"Ihiwalay ang puti sa de-color" Natapos na naman ang buong linggo ko at sa wakas rest day ko na naman. Pero katulad naman ng dati wala namang bago. Bukod sa gwapo pa din naman ako (ehem!), wala naman kakaiba sa buhay ng isang OFW. Pero kung iisipin mo nga naman tayong mga Pilipino ay likas sa hilig sa pag-uuri (categorization) ng mga bagay-bagay. OFW...Overseas Filipino Worker sabi nila. May narinig na ba kayong OAW, Overseas American Worker? O kaya naman, OCW, Overseas Chinese Worker? Kahit mga taga-India, wala naman din daw silang OIW, Overseas Indian Worker. Tayo lang ang meron nyan. Onli in d Pilipins. Sige isipin mo din, sa propesyon na gusto mong tahakin may pag-uuri din tayo dyan at iyon ay ayon sa impluwensya ng pamilya. Halimbawa, ang mga Marcos, pamilya yan ng mga politician. Ang mga Aquino, pamilya yan ng mga politician din. Politician nga ba o artista?... Ah basta, poli-tista na lang ayon sa pag-uuri ni SuperG. Kung ang mga magulang mo ay t...
~Utak gulaman man kung ituring, Superhero naman ang dating!...Super Gulaman!~