Kung jowa naman, no comment ako dyan or pwede ding sabihin na m2m...many to mention??.

4. MJ. Promoter ng Nikon at Fujifilm. Ang sabi nya tumataba na daw sya, pero hindi naman talaga, lumalaki lang tyan (Peace!).  Lagi silang busog ni Vanessa. Bawat alis nila  sa selling area at baba sa canteen, asahan mo ang kanilang malaking ngiti at tyan sa pagbalik. Ahehehe.

5. Kuya Sherwin. Bago pa man kami nakaka-bonding nito. Malupit na taga-benta ito ng JVC at landline phones. Bukod dun, ang sabi sa chismis, magaling daw ito mag-alaga lalo na pagdating sa pag-ibig. Mmmmm...no comment muna. Kasalukuyan silang naglalambingan ni Huwawi!.. ^_^

6. Kuya Allan. Ang sabi nila peborit daw nya ang munggo at hindi daw totoo ag highblood. Ahahaha.  Pero kung makikita nyo lang sya hindi mo iisiping nasa 40 years old na sya.  Parang nasa 39 lang sya. Ahahaha.  Pero seryoso, mapagkakamalan mo syang nasa 30 lang.  Sa aking palagay, ang sikreto ay ang pagiging palaging masaya.  Maging masaya ka lang, gagaan ang takbo ng buhay at babata ka by face and by heart. 

7. Kuya Dennis. Para sa akin sya ang no. 1 salesman ng HyperPanda.  Ahahaha. Hindi yan pambobola, seryoso yan.  Kung pagdating sa trabaho, wala kang masasabi sa kanya. Bentahan ng item, handling of customer complaints, decision making and creation of good working environment, lahat yan pasok sa kanya. Pag may ni-request or pinaki-usap ka, ora mismo solve na.  Hindi katulad ng mga iba na animo'y Burgis kung umasta.  Mga burgis na astang magaling, maingay na parang lata pero walang laman.

8.  Kuya Arnie.  Natutuwa ako sa taong ito.  Makulit minsan, seryoso minsan. Pero ang gusto ko lang hiramin sa kanya ay yung nakakatuwang manicure set nya. Basta pahiram nyan minsan.  Ahahaha.

9.  Kuya Oliver.  Tawagin nating syang Mr. handling of customer complaints.  Kahit na anong galit ng customer, basta sya ang kinausap, sigurado lalamunin ng hiya ang galit nila.

10. Mumtaz. Promoter ng MSI.  Taga-Pakistan. May kakulitan at kapilyuhan din pero minsan seryoso naman. Masasabi kong hindi kami competitors.  Bigayan din kasi kami pagdating sa benta.  Hindi tulad ng iba, magkalahi nga kayo, pero pagdating sa bentahan susulutin pa. O kaya naman kausap mo na, nakiki-epal pa. Nakakainis kaya. Pero si Mumtaz iba, meron syang konsiderasyon at maayos na pakikisama.

So ayan na... sige na.  Hala bira! ^_^

Mukhang ganado na naman magblog ang poging bida....Woaahhh! ^_^


Mga Komento

  1. gusto ko ang sinabi mo sa number 10....sadyang may mga ganun na Pinoy...minsan pa nga pag umuwi ay lagi ng nakasapatos tapos Nike pa,hehe.....samantala noon ay tsinelas lang...

    TumugonBurahin
  2. @arvin
    ahehehe...oks lng nmn kung naka-nike..pinaghirapan nya un eh...ang masama dun eh yung mag-astang langaw na nakatuntong sa kalabaw...yung tipong kinain na ng kayabangan ang pananaw sa buhay...:)

    TumugonBurahin
  3. hmmm..curious ako kai Oliver, bakit lalamunin ng hiya? ipapahiya ba nya ung tao?

    hey. btw, thanks for dropping by at mine's :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Hindi sya ganun...opposite ang ginagawa nya...sa sobrang kalmado nya, nahihiya na ang customer magalit...for example, sumisigaw na yung customer, galit na galit..sya ganito lang...Sir, ano po ang reklamo, tapos lista nya...then pag-usapan ang problema, hanap ng solusyon, then action...:D

      Burahin
  4. di ata mawawala yung competition sa wark pero im glad na kasama mo tong sampung super friends mo para maging masaya ang work environment mo. at nahiwagaan lang ako kay mr. handling of customer complaint. =D

    TumugonBurahin
  5. Gwardyang umaastang manager? Marami din n'yan dito sa atin sa Pinas. Meron pa nga akong na-engkwentro na gwardya ng isang exclusive subdivision ng mga super-mayayaman na feeling na mayaman din siya. Ang sungit.

    TumugonBurahin
  6. hi super gulaman..

    Nakakatuwa k nman'srap bshin ng mga story mo..

    TumugonBurahin
  7. Reality lahat ito ah, natawa talga ako at nakarelate dun sa gwardyang umaastang manager. Hindi lang ata dyan meron nyan, sa pilipinas meron din nyan.

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu...

..regalo...

Paalala: ooooppssss...bago po tayo magbasa, paki-play muna ang youtube video sa gilid, para may background tayong musika... ...kanina pa ako nakaharap sa monitor ng computer ko...nag-iisip kung ano ang maaari kong maibahagi sa inyo...gusto kong sanang ikwento ang pakikipaglaban ng mga espesyal na numero na nasa utak ko, ito ang mga numerong itinago sa kaaramihan ng tao, mga numerong pinalayas sa mundo at siniksik sa maliliit na espasyo...ngunit tila ba hindi ito angkop sa panahon na ngayon, hindi matalo ng utak ang bugso ng damdamin ko...tila ba umaayon ito sa araw ng mga puso...hindi ko alam baka sa ibang araw ko na lang sila maipagsigawan...ang sabi ng puso ko...ito ang i-blog mo... ang themesong nang buhay mo...ha? themesong...wala ako nun...kahit kami ni Grasya walang themesong eh... hindi ito bola...hindi stir...limang taon na kami pero themesong wala kami...mahilig ako sa musika...rnb, pop, love songs, blue songs, alternative, rap, rock, emo, country songs, noise ...o kahit ano.....

Bawal Basahin ang Nakasulat Dito

"Bugtong-bugtong. Hindi tao, hindi hayop, wala ka nito, wala din ako, wala ang bawat Pilipino, ano ito?" Sagot: Disiplina Ano nga ba ang disiplina? O mas maganda tanungin natin ang mga Pilipino.  Pero kahit anong hagilap nito, hindi ito makikita dahil wala ito sa bokabularyo ng Pilipino.  Aminin man natin o hindi, isa tayo sa madaming lahi sa buong mundo na wala nito. Kung sa ranking na 1-10 at 10 ang pinakamataas, malamang sa malamang ay 10.5 tayo sa kawalan ng disiplina.  Hindi ko naman sinasabi na lahat ng Pilipino ay ganito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi.  Maraming problema sa Pilipinas tulad ng basura sa estero, ilog at dagat, traffic sa lansanggan, mga taong walang trabaho, mabagal na proseso sa mga opisina pampubliko man o pribado, droga, korapsyon, prostitusyon, tsimosa sa kalye o social media, teenage pregnancy, squatter sa mga kalunsuran, sugal, babaero na hindi naman gwapo, mga siga sa kalye, rapist, lasenggero, holdaper, ...